|
Charee, kapalit ni Rich Asuncion |
Tuesday, April 24, 2007 |
From journal.com.ph April 23, 2007 03:43 PM Monday By: Nitz Miralles
Ngayong Lunes na ang simula ng taping ng Impostora at halos kumpleto na ang cast nito sa pangunguna nina Sunshine Dizon at Iza Calzado. Maganda ang role ni Mark Anthony Fernandez at siya ang kapareha ng una at si Alfred Vargas naman ang love interest ng huli.
Kasama rin sina Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Gary Estrada, Jean Garcia, Jennica Garcia, Mart Escudero, Chin-Chin Gutierrez at Ana Capri. Balik-GMA-7 sina Luis Alandy, Charee Pineda at Ana Roces at dati namang ABS-CBN talent si Jenny Miller.
Si Charee ang ipinalit kay Rich Asuncion at makaka-love triangle nina Mart at Jennica. Siguro naman wala na siyang kontrata sa ABS-CBN at wala na sa Let’s Go, kaya libreng nakabalik sa Siete. Si Victor Neri ay ‘di agad papasok ang character.
The same writers ng Bakekang sa pangunguna nina RJ Nuevas at Suzette Doctolero ang nasa likod nito at sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. |
posted by Tiborxia @ Tuesday, April 24, 2007 |
|
1 Comments: |
-
Ang dami-daming taga-starstruck na pwedeng pagpilian pero mas kinuha pa ng GMA ang galing ng ABS. =( Tsk...tsk...tsk...
|
|
<< Home |
|
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|
Ang dami-daming taga-starstruck na pwedeng pagpilian pero mas kinuha pa ng GMA ang galing ng ABS. =( Tsk...tsk...tsk...