Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

YAEL of Spongecola!
Friday, July 13, 2007
SINGIT LANG SPECIAL by thirstytrooper

At last! Nagkaroon din ako ng time para kay...YAEL YUZON. Actually, sinadya kong i-delay para mas mag-crave kayong mga humahanga sa lead vocalist ng famous band Spongecola. So eto na! Minsan lang ito kaya namnamin nyo na ang mga sandaling pagsilip at pakikinig kay Yael...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nagsimula ang pananabik ng lahat ng mapag-alaman namin sa pamamagitan ni Tivz na nasa SOP nga ang Spongecola. Siyempre pa, pahuhuli ba sa balita si Nina Butler (maganda at seksing Ate ni Mot)na die hard fan din ni Yael. Nagyaya agad ito na pumunta rin kami sa SOP. Hindi man kami dapat pupunta dahil gusto ni Tivz na manood ng BND. At ako naman ay may iba ring kompromiso, pero nanood na din kami... Basta kalandian talaga, hindi namin makontrol. Kahit nga mga brilyante namin, hindi makontrol ang kalandian namin.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Tivz ang nag-shoot ng karamihan sa mga pics na ito. Buti na lamang at nakasunod kami ni Karl at natagpuan namin ang kinalalagyan ni Pirena (Tivz) sa loob ng studio, kung hindi, sila lang ni Nina ang masuwerteng makaka-bonding sa mabilisang photoshoot ang magaling at ma-appeal na poging bokalista. Mabilisan pero hindi nasayang ang mga sandali dahil minaximize ito ni Tivz para makunan at mai-video pa habang kumakanta si Yael!Galing talaga ni Tivz. No wonder ang daming naiinggit sa kanya.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa kabila ng pagiging tahimik, hindi pagngiti at kabruskuhan ni Yael (na lalong nagpatindi ng pagkagusto namin sa kanya), ay mabait siyang nagbigay daan para makunan namin. At nakarami naman kami. Successsss!!! Hehe!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Siyanga pala, panay emphasize ko na "Ate" ni Mot si Nina Butler at baka isipin nyo na matanda na siya. She just turned 18 this year. Isang taon lang ang tanda niya kay Mot. At mahal na mahal ni Mot ang Ate niyang ito. At sa ganda niya, maraming nagtatanong kung bakit hindi rin siya mag-artista katulad ng kapatid niya. At hanga rin ako kay Nina. Pwede naman siyang mauna nang pumasok dahil kay Mot at kay Kuya Jimbo, pero hindi, minatamis nyang samahan kami at magdusa sa mainit na waiting room ng GMA visitor's entrance. Thanks Nina. We labyu!!!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

And of course, Yael, thank you din at napagpasensyahan mo ang kakulitan namin (especially ni Tivz) na walang ginawa kundi habulin ka at i-shoot ng camera. And what more can we say? Ang husay mo talaga! Isang hindi malilimutang experience ng pagbisita namin sa SOP ang makita at marinig kang mag-perform sa harap namin kahit sumandali.

And so here it is, iiwanan namin kayo ng isang video na kuha ni Tivz! For all you guys, here's Spongecola!




'til next SINGIT!
•••thirstytrooper
posted by thirstytrooper @ Friday, July 13, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA