|
Amigo! |
Wednesday, January 16, 2008 |
Matagal-tagal na rin bago ang huli naming pag-update dito sa blog. Andami kasing nangyari at inasikaso. Merong mga taong nagkalabuan at meron din namang nagkaayos. Merong mga bagay na dapat isantabi muna at meron din naman na dapat pagtuunan ng pansin. May mga bagay-bagay na mas nakakabuti pang hinahayaan na lamang at 'wag na lamang pansinin at meron din namang dapat ay binibigyan na nararapat na panahon.
Mula ng nagbakasyon kami, ngayon na lamang ulit kami nakapaglahad ng aming mga saloobin at kuro-kuro ukol sa mga bagay-bagay. Mahigit isang buwan at kalahati rin kaming nagbakasyon. Maaari sa mga panahong iyon ay may mga namuong relasyon na napagtibay ng masaya at matibay na pagkakaibigan (Nitz Mirales at sa iba pa, sana ma-gets nyo ito hehehe). Sa maikling panahon na ito, lalo pa naming naintindihan na ang aming pagkakaibigan ay may limitasyon rin sa mga sensitibong bagay.
May mga minamahal kaming tao na tuluyan na kaming iniwan at ang tanging pabaon ay ang masasayang alaala at ang di mapantayang pagmamahal at pag-aaruga. Sa mga panahong ito, may mga tao ring marunong makiramay sa bawat hinagpis ng kalungkutan. Thank you for just being there, it was more than a comfort.
Ngayon, sa bukana ng bagong taon, nawa'y makasama pa rin namin kayo sa bawat ngisi ng aming labi. Sa bawat landi. Sa bawat kirot. Sa hinagpis at tagumpay. At sa lahat ng mga kaibigang nakada-upang palad namin at sa mga makakaharap pa, nawa'y maging masaya at makabuluhan ang bawat sandali na ating pinagsasamahan.
Bigla ata ako naging makata. Hehehe., Dahil andami naming hindi na-share sa inyo during the holidays at matagal-tagal rin ang paghihintay ninyo... eto't bulto-bulto na ang pagpost. :)
AMIGO sa SOP!
Nuong December 9, 2007 ang huling dalaw namin sa SOP. Ito'y upang kunan sana ang iilan sa mga casts ng mga pelikula na kasali sa 2007 MMFF. Ngunit sa higpit ng staff, eto nakuntento na lamang kaming makipagkulitan sa iilang paborito sa GMA7. Kaarawan din ni Joey (Road Manager ni Mart) nung araw na iyon kaya't nagpaka-tao muna siya mula sa kanyang diwatang anyo. Narito ang iilan sa mga masasayang tagpo nuong araw na iyon. :)
kasama sina Mark, Mart, Rainier at Marky. Bibihira ang ganitong pagkakataon na napapagsama-sama namin sila.
Buntis na kaya si Jen sa mga panahong ito? Do the math!
Ang nanay kong si Elizabeth! Bongga! :)
super poging Richard at si Aiza!
At hindi natiis ni thirstytrooper! Ehehehe :)
Akala nya cya lang? Ako rin with DJ MO! Oh yeah! :)
Eto pa isa with my Knight In Shinning Armor! Hahaha :)
Si Poging Aljur, na in fairness super bait. New Year's Resolution ko... Akin na lang yun! Hehehe!
Pagkatapos ng SOP ay dumiretso na muna si Mart sa Showbiz Central upang mag-promote ng Shake, Rattle and Roll 9 kasama si Jewel. Finally, nakausap ko na rin si Sweet! Bongga ang lola nyo, in fairness super bait. Kahit na "Hi John, I super like you" lang ang nasabi ko sa kanya. Hahaha!
AMIGO sa CHRISTMAS PARTY ng REGAL!
Hindi ko matandaan kung kelan ito ginanap but definitely before December 16 ito. I think December 14 ata (sana tama ito). Gatecrashers ang drama namin sa araw na ito. Hahaha. Ang akala kasi namin eh may special presscon ang Regal for the movies na kasali sa MMFF. Pagdating namin sa Valencia, ayun at Christmas Party pala! Hahaha!
kasama si Jennica na gatecrasher din that night :)
si Jennica ang kumuha ng pic na ito.. naloka si Iza! Hehehe!
May palabunutan for give-aways na ginawa si Mother Lily siyempre kasama na ang munting question-and-answer portion with some of the biggest stars ng pelikula.
After ng Christmas Party eh lagare si Mart sa Master Showman to promote (uli) Shake, Rattle and Roll 9 this time with Lovi Poe. Buti na lang at bumuntot kami that night kaya't nakita ko finally si Hero Angeles. No offense sa mga supporters ni Hero pero mas gwapo talaga si Mart (at Joseph Bitangcol) than him. :) At medyo tumaba si Hero ah.
AMIGO sa PREMIERE NIGHT!
December 16, 2007 -- big day para sa mga fans ng SRR9 at sa lahat ng supporters nito. Premiere Night na! Around 2PM pa lamang ay nasa Megamall na kami ni Jheng (supporter at kaibigan ni Jewel Mische) para makiramdam at isaayos ang dapat isaayos. 6PM kabado ako't kokonti pa lamang ang tao sa labas ng sinehan unlike nuong Premiere Night ng Hide & Seek na super dumog na. Napawi rin ang kaba nung finally ay super dami na ng tao pagdating ng 7PM.
Pwede palang magsama ang Kapamilya at Kapuso na hindi nagdedemandahan sa iisang pelikula ano? Hahaha! Si Mother Lily lang ata ang nakakagawa nyan eh! Itigil na nga yang Ratings Issue na iyan. :)
ooohhhh.. ano? ehehe. wala akong masabi
Most Promising, Sam Concepcion. :)
Jason Abalos na talagang di ko pinalagpas! Ehehehe :)
the Cast of SRR9 (after the screening)
Mart kasama ang handler nya sa GMAAC na si Lovelee ATE LOVELEEEEEEE!!!!! Hehehe. Love you! Mwah! :)
kulitan after the screening... ang init! Pramis!
in fairness, ang daming seats na naka-reserve para sa guests ni mart
At siyempre, hindi matatapos ang entry na ito na walang pic ng JEMA.
To everyone who has visited and to those who still keeps on visiting this blog, many thanks AMIGO! :) ... |
posted by Tiborxia @ Wednesday, January 16, 2008 |
|
|
Surprise! |
Thursday, January 3, 2008 |
December 26, 2007 -- ordinaryong araw lamang para sa amin. Isang araw matapos ang Pasko at naka-bakasyon pa rin. Umaga pa lamang nakasaksak na ang DVD at pinapanuod ang The Prince and Me at The Prince and Me 2 (the Royal Wedding) super na-inlove din ako kay Troy (Zac Efron) kaya paulit-ulit na naman pinanuod ang High School Musicals 1 & 2. Around 5:30PM nung tinext kami ni Mart kung may ginagawa raw ba at kung pwedeng pumunta kami sa surprise birthday party para kay Jennica. Tinanong ko kung sinu-sino ang mga andun, ang sagot "pamilya at mga kaibigan lang ni nic".
Nagkita kami ni thirstytrooper around 8:00PM sa Robinsons Galleria, since sa COSMO Bar sa Greenhills gaganapin ang Party. 8:30PM kami nakarating ng venue. (7:00PM nagsidatingan ang ibang ibisita). In fairness kay Mart, 6:00PM pa lang ay nasa venue na. Ang aga! :)
L-R: Thirstytrooper, Tiborxia, Mart Escudero, Sam and Allan. 2R: Nico
Sa labas pa lang ng bar ay may mga gwapong lalaki na nakaupo sa mga tables (puro naka-white). Nasa 2nd floor ang bar kaya't dumirecho na kami sa itaas. Nagkasalubong kami sa hagdanan ng birthday celebrant kaya dun na nagkamustahan at nagbatian. Hinanap ni Jennica si Mart, yun pala nadaanan lang namin sa baba. Hindi namin napansin? Impossible! Lumabas kami uli at andun nga at kinakausap ang mga banda na kakanta later that night. Naykupo, ang gwapo sobra ni Mart. Walang exaggeration ah.
Iniwan na namin si Jennica kay Mart, may pag-uusapan ata. Kaya't umakyat na kami at pumasok sa loob. Nakita namin si Ninang Vera kaya't bumati muna at humayos na patungo sa hapag kainan. Bongga ang menu! :)
L-R: thirstytrooper, Ninang Vera, tiborxia
Pagkatapos naming kumain, pinalabas na ang video para kay Jennica. Parang collection siya ng mga pinanggagawa ni Jen for the last 18 years. Promise, tatawa kayo ng tatawa. May bahid ng kajologan din pala ang batang ito! Wahahaha. Nasa mag food area pa rin akong nakatayo, si thirstytrooper naman humanap ng magandang pwesto at medyo sa gitna cya.
By the way, habang pinapalabas ang video.. nasa likuran si Mart ni Jennica. Promise ang cute nilang tingnan dalawa. (At mukhang tanggap si Mart ng buong pamilya ni Nicnic ah!)
tiborxia at Michel Roy. Mapapanuod na si Michael sa Kamandag simula January.
Pagkatapos nuon ay nag-rap si Gloc 9 na sobrang paborito ni Nicnic. Naku, kung nakita nyo lang... ang galing ni Gloc! Napa-side comment nga ako eh at sumagot naman si Michael Roy na at that time eh katabi ko na pala. Nagsimula ang 18 roses and 18 candles na walang cotillion sa request na rin ni Nicnic.
Pagkatapos ng 18 roses and candles eh umalis muna si Jenncia para sa Kung Ako Ikaw na live that night. Si Nadine Samonte ang nanalo sa episode na iyon. Habang wala si Jen eh kulitan moments na kami. Si Mart kasa yung staff ng Pasan Ko ang Daigdig na nakikipagkulitan. Kasama naman namin si Kris Bernal that time at nakikipag-kwentuhan. By the way, earlier that night nandun din ang mga co-stars nina Mart at Jennica sa Boys Next Door (last taping day sa January 5) na sina Rich Asuncion, Glaiza de Castro (and brother Alchris Galura), Stef Prescott at si Kris nga. Andun din ang iilang staff ng BND. Ang iba pang taga-GMA na andun eh yung staff ng Pasan Ko ang Daigdig, (dating) Impostora at La Vendetta.
Pagbalik ni Nicnic mula GMA, eh yung mga Ninong at Ninang naman nya ang nagsalita at ibinigay ang kanilang mga regalo:
If I am not mistaken, yun yung last part ng programa. Pagkatapos eh party naaaa!!! Sayawan at chillax with the band. Share namin sa inyo ang iilan sa mga kulitan moments with the showbiz and non-showbiz people that we shared time with.
With Yaya GEMMA na sobrang love namin. In all fairness, bangag din ito! :D
Makukulit at nag-gagwapuhang pinsan ni Jennica. :)
Daddy Jigo, Sam at Mart. Dapat si Mart at si Daddy Jigo lang dito eh! Hahaha.
With Polo Raveles. Parang barkada lang, ang saya! :D
Si Michael, na sobrang galing kumanta at gwapo! :D
With Jennica at ang pinsan niyang sabi ko ay kamukha ni Dennis Trillo.
Yas at si Bernz. Kasama na naman ang JEMA sa Primetime ng JC-Yas. :)
I love you, Direk! Hahahaha. Ang kwela ni Direk. :)
L-R: Allan, tiborxia, Jean Garcia, Nico at Sam.
Daddy Jigo and thirstytrooper.
Promise di ko ito kilala, pero pic lang ng pic! :)
Naka-babatang kapatid ni Nicnic. :)
Nakita nyo na kung ganu karaming gwapo that night? Nakakaloka! Eto pa... si Glenn, JC De Vera at Mart Escudero. Swak! :)
Kung masaya kami that night, ramdam namin na mas masaya si Jennica that night. Totoo nga ang sinabi ni Mart sa text, halos kapamilya at mga kaibigan lang ni Jennica ang nandun. Napansin din naming walang press ang nandun that night... Eh talagang tiborxia exclusive ito! :)
Hanggang sa susunod na exclusives!
... |
posted by Tiborxia @ Thursday, January 03, 2008 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|