|
Balitang Mart at Jennica! |
Wednesday, March 12, 2008 |
Siguro naman ay alam nyo na na may nakatakdang gawing pelikula si Mart at Jennica bilang follow up movie nila sa “HIDE & SEEK” na pumatok sa takilya. Ang una ay ang “Ang Nanay Kong Aswang” na supposedly ay para kina Mark Herras at Jennylyn Mercado pero sa obvious na kadahilanan ay minarapat ng Regal films na ibigay ang proyektong ito sa JEMA. Ito ay ididirek ng pinagpipitagang direktor na si Joel Lamangan, ang direktor nila sa tagumpay na Dramaramang “Pasan Ko Ang Daigdig”.
Ang pangalawa naman ay ang “Ultramagnetic Love” trilogy mula pa rin sa Regal na hango sa mga titulo ng mga sikat na awitin ng Eraserheads. Ang kanilang istorya ay pinamagatang “Magasin”. Parte ng trilogy na ito ang iba pang loveteams mula sa GMA, si Glaiza De Castro at Marky Cielo & Kris Bernal at Aljur Abrenica.
Bukod sa mga pelikulang ito ay nag-resume na rin ang shooting ng pelikulang “Kulam” na pinangungunahan ni Judy Ann santos at Dennis Trillo. Partner naman dito ni Mart si Kris Bernal. Matatandaang last year pa ito sinimulan.
Katatapos lang ng Maynila kung saan featured stars si Mart at Jennica sa magkahiwalay na episode. Si Jennica na ang leading man ay si Marky Cielo. At si Mart naman ay kay Jewel Mische. Naipalabas na ang kay Jennica, and this coming Saturday at 10:30 am ipapalabas ang kay Mart. Nood tayo.
Nakatakda ring mapanood ang JEMA sa TOK TOK TOK this coming Sunday (sana!). Si Mart ay nag-tape na rin para sa “Kung Ako Ikaw” bilang magsasaka ng tubo kasama sina Ian De Leon at Mang Enriquez. Iboto po natin si Mart mga friends!!!
Sa March 24 ay ipapalabas na ang “Babangon Ako At Dudurugin Kita” kung saan may special two week participation ang dalawa at gumanap sa mga markadong papel. ‘Wag kaligtaang panoorin ang torture scene dito ni Mart... Ang galing niya raw dito sabi ng staff ng BADK na dinirek din ni Joel Lamangan, starring Yasmien Kurdi and JC de Vera. Ito ang kapalit ng top rating na “Marimar” na matatapos na sa Friday, March 14.
At siyempre, last week of March ay magsisimula na rin ang taping ng JEMA para sa isang dramarama. Wala pang detalye pero tuloy tuloy na po ito at sigurado ring makakabisita kami sa first taping... so abangan lang ang kwento.
Salamat sa patuloy na pagbisita dito... More stories and updates to come!
thirstytrooper |
posted by thirstytrooper @ Wednesday, March 12, 2008 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|