|
Missing Everyone, Excursion tipong Hide & Seek |
Monday, September 17, 2007 |
Kahapon, saktong 22days mula ng huli kaming nagkita ni Mart Escudero (sa Boys Nxt Door taping sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila). Nung huli kaming nagkita at magkausap, pareho kaming pagod sa kanya-kanyang trabaho kaya't "Hi! Hello! Ok, mag-memorize ka na ng script mo" ang drama namin. He did his thing, at ako naman nakamasid at nakikipag-kwentuhan sa ibang staff ng show. Paminsan, ka-bonding ang tatay ni Glaiza, tito ni Marky, mom ni Aileen at mga PA nina Kris, Aljur at iba pa. Nakaka-miss pala ang dalampu't dalawang araw na hindi mo makikita si Mart.
Mart Escudero and Jennica Garcia, Lead Stars of upcoming horror-flickHIDE and SEEK to be shown in cinemas starting October 31, 2007.
Noong biyernes, nagkasundo kami ni thirstytrooper na dadalawin na si Mart at Jennica sa taping ng BND. Medyo maluwag ang pagbabasa ko ng Manuals since kakatapos lang ng first worksheet kaya may konting oras na maigugugol para maging isang fanatic. Yes! Sa wakas. Puyat ako noong sabado ng umaga, pero sige lang. Sa isip ko, minsanan lang na naman ito. Pagpuyatan ko na talaga. Ngunit nagtext si trooper at sinabing pack-up daw ang BND at nasa Startalk sina Mart. Tinext ko si Mart kung bakit, sabi nya nag-revise ng script ang BND. Since gusto ko ngang makita ang mokong, nagkasundo kami ulit ni Bernz na sa Startalk na tumuloy. 1:30PM ang call time naming dalawa. 11:00AM umidlip ako at nagising ng 3PM. Ang labas, di nakatuloy sa Startalk. Naghintay ng matagal si Bernz sa meeting place namin, asar sa akin pag-uwi kaya't mukhang hindi na matutuloy ang pagbisita sa SOP. My bad.
Jewel Mische, Starstruck 4's Ultimate Sweetheart will be seen in GMA 7's soap Kamandag and the movie Dagao (November)together with Richard Gutierrez.
Jewel with one of her most avid supporter, Therese taken during last sunday's SOP.
Saturday night, tinetext ko si Bernz -- walang reply. Nakapatay ang telepono. Bored kaya't tinext ko ang mga kaibigang matagal ko ng hindi tinetext. I ended up exchanging opinions with Christine, isa pang Martian. Noong una nagkasundo kaming pumunta ng SOP since matagal na rin nya di nakikita si Mot. She came up with something that night, at na-cancel na naman ang napag-usapang pagdalaw sa SOP. Mukhang minamalas talaga ako.
Jewel with Tiborxia (in stripes) and Thirstytrooper (in blue).
Sunday morning, patay pa rin ang telepono ni Bernz. 9AM na kaya't mukhang hindi na matutuloy ang lakad. 10AM ako umupo sa harap ng PC at inayos na lang ang template ng blog. Around 12:10PM nagtext ang Bernz, punta na raw kami ng SOP tapos tutuloy na sa Birthday Party ni Tala (charming_tala sa igma at adopted martian). Hindi ko nabasa agad ang nauna nyang text kaya't ang pangalawang text nya ay litanya tungkol sa pagtulog ko. Anyway, nagkasundo uli at nagkita na nga kami sa 711 malapit sa GMA at around 1:30PM.
Pagpasok namin ng GMA, dumiretso muna ng canteen para kumain. Nagkita kami ng ibang Jewelerz at nagkwento naman sila tungkol sa encounter nila with Mart. Thanks James, Jheng, Therese, Charles and Nora! After kumain, pumunta kami ng dressing room hoping to see Jennica and Mart. By the way, hindi nila alam na pupunta kami, tipong sorpresa. After ng paghahanap, mukhang wala kaming makita. Wala si Mart, wala si Jennica, wala si Marky, wala si Mark Herras, wala si Rainier, wala si Aljur, wala si Rich, wala.. wala.. Asan na kaya sila? So nagtext na si Bernz kay Jennica, ang sagot -- nasa Pampanga si Jen at wala sa GMA. How sad. Di nagtagal nagtext na rin ang kapatid ni Mart na si Nina at sinabing nakaalis na ng GMA si Mart at papunta na ring Pampanga. Kapag minamalas ka nga naman!
Jheng is one of those lucky supporters that Jewel Mische trusts. Lucky girl!Well honestly, with the support she shows -- she deserves the tap! ;)
Carlos, one of SOP's Showboys.
Nakakalungkot. Pabalik kami ng canteen ng biglang may nagsalita, "Hi Al..." paglingon ko, si Kris Bernal. Nagulat at nagtaka lang ako kasi after ng 'break-up' ng Loveteam nila ni Mart, hindi ko na kinakausap si Kris kahit Hi's or Hello's. Na-appreciate ko naman ang gesture nya, so I smiled back at eto ang munting usapan:
Tivz: Uy, Hi Kris. Musta? Bakit ka andyan? Kris: Hehe. Wala Kakain lang. Tivz: Ah talaga. Cge, dito muna kami. Kris: Cge, bye.
Pagbalik ng canteen. Nag-usap kami ng konti ni Bernz at sabi ko balikan namin si Kris, kunan ng video para ma-invite nya yung mga natahanga nyang manood ng Zaido. Ipopost na lang namin ang video with the story behind it on a separate blog. For now, let's watch ZAIDO, sa September 24 na. Andun si Papa Dennis Trillo! :)
One of the many guests SOP had last sunday were 'little' individuals.I wonder what they did in the show. This one's something extra-ordinary. :)
After nun, ngaragan pa rin kami ni Bernz at hindi pa rin alam kung anong gagawin. Disappointed ako kasi hindi ko nakita si Mart, di ko nakita si Mark Herras. Nakakalungkot. Ang ending -- ayun, kay AJ na isa sa mga Movers ko binuhos ang pagkainis. Ehehe. Konting Hi's, picture at exchange of number. Cute pala ni AJ!
AJ, one of the seven Movers. At first I thought he was Bugs Daigo. Hahaha. Well his cute in person!
Wala talaga yung mga paborito ko sa SOP. Kailangan kong makita si Mart!
Luck was still on our side. Nalaman naming may show si Jewel sa Guagua, Pampanga with Aljur that afternoon. It was for Smart. Nasa Magalang, Pampanga naman sina Mart at Jennica. Wild suggestions at ayun sumugod ng Pampanga. Buti na lang at magkasundo ang iilang Jewelerz at Martians. By the way, pinuntahan pa ni Jewel yung mga Jewelerz sa canteen area. A sweet gesture! Hinintay muna namin ng sandali si Karl para sabay-sabay ng pumunta ng Pampanga.
And the excursion begins...
Mart Escudero, on his way to the second floor of the old house used for the shoot.
Magkaiba ang way naming mga Jewelerz, nagkahiwalay kami sa San Fernando. Didirecho sila ng Guagua, kami naman dumaan muna sa SM San Fernando para bumili ng Yellow Cab Pizza. Medyo naligaw pa kami ng konti kung san ang terminal ng jeep papuntang Magalang. Buti na lang at medyo mabait ang mga drivers at tinuturo naman sa amin kung san kami dapat pumaroon. Magkatapat lang pala ang SM at Robinsons dun. Buti na yung customer traffic dun? Marami pa rin kaya ang bumibili? Nwei, ang layo pa pala ng Magalang from San Fernando! Gabi na ng makarating kami sa location. Kakatakot sa location, madilim at maraming puno! Yikes!
Ang pagkikita...
Jennica Garcia with Thirstytrooper, KarlAndrew and Tiborxia.One group of crazy people! Ahahaha. :)
Pagdating namin, naglalaro ng PSP si Papa Jimbo. Lumapit naman si Randy (yung driver ni Jennica) at konting kamustahan. That time, nasa loob ng kotse nya si Nicnic at nagbibihis naman si Mot sa tent. Bumaba si Jen ng kotse at parang bata na nagtatalon-talon sabay yakap ng pagka-higpit higpit nung makita kami. Ang sweet ni Jennica! Di pa ako nagsasalita nun nung dumaan si Mart, sabi ko kay Jen "Ang gwapo talaga ni Mart ano?" sabay batok ba naman at sabing "Ano naman yung magsabi ka muna ng na-miss mo ako ano? Ako itong kaharap mo eh!" Ahahahaha.. Tama nga naman si Jen. Sorry nic! :)
When we said "Walang Iwanan...", we mean it. JEMA Loveteam with us.
Father & Son (Jimbo-Mart), again with the team. Can't stop being kids again! :)
Lumapit si Mart sabay halik. Wow! First time yun! Ahahaha. First time na yung bati nya ay halik sa pisngi. Mukhang sulit ang dalampu't dalawang araw na di pagkikita. Konting asaran tapos tinawag na sila ng director para mag-take. Si karl, pumasok ata sa loob para manood, kami naman ni Bernz lumabas ng compound para kumain ng bar-b-que. Pagbalik, dinner time na. Kaya't yung pizza naman ang kinain namin kasama ang JEMA.
Idle time...
Inseparable. Best word to describe Mart & Jennica.
(Daddy) Jimbo with Jen's personal driver, Randy. Feeling highschoolers with PSP.
Pagkatapos naming kumain, niyaya ko si Karl at Bernz na umakyat ng bahay para makunan namin ang loob. Nasa balkonahe kami nung makita kami ni Mart (nasa baba siya) kaya't umakyat rin at hinila kami. Hanap daw kami ng pwesto. (Pwesto para sa ano?) Ang motmot, gustong magkukuha ng mga pics at baka raw may lumabas na multo. Hahaha. Bata nga naman. Kaya ayun, sinabayan namin sa trip nya at pumunta sa bintana sa may kusina at nagkukuha na ng mga images. Wala naman kaming nakitang multo! Pero naging masaya ang experience na yun. Sobra.
This is how you'll look like when you expect to see ghosts and find nothing. :)
Mart spending quality time with the Tiborxia Team. We miss this kid! :)
After ng dinner, nag-shoot uli ng isang sequence ang JEMA. Yung eksena, mukhang natatakot na sila kasi may multo na silang nararamdaman sa bahay. Magaling si Ate Ruby (nakalimutan ko ang name nya sa pelikula). Kinunan ng video ni Bernz ang eksenang iyon na ipopost niya in a few days. For now, eto kung still images ng naturang eksena...
Around 930PM na nun, nagyayaya na si Karl umuwi kasi malayo nga ang Pampanga at may pasok pa siya ng 10AM, si Bernz 930AM ang pasok. Humirit pa ako sa dalawa ng konting time at ayun, nakapag-kwentuhan pa kami kay Mart. Si Jennica may sinat kaya't nagpapahinga sa loob ng kotse. 1130PM na masarap pa rin ang usapan, ngunit iritable na si Karl sa akin kaya't pumayag na rin akong umuwi. Ehehehe. Sorry, Karl. Hinatid kami ni Papa sa sakayan at balik na kami ng Manila.
XS: Kokonting behind-the-scene moments sa shooting ng HIDE and SEEK.
Mart and Jennica with "Uno". Uno is Jennica's brother in the movie whose playmate is a ghost.
Direk Rahyan Carlos. Hope the movie will turn out best, direk! :)
Mart and Direk. We've learned that Mart is Direk's student wayback PETA days.
Jennica and Direk.
Karl and Tiborxia looking around the place. Looks being haunted! Hahaha.
Hide and Seek Crew! Sweat it out, boys! :)
|
posted by Tiborxia @ Monday, September 17, 2007 |
|
2 Comments: |
-
sorry din i didn't mean to be quip on you like that...
-
kuya al, baliktad ang username ko. its tala_charming not charming_tala. ayos, adopted martian pala ako. hehe. i like that term. ok lang sa akin maging ampon. hehe.
|
|
<< Home |
|
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|
sorry din i didn't mean to be quip on you like that...