Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

...can they be in-love?
Monday, July 23, 2007
Avada Kedavra!
And then he broke: He was nothing, nothing but pain and terror, and he must hide himself, not here in the rubble of the ruined house, where the child was trapped and sceaming, but far away…far away…
“No,” he moaned.
The snake rustled on the filthy cluttered floor, and he had killed the boy, and yet he was the boy….


Mudbloods! Ahahaha. Sorry, got carried away with Harry Potter and the Deathly Hallows! Thanks Karl for lending me the book! You are heaven-sent! =-)

I woke up around 1030AM yesterday -- dalawang gabi na akong walang tulog kasi pilit kong tinatapos ang binabasang libro. I have to return it to Karl! Pagkagising, balik ako sa pagbabasa ng libro not realising na marami na pala akong unread SMS messages. Una kong binasa ang text ni thirstytrooper (yes, I have a tendency to choose which message I will read first). Nagpanic ako sa message nya! May naisulat daw si Nitz Mirales tungkol sa dinner ni Mart at Jenica sa Next Door Restaurant! Buti naman at maganda yung naisulat. Wew!

Noong saturday, tinamad ako sa pagpunta sa set ng Boys Next Door for so many reasons! Una na ay dahil sa BF Homes sa Commonwealth na ang bagong bahay nina Atom, pangalawa ay matatapos ng 7PM ang take ni Atom -- usually dumadating ako ng set around 5-6PM, so sinabi ko na lang kay thirstytrooper na next week na lang. But I think Karl was able to visit the set. Ang tibay! =-)

Sunday walang SOP, wala rin akong saturday night out pero puyat parin dahil sa kababasa ng libro. Napag-usapan na namin nina thirsty at karl na pumunta sa SM Bacoor para sa Mall Show ng Impostora. I almost said "no" kasi tinamad na naman ako, but later on realized na nakapangako pala kami kay Jenica na pupunta. Original usapan naming magkikita eh at 2PM, dahil sa tinatamad ako nag-request ako kung pwedeng 3PM na lang... at late pa rin akO! Hehehe... Reyna talaga ako ng pagiging late sa mga lakaran, walang kupas! =-)

Di naman pala kalayuan ang SM Bacoor mula sa Taft Avenue. Pagdating namin ng Mall, naloka kami sa dami ng tao! Kaloka! Tingnan nyo ang pictures! I do not want to compare ngunit talagang mas marami ang taong nag-aabang sa Impostora Mall Show than sa Boys Nxt Door. 4:30 kami dumating kaya't naghanap muna ng photo studio para magpagawa ng kopya ng pictures na ipapamigay maya-maya.

Around 5:05PM dumating sina Mart at Jenica -- magkasama. Nauna ng dumating si Alfred Vargas (a few minutes after naming dumating). Around 30 minutes lang yung pagkakagawa ng kopya ng pictures, after nun dumirecho na kami sa backstage. Thanks, guard at nakilala mo ang aming mga brilyante! Ahehehe.

Pagpasok ng backstage, nakita agad kami ni Mart at Jenica kaya pumunta sa area na kami-kami lang. May binulong agad si Mart, tuwang-tuwa kasi magkasabay at magkatabi raw sila ni Jenica papunta dun sa Mall. Naloka ako sa not-so-usual na sigla ni Mot that day, gayun din si Jenica. Aba... Hmmmm... May napag-usapan kaya ang dalawa na di ko nalalaman? Anyway, after a while kumain muna si Jenica kasi nagugutom na raw. Walang arte, umupo sa hagdanan at nilamon ang manok na mula sa Kenny Rogers!

Habang kumakain si Jen, binigyan namin ng copy ng pictures ng JEMA ang staff ng Impostora! Para silang mga fans din na nag-aagawan at humihingi pa ng marami! Trooper, nakakatuwa sila, di ba?! More! More! Moreeeeeeeeeeee!!!

Nung mapagod na kami, umupo ang dalawa sa may hagdan.. ang sweet! Di pa man nag-uumpisa ang show basa na ang likod ni Mart ng pawis. Humingi ako ng bimpo sa Yaya ni Jenica at nang iabot ito sa akin, naloka ako kay Jenica... cya na daw ang magpupunas ng pawis ni Mart. Tuwang-tuwa naman ang Mokong nung nadinig! Hoy Mart, wag lumaki ang ulo!!!

Si Jenica ang unang isinalang. Dapat ay sasayaw sila ni Mart. But since walang back-up dancers na kasama sa show. Kumanta na lang ang dalawa -- separately! At first akala ko may ghost singer ang dalawa. Yun pala Live! Josko kinabahan ako.. Live yun! Liveeeee.. Liveeeeee...

That was the first time na maririnig kong kumanta si Jenica. Kinabahan ako nung sinabing Live kasi the night before pinagtatawanan namin kung ano ang gagawin ni Nicnic. Sarap batukan nung narinig ko ang boses! Meron naman palang ibubuga eh! And in all fairness... Marunong gumalaw sa stage... Marunong maki-connect sa audience.

Turn na ni Mart. Ayan. Parang gusto ko na lang himatayin bigla. Hinawakan ang mikropono at tumugtog ang kanta! Weeeeewwwww!!! Buti na lang at alternative rock ang kakantahin. Forte nya ang rock, at medyo ok cya sa pagkanta sa alternative rock kaya medyo carry na.

Nakakatuwa ang audience kasi nung pagtawag sa pangalan ni Mart biglang hiyawan ang mga tao! Ngumiti ako... At least ngayon alam kong siya talaga (at hindi ang kasama nya sa mall show) ang tinitilian. Solo act nya yun. Nung nag-perform na si mart, lumapit siya sa mga audience upang kamayan -- lalong naghiyawan! This was the time na pinamimigay din namin yung pictures ng loveteam nina Jenica at Mart.

Eto yung video ng performance ni Mart during the Mall Show:

Kung mapapansin nyo, hinila ni Mart si Jenica mula sa tabi ng stage. Magkasama kami ni Jenica nun at pinapanood si Mart. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ni Mart at hinila nya sa taas ng stage yung babae but that was really a good move! After ng kanta ni Mart sigawan ang mga tao ng KISS! KISS! Kisssss!!!! (Palalagpasin ba ito ni Mart? Xmpre hinde!)

Tsup!
Ayun! Technically, sa Mall Show sa SM Bacoor ang first kiss nina Jenica at Mart. Anu kaya feeling nun? Matanong nga si Jenica!

After ng number ng dalawa, sumunod naman si Alfred Vargas. Nagcomment kami backstage na talagang sanay na sanay na si Alfred sa mga mall shows. Effective yung pagko-connect nya with the audience. Naloka lang ako kay Karl kasi nung pagbigay ni Alfred ng pictures nya (from Hammerhead) eh naki-agaw din ito! Ang lande!

Sumunod si Sunshine Dizon na kumanta... in fairness, may boses si Bakekang! It was obvious though na hindi marunong kumanta si Mark Anthony Fernandez kaya pumasok siya sa 2nd half ng kanta ni Sunshine, which was in a way effective. Remember Nicholas-Vanessa. Yun nga lang, talagang hindi lumabas ang boses ni Mark Anthony. Ok na rin yun, gwapo naman! =-)

Unlike sa Mall Show ng BND na tumatagal pa ng at least 30 minutes sa backstage ang cast, yung Impostora eh tumagal lang ng 5 minutes at sibat na agad. Pero teka, papayag ba naman si thirstytooper na wala pic with Mark Anthony? Hinde no! Ang bait ni Mark! I Love Mart! (ble! kala nyo sasabihin kong I love Mark noh?) hehehe.

Naloka naman ako kay Karl kasi sa sandaling panahon sa backstage bago lumarga eh nakapag-moment pa with Alfred Vargas... Talk about kalandian. Akala ko ba ako ang pinakamalandi sa ating tatlo? Hehehe.

So that was it! Sa susunod na naman. Tatapusin ko lang ang last few chapters ng Harry Potter and the Deathly Hallows.
...
posted by Tiborxia @ Monday, July 23, 2007  
1 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA