Inaabangan ng mga maka-Mart ang paglabas ni Mart Escudero sa teleseryeng "Impostora" bilang Yago. Mukhang matatagalan pa ito dahil ang ipinalabas ngayong nakaraang buong Linggo ay mga bata pa ang mga katauhang ginagampanan ng mga bidang si Iza Calzado at Sunshine Dizon.
Anyway, balik tayo kay Mart. Totoo bang ibi-build up ng GMA ang tambalang Mart at Jenica Garcia (byuting anak ni Jean Garcia na kasama rin sa "Impostora")? Si Jenica kasi ang ka-love team ni Mart sa nasabing teleserye at in fairness mukhang bagay na bagay sila. Paano na si Kris Bernal na nabalita namang makakapareha ni Marky Cielo sa "Shaider", na hanggang ngayon ay hindi pa nauumpisahan.
Kailan lamang ay naging kapareha naman ng Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica si Kris sa "Lola Basyang". Kaya mukhang mabibitin ang mga sumusubaybay ng loveteam ni Mart at Kris. Huli silang napanood sa "Maynila" kasama si Prince Stefan at Rich Asuncion. Pakonsuwelo lamang ang paparating na "Boy Next Door" on June 24, kung saan ka-love triangle naman ni Mart at Kris si Aljur.
Abangan na lang natin kung may projects pang inilaan ang GMA sa Starstruck's Ultimate Loveteam. Nasa GMA ang huling desisyon kung tuloy pa rin or tuluyan na itong bubuwagin. At kung bubuwagin, ang malaking tanong ay bakit? Ay! Ayaw ng KRISMA fans ng ganyan. Tiborxia, may sagot ka ba? ••• Thirstytrooper
Tiborxia: Eto lang ang akin. Sobrang humanga ako kay Jenica nung nagkausap kami sa taping ng SiS noong huwebes (promotion ng Impostora). Napanganga ako, sobra. Tapos nung lumapit si Mart sa kanya para sumabay sa kanilang rehearsal, tumayo ang balahibo ko. Sobrang bagay nila... Sabi ko nga kayt Kris Bernal kanina "Ano kaya pwedeng itawag sa Loveteam nina Mot at Jenica?" pabiro naman cyang sumagot ng JEMOT (sabi ko ayaw ko kasi parang JUMOT)... JEMA kaya, ano sa tingin nyo? Yun na lang muna ngaun. |
mas maganda yng jema