|
the Basyang Controversy... |
Wednesday, June 13, 2007 |
Ang daming lumalabas na articles sa dyaryo ngaun, maging sa threads at sariling blog ni Aljur ay napag-usapan ang nangyari sa taping ng Lola Basyang. After the incident, naparinggan tuloy ang ibang Starstruck 4 graduates sa set ng Basyang who taped after Aljur's episode. I am not writing this to add injury to insult, but just to make things light to all. At para na rin kay Papa Aljur. =)
Mula kay Joe Barrameda, "Nakausap namin ang EP ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang na si Otep. Sa dami raw ng nagdaang Starstruck sa programa nila ay kay Aljur Abrenica lang sila nagkaproblema. Hindi raw nila sukat-akalain na magkakagayon ang bagets gayung love na love daw ito ng mga baklush sa set at sobra-sobra ang atensyon sa kanya. Ngayon pa lang kasi nararanasan ni Aljur ang mga sitwasyon at eksena sa mga taping. Pasasaan ba at masasanay rin siya sa takbo ng mga taping ng mga programa. Ang maganda ay inaayos para magkaintindihan ang magkabilang panig. Kaya namang ayusin iyan ni Rommel Gacho..."
Kay Dino Erece naman, "HOPEFULLY maayos ni Aljur Abrenica ang gulong nagawa niya sa Mga Kwento Ni Lola Basyang. Kakukuwento pa lang namin na ang Sunday story-telling show ng GMA ang nagbigay ng unang regular acting break sa lahat ng StarStruck IV, nakarating sa amin ang nangyaring sumbungan at sagutan sa pagitan ng staff ng show and Aljur and his tatay-tatayan sa StarStruck. Nagsumbong kasi si Aljur kay Rommel Gacho and Rommel called Otep Buncalan na nagpaliwanag naman ng tunay na nangyari sa set. We thought tapos na doon yun and we’re willing to not write about this na lang pero yesterday pala, may second meeting between the show staff again and this time with that sorry department in GMA. Hindi siguro alam ni Aljur na lalaki ng ganito ang gulo na ginawa niya. Bago pa lang si Aljur, nagsisimula pa lang ang career niya. Gusto niya kayang magkaroon ng image na sumbungero at reklamador? Maaga pa naman for Aljur to change his ways..."
Wew! According sa mga taong nakausap ko, part ng pagsusumbong ni Aljur was when he was called as Gay by the director, which later on realized as a misunderstanding. The director of the show allegedly said, "Ayusin NYO naman para matapos na tayo, para KAYONG mga bakla..." or something to that thought. Isa ito sa mga pinagmulan ng sumbungan.
Anyway, let's give Aljur a break. Baguhan pa lamang siya sa showbiz and he has a lot to learn. Charge it to experience. Aljur, bonding kayo parati nina Mart para magkapalitan kayo ng "Best Practices". After all, you have been saying in your interviews na best buddy mo si Mart. It wouldn't hurt. =)
Credits to Butler (iGMA thread moderator) for the pic. =) |
posted by Tiborxia @ Wednesday, June 13, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|