Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Quality Time with MART -- BND Taping 06/30
Tuesday, July 3, 2007
EKSENA by KarlAndrew

This would be one of the longest days in my life. Mga 4:30am pa lang ay wala na ako sa bahay. Hindi ninyo naitatanong, ako ang pinaka-clueless at salat sa inpormasyon sa aming tatlo. Having said that, obviously hindi ko rin alam na taping pala ng BND. I went to work that morning para mag OT and at around 11amish I received a text from Tiborxia inviting me sa taping, I asked him kung saan at nagulat ako sa venue -- ang layo. Pero I said yes anyway, ang response ni Tiborxia? "2:30 is 2:30 ha!!!" and for the 2nd time around, late ako. Pero ok lang mas late si Thirstytrooper na pinaputi ang mata namin ng isang oras. Happy pa rin kumpleto kaming tatlo. Dinantnan kami ni Thirstytrooper sa KFC, gutom na talaga kami pero yung binibili namin is for Motmot na gutom na gutom na rin. Isang bucket meal, tatlong large fries, tatlong large pepsi at talong burgers ang binili namin at lumipad na kami patungong location.


Ang kulet ng aming travel puro kasi kalokohan ang napaguusapan namin and a little showbiz news. Pagkarating namin ay tumawag na si Tiborxia kay Tito Jimbo to check if he's there in the loc and kasunod naman na tinawagan ni Tivs ay si Andrea. Sinalubong kami ng Road Manager ni Mart dun sa may tapat ng paupahan ni Ms. Malinis hehe at nakasalubong namin si Kris and si Aljur. (Tivs: bakit di mo naikwento karl yung palitan ng salita namin ni Kris? Hahaha) Kasalukuyan namang kinukunan nang scene ang bombshell na si Winona kasama si Milo. Super nice talaga ng staff ng BND for giving us a chance to have tour in the set. Sa labas pa lang ay nakita namin si Jessi, Kiko and Mot sa may balcony ng supposed bahay nina Motmot sa show. Pumasok na kami sa loob at nameet namin si Justin ba yung name nun? Si Charming naman ay palakad lakad around the set, hehe ang cute niya talaga.





Lumabas ng saglit si Tivs at sinundo si Markygelo and Tala, na nakipagkwentuhan sa amin. Lumipat kami sa may park para mas makapagdaldalan kami, sobrang tahimik si Gelo pero ok lang, bilib din ako dito. From bulucan ay umabot pa ito sa taping, patungan ng koronang bulaklak! Di pa man kami nagtatagal ay na-lowbat na ang digicam ni Thirsty kaya nagtricycle kami palabas ng village to buy batteries, more food and drinks. As usual ang gulo nanaman namin sa tricycle at nakigulo pa si manong driver. Pumara kami ng cab papuntang 7eleven na di naman malayo sa area.


Nawala lang kami ng saglit, Mart was already looking for us, siyempre di pa namin na bonding siya eh. So dali dali kaming bumalik, thank you nga pala ang sa driver ng cab who was really patient with our antics. Paki translate na lang sa mandarin ha Tivs?

On the way back ay nagbrain storming pa kami ng magandang pakulo sa blogsite na ito. Thirsty, I think mas bagay sa'yo yung naiisip mo. Abangan niyo na lang. Pagkadating namin ay balik kami sa set at ayun bonding and photo ops na. Pinakilalala ni Tivs si Tala kay Mot na he fondly called "Krys-Tala" at of course si Markygelo din. The whole time ay kulitan, kwentuhan at picture picture ang inatupag namin, we did get serious too pero the day was just too enjoying para magseryoso.


Gawd, I remember nung oras na nagkukulitan kami ay binibihisan si Jessi ng pormang babae and I'm telling sobrang ganda, napatigil nga kami. I just couldn't stop admiring at na hiritan pa tuloy ako ni Mot na crush ko raw si Jessi, hehehe. Nakakatuwa talaga ang mga pictures na we took meron kami ni Thirsty na photo na niyakap kami ni Mot pati si Tala meron, kay Markygelo akbay funny nga si Mot kasi may hirit bago pa nag pic kay Markygelo. Ano nga ba ang pic ni Tivs.... hmmm anyway ang ganda rin ng AlKris photos namin at ang Mot, Al and Kris love triangle. Isa ka talagang blocking director Tivs.

Balikan natin ang bucket meal na dala namin kay Mot, nung magpapapicture na kasi si Tivs sa kanya ay naglaho na lang siyang bigla at ayun nasa may gilid at kinain ang mga manok, di ko alam kung nakapagshare siya dahil kung hindi winner ang apetite niya for diggin the whole bucket all for himself. Ang lakas kumain! Pero siguro gutom lang, gabi na kasi yun at hapon pa siya ang sabi na gutom na siya. Next ay photo ops nanaman. Ang bait talaga ni Aljur na nakipagkulitan sa kodakan. For some reason ay napagtritripan talaga si Tivs nung araw na yun paghawak niya ang cam ay nagpapakiyeme at pahirap magpakuha nila Mot at Aljur, di siya makapoint and shoot. Kami naman ni Thirsty ay madaling nakapagpakuha. hehe.


Medyo late na rin yun at may lakad pa kaming tatlo kaya final group pic with the Boys and then tumungo na kami sa baba, para magkapicture kay Marky, sayang nga lang kasi he was dead asleep in his van. Nakita namin si Glaiza kaya go na rin kami magpicture taking sa kanya. Nagenjoy kami sobra... straight to Trinoma na kami... which makes me remember... Thirstytrooper- Mongolian Quickstop, Gateway, karlandrew- Krocodile Grill, Trinoma... TIBORXIA, its your turn!!! (right Thirsty?).


Abangan ang feature sa Sobrang Okay Party: A Toast to GMA7's 57th Anniversay feature ni Tiborxia.



XS: Tiborxia's Part.
Kaasar yang pic ni Thirsty at Karl na kasama si Mart! Alam nyo ba sa lahat ng dumalaw kay Mart nung araw na iyon, ako lang ang walang ganyang pic? Kamusta naman yun? Mang-asar ba.. As in ako talaga ang pinagtripan ni Atom at Migs nung araw na iyon. Pero sige lang, ok lang... Hmmm... Winner naman ang pic naming tatlo na nasa hulian nitong entry, ble! =p

Mabanggit ko lang, mukhang hindi na emphasize ni Karl ang observation namin kay Glaiza during that day. Around 4-5PM, nung nasa Park kami habang hinintay na matapos ang isang "sequence" ni Mart, eh nakita namin si Glaiza na kamasa ang kanyang mga supporters. She actually brought them in a tent na medyo malayo sa bahay (set) upang pakapagharutan sila at hindi maka-istorbo sa taping. That was really sweet of her to do. =)

Eto na nga bang sinasabi ko... Ang kulit na naman ng dalawa!!! Waaah! Noong una, sa Mall Show ng BND (pinatay ako sa kiliti). This time, pinag-usapan nilang pumikit... Hay naku Migs at Atom, kung di lang kayo gwapo!!! Hehehe. =p In fairness to Aljur, ang cute nya dito na nakapikit. Ahahah. =)

Etong huling pic eh idea yan ni Mart, hmmmm... I was playing with lighting. Tinitingnan kung ano ang magiging epekto sa picture. Itong kuha na 'to, si Mart ang nag-direk... favorite pic ko na rin ito from now. =) Sana mas marami pang Quality Time (QT) with Mart... =)

posted by Tiborxia @ Tuesday, July 03, 2007  
2 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA