Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Celebrating with KAPUSOLYMPICS!
Monday, June 25, 2007
EKSENA by karlandrew

Una sa lahat ay nais kong magpasalamat kay Tiborxia sa pagkakataong makapagsulat sa sobrang wildly read na blog na ito na sobrang tinutukan na ng di lang mga simpleng fan na katulad natin at pati mga artista. At pangalawa Tiborxia ang effort magsulat ng ganito hahahaha....
Tiborxia: You're welcome. You earned it. =)

Friday afternoon ay tinext ako ni Tiborxia na samahan siya sa Marikina, siyempre go ako. Bakit naman ako hihindi eh gusto ko naman. Wala si thirsty dahil ayon sa kanyang magabagbag-damdaming post sa YG ni Mart ay kailangan niyang maglaba. Buti na lang ay naiabot niya ang digicam kay Tiborxia na kasama niya sa taping ng Impostora the night before. Aaminin kong di ako kasing galing ni Thirsty and Al kumuha ng litrato kaya super effort nanaman ako. Salamat kay Al sa pag-push sa akin gawin to -- in fairness sa kanya, kaya niyang ipag-blocking ang mga artista sa photos na kinuha namin.
Tiborxia: Hahaha. Sayang nga at hindi nakahabol si thirsty, my bad. =) At buti naman karl at masunurin ka na mga inuutos ko sa iyo. Hehehe. Pasencya na kung nagiging demanding ako at times. =)

Ooops, I'm getting ahead of my story... sorry. Ayun... so ano na ba? Ang meeting place ay sa LRT sa Gateway ng 9am na dapat kasama ang isa naming fwend na si jLO. Di ako dumating on time for a reason I can not disclose. Hehe, ayun nagkita kami na kami Tivs at sumugod na kami sa Marikina. Pagkadating namin ay nag rest muna kami sa mga kubo-like spot sa may gilid ng backstage, kwentuhan ng konti at tumuloy na sa tent ni Mart. Kasama niya sa tent na yun si Paulo Avelino, Chuck Allie, Prince Stefan at isang starstruck na di ko kilala. Nandun din si Tito Jimbo at Mike (yung poging kuya ni Mot na super crush ni Tiborxia).
Tiborxia: Karl, i think you're referring to Bench from SS2 at malapit na kitang talakan kasi sobrang late mong dumating!!! =)

Di namin dinatnan si Mot sa tent niya dahil nasa tent siya ni Mark Herras at Marky Cielo dahil may I practice na sila for their prod number na opening kasama si Billy Crawford, JayR at Gian Magdangal. Rampage kami at di nagpaawat sa pagkuha ng fektyur naku wala pang 2 oras kaming nandun eh kailangan ng palitan ang battery kaya bumili si Tiborxia... ginulat ko siya sa fektyur na nakita niyang kihuha ko. Isang photo na matagal na nating inasam... ang 3M!!! Landi landi siyempre.
Tiborxia: Great job sa 3M pics, karl! Napahanga mo ako ng husto dito. Hahaha. At super effort maghanap ng mabibilhan ng batteries ah!

At nagopening number na... Parang may flower na tao sa gitna ng Marikina Sports plaza at ayun si Billy Crawforwd pala singing Boogie wonderland around him was the dancers at far end nung corners ay Sexbomb, Mart, Marky and Mart Tumakbo sa stage si Billy where he was joined by JayR and Gian Magdangal... sobrang wafu talaga ni Mot at ang galing galing... so pagkatapos ay bumalik na kami ng tent nagsidating na sina Pau, yung starstruck na di ko kilala, si Chuck at panghuli si Prince. Nagpahinga muli kami... nakakapagod rumampa sa kalakihan ng Marikina Sports Plaza ha pero happy. Naghanda na rin Mot para sa next prod niya sa hapon. Umalis muna sa Tiborxia kasama si Paulo at ako naman super picture pa rin at gala. At nalurkei ako ng hanapin ng kuya ni Mart si Tiborxia, nakakaingit ka maraming nangangayupapang lalaki sa you. bwahahaha ü. Pagbalik nila ay may dalang Mcdo para sa lahat how nice naman sobrang na touch kami... tears... mega eat na kami at biglang napansin ng Tiborxia na wala si Mart... ay namasyal lang pala sa tent nila Kris at Rich, kaya dinalhan na lang ng food. Sandali lang ay na miss din kami at binalikan sa tent. Ang happy ng mga kaganapan sa tent ha at sobrang sasarilinin ko na lang.
Tiborxia: May separate na article ako re Paulo, Mart and Aljur during the KapusOlympics. Inaayos lang ang sequence ng photos. Pasencya na po, super dami kasi.

KapusOlympics ito, kaya siyempre may games, sayang di kasali si Mot. Papayag ba naman akong walang eksena dun sobrang nagpapicture ako kay Kiko na inaasahan kong aabangan niyo sa BND. Siyempre stay kami para di palampasin ang masasarap na kaganapan after nung games.

Ito naman ay personal kong kwento, sobrang namomroblema si Prince dahil kulang ang dala niyang outfit kaya nagpabili ba ito ng pangtaas na dapat niyang isuot... sobrang 20 minutes na lang ata yun before the perfomance eh wala pa siya ng pangbaba. Namuti na ang cute na mata ni Prince sa paghahanap ng white pants. Buti na lang at mabait ang Chuck Ali na nagpahiram ng white pants sa kanya ang kaso ito'y nasa loob ng kotse niya naka park sa labas pa... waaah. pano na? Ayun ang magaling na Tito Jimbo ay tinuro ako para na kusang loob na kukuha ng pants. I squinted for a while and said yes... ayan tama ba naman tawagin akonh kuya? wrong sila... hahahahahaa, at ayun ang cute na chinito na si Chuck ay inabot ang susi ng puso niya I mean kotse niya sa akin. Humangos ako papunta sa sasakyan ni Chuck at ginamit ko ang bato ni Darna at agimat ni Gabriella pabalik ng tent para makapagbihis na si Prince in fairness super bait itong batang ito.
Tiborxia: Nasabihan ko tuloy si Prince ng wala sa oras. Sorry Prince, but I really think you need to be more responsible next time. Sana pakinggan mo yung mga nasabi ko sa'yo. =)

Hay sa wakas ay next prod na kaya picture galaro nanaman ako sa mga SS grads and SS4 ofcourse. Sa sobrang ganda ng prod eh nadidistract ako, I felt like just watching the show eh ang kaso eh I needed to take the photos dahil na sa akin ang digicam.
Tiborxia: Pumasa ka talaga sa aking pagsubok with flying colors, Karl! Worthy to be part of tiborxia's team. Hahaha. =)

Naku ganun pala... Thirsty dun ko napatunayan na brilyante mo ay brilyante mo lang. Salamat na rin sa pagpapahiram ng brilyante mo Tiborxia. Ano pa bang gagawin namin kundi umuwi pagkatapos ng autograph signing. Konti pang fektyuran at uwian na some good things never last nga naman di ba... more stories from Tiborxia herself kaya abangan niyo na lang....
Tiborxia: Huh? May autograph siging ba na nangyari? pasaway ka! Wala naman ah...

carpe diem...
karlandrew ü


XS: Tiborxia's Part:
OK, my part na naman. Thanks Karl for sharing your part of the story. Thanks din sa magaling na pagkuha ng mga pictures sa Marikina. In fairness sa iyo, kuha mo lahat ng instructions at gusto ko. Hehehe. Good job! Thanks din thirstytrooper sa layout ng mga pics! Ang galing super!!! Beyond expectations parati. =)
Bago ko simulan yung part ng kwento ko. I would like to thank GMA para sa executive backstage passes! hehehe. Kung wala iyong ID, wala sana itong mga priceless pictures na ito!!! Thanks, thanks.. a million thanks!!!Dagdagan ko na lang ang kwento ni Karl. Tungkol sa Opening Number, puro last-minute rehearsals sina Mark, Marky at Mart. Friday night, akala ko eh hindi na makakasama si Marky at Mart sa 2nd prod nila (yung Half-time prod) kasi pareho silang hindi pa nakakapag-rehearse ng dahil sa mga commitments nila sa kani-kaniyang shows. Buti nagawan ng paraan at 7AM ng sabado mismo ay nag-rehearse ang dalawa kaya nsa half-time prod pa rin sila. That's what you call pure dedication!
Di namin nakunan yung actual dance number ng Dance Trio kasi nasa apat na sulok sila ng Marikina Sports Complex -- literal na magkakalayo sila. Kamusta naman yun? But their number was great! Overly great! This will be aired on July 1st at 10:30PM. Please watch the show. =)
Yung ibang kwento to follow na lang. Sayang talaga at wala si Juju. Naikwento ni Paulo na may sakit daw si Juju kaya't hindi nakapunta, but I am hearing other stories -- related sa suspension niya. Sana hindi naman. Oh well, matatapos na ang suspension ni Juju sa July 1. Hopefully we'll get to see more of her! Thanks sa pagdaan nyo sa blog!

Many thanks to GMA7 for the Executive Passes. =)
posted by Tiborxia @ Monday, June 25, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA