|
SOP -- Episode 06/24 |
Monday, July 2, 2007 |
EKSENA by KarlAndrew
For starters, I would like apologize for the delay of this post. Marami po talagang pending article that we balance with our personal and social lives. In demand po talaga kaming tatlo. Tiborxia: Hindi naman in-demand. Tayo ang may gustong suportahan ang mga idolo natin, so it is really our choice as to how we manage our schedule. Thanks!
Bago ko ikwento ang SOP I wanted to clarify what I mean by autograph signing sa KapusOlympics post ko... pumirma ng autograph ang mga GMA artists sa mga fans na nakaabang sa gilid ng backstage. Yun lang, ma-share ko lang din ha, pinagtanong ko kung anong nangyari sa KapusOlympics pag alis namin dahil hindi pa naman tapos ang show. Ang kalunoslunos na feedback ay di raw ito natapos dahil inulan ito. Sobrang na sad ako dito, pero carry lang... Napanood niyo ba ang airing nito kagabi? Tiborxia: Yup... and naiinis ako, karl! Andun pala si Marco Alcaraz naglalaro... waaaaaaaahhh!!! We missed a lot!!!! ='(
Isa pang naalala ko na personal experience ko nung KapusOlympics, ay nung nasa labas kami ng tent at naghihintayan kami ng nung uwian ay biglang lumapit si Aljur sa akin sabay abot ng digicam ng Tatay niya, I nearly thought magpapakuha ito ng picture pero nag dialogue ito ng "kuya, pano lagyan to ng flash?" at the back of my mind I was like "ay anong malay ko?" pero dahil si Aljur ito, I sweetly quipped "akina... ganito yan... o ayan.." and I flashed my most splendid smile. bwahahaha... Tiborxia: Kaya maraming aljurians ang nagagalit sa iyo Karl eh! Hahaha. (Pati ata sa akin..) Wag na kasing magcomment ng mga ganitong bagay! Hehehe.
Ok... so SOP naman... Inagahan ako kasi I wanted to get a spot to sit, like I'm gonna stay on my seat? At kailangan ko na ring magpractice na dumating on time kasi binasbasan ako ni Tito Jimbo na magtawag ng mga Martians na gustong pumunta ng SOP -- kaya Martians go na, text or email me. Mga bandang 9am ay tinext na ako ni Andrea "karl, 9am pasok na! arriba!", humirit ako ng hangang 9:30am besides wala pa sa mga guard ang actual guestlist. While waiting ay nagstay ako lounge sa employee's entrance at nagspam ng quotes while coordinating with Andrea and Tito Jimbo. Buti na lang at nag text si Tito Jimbo nasa 7eleven siya at pinapasok na lang ako nakakahiya dahil wala akong dalang mga Martians na manonood sa prods ni Mot. Super aga ng 9:30am, too bad at wala akong dalang digicam kaya sana forgive me for not posting pictures. Tiborxia: Ok lang kung walang pics for this epi, Karl. Nakita ko yung mga pinadala mong pics... Ahehe. Better luck next time na lang. =)
Nagbreakfast muna kami sa canteen at nagkwentuhan ng konti at tumayo na. Dumiretso sa lounge sa Tito Jimbo at ako naman sa Studio 3 nakita lahat ng artist na may dance prod na nakaupo sa bleachers. Nakita ko si Mart kasama si Kiko, lumapit si Mart para magshake hands (bakit kaya?) nangamusta at agad hinanap si Tiborxia... at dahil wala siya, yun sinabi ko "wala eh"...alangan namang sabihin kong nandito eh wala nga. Tapos nagsmile ako kay Kiko na nakapink na long sleave at may nakatop na white shirt. Nakita ko rin na magkakatabi si Aljur, Prince, Chuck and Marky na magkakasama sa prod nakaupo sa bleachers na later will be occupied by the audience. Umupo na rin ako sa bleachers sa may bandang taas, tinulungan pa ako ni Gian Magdangal umakyat (close, super bait naman). Pagdating sa taas ay tumabi talaga ako kay Mico Aytona na may katabing mistisang gurl. Ang importante katabi ko si Mico! Super prepare talaga sila sa mga dance number nila pero kevler lang katabi ko si Mico... hmf! Mayamaya ay singers na ang nagrerehearse. Si Jaya ang nagrehearse ng Kahit Isang Saglit kaya nalurkei ako nung si Verni Varga ang kumanta (hehe pa pass forward lang ng konti). Di na ko umangal wala naman akong karapatan noh. Nung rehearsal tinitignan ko ang pangungulit ni Jaya kay Brian Termulo at Brenan Espartinez, nagulat na lang ako na nakatingin na pala si JayR sa akin naka pink and white stripped polo shirt jean and white rubber shoes... eksena ako nung lumapit ito para mag appear. hehe kevler na yun noh... matagal ko na tong kilala... tapos biglang dumating si Billy Crawford at super chika sila tapos may majubang guy na lumapit kay JayR at nagbigay ng CD tapos ang narinig ko lang na sinabi niya is I'll listen to It... hmm.. album on the works? Tiborxia: Akin si Mico, ok? Hahaha. =)
Nainip na ako kaya lumayas na muna ako sa bleachers at studio, go ako sa garden nagmunimuni kung anong gagawin ko. Kaya nagikot ikot ako at nag sight seeing muna ng mga artista. Too bad at wala si Tiborxia at Thirstytrooper kaya walang makapangyarihan brilyante na magagamit. I would have enjoyed that sunday more kung may kasama akong Martians. Kaya sa mga Martian paki-contact lang ako if you want to watch SOP, ayt? Bigla ko narinig na 2minutes ay start na ang show... pasok na ko ng studio dahil maganda naman ang opening na ito pero prod lang talaga ni Mot ang gusto ko. Thanks to Mae for letting me sit amongs the Dennis Trillo fans, ang bait mo. Natanggap ko ang text ni Tiborxia at nagtatanong kung bored na ako, well OO sobra... Masabi lang ha nagenjoy naman ako sa pwesto ko na medyo daanan ng artista kaya sinabi ko kay Thirsty na may nakita akong wafu ΓΌ. Nahappy rin ako kay Verni Varga na kahit di nag rehearse ay super birit pa rin. At si Jaya na kumanta ng ibang song na di niya nirehearse, "You are My Song" if I remember correctly and I notice na pinaguusapan ni ni Janno and Verni Varga ang Soul Diva while she was singing, sa tingin na impress sila sa rendition. Habang hinihintay ang mga dance number ni Mot, kinausap ko ang anak ng dati kong officemate na member ng Manuevers, if you recall the Billy Crawford and Gab Valenciano showdown ito yung tumambling sa gitna. Aba winner din naman ang mga dancers sa face value, keri sila... ask Tiborxia. At Boys Next Door prod na, habang kumakanta si Aljur ay sobrang nangungulit din si Jessi and Motmot na sumisenyas sa akin at biglang sumigaw. Kalurkei at finally sumayaw na sila I really enjoyed watching them. Dapat siguro ay tagiisa na kaming camera nila Tiborxia at Thirstytrooper para kapag may di makakarating sa amin kaya pa ring magdocument ng event. I expressed my frustration kay Tiborxia na pangit ang photos na nakuha ko sa cellphone ko, so nag sabi ito na kumuha ng pics backstage eh wala rin siya... I didnt have any choice but go to the dressing room at kumuha ng pics. Tiborxia: Ang tagal ko ng naghihintay ng isang magandang prod from Jaya -- hindi kasi masyadong nagagamit ang talent nya sa mga ginagawa nya sa SOP. And singing "You are my Song" the sunday before last was one I have well-liked.
Di ko akalain na pati ako kukunan ng picture ni Mot sa phone niya at ni bluetooth niya ito sa akin. At dahil kami na lang ang nasa dressing room ay nagtsikahan kami tungkol sa mga favorite naming mga pinoybands at na shy ako when we started to talk about more personal stuff, like kung paano siya as a brother at na miss na niya ang baby brother niyang si Urie na super cute. Bumaba na si Mot for Sobrang OJ at ako naman at pumunta na kay Tito Jimbo at nanood kami ng Move, Boys Next Door at Showbiz Central sa lounge ng Employees entrance. Si Mot naman ay tumuloy na sa SM Fairview para sa Mall Tour and promotion ng show na si Tiborxia na ang magkukwento. Tiborxia: Uuuuyyy. Super-closeness na sila ni Mart! I'm happy for you, Karl. Paalala lang na tulad ng sinasabi ko sa iyo. Yung mga personal na bagay na naikukwento ni Mart, wag na nating i-blog. Thanks for the entry. =) may pending ka pa...Hehehe. =)
|
posted by Drew @ Monday, July 02, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|