Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Shake Rattle & Roll 9, in cinemas soon!
Tuesday, November 27, 2007
Catch Mart Escudero (Jewel Mische, Melissa Ricks, Matt Evans, Felix Roco, Sam Concepcion and Katrina Halili) in Shake Rattle & Roll 9's ENGKANTO Episode. SRR9 will have its regular run in the cinemas on December 25, 2007 as one of the Official Entries to the 2007 Metro Manila Film Festival.

Watch out for free invites to the Premiere Night in this blog!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...
posted by Tiborxia @ Tuesday, November 27, 2007   0 comments
Fans' Day, Go Go Go!
Thursday, November 22, 2007
Tili kung tili, sigaw kung sigaw, jologs kung jologs... Yan ang eksena ng Tiborxia Team noong September 30 kung san ginanap ang kauna-unahang Grand Fans' Day ng Boys Nxt Door bilang pasasalamat sa matagumpay na Season 1 at pagsalubong sa Season 2.

Noong ginanap ang Fans' Day sa Marikina Riverbanks, medyo exhausted lahat ng cast & crew dahil madaling araw na sila nakauwi mula sa taping na kinunan pa sa Kidz World sa DasmariƱas, Cavite (na naisulat na namin dito, kung inyong matatandaan). Goodluck kina Aljur, Marky at Mart nung araw na iyon kasi nanggaling pa sila sa SOP. Kamusta naman sa pahinga 'nun di ba?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Anyway, hindi ko na matandaan ang detalye ng araw na iyon kaya't yung mga highlights na lang ang ise-share ko. Ehehehe. :)

Una, though hindi napuno ang Marikina Riverbanks Complex ng tao, marami pa rin ang pumunta to think na umuulan noon at medyo malayo at hindi accessible ang lugar. Sa tingin ko, inuna ng staff ang security ng fans at ng mga idolo nila.

Pangalawa, pinakamalakas na tili ay napunta kina Aljur, Kris, Marky, Glaiza, Mart, Jennica, Jesi at Steff. Promise... Mukhang sasabog na ang mga gilagid ng mga fans sa kakatili nila. At nakakahawa ah, kaya't go naman ang lola nyo't nakitili kahit na nagkikita naman backstage! Hahaha!

Pangatlo, ubos din ang mga pictures na pinamudmod ng casts. Hawak ko ang mga pictures ni Mart na inagaw naman nina thirstytrooper at karl dahil gusto ring mamudmod ng kagwapuhan ni Motmot. Hehehe. Pinagkaguluhan rin si Glessy na PA ni Kris dahil nasa kanya rin ang mga pinamimigay na pictures ni Kris. Siyempre papatalo ba si Marky at Aljur? Meron din! Si Kiko, josko.. mukhang nasa presscon at 5R ang labanan kung magbigay ng pictures! Kaloka! By the way, salamat sa TORII na endorsement ni Mart na nagpadala ng mga pictures.

Pang-apat, nagbigay rin ng give-aways ang cast ng BND after the show. Yung give-aways nila eh yung mga product endorsements nila. Crimson yung kay Marky, BNY kay Aljur at Kris, TORII kay Mart, nakalimutan ko ang endorsement ni Jennica! Naku, lagot! :(

Panglima, walang fan ang nakapasok sa backstage maliban sa Tiborxia Team. Ang taray, di ba? Ehehehe. Ay, nakapasok pala si SolidBok (moderator ng iGMA Forums) at nakapagpa-picture rin sa idolo nyang si Marky. Thank you sa mga mababait na guards at sa staff ng BND! :)

Hindi ko na talaga matandaan ang iba, kung meron man for-keeps na kaya't hayaan na natin ang mga pictures ang mangungusap. Eeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang overly sweet na Jennica-Mart (JEMA) Loveteam habang sumasayaw.
Nakakaloka ang pagka-hyper ni Jennica rito, ayaw patalo sa mga games! :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Uuuuyyyyy... Selos ang JEMA sa GLAIKY!
Mukhang gusto din nila ng sweet moment, tingin nyo? Hahaha!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Coke's Ride to Fame Finalists! In all fairness wala pa rin silang projects hanggang ngaun!
Haller, coke??? Gumawa pa kayo ng Talent Search?! Anuvah!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang unang pagkikita namin ni Alchris Galura!
Super warm and accommodating! Laglag panty ang ngiti!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Another Alchris moment. Promise ang dami nyang kuha sa camera ni thirstytrooper!
Eh bakit ba hindi? Mabait at simpatiko, we love you alchris!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ayan, ang team kasama si Alchris! Sa wakas, nakumpleto rin! :D


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Darryyyyyyyyylllllll!!!! Eeeeeeeeee!!!!
Ay bawal pala. Kay Nina na pala ito. Hmpf!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Nina at Daryl. Bet ni Nina sa Ride to Fame si Daryl, kaya't go lang sa pic!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tala at si Alchris. Tala sino ba talaga?
Si Marky, Mart, Paulo or Alchris? Pareho tayo ng line-up ah! :D


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kahit anong mangyari.. Go, Rich! Kahit mukhang nanay ka pa't inaalipusta... :'(


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Kiko na overly love ni Karl :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Go Motmot! Go Motmot! Go Motmot!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang super cool at mabait na si Glaiza!
Kasama ba si Glaiza sa BATANES? If yes, Go guys.. NOOD KAYO! :D


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si mart pa rin ang PINAKA-gwapong Ultimate Survivor ng SS4.
Oh, walang violent reaction.. OPINYON KO 'TO! Hahaha.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Yago at Cervano. Mukhang mahihirapan ako rito ah!
Nga pala, napansin nyong naging radiant na ang skin ni Aljur? Astig! :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Jennica habang nakikipagkulitan kay Marky.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Wawa naman si Boknoi, super pagod na oh!
Isang oras pa ang tatakbuhin ng show... Kamusta naman sa pahinga?!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Jennica at ang kanyang Yaya. Ang kulet, di ba?


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang JEMA kasama si karl at thirstytrooper.
Not in good terms kami ni Mart dyan kaya't deadma. Hahaha! :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Lui Perez na binisita ang ka-batch niya sa Starstruck.
Malapit lang si Lui sa venue kaya't dumaan na rin. Love you, Lui! :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Iilan sa mga matitibay na MARTIANS. Thanks Jam at Ben sa pagpunta sa venue!



Share lang namin ang iilang pictures na nakuha that day. Magkakaroon pa kaya ng pangalawang Grand Fans' Day ang BND? Sana! Kung nagkataon, more na naman ang amoy namin sa mga basang kilikili na katabi namin, hahaha!

...
posted by Tiborxia @ Thursday, November 22, 2007   1 comments
It's Raining MEN 2!
Thursday, November 15, 2007
SINGIT LANG SPECIAL
by Thirstytrooper

Ang lakas ng ulan sa labas! Pero mainit ang panahon dito sa Tiborxia. Bakit? Ayan!!! Umuulan ng Papa! Nahalungkat namin sa baul ang hindi pa pala namin naipo-post na pictures ng mga nagkikisigang Male Stars. Kaya eto at nais naming i-share sa inyo lalo na sa mga malalanding katulad ni Aliyah at Karlah (actually ipinagdamot muna namin dahil pinagsawaan muna namin, charooosss!)! So girls and gays, scroll down na at enjoy!!! EEEEEEEEE!!! Ang hirap huminga! Indaaayyyy!!! Tubig! Tubiiiiiig! Ay sosyal pala ko, juice na lang!!!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sinong makakatanggi sa tall, dark & handsome na si Marco Alcaraz! I hope mabigyan siya ng "big" as in "big" break ng GMA. Yung tipong Luis Alandy role. Kailangan lang ng workshop at for sure kaya naman ni baby Marco. Sarap ng fruits sa likod ni baby. Pwede kayong kumuha, pwera lang yung banana, akin yun! Walang banana? Meron kaya! Kami lang ni baby Marco ang nakakaalam kung nasaan! Hahaha! Hala baka sabunutan ako ni Aliyah! Ok lang, pano nya ko masasabunutan eh wala akong buhok! Beehh!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Speaking of Luis Alandy, EEEEEEEEEEEEE!!! A dream came true para sa akin na makasama ko siya sa pic (for sure a dream came true rin para sa kanya na makasama ako! Nayku! Kapal! hahaha!)Ang tagal ko kaya siyang inabangan! Nakalbo na ko kakahintaaaaayyy!!! Thanks Luis!..ay nahihiya tuloy ako...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hoy Mylene Dizon! Kakairita ka! lahat na lang nasa iyo. Ganda, career at si Paolo Paraiso. Halika paolo, dalhin mo ko sa paraiso pleassssssssse!!!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ilang linggong hindi nakatulog si Karla dahil sa larawang ito na kasama niya ang kanyang pinakamimithi...si Dion Ignacio. Kasama si Dion sa Studs na nagpaka-daring sa X-ray 2008 calendar na kalalabas lang (beeeeeeeeh!!! may kopya ako!)! Tirik mata ko sa totoo lang. Bili na sa wala pang kopya!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Arthur Solinap. Hindi namin siya nakunan ng topless eh! Mahiyain at nagkukulong sa dressing room. Papable pa rin naman sa pic di ba? Mabait naman at pinaunlakan ang mga kalandian namin. Kasama si Arthur sa top rating primetime soap nationwide ng GMA, Marimar!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
EEEEEEEE!!! Ryan Agoncillo! Buti naman at nadalaw ka sa GMA! Dapat may pic din ako na kasama siya. Pero biglang nag-low batt! Bwiset! Nood kayo ng Sakal, Sakali, Saklolo sa December 25, kung saan kasama niya si Juday, my favorite! Balitang hindi tinanggap ni Ryan ang offer ng GMA para mag-host sa parating na Pinoy Idol. Host na kasi siya ng Pinoy Dream Academy ng ABS. Si Regine na daw ang host ng PI. IMHO, Medyo gasgas na si Regine bilang host ng Singing Star Search! Mas okey pa kung si DJ Mo! Since DJ din ang host ng American Idol. Sa palagay nyo?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Isa pang love ko! Si Marky Cielo. Sana naman magkaroon ka ng dance concert dahil kaya mo naman eh. Manonood ako promise!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ang poging si Cogie Domingo. Sumulpot at nawala. At sumulpot uli. At nawala uli. Nasaan ka na mahal ko. Lintek! Ang dami kong mahal. Sayang si Cogie kung matetengga lang. Magaling siyang umarte di ba? Calling GMA?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Congrats Mot sa Hide & Seek! Palabas pa hanggang ngayon. At Congrats Billy sa successful concert and goodluck sa bagong album. I heard Billy will have a new show sa GMA. At si Mot, still shooting for his next horror movie, Shake Rattle and Roll 9 na palabas sa Pasko! Abangan!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
The Showboys! One of my favorite pics. Hayy! Ang ginaw! Gusto kong pumagitna sa kanila! Hehe! Sana naman ay umusad pataas ang career ng mga binatang ito at hindi lang maging habangbuhay na palamuti sa SOP. Si Bruno na isa ring commercial model (I forgot the surname) ay kasali na sa Marimar bilang best friend ni Marvin Agustin. Matuto lang sana siyang magtagalog. Turuan kita gusto moh?


Walaaaa na! Bitin ba? Well, 'di ko na problema yun! Haha! Kidding aside (kidding aside daw oh!!!), sana ay nagustuhan nyo. Pwede nyo namang magustuhan. Pero taas noo at bumbunan kong sasabihin na hindi n'yo pwedeng angkinin! Dahil lahat sila ay AMIIIIINNN!!! Ganito pala ang feeling ng ambisyosa at ilusyonada! hehehe!

Pasensya na sa kalandian ko, ganito talaga ko pag malakas ang ulan!

Babushka!!!

'Til next singit!
thirstytrooper
posted by thirstytrooper @ Thursday, November 15, 2007   1 comments
Artista
Tuesday, November 13, 2007
Napaisip ako kanina kung gaano ka-simple pa nga ba ang pagiging Simpleng Fan ko. Sinimulan kong bilangin kung ilang artista na ba ang nakita ko ng personal at kung anu-ano ang naging opinyon ko tungkol sa kanila, or if they even made a difference sa TV at sa personal. Bago ko simulan, alam nyo bang si JAO MAPA ang unang artista na nakita ko? Ahahaha. Sobrang sikat pa siya that time. That was early 90's. Dahil siya ang kauna-unahan, he remains in my memory. At masaya ang feeling...

Ang mga sumusunod ay ang mga artistang nakita ko na ng personal, Kapuso o Kapamilya man. Tingnan natin kung magkapareho o magkasalungat tayo ng opinyon.


AJ DEE, payat matangkad gwapo. Gusto ko siya. Nagkita sa Starbucks sa ABS compound.
AHRON VILLENA, super bet sa TV Idols, Your the Man. Unang nagkita sa set ng BND sa BF Homes.
AILYN LUNA, mukhang mataray pero mabait, una kaming nagkasama sa taping ng Fans Kita ng QTV11.
AIAI DELAS ALAS, sa set ng MTB Ang Saya-Saya kong unang nakita. First impression ko, suplada't plastik.
ALESSANDRA DE ROSSI, Oh so gorgeous! I love her! Nagkikita na kami dati sa SOP but una kong nakausap sa presscon ng Hide & Seek.
ALFRED VARGAS, pwede na. No comment.
ALJUR ABRENICA, hmmmm.. mukhang ingat ako sa comment ko ahahaha. Cge, masarap! At mabait naman pala. nagbago impression ko sa kanya nung nagkausap kami sa bday party ni Mart Escudero.
ALLAN K, unang nakita nung nag-guest siya sa SOP. Masayahing tao.
ALWYN UYTINGCO, mahal ang girlfriend. At accommodating. Crush ni Bernie 'to ahaha. :)
ANDREW E, hala di ko matandaan kung san ko unang nakita ito. But nakikita ko rin siya kapag guest sa SOP. So-so. Normal na tao.
ANGEL LOCSIN, hindi naman isnabera. She's gorgeous.
ANNABELLE RAMA, ang taray ng entrance! She's declaring she's queen by mere presence!
ANNE CURTIS, maganda. Yun lang. Sa lobby ng ABS kami nagkasalubong
ANTONIO AQUITANA, over-acting. Promise. OA.
ARA MINA, isa pang plastik. Sorry.
ARIEL RIVERA, i love his voice! Yung voice lang ah.
ARRON VILLAFLOR, remember ASAP fanatics? Ahaha. dun ko siya unang nakita. Magaling sumayaw and cute.
ASIA AGCAOLI, sa malate during the gay pride party. Host siya ng event. Go go go Premiere Condoms!
BEA ALONZO, Mabait. Simple.
BEARWIN MEILY, may show pa ba ito ngaun? Palaboy-laboy sa GMA nung nakita ko.
BENJIE PARAS, i love him! Sa set ng BND ko nakikita and in fairness, namamansin.
BILLY CRAWFORD, naloka ako kay Andrea na dating RM ni Mart nung gusto nyang makakuha ng pic ni Billy. Fine. Siya na lang.
BJ FORBES, malikot, mabait at talented.
BOY ABUNDA, una sa set ng The Buzz tapos sa Boracay noong April habang nagsa-sun bathing.
BRENAN ESPARTINEZ, sa SOP. Sobrang isnabero! Akala mo sikat. Kaya walang nangyayari sa career mo eh!
BRYAN TERMULO, i love bryan. Isnabero na ngayon.
BUTCH FRANCISCO, sa set ng Startalk. Ok lang naman.
CALLA LILY, banda ito di ba? Ahahaha. Sa canteen ng GMA. Ang cute nila!
CARMINA VILLAROEL, sa set ng SIS. Kalog at Kikay. Ok cya.
CHAMP (HALE), sa Boracay. Naman. Hindi ko napigilan sarili ko. Ehehehe. Mahal ko si Champ!
CHERRY GIL, sa boracay din. Pareho kami ng hotel na tinulugan.
CHRISTIAN BAUTISTA, ang pinakamahal kong singer. Kahit anong bad comment sa kanya, I still like him. Period. Noong 2004 nakaubos ako ng 9 dozens ng Dunkin Donuts makakuha lang ng front row seats sa concert nya. Ticket sa concert ang donuts! Ahahaha.
CHUCK ALLIE, starstruck 3 days sa broadway. Daming beses ko na ito nakikita pero ang unforgettable eh during the kapusolympics. Kilala nya si tiborxia!
CJ MUERE, yikes! Ayokong magcomment. Artista ba ito? Ehehehe. Sorry, CJ!
COGIE DOMINGO, ang super cute! pero tumaba na siya lately. Sa GMA compound ko siya huling nakita noong bday bash nya sa SOP.
CRISTINE REYES, no comment. Ayokong magsalita.
DEITHER OCAMPO, sa Fitness First ng ABS ko unang nakita. He's super cute that time. I still think he's hot now.
DENNIS TRILLO, sa startalk ko unang nakita. Ahahaha. Hinabol ko pa dati makahalik lang. Ngayon? I still like him.
DEX QUINDOZA, isa sa mga naging kaibigan ko na. Let's leave it at that.
DIANA ZUBIRI, ang sexy nya promise! Sa set ng Bubble Gang ko unang nakita.
DINGDONG DANTES, he's really hot now. Noon? I dont think so. Ngayon lang.
DION IGNACIO, Eeeeeeeeeee!!!! Yun na!
DJ MO TWISTER, matalino, cute at mahal ko.
DULCE, kamuntik na akong himatayin noong nakita ko sa dressing room ng Broadway. Guest siya that time for Mastershowman. Kung di nyo pa alam and I think nabanggit ko na ito dati rito, si Dulce at Dessa ang pinaka-favorite kong singers. Period.
EDU MANZANO, hosting Star in A Million dati.
EHRA MADRIGAL, gorgeous. Yun lang.
ERIK SANTOS, Ang bango! Promiseeeeee!!!!
FELIX ROCO, ok lang. Normal na tao.
FRANCINE PRIETO, tanging si Francine at Juliana lang ang mga sexy stars na gusto ko. She's overly gorgeous. At may finess.
FRANK GRACIA, accommodating and mabait. Mukhang matanda na para magpa-sexy.
GAB DRILON, bet ko! Ahahaha.
GAB VALENCIANO, one of the best dancers in my opinion. Guest siya together with his brother and dad sa company event namin 2 years ago.
GABBY EIGENMANN, i dont think he can sing.
GARY ESTRADA, Yum-oh! Promise!
GARY VALENCIANO, sa ASAP ko unang nakita then sa company affair namin. I really feel nagsasawa na ang tao sa music nya.
GELLI DE BELEN, kalog at nice. That's it.
GERALD SANTOS, totoy na totoy at sobrang magalang.
GERMAN MORENO, sa set ng mastershowman, Go Kuya Germs!
GIAN CARLOS, SS3 days. Di ko na maalala kung san ko unang nakita. Pero sobrang bait ng batang ito.
GISELLE SANCHEZ, daming beses ko na nakita but I love her the most sa show ng boys.com sa Zirkoh.
GLADYS REYES, maputi at maganda. I hate her as Clara!
GLAIZA DE CASTRO, normal na tao at sobrang down to earth.
HARRY SANTOS, ang tangkad! Waaaahh!!!!
HEART EVANGELISTA, maganda at plastic. Period.
HERO ANGELES, gusto ko si Hero! Sa fanatics ko siya unang nakita. That was the first and the last.
ISABEL OLI, the saturday before last ko lang nakita. In fairness, hindi nagpapapansin at sobrang bait.
IWA MOTO, sexy at focused.
IZA CALZADO, di ko na matandaan san ko unang nakita. Probably sa set ng Impostora. She's overly gorgeous and talented.
JACKIE RICE, ok tong batang ito but I think wala siyang talent. Sayang. Kung magkikita kami ni Jackie uli yun pa rin ang sasabihin ko sa kanya. Though I miss her.
JAKE CUENCA, sa Gigsters at sa Glorietta! Ahahaha. Funny sa Glorietta kasi malayo pa lang siya nakita ko na at narinig ata nyang pinag-uusapan namin siya kaya't nung malapit na sa amin ngumiti. Wow! Laglag panty!!!!!
JAN MANUAL, isa sa pinakagusto ko sa starstruck. Ang bait sobra.


Nakakapagod. Gawin nating two-part special ito... bukas ang kasunod. :)

...
posted by Tiborxia @ Tuesday, November 13, 2007   0 comments
Perya
Friday, November 9, 2007
Edited Version...


Matagal-tagal na ring hindi nakapunta ng BND taping ang team tiborxia. I mean, yung buo kaming tatlo na andun sa set. Usually kasi, its karl-bernie, karl-al, bernie-al, al-kutz and tambalan kapag pumupunta sa set. But last saturday, andun na sina Amihan, Pirena at si Celebes.

Friday night, hindi pa kami decided kung tutuloy nga kami sa set. Remember, thursday lamang ay magkakasama kami sa condo nina mart at sa bahay nina jennica then friday kasama ko naman si mart tapos sabado magkikita na naman? Ehehehe. Mukhang hindi naman kami sabik sa kanila ano? To think na talagang abot-kamay lang naman sila. Around 12:30AM ata tumawag si Jennica kay Bernie at pinapapunta nga sa taping, nagkataon namang magkasama pa kami ni Bernie that time kaya nagpasya ng pupunta. 2PM ang usapan namin sa MRT Taft.

Saturday morning, 8AM ako nagising. Maaga ito to think na 4AM na ako umuwi ng bahay. Sakto namang nagtext si "critic" na isa sa mga talents ng BND. Sabi nya, ang ganda ni Jennica. Di ko pa agad nakuha ang ibig nyang sabihin, yun pala nasa set na siya ng BND. Tinanong ko kung san ang location since hindi pa nagtetext si Mart sa location. Sabi ni Critic, sa Global Carnival. 2hours later, si Mart naman ang nagtext -- sa Global Fun City Carnival sa tabi ng MOA (Mall of Asia).

9AM ako umalis ng bahay at may dinaanan lang sa Quiapo. 1:30PM nag-reset ng schedule si Bernie at sinabing 3PM na kami magkikita sa meeting place. Anyway, wala naman akong magagawa kung 3PM pa makakarating si Bernie sa location kaya't umoo na rin ako. Hindi ko pa alam that time kung tutuloy si Karl sa taping since para naman siyang kabute na sumusulpot na lang. Ehehehe. Peace Karl, di ka kasi nagtetext. On the way sa Mcdo na nasa Taft, nagtext si James, Jheng at Nina ng iisang subject. Naloka ako sa text nila -- kung ano yun? Wag na, aaaawww! Ahahaha.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

4PM kami nakarating sa location. Naalala ko si Jheng nung makapasok kami sa Carnival. Sabi kasi ni Jheng, wala raw akong kinikilalang pintuan. Ahahaha. In all fairness to us, pinapasok lang kami ng mamang guard -- walang tanong. Pagdating sa loob, nadatnan namin ang JEMA na paalis ng tent nila at papunta sa harap ng Mortuary kung saan kukunan ang sunod nilang eksena. Since kukunan sila, si Papa Jimbo muna ang kakwentuhan namin. Since magkasama na kami ng dalawang sunod-sunod na araw, puro kulitan na lang ginawa namin at nagkayayaan na pumunta ng Mall of Asia para kumain ng Shawarma. Palabas ng carnival, naloka kami na may sumigaw ng pangalan ko ng pagkalakas-lakas! Si Gema, yung yaya ni Jennica ayaw papasukin ng Mamang Guard kasi wala raw ang pangalan nya sa listahan na bigay sa kanila ng GMA. Ahahaha. Natawa kami kasi namumula na si Gema sa galit at natutunaw na rin ang biniling pagkain. Pagkatapos naming i-explain sa guard kung bakit wala ang pangalan nya sa listahan, pinapasok naman siya. :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nung nasa Mall of Asia, pinag-usapan namin kung kumikita ba ang Hide & Seek kaya pumunta kami sa Cinema area to check kung marami nga ba ang nanood. Naloka kami sa dami ng nanood for that day, for the 5:10PM screening alone, 240 tickets na ang nabenta. That was high for a day na walang tao sa metro dahil sa undas at iisang screening time pa lang. Ngunit ang nagpasaya sa amin ng todo eh nasa "Premiere Cinema" nakasalang ang Hide & Seek at hindi sa ordinaryong sinehan ng MOA. Well, that's something we can be proud of as a JEMANIAN. :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pagkatapos nuon dumiretso na kami sa HyperMarket para kumain ng Shawarma. Ako at si Papa lang ang kumain, si bernie at karl sharksfin ang kinain. Solve! Takipsilim na kami bumalik sa Carnival. Malas ko lang at hindi ako nakabili ng sigarilyo sa mall. Pinagbabawalan ako ni Papa Jimbo magyosi. Kamusta naman ang baga ko sa mga panahong iyon! =p

pagkabalik sa Carnival, saktong inaayos ang set sa harap ng Mortuary kaya't naka-tengga ang cast ng BND na andun sa araw na iyon. Kaya't nagkaroon ng panahon upang magkulitan. Picture-taking time! Ang iba, sadya naming hindi na ipopost dito sa blog -- its either we would want to keep it private or we would like to keep the moment special. Naks! :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Mart Escudero at Jennica Garcia sa isa sa mga eksenang kinunan sa BND.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Isabelle Oli, guest sa episode ng BND na papalabas ngayong Linggo.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Team Tiborxia with Mura na guest din ngayong Linggo.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Jennica at Mart habang naglalaro.
Yung naka-yellow sa tabi nila ay Assistant Director ng BND.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Summer, Milo at Winona.
Kulitan time at nagpapagalingan kung sino ang magaling mag-shoot.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Mart at ang napanalunang stuff toy ni Jennica.


Pagkatapos ng kulitan time. Nagkaroon ng time ang JEMA at ang Tiborxia Team para sumakay ng mga rides sa Carnival. Around dinner time yun. Kaya't unang sinugod ang Mortuary. Sabi ni Mart, mas maganda raw ang Gabi ng Lagim na nasa Starcity kung ikukumpara sa Mortuary ng Global Carnival. Anyway, ang kicker dito eh nasa entrance pa lang kami iyak ng iyak na si Jennica kasi nga super matatakutin ito. Ahahaha. Just imagine kung ano ang itsura namin sa loob ng Mortuary habang nagtitilian! :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Next stop, ang Ferry's Wheel (tama ba spelling? Ahahaha). Manlilibre sana si Mart sa ride na ito, ngunit nung magbabayad na ng ticket, sa dun sa booth libre daw kami kaya hala.. talon! Yehey! Go lang ng go! Pila na ng makasakay! Buti na lang at supportive si Joey na PA ni Mart at magtetext na lang daw kung magte-take na ang dalawa kaya tuloy ang saya. Kung sino ang magkakasama sa wheel... uuuhhhmmmm.. let's keep that private too! Ahahaha. Pero mukhang may idea na rin kayo. Ehehehe. :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Pagkababa sa Ferry's Wheel, dumiretso na ang JEMA sa harap ng Pirates dahil kukunan na ata ang dalawa. Wew! Habang kinunan ang dalawa, kumembot naman ang tiborxia team at si Muros naman ang nakita namin. Di ko alam screen name ni Muros kaya't tatawagin ko pa rin siyang Muros! Ehehehe. Mukhang si Karl at Bernie lang ang nakapag-kembot kay Muros dahil kasama ko naman si Yaya Gema that time na nagba-bonding. :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Nagkaroon rin ako ng panahon na makwentuhan si Rich. Sobrang tagal na naming hindi nakakapagkwentuhan. Tinanong ko kung nililigawan siya ni Aljur. Ehem. Ehem. Kung ano status nilang dalawa. Kung saan si Kris sa buhay ni Aljur. FYI, Rich and Aljur are really good and close friends. Napag-usapan din namin ang mga chaka at good performances nya sa SOP at kung anu-ano pa. Nung patapos na ang usapan namin, sumabat naman itong si Jessi kaya't pinag-pose ko ang dalawa ng sweet picture. Hmmmm.... ang tagal ko ng hindi dinidirek ang mga batang ito sa harap ng aming kamera!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Kamusta naman kaya ang isa pang Loveteam ng BND? Ang ALKRIS... Ok naman sila. Eto't nakipagharutan rin kami sa pics. Oh, ha?! Anyway, naloka lang ako kay Kris. Inaayusan ko si Mart at Jennica para makunan namin sa aming kamera ng bigla itong lumapit at humalik sa akin. Beso lang naman. Bumati kumbaga. Dati pa naman kaming nagbebeso ni Kris, kaya't bakit pa ako magtataka, di ba? Ang nakakaasar lang naman ay gusto kong bumeso kay Aljur pero hindi ako makaporma dahil andun si Motmot. Ahahaha. Ayaw kong mabatukan at masabihan ng malandi ulit. Ehehe. :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Ang pang-huling landi namin ay kay Jolo Revilla na kasama ang pamilya nung nagpasyal sa Carnival. Hindi guest si Jolo sa BND that time, nagkataon lang dun din sila namasyal. In fairness, kahit bansot si Jolo eh super hot din nya pala! Hmmmmm...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



Around 10PM umuwi si Bernie dahil sobrang pagod na ata. Nagpaiwan ako dahil may pag-uusapan pa kami ni Motmot. Hinatid ni Karl si Bernie hanggang gate ata at bumalik rin. 3AM na nagpack-up ang taping. Kamusta naman yun?!

Around 11PM, matutulog sana sina Jennica at Mart sa tent. Sobrang inaantok rin ako ngunit ayokong matulog. May kausap si Joey kaya't di ko rin makausap, si Gema naman di ko makita. Si Karl kasama si Jennica sa tent, eh ayoko namang tumambay sa loob ng tent kaya tinawag ko na lang si Mart. May pinag-uusapan kami sa tabi ng tent ng biglang may umungol at sumigaw ng malakas. Yung mamang guard, pinalo sa ulo yung aso na naligaw sa loob ng carnival. Nakakaawa ang aso, nangingisay habang pinapalo ng pinapalo sa ulo ng guard, pinapatay ata. Pareho kaming natigilan ni Mart. Then nagalit sa mamang guard. Ahahaha. Naalala ko dog-lover nga pala si Motmot, may alaga itong pitbull. Ako naman, ayaw ko lang yung pamamaraan ng guard sa pagpatay sa aso. Sobrang mali kasi. Nung ayaw pa ring tantanan ng mamang guard ung aso, tumayo na ako at pinagalitan ang guard. Nakakaloka. Tumaas ang boses ko, buti na lang at tumigil ang guard at tinali na lang ng alambre yung aso. Nakakaawa talaga, kamukha pa naman ni fulgoso ang aso. :(

Panoorin ang BND ngayong linggo ang BND. Guest sina Sheree ng Viva Hotbabes, si Muros ng Encatadia, si Isabelle Oli at si Mura. Promise, based sa nakita kong taping noong sabado, mukhang maganda ang episode na ito hindi pang-Perya ang grado! :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


...
posted by Tiborxia @ Friday, November 09, 2007   1 comments
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA