Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Silip sa PKAD Press Con (complete edition)
Wednesday, September 5, 2007
SINGIT LANG By Thirstytrooper

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Matagumpay na idinaos noong Sept. 4, ang Press Conference ng "Pasan Ko Ang Daigdig" na pinagbibidahan ni Yasmien Kurdi at JC de Vera. Ang soap na ito ay remake ng dating Pelikula ni Sharon Cuneta na ipinalabas noong 80's. At gaya ng alam nating mga JEMAnians, kasama sa dramarama na ito ang NEXT PHENOMENAL LOVETEAM, Mart Escudero at Jennica Garcia na unang nagpakilig sa atin sa top rating na "Impostora".

Nagkita kami ni Karl sa 7/11 near GMA nang 6pm - ito ang sinabing oras ng pagsisimula ayon kay Kuya Jim mismo. Hindi muna kami pumunta sa venue (Plaza Ybarra) at for sure mga 7:30pm pa magsisimula yun. Konting kwentuhan at go kami ng past 7. Tama kami, hindi pa nagsisimula at noon pa lang nagsisipagdating ang mga artista. Halos sabay na dumating ang JEMA. Nauna lang ng ilang minuto si Mart sakay sa kotse ni Popoy. Wala pala si Kuya Jim at nagpunta ng Cavite ayon kay Karl. At dumating nga si Jennica na super sexy at litaw ang cleavage. Kikay kasi ang nanay at for sure siya ang nagdecide ng dress na iyon para kay Jen. Bagay na bagay naman. Si Mot, casual lang pero humihiyaw pa rin sa ka-gwapuhan.

Pagpasok pa lang ng JEMA ay sinalubong sila ng sabay sabay na flash ng camera. Siyempre, tuwa kami ni Karl at pinagkaguluhan ang JEMA. Pahuhuli ba kami sa kuhaan ng pics? Syempre hindi. So here are tiborxia team's set of pics from the presscon of PKAD.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ito ay isa sa mga kuha pagpasok nila sa venue ng presscon. Gandang ganda kami kay Nicnic that night.Yup! Nagpa-hair extension pa siya at naka-contact lenses. Hoy! Marimar? Ikaw ba yan?


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ito ang pic nila sa poster ng PKAD. Si Isko at Janet. Ngayon, si Mot ang mahirap at si Jen naman ang mayaman. Pinaitim si Mot dito. May kwento si Popoy, manager ni Mot. Kay Popoy ang t-shirt na ipinahiram kay Mot sa pictorial. Ang hindi alam ni Popoy, kailangan palang sira-sirain yung t-shirt para bumagay sa role ni Mot at sa tema ng pictorial. Kawawang T-shirt! hehehe!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Yasmien as Lupe at JC as Carding. Ang tawag sa kanila ngayon ay Princess and Prince of Dramarama sa Hapon. Katatapos lamang ng "Pati ba Pintig Ng Puso", heto at kasunod agad ang PKAD.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kwento ni Yasmien, hindi raw sya nandidiri kahit mabaho at madumi sa pinagte-taping-an nila. May eksena pa nga daw na nang binuhat niya si Gina Alajar eh lumubog ang paa nya sa tinatapakan niyang tambakan ng basura kung saan may dumi ng tao at may patay pang ibon (kanino kayang ibon yun?).


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ganda ng smile ni JC dito. Akala niya kasi siguro that night, press kami. Unlike pag nasasalubong namin sa SOP at ina-ambush picture taking namin siya na tipid ang ngiti. Si JC ay kapatid ni Mot sa istorya. As Carding, nagpabigote at balbas siya para maiba ang itsura sa ginampanan niya sa "Pati Ba Pintig..." bilang Aldrin. Haayy! Ke may bigote o wala, pogi pa din!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Gina Alajar as Metring, lumpong nanay ni Lupe(Yasmien). Natanong si Ms. Gina kung hindi sila nagka-clash ni Direk Joel, since direktor din siya. Hindi raw. Siya raw ay aktres sa pagkakataong ito at si Joel ang direktor. At nirerespeto niya kung ano ang gusto ni Direk Joel at ang sinumang direktor na hahawak sa kanya. Nice answer. Ang bait po ni Ms. Gina at game din sa kodakan.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ms. Gina with Raquel Villavicencio (as Veron), na isa rin sa mga nirerespeto sa industriya ng pelikula. Sabay po silang dumating sakay ng isang kotse. Speaking of Ms. Raquel, napanood ko siya sa "My Kuya's Wedding" bilang sakiting ina nila Maja at Ryan. Magaling na character actress (at Manunulat din po yata) si Ms. Raquel.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Polo Ravales as Tony at kuya ni Janet(Jennica). Siya ang tutulong bilang producer sa singing career ni Lupe(Yas), upang sumikat at umahon sa kahirapan. Sunud-sunod din ang projects ni Polo sa Siyete. Ang ayoko lang, hindi na nabago hairstyle niya sa lahat halos ng nilabasan niyang soap. Kalbo lagi. Sige na nga ok lang basta ba ipapakita mo lagi ang matipuno mong dibdib! hehehe! Di ba Ateng Tivz?


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Haayy! Kinilig kami ni Karl kay Gary Estrada (as Kadyo). Siya yata ang lalaking sisira ng relasyon ni Lupe at Metring bilang mag-ina. Love interest kasi ni Metring si Kadyo. May pic kami ni Karl kasama si Papa Gary. 'Di ko na lang ipu-post. Hehehe!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Alessandra De Rossi bilang Luming. 'Di ko alam kung ano ang role ni Luming. Basta ang alam ko nakatira din siya sa Payatas. Sinadya kong medyo whole body ang kuha ng pic para makita ang magandang hubog ng legs niya. Alex is one of my favorite young stars.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Maureen Larazabal. Karl? Sino ba siya dito? Ang alam ko, siya ang nobya ni Kadyo. Kaya may eksenang magsasampalan si Metring at Maureen dito dahil nga kay Kadyo.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

It's nice to see Marcus Madrigal in GMA Drama shows. Paborito ko rin kasi ito. Lalo na noong panay ang labas niya sa mga pelikula. Hehe! Remember "Pila Balde"? Haayyy Marcus! Buti na lang nakapag-pa-picture ako kasama ka. Hindi pwedeng hindi!!! Ateng Tivz, sawayin mo ko, ang landi ko na naman!!! Lalo na si Karl, napakalandiiiiiiii!!! Greco ang pangalan ni Marcus dito. One of the Payatas boys.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Direk Joel Lamangan. Oh di ba? Bigatin ang Direktor! Siya po ang Direktor ng Most Acclaimed movie "The Flor Contemplacion Story" starring the one and only Superstar Ms. Nora Aunor. San ka pa? Masuwerte ang JEMA. After Mario J. Delos Reyes sa "Impostora", si Direk Joel naman sa PKAD. Siya rin ang magdidirek ng susunod na movie ng JEMA after "Hide And Seek". May kwento si Direk, na so far wala namang nag-iinarte sa mga artista niya sa PKAD kahit napakabaho at napakarumi sa dump site kung saan sila nagte-taping. And they knew from the start or they were oriented in a way na nakaka-offend din sa mga taong nakatira mismo sa tambakan kaya hindi nararapat na umasta sila na nandidiri sa amoy at basura sa payatas. Kami lang naman nila Tivz ang nag-iinarte eh. Kaya kaya namin ang amoy doon. Nasanay kasi kami sa mansiyon ni Anatella. Ateng Tivz? pupunta ba tayo sa taping ng PKAD sa Payatas? Ateng? Ateng? Nasaan ka Ateng?


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kabilang din ang mga sumusunod na hindi namin nakuhanan ng pics: Tony Mabesa as Mang Ben, Jenine Desiderio as Ruffiye (ang diva na tatapatan ni Lupe) & Robert Arevalo as Don Juan.

Narito pa ang ilang pics sa nasabing presscon:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Mot and Nic again. Binigyan ng bulaklak ang lahat ng babae sa cast after ng question and answer portion.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Maraming nakiumpok na mga reporters sa JEMA para interview-hin sila. May interview nga pala ang dalawa kay Lhar Santiago. Di ko lang alam kung anong show ito ipapalabas.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Naglaro kami ni Karl at pinagswap namin ang dalawang loveteams. Here shows Mot and Yas.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Jennica at JC naman. Nahihiya nga dito si Jennica. Hindi pa rin talaga siya sanay. Though maayos na siya at very confident na pag sumasagot sa mga reporters.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

The drama princes...


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...and the drama princesses of PKAD. I hope magkaroon ng friendship sa dalawang pares na ito ng loveteams. Matagal kaya nilang bubunuin ang dramaramang ito. Extended agad eh sa Lunes pa lang magsisimula. Thanks for the info Happyjam!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang lagay eh wala kaming pic with JEMA? Pwde ba yun? Actually, si Nic pa ang nagyaya na magpa-picture kami. At sumingit lang si Mot sa likod namin. Labyu JEMA!!! Salamat nga pala kay Jema (Jen's huggable Yaya) for taking this pic. Magpahinga ka pag may time Jema. Sunud sunod na puyatan na yan! hehe!

Buweno! Bukas uli para sa ilang videos na kuha mula sa presscon kung saan kasama ang personal na pag-invite ng JEMA na panoorin ang "Pati Ba Pintig Ng Puso", na magpa-pilot na on Monday, Sept. 10, pagkatapos ng Daisy Siyete. Sana ay may mag-upload. hehehe!

'Til Next Singit!
•••Thirstytrooper
posted by thirstytrooper @ Wednesday, September 05, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA