Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Pagiging Maka-BAYAN
Sunday, September 23, 2007
Noong Martes (September 18) may balita sa Chikka Minute ng 24-Oras tungkol sa maling pagkanta ni Christian Bautista sa Pambansang Awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang. Hindi ko napanood ang buong detalye ng balitang iyon, kaya't pumunta ako sa PEP.ph at dun nagbasa. Ayon sa PEP, "Nerves got in the way of singer Christian Bautista as he was singing the Philippine National Anthem in a boxing exhibition match between Gerry Penalosa and Concepcion Bernabe last Sunday, September 16, in Alabang."

San nga ba nagkamali si Christian? "The young singer started on the right foot but faltered in the end when he forgot to deliver two lines (Buhay ay langit sa piling mo / Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi); thus making his rendition an abbreviated one. "

Martes ng gabi rin, nagtext ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan sa trabaho. Ganito ang naging pag-uusap namin:

Yeye: Hoy baks! Ang christian bautista mo, national anthem na nga lang, hindi pa makanta ng maayos. Peste!

Tivz: Mas peste ka! Wag mo ngang ma-peste si christian! Bakit ikaw, memorize mo ba ang pambansang awit ng pilipinas?

Yeye: OO!!! Bakit? I'm nationalistic! Patriotic in true sense!

Tivz: Echosera! Eh bakit ba ang init ng ulo mo ha? Hayaan mo na nga si Christian. Wala namang ginagawa sa iyo ang tao ah!

Yeye: Eh peste eh, mga banyagang kanta memorized nya tapos ang sariling atin, nagkakamali pa! National Anthem pa man din!

Tivz: Eh keber! Christian Bautista is still Christian Bautista.

Yeye: Alam mo bakla, biased ka!

Tivz: Hoy balyena, nanggaling ka na ng New Zealand and all asan na ang pasalubong ko!

Yeye: Kapal mo ha, binigyan na kita ng chocolates!

Tivz: Ay oo nga pala. Miss you, kita na naman tayo minsan. Sabihan mo ang iba. Si Em miss ko na ang bruhang iyon. Milyonarya na ata yun sa beads nya!

Yeye: Pinapalitan mo ang topic eh! Pero oo, nasa QTV ang bruha nung isang araw kasama si Miriam Quiambao.

Tivz: O cya. Madami pa akong trabaho. Magtrabaho ka na rin!


In fairness naman kay Christian, nag-apologize at nag-explain naman siya sa kanyang pagkakamali. Aniya, (sa PEP pa rin) "I apologize to the Filipino people for the lapse of memory that occurred yesterday during my rendition of the National Anthem. I was recovering from a cold and the adrenalin and excitement of the moment got me through it. Unfortunately, it was at the cost of a momentary lapse on my part. I promise that my next rendition of our National Anthem will be faultless."

Bakit ako nagpasyang mag-blog nito? Kagabi, may episode ang Jessica Soho tungkol na rin sa mali-maling pagkanta ng ating Pambansang Awit. Natawa ako. Totoo nga. Pagkatapos naming magtext ng kaibigan kong si Yeye, tinanong ko ang iilang katrabaho ko kung alam nila ang titik ng Lupang Hinirang. Natawa kami sa kinalabasan. Kung buhay pa si Julian Felipe, tiyak na itaktakwil rin kami 'nun.

Eto ang tamang titik ng Lupang Hinirang, Official version since 1956:

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig, Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.


Bago natin gamitin ang kasalukuyang titik ng Lupang Hinirang, nagkaroon pa ito ng English at Spanish version. For obvious reasons, we were under the Spanish and American regime, hence it would be their decision as to which language the anthem be.

The Philippine Hymn (by Camilo Osias and A.L. Lane)

Land of the morning,
Child of the sun returning,
With fervor burning,
Thee do our souls adore.
Land dear and holy,
Cradle of noble heroes,
Ne'er shall invaders
Trample thy sacred shore.
Ever within thy skies and through thy clouds
And o'er thy hills and sea,
Do we behold the radiance, feel and throb,
Of glorious liberty.
Thy banner, dear to all our hearts,
Its sun and stars alight,
O never shall its shining field
Be dimmed by tyrant's might!
Beautiful land of love,
O land of light,
In thine embrace 'tis rapture to lie,
But it is glory ever, when thou art wronged,
For us, thy sons to suffer and die.


Filipinas (for Jose Palmas)

Tierra adorada
Hija del sol de Oriente
Su fuego ardiente en ti latiendo esta.
Patria de amores!
Del heroismo cuna,
Los invasores
No te hallaran jamas.

En tu azul cielo, en tus auras,
En tus montes y en tu mar
Esplende y late el poema
De tu amada libertad.
Tu pabellon, que en las lides
La victoria ilumino
No vera nunca apagados
Sus estrellas y su sol.

Tierra de dichas, del sol y amores,
En tu regazo dulce es vivir.
Es una gloria para tus hijos,
Cuando de ofenden, por ti morir.


Aminin nyo, kahit kayo hindi na rin nasasaulo ang Pambansang Awit natin. Napapaisip tuloy ako kung saan tayo nagkulang bilang mamayan, bilang Filipino. Nagkulang ba tayo sa Pagiging maka-Bayan? ;)
posted by Tiborxia @ Sunday, September 23, 2007  
2 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA