|
Hunkilicious, ALJUR ABRENICA |
Saturday, June 30, 2007 |
Alright, namomoblema ako kung paano ko mapapantayan ang kwento kay Aljur with that of Mart and Paulo. Hindi ganun kahaba ang interaction namin ni Aljur sa KapusOlympics -- combine ko na lang with the Mall Show sa SM Fairview. =)
KAPUSOLYMPICS. Dumating si Aljur sa tent nina Mart around 12:45PM. He was wearing all white. Pogi! Then nagpaturo ng steps kay Mart for their Half-time Prod. Pinaunlakan naman ni Mart at nakisali na rin si Prince sa "mini" rehearsal nila sa loob ng Tent. Hindi ko naiintindihan mga pinag-uusapan nila habang nagsasayaw! 1-2-1-2-1-2.. ano yun??? Puro 1-2 lang? Walang 3-4? Kasi yung mga poging dancers sa GMA kapag nagre-rehearse, yung bilang eh 1-2-3-4, bakit sila 1-2, 1-2 lang? Weird! =) Hindi ako makapaglandi ng todo kay Papa Aljur kasi una ang init, amoy araw na ang lola nyo! Kailangang makapag-freshen up! Ahahaha. Biro lang. He was too busy attending to himself for the prod and I am looking at Prince, Mart and Pau as well. And lastly nasa kabilang tent cya -- mukang majojoray ang mga make-up artist dun! Ahaha.
When they were called to be ready sa likod ng stage, dun na ang harutan ever. Promise hindi ko nakayanan ang combined powers nina Mart, Aljur at Paulo. Parang matutunaw na lang ako. Kalbo! Asan ka na kasi.. bakit mo ako pinabayaan. Kaya ang ending, nakatulala ako sa isang gilid! ahahaha. Point and shoot ang drama sa mga pics ni Aljur -- and since gusto ko ng kakaibang flavor ng pics dito sa blog, sobrang demanding ko kay Aljur kapag nagpopost ito for a pic. Hehehe. Buti na lang at masunurin at hindi ako sinusumbong kay Direk Rommel. =) Share ko lang.. so far si Paulo ang pinaka-masunurin sa lahat ng mga pinapagawa kong posts, sunod si Aljur then si Mart. Pahirapan kay Mart! Waaaahhh! Ang kulet! =) BND MALL SHOW -- SM FAIRVIEW. Dumating ako on the part kung saan si Glaiza na yung tinatawag, then was it Kris or Stef? Basta dun sa part na yun. Girls yung unang tinawag then yung boys. In all fairness to the Ultimate Hunk, malakas ang hiyawan ng mga bebot at bading nung tinawag at lumabas na cya (same is true with Mart and Marky). Meron pa ngang mga ale sa likod at tabi ko na nagco-comment ng good and bad things about the BND Cast. Ang sarap batukan! Ahahaha. Over-all maganda ang performance nila. Medyo malabo at madilim nga lang ang ibang pictures sa Mall Show kasi pinatanggal ko ang flash -- lowbat na kasi. Waah! Backstage after the show ang gugulo ng mga bata! Nagbibihis si Mart (na inalalayan ko) ng biglang sumulpot si Aljur at nagtanggal din ng damit! Goshhh!!! Si Ultimate Hunk!!! Ahahaha. After nilang nakapagpalit kinukulit ako ng kinukulit. Si aljur panay ang kiliti sa akin -- gusto nya akong tumili kasi ang tinis ng tili ko. Niyaya pa akong magpunong-braso. Ika-nga nya, kung matatalo ko raw cya ay kami na. Haller? As if naman kaya kita ano? Gurl po ako! Ahahaha. So there. Nothing much of Aljur and Me. I'm not sure kung may idadagdag si Thirsty dito (or si Karl). ... |
posted by Tiborxia @ Saturday, June 30, 2007 |
|
|
Boys Nxt Door Mall Show |
Friday, June 29, 2007 |
SINGIT LANG by Thirstytrooper
It was a successfull BND mall show sa SM Fairview last Sunday, June 24. Hindi kami pumunta ng GMA ni tivz (to watch SOP) para mapanood namin ang pilot episode ng BND (na tunay namang maganda). Pero hindi rin kami nagpaawat para panoorin ang mall show kinahapunan. Nauna si Tivz sa pinagdausan ng Mall Show. Since nasa kanya ang d-cam. kaya shoot lang ng shoot para hindi masayang ang pagkakataon maidokumento ang mga kaganapan. hindi na ko magkukuwento pa ng mahaba. Enjoy nyo na lang ang napakaraming pics. Congrats nga pala kay Mart dahil sila pala ng partner nya ang nanalo sa newspaper dance. at binuhat nya ito huh! At hindi pinasan sa likod? macho ni mot!!! Tiborxia: Macho gwapito talaga ni Mot. Hahaha. =) Share ko lang kung ano ang nangyari sa picture below. Ngaun ko lang na-realize na first time kong makasama sa iisang pic ang dalawa sa Ultimate Male winners ng Starstruck 4 (ang Ultimate Hunk at ang Ultimate Male Loveteam). Hehehe. Super bungisngis pa si Aljur dyan kasi kinukurot nya ako from the back, si mot naman sa gilid ko. Ang kulet ng dalawang ito! Sobraaaaaaaa!!!
Here are the the rest of the pictures, guys! Ang kukulet nila backstage! Ahahaha.
Watch BOYS NXT DOOR! Sundays, after Move!!! ... |
posted by thirstytrooper @ Friday, June 29, 2007 |
|
|
Pau greets PAUNATICS! |
|
Tivz eto na yung video ni pau! paunatics, enjoy this 20+ seconds of pau's video! para sa inyo talaga ito! ••• thirstytrooper
Tiborxia: Thanks sa pag-upload, thirsty! Maaasahan ka talaga. PAUNATICS, eto na yung video na sinasabi ko. Ang gwapo ni Pau, aminin... hehehe. The first part talagang wala cyang sinasabi dyan, nag-eemote. Hehehe. Then nung tinanggal nya ang Rayban nya, akmang umiiyak sa tuwa. Hindi ko yan dinerek or sinabihan ah... cya mismo nag-isip nya. Galing ni Pau! =) |
posted by thirstytrooper @ Friday, June 29, 2007 |
|
|
Flaming Hot, PAULO AVELINO! |
|
Ang bango pala ng Lacoste Essential (na siyang gamit ni Paulo ngaun) at Dolce & Gabbanna Light Blue (na gustong bilhin ni Pau). Sabi pa ni Prince, pang-babae raw ang D&G Light Blue pero sabi naman ni Paulo pwede rin sa lalake. Anyway, both scents are really good. ^_^
Kahapon, tungkol kay Mart ang entry ko ngaun kay Pau naman tayo. Halos naikwento na sa entry ni Karl yung kaganapan sa KapusOlympics at sinundan ko pa ito kahapon sa blog tungkol kay Mart. I may have left a few details -- isisingit ko na lang dito. But mostly tungkol kay Pau at sa mga napag-usapan namin ang entry na 'to. Sobrang saya ko at nakita ko uli si Paulo! =)
Umaga noong sabado, 8AM pa lang ay nasa Gateway area na ako with a friend. Btw, medyo inis pa ako rito kasi sira ang MRT Line. Sumakay ako ng Buendia station and I have to get-off Shaw station to board another train going to Cubao Station. Grabe sa dami ng tao yung Shaw station that morning! Kung merong stampede, tiyak tigok na ako ngaun. Hindi na ako sumakay ng train but nag-taxi na lang papuntang Cubao. Tumambay kami sa Starbucks na nasa Araneta Coliseum, but to realize na close pa pala ito. So we went sa KFC para magbreakfast. At around 9AM naghiwalay na kami -- cya papuntang Quiapo at ako naman sa meeting place with Karl. Kaya isipin mo na lang Karl kung gaano katagal kitang hinintay dun! Buti nga at hindi kita kinalbo! =) While waiting for Karl, tinext ko si Paulo and asked him kung anong oras cya nasa Marikina. He replied, "12PM".
Owkei, so yun na nga. After ng Opening Number bumalik kami (with Mart's brother) sa tent. Pagpasok ko.. presto! Si Paulo Avelino kausap si Papa Jimbo. Hayyy... Di ko napigilan. I hugged Pau sabay lambing sa face nya -- he was seated sa monoblock and I was standing behind him. No kisses kasi nakapag make-up cya (concealler). Then tumayo lang ako, waring di alam kung ano ang gagawin. It's Paulo -- kelan ba kaming huling nagkita nito? I miss him so much! And yes, I love Paulo! Ahahaha. =)
Konting kamustahan na di ko na maalala ngaun kung ano ang tinanong at sinagot nya. I'm really starstrucked. Umupo ako across the table, fronting him. Tinitingnan ko ang mga pictures sa digicam -- i was evaluating kung maganda ba ang kuha ng Opening Number. Papatayin ko na sana yung digicam ng mapatingin ako kay Pau at ngumiti. Damn! Ang ganda talaga ng ngiti ni Pau.. kaya, point and shoot agad! Picture perfect! After a while dumating na si Mart sa tent. Dumiretso din si Marky sa tent ni Mart, di ko alam kung bakit. Nagpalit ng damit at panay ang sabi ni Mot na ang init. Totoo naman talaga, sobrang init kahit may aircon na ang tent. That time, gutom na rin si Pau at nagsabing gusto nya ng Nuggets -- si Mart naman gusto ng Choco Sundae. Gustong pumunta ni Paulo sa Mcdo pero hesitant, gusto ko ring kumain kaya niyaya ko na si Pau na pumunta na kami ng Mcdo. Sana lang wag kaming dumugin. =)
Paglabas ng gate tinanong ko kay Pau kung maraming tumatawag o nagtetext sa kanya dahil pinost nga yung number nya online. Sagot naman ni Paulo sobrang dami. "Just ignore it" sabi ko. I told him "that" kasi paulit-ulit lang naman yung mga text at sobrang generic pa. =) Yung mga tinetext sa kanya eh nasa blog naman ni Paulo ang kasagutan or it is a common knowledge na -- so technically, no reason for the reply. Pagpasok namin ng Mcdo, ang haba ng pila! Waaah! Tapos biglang may yumakap sa akin from the back. Ay! Mommy pala ni Stef! In fairness ang bait sobra ng mom ni Stef. Kasama nya mga Tita nina Kiko at Jesi. Konting kwentuhan tungkol sa motorcade (kung san kasama si Stef) at yung mga games na sinalihan nila. Daming na-order ni mommy at puro large coke pa lahat! Ang init talaga!
Tapos kami na ni Pau umorder. Pansin ko lang na ang laki ng ngiti ng cashier. Ahahaha. Crush ata si Paulo. And that was the time na binulungan ko si Pau to wave at a group of girls na kanina pa tumitingin at tila kilig na kilig sa kanya. Sobrang gwapo naman kasi ni Pau that day! Kahit ako aminadong panay kurot ko sa abs nya! Ahahaha. Ewan ko kung napansin nya yun. Bwahahaha. Anyway, he ordered 2 boxes of chicken nuggets, 5 regular-sized softdrinks, 3 caramel. I ordered 5 large fries, 4 choco sundaes and 4 cheese burgers. He paid for what he ordered, I paid for mine. Nung una ayaw -- gustong manlibre! Ahaha. Magpapalibre na sana ako, mukhang malaki TF ni Pau sa Ads nya! =) Antagal ng sundaes kaya tumayo muna kami ni Pau sa gilid malapit sa exit, andaming nagpa-autograph at papicture sa kanya. Nung makumpleto na ang order alis na kami. Agawan pa kami kung ano ang dadalhin nino -- gustong kargahin halos lahat. Sabi ko wag na, ako na.. (hati kami sa dadalhin) sagot nya "Para ka namang fan nyan." Ahahaha. Hindi ako nagreact sa sinabi nya pero that made me smile. A really BIG smile. =)
Pagbalik sa tent, lamon na agad. Waah! Sa sobrang kilig ko kay Pau (at dahil hinahanap ko si Mart) choco sundae lang nakain ko! Hmpf! Dumating naman si Chuck habang kumakain kami. After ng kain, nagbihis na sila for their Half-Time Prod. Nagpalit si Pau ng pantalon habang nakaupo (sanay!) Biniro ko kung bakit dun siya sa sulok.. sabi nya baka bosohan ko raw cya! Ahahaha. Loko 'to! Si pau na rin pala ang nagmake-up ng sarili nya. He was asking me from time to time kung meron pang dark spots. Waah! Then umalis na muna ako ng tent para bumili ng makakain, super bitin yung kinain ko kanina. Pagbalik, halos ok na ang outfit nila kaya kulitan na lang ng kulitan.
HALF-TIME PROD. I must applaud Pau here. In fairness, 4-hour practice lang pero nasaulo nya ang blocking (ganun din si Mart, Prince at Aljur). Everyone did a great job naman sa prod na ito. Super great nga lang yung performance ni Mart kasi Totoy Bibo nga. Hehehe. Sorry. =)
Then, uwian na! Pagbalik sa tent after ng prod, nagbihis na sila. Pagdating ko sa tent andun na sila lahat. Nagbibiruan tungkol sa performances nila. Nagpapalit si Mart ng damit that time kaya biglang nagbiro si Pau na "andyan na si Tiborxia, tago na kayo..." mokong ka Pau! Nag-react naman si Chuck at tumingin sa akin sabay sabing "ah.. ikaw pala si Tiborxia" tapos ngumiti. Kung gaano ka-gwapo si pau sa suot nya nung dumating, triple ang kagwapuhan ng pauwi. Naka-black sando with his rayban. OMG! Laglag panty! ahahaha. =)
Ayun! Yun lang naman. Yung ibang pinag-usapan di na dapat i-blog. =) While waiting for Mart's SUV, sabi ko kay Pau na lapitan yung mga fans na tumatawag sa kanya. Pinaunlakan naman at lumapit. =)
Sa susunod uli, tulog muna ako. =) Bukas, si Ultimate Hunk naman! =) |
posted by Tiborxia @ Friday, June 29, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|