Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

MART Escudero, Totoy Bibo
Thursday, June 28, 2007
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento kasi sa totoo lang, tinatamad na ako. Hehehe. Sakit pa ng ulo ko, kakainom ko nga lang ng Alaxan at I just want to sleep kaso ang daming tatapusin na trabaho kaya't eto break muna at mag-uupdate muna ng blog. ^_^

Late last week, wala talaga akong planong pumunta ng KapusOlympics dahil hindi nga rin makakapunta si Thirsty, eh tag-team kami nito. But later on, I decided na pumunta na lang at si karl ang yayayain kong sumama. Wala pa akong ticket nun at hindi ko rin alam kung paano makakapasok ng Marikina Sports Complex. Another reason kung bakit nawalan ako ng gana pumunta ng Marikina is because of the fact na walang Martian ang nagconfirm despite the efforts. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa grupong ito. Sana naman hindi magkatotoo ang Theory ni Papa Jimbo. =)



The time na dumating kami ni Karl sa area, wala si Mart sa tent nya kundi nsa tent nina Mark Herras at Marky Cielo (na siya ring tent ni Aljur Abrenica, ngunit di pa dumarating kasi 12PM ang call time nila). FYI, 7AM ang call time nina Mart and Marky that day para makapag-rehearse sila ng Half-time prod nila. Walang tao sa tent ni Mart kaya't tambay muna kami dun since malamig, after a while I asked Karl na kunan ng pic ang tatlo but to realize na lowbat na ang digicam and so I have to rush sa labas ng Complex to buy batteries. On my way out, nagtext si Mike (brother ni Mart) na papasok na raw sila. I replied na magkita na lang kami sa tent since dun din naman ang balik ko. Bumili na rin ako ng tatlong pirasong Enervon C at Gatorade for Mart since ito ang kanyang energy booster.

Pagbalik ng tent, kulitan time na lang. Marky was in Mart's tent this time at labas-pasok naman si Mark. I was a bit tired kaya't deadma muna ako sa mga pinanggagawa nila. Until the opening number, si Mike na kapatid ni Mart ang kausap at kasama ko -- Karl was doing his apprenticeship. Hehehe. =)

OPENING NUMBER -- meron isang stage sa gitna ng Oval, i thought dun sa taas sasayaw sina Mart, hence I positioned myself na kuha ko ang anggulong iyon, pero yun pala ay magkakahiwalay na area ang sasayawin ng Ultimate Dance Trio (yan ang tawag ko sa kanila) at yung napunta sa harap namin eh ang Sexbomb. Haller, anong gagawin ko sa Sexbomb. Nawalan ako ng gana kasi ang layo ni Mart sa amin kaya't sina Billy na lang pinanood ko then umalis kami ni Mike at pumunta sa mga tindahan na nasa gilid ng complex para bumili ng maiinom. On the way to the store, may natanggap akong text -- from Paulo Avelino, it reads "san ka? dito na ako sa tent". I was assuming nasa parehong tent din cya ni Mart since dun din yung assignment nya. Di ako nagpahalata kay Mike ngunit nagmamadali akong nagyaya na bumalik na ng tent.

Pagdating ng tent, niyakap ko si Pau -- sobrang miss ko na talaga cya!!! Etong part na ito sa blog tungkol kay Pau ko na ikukwento, sayang yung pictures kung walang juicy details. Hehehe. =) Pass-forward na lang natin, pumunta kami ng Mcdo ni Pau at nung nakabalik, wala sa tent si Mart. Tinanong ko si Papa kung san si Mart kasi matutunaw na ang choco fudge na pinabili nya, sagot ni Papa -- nasa kabilang tent. I thought sa tent nina Mark Herras but later on realized na sa tent pala ni Kris pumunta ang mokong. At bakit andun cya???

Pinuntahan ko sa tent ni Kris si Mart and asked kung anong ginagawa nya. Wala raw. Eh since naghahanda na si Kris for their half-time prod at kailangan pang kumain ni Mart, eh pinabalik ko ito sa tent niya. Tigas ng ulo! Hmpf! Pero sumunod naman at bumalik sa tent. After kumain, naghanda na sina Pau, Mart, Prince, Chuck at Benj (wala si Aljur kasi nasa kabilang tent nga). Habang naghahanda, dumating si Aljur in all-white with bungo prints sa kanyang shirt. Nagpaturo ng steps kaya't nag-rehearse na sina Mart, Prince at Aljur dun sa tent ni Mart. Sandali lang naman -- two rounds I think at nagbihis na sila.



WAITING FOR THE HALF-TIME PROD -- ang kulet nina Mart!!! Sobra. Dito na rin naganap ang priceless photo op namin with almost all of the Starstruck graduates na andun sa Marikina. Merong mga kuha na gusto kong ipost sana rito ngunit hindi naipadala ni Thirsty, malamang may binabalak na naman yun. Oh well, cya ang art director ng blog na ito kaya't sunod-sunuran ako sa kanya pagdating sa ganitong aspeto.

HALF-TIME PROD -- dahil sa access pass namin, andun kami sa may stage area kasama ang ibang production staff kaya't magaganda ang mga kuha naming pics. Super tuwa ako kay Mart dito kasi todo bigay ang mokong sa pagsasayaw! Yesssss!!! Walang kupas talaga... ^_^
I doubt as well if he missed any step -- isa lang siguro, yung part na dapat eh gagawa si Mart, Kris at Prince ng Pyramid ngunit hindi nakatayo ng maayos si Kris kaya't nahulog ito at sinalo tapos niyakap na lang ni Mart. Other than that part, everythings's all good! Please watch this celebration on JULY 01 (Sunday) at 10:30PM. =)

After ng prod, nararamdaman ko ng sumasakit ang likod ko -- may company dinner pa akong pupuntahan at 8PM, eh its already 5PM. Take note, wala pa akong tulog. Kailangan na ring umalis ni mart kaagad kasi pupunta pa ng GMA for his SOP rehearsal. Naka-park sa labas ng Complex yung SUV nina Mart (makikisabay si Paulo) at hindi cya makalabas dahil ang daming tao ang nakaabang kung san sila dadaan. Ang solusyon -- pinasok ang SUV na malapit sa tent. Hindi na kami nakisabay sa kanila since magkakaiba ang way namin. Karl went with Jay-R, ako naman kasama si J-Lo (Martian din who has been supporting Mart since broadway days).

Dumating ako ng bahay ng 6:30PM, patay-tulog at 9AM na nagising kinabukasan.


XS: Off-topic. Kanina nagkausap kami ni Papa Jimbo (dad ni Mart). In a way he is happy and very proud sa mga fans ni Mart kasi lahat may pinag-aralan, lahat may posisyon, lahat may kayang gawin -- you cannot name one who is less than the other. Pinagyayabang nya ang mga Martians. But with what has been happening lately, personally natamaan ako sa sinabi nya (earlier yesterday was the first time he was so open of his thoughts and feelings, I really appreciate him for that). Ika-nga nya, ang tataas ng Pride namin -- ayaw magpatalo, ayaw magpakumbaba, kung ganito raw gusto namin eh sana hihilingin na lang nya sa Taas na yung mga taong walang pinag-aralan ang naging fans ni Mart. Nakakalungkot isipin na ang isa sa pinaka-aktibong suporta ni Mart eh nagbabangayan. Sabi ko nga kay Papa kanina -- Ako, sobrang taas ng Pride ko, yun yung ako.
posted by Tiborxia @ Thursday, June 28, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA