|
Denial |
Tuesday, October 23, 2007 |
I have been too pre-occupied lately by so many things. Nakakaloka, hindi ko na alam kung ano at sino ang uunahin. Sabi nga sa text ng isa sa mga dati kong ka-opisina, "it hurts like hell to pretend that you're happy when deep inside you're dying. It takes a lot of effort to flash a smile when all you wanna do is break down and cry. The saddest part of it all is you wanna end the torment yet your heart just keeps on holding on... living in an illusion that there's still hope when all you've got were just ashes of a joke."
The past four weeks was like hell. Feeling ko wala akong kakampi, feeling ko kaaway ko lahat -- kahit hindi naman.
Una, naghiwalay si Mama at Papa. Yes, my biological mother and father. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ayoko ng malaman, wala rin namang patutunguhan. At some point in my stupid life I feel part-guilty. Deadma ako sa kanila, I don't even care what they're up to. Basta ako masaya dahil nagagawa ko ang gusto ko at kahit na tumutol sila, ako pa rin ang nasusunod -- tapos ang usapan.
I tried to understand them. I tried to talk to them yet I get nothing. Mabigat sa loob but you have to move on. Ako na ata ang pinaka-stereotype na anak. Would you believe na sinabi kong "mas mabuti pang magkahiwalay na lang kayo than pretend to be happy together, mga punyeta kayo para kayong mga bata sa highschool!" Dala lang ng galit at inis. But I swear I can tell them more than that. Pinipigilan ko ang damdamin ko.
Though deep inside gusto kong magkasama sila -- hindi para sa akin, pero para sa mga kapatid ko. Kung magkapareha lang kami ng pag-iisip ng mga kapatid ko, then everything will be ok. Last week na-confine si Mama, nag-bleeding at kailangang salinan ng 4000cc na dugo. Dagdag problema. Hindi ko alam kung san kumuha ng dugo, buti na lang at Ms. Congeniality ako noong college kaya't halos lahat ng kaklase ko nag-donate ng dugo pamalit sa kinuha sa blood bank. Thanks to everyone for their blood except sa ex-boyfriend kong walang kwenta! Nawa'y kulangin ka rin ng dugo balang araw! Digital ang karma ngayon. Everything's well.
At my lowest point last week, magkatext kami ni Mart. May iringan pa kami that time pero pinasantabi ko muna at bigla kong nabanggit sa kanya yung paghihiwalay ni mama't papa. Nasabi ko na kay Bernie ito dati since siya ang pinaka-close kong kaibigan outside the office at labas sa college barkada ko. I needed an opinion from people na hindi pa nakikilala si mama't papa so I can weigh things. Mart was trying to help out with what I feel. Though he did little, I am more than appreciative.
Pangalawa, abot-langit ang pagseselos ko kay Karl. Abot impyerno din ang galit ko sa kanya noong mga panahong hindi ko naiintidihan ang mga nangyayari. Though everything's ok now. Nagkausap na nga kaming tatlo nina Bernie. Laking pasasalamat ko lamang na hindi mainitin ang ulo ni Bernie at Karl kundi, wala ng Tiborxia Team ngayon. Maka-ilang beses na akong nag-walkout kay Karl. Hindi ko nga alam kung paano nya natitiis ang kamalditahan ko. I swear, sobrang maldita ko. Ask Bernie, witness yan sa lahat ng mga pinanggagawa ko.
Palautos ako to begin with. Mahilig akong magmando. Kung ano ang gusto ko, dapat nasusunod. Kung wala kang magandang rason to contradict my ideas, then my idea is the best. Si Bernie naman hate ang inuutusan siya, unless kung masaya naman siya sa ginagawa nya at alam nyang may patutunguhan, ginagawa nya. Si Karl, masunurin. Mabait. Sa walong buwan na magkasama kami, iisang beses pa lang yan umalma sa kagustuhan ko. I am more than grateful and thankful to have them both. Karl at Bernie, sorry sa mga inisip at sinabi ko. :)
Pangatlo, ang bagong sibol na balita tungkol kay Mart. Hindi na ako masyadong nakakapag-basa ng balita online or maging sa mga pahayagan. Naka-subscribe na lang ako sa Kapuso Yahoogroups at doon na lamang nagbabasa ng mga balita sa showbiz. This one caught my attention, let me just react to this.
MART DENIES KRIS' STATEMENT
IN a previous interview, Kris Bernal said Jennica Garcia is the reason why her StarStruck Ultimate Sweethearts co-winner, Mart Escudero, stopped courting her. At the presscon of Regal's Halloween horror offering, "Hide and Seek," Mart counters this by saying it's not true.
"I met Jen when we were paired in `Impostora' three months ago," he says. "But two weeks before the taping started, I've already stopped sa pagdiskarte kay Kris. Ayoko na lang sabihin kung ano ang reason. Ever since, kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Kris. Kay Jen, naging very special agad siya kasi napapasaya niya ako. I'm really happy when we are together sa taping namin mula pa sa 'Impostora' hanggang sa 'Pasan Ko ang Daigdig' and `Boys Nxt Door', at lalo na when we started shooting our launching movie na `Hide and Seek' in Pampanga."
What can he say about the advice of Jen's mom, Jean Garcia, not to be so serious when it comes to love? "I respect that at tama naman siya kasi mas mabuti talagang unahin ang trabaho, lalo na nga at Jen and I are both just starting our careers. Isa pa, I'm helping my own family and I want to buy them our own house, kaya hindi talaga dapat magseryoso muna sa love."
Hindi sa kinakampihan ko si Mart nor am I saying na mali si Kris. Once and for all, hindi si Jennica ang dahilan kung bakit tumigil sa panliligaw si Mart kay Kris. June 4, 2007 tumigil si Mart kay Kris. Kung titingnan nyo ang kalendaryo, hindi pa nagkikita si Mart at Jennica sa mga panahong iyan. Kung nagkita man sila, yun ay para sa Story Conference ng Impostora. Kahit noong nagsimula na ang taping ng Impostora, nauna si Mart at sa pang-apat na linggo ng taping na umeksena si Jennica. So paano magiging dahilan ang babaeng hindi pa nagsasabog ng kanyang kagandahan? Aber?
Ayoko pangunahan si Mart at Kris sa dahilan kung bakit naudlot ang ligawan. O kung bakit nagtampo si Kris kay Mart. O kung bakit tumigil si Mart kay Kris. Pareho silang hindi nagsalita, bakit ako magsasalita? Baka batukan pa ako ni Motmot eh. :) Eto na lang, kung ano ang dahilan ni Kris sa pag-ayaw kay Mart yun din ang dahilan ni Mart kung bakit siya umayaw kay Kris. Yun nga lang, nauna si Kris. :)
Dahil sa mga kaganapan sa buhay ko noong nakaraang linggo, naghanap ako ng libangan. Si Mart lang ang pumatol sa cheap kong laro. Ganito ang naging palitan ng text, salamat sa Unlitext!
Tivz: Pastries or Candies? Mart: Candy
Tivz: Shorts or Pants? Mart: Shorts
Tivz: Mestiza or Morena? Mart: Both
Tivz: Long straight or short curly hair? Mart: Long straight
Tivz: Starbucks or Coffee Bean? Mart: Starbucks
Tivz: Hot or Cold? Mart: Cold
Tivz: Puro tanong lang, pati sagot dapat tanong lang din. Mart: Utut, nakuha mo lang yan sa pelikula eh
Tivz: Slippers or Sneakers? Mart: Slippers
Tivz: Black or Blue? Mart: Black, txt u later may gagawin lang
Kulang pa rin ako sa pansin kaya't si Paulo na naman ang kinulit.
Tivz: Pst! Busy ka? Pau: Hindi. May inaayos ako sa pc. Tas naghahanap din ng mga gamit sa net.
Tivz: Huh? Anong gamit? Pau: Pang climb.
Tivz: Ah, di ko nabanggit may officemate pala akong mountaineer. Pau: More on climbing ako eh.
Tivz: Ano bng nkukuha mo dun? Pau: Wala msarap lng yung feeling kpag ntatapos mo yung route. Tsaka msarap kpag nalalaglag, Hehehe
Tivz: Ay, alam mo na bagong show mo sa QTV? Pau: Sweet Life?
Tivz: Hindi, iba ata. Di pa ako sure. Pau: Ah.. wala p naman sinabi sa akin.
Tivz: Oi! Si Kutz pala nagtatampo sa'yo, sinabi na nya pala sa'yo. Ehehe Pau: Bat ba nagtatampo?
Tivz: Zzzzzzzzzzzzzzzzz.. Nakatulog na. :) sorry kutz! :)
Kahapon ng madaling araw (01:27:35am) nagtext ang tatay ni Mart, "Al. Ingat ka lagi. Miss you. Love mama at papa."
Wala akong nasabi, natulala na lamang ako.. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-text kaya't nag-blog na lamang kahit mukhang walang kwenta ang mga pinagsasabi ko. With all that has happening to me, few people makes a difference in my everyday decision. Few people can manage to affect what I think, very few of tham can change me. The rest, most of them I take for granted, most of them I think worthless, most of them I value less. But those who can manage to make a tear fall from my eyes through my solid-as-rock heart, those that I can not stand to not see or talk or text for at least a day, those that can shatter my brain and pebble my emotion... they are those that matter to me most.
For now, there are just three of them. The rest are in-denial.
... |
posted by Tiborxia @ Tuesday, October 23, 2007 |
|
1 Comments: |
-
hi kuya! just finished reading your entry... baka test po yan ni God... kaya nyo po yan, kuya...:) pasensya na po kung di po ako mahagilap minsan..busy lang din po =) para mapangiti po kayo, visit nyo na lang po ito: http://blogniinday.wordpress.com
ok po? =)smile lang po kayo, kuya =)
|
|
<< Home |
|
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|
hi kuya!
just finished reading your entry...
baka test po yan ni God...
kaya nyo po yan, kuya...:)
pasensya na po kung di po ako mahagilap minsan..busy lang din po =)
para mapangiti po kayo, visit nyo na lang po ito:
http://blogniinday.wordpress.com
ok po? =)smile lang po kayo, kuya =)