From
PEP.phGMA-7 formally announces Marian Rivera as the Philippines' Marimar
Dinno Erece, Wednesday, June 20, 2007, 08:13 PM
A Mexican telenovela starring Thalia and originally broadcast in 1994 sa Televisa Channel, ang Marimar ang nagpasimula ng Mexican telenovela craze nang ipalabas ito sa Pilipinas. Marimar ang isa tatlong "Maria" soaps ni Thalia na lubos na nagpasikat sa kanya—ang dalawa pa ay Maria Mercedes at Maria del Barrio. Nabili ng GMA-7 ang rights ng Marimar.
Originally pegged as Angel Locsin's next soap after Asian Treasures, na magtatapos next week, hindi pa man pormal na inu-offer ang soap kay Angel ay tumanggi na agad ang young actress for several reasons. Una, hindi raw siya marunong sumayaw. Ang pagkakantanda niya raw kasi, palaging nagsasayaw si Marimar at kumakanta pa. Wala yatang nakapagsabi kay Angel na si Thalia ang kumakanta at sumasayaw, hindi ang character nitong si Marimar na actually ay isang kuwento ng revenge. Mag-aaral din daw si Angel ng fashion design sa London kung kaya't hindi magpi-fit ang schedule niya when taping starts.
With Angel out of the soap, nagkaroon ng isang exclusive audition for GMA-7 stars with director Joyce Bernal, who is back on GMA-7, supervising it. Maraming Kapuso stars, most especially mga StarStruck girls, ang nag-audition for the role—including Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, and Katrina Halili. In the end, si Marian Rivera—na first time nag-bikini just for the audition—ang napili na gaganap ng said coveted role.
In-announce ang pagiging official Marimar ni Marian sa 24 Oras kani-kanina lamang.
Sa pamamagitan ng isang sulat mula sa VP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante ay nalaman ni Marian na siya ang napili upang gumanap bilang Marimar.
Napaiyak si Marian sa labis na katuwaan. Aminado kasi ang young actress na ipinagdasal niya ang naturang role at ngayong nakuha na niya ay nangako niyang gagawin ang lahat upang magampanan ito nang husto. This Friday, June 22, ang story conference ng Marimar.
At press time, binubuo pa ang full cast ngunit kasama sa mga sigurado na sina Dingdong Dantes na gaganap na Sergio Santibañez, Richard Gomez as Sergio's father Renato, and Mike Tan in a new role named Choy. Inaasahan na sa pagganap ni Marian bilang Marimar ay sumunod na siya sa yapak ni Angel bilang isa sa top young actresses ng bansa.
Huling napanood si Marian sa drama adventure series na Super Twins, kung saan gumanap siya bilang ina ng kambal na superheroes. Incidentally, mother role din ang ginampanan ni Marian sa afternoon soap opera na Muli.
Tiborxia: Ang galing talaga ng mga alaga ni Popoy Caritativo -- DENNIS Trillo, MARIAN Rivera, MART Escudero! Hahaha. Hindi ako magtataka kung isang araw si Motmot na naman ang magkakaroon ng solo-lead role sa isang teleserye, why not?! Mart's very promising. Mabalik tayo sa pagiging bitter ko during Starstruck days... Remember, IKOT? Harharhar. Ang galing ni Marian! GO GO GO!!!
Congratulation to MARIAN!