|
ang Pizza at ang KidzWorld |
Monday, October 1, 2007 |
Hindi ko alam kung san mag-uumpisa... Monday (September 24) pa lang ay sinabi ko na kina thirstytrooper na gusto kong pumunta ng taping ng Boys Nxt Door na kukunan sa KidzWorld sa Dasmariñas, Cavite. Ang problema, may scheduled team building din yung training class namin sa araw na yun sa Los Baños Laguna. I tried to make compromises, eto ang drama: Unang araw, Monday: Nagda-drama akong masama ang pakiramdam.Tivz: Guys, I guess I am not able to make it on Saturday.
Echosera 1: Bakit po?
Tivz: Masama pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin ata ako.
Echosera 2: Dumating na ata ang nurse sa clinic, andun na rin ata ang resident doctor. Samahan kita. Tara! Kaya ayun, drama to death ako hanggang Tuesday na masama ang pakiramdam. Walang epekto. Wednesday, ibang drama na naman.
Echosera 1: Nakapag-reserve na kami ng resort. Mura lang, 10K! Pero baka pwede yun sa 6K, kakilala naman yung may-ari.
Echosera 2: Perfect! So guys, all we have to worry now is the food. Dun na lang tayo mamalengke sa Laguna, mura ang mga bilihin dun. Al, ok ka na di ba? Sama ka na?
Tivz: Mahadera ka talaga. I still can't make it. May earlier commitment pala ako sa Cavite. I have to meet an old friend. Mukhang important eh. But I'll try to catch up with you guys in the evening, I guess that'll work.
Echosera 2: Hahabol ka? Hahada ka lang eh! Sumama ka na. Walang kasama si Popeye sa sasakyan nya, puro bag lang dun. Magmumukhang driver yun. Ahahaha!
Echosera 1: San ba sa Cavite? Si Princess Fiona din ata hahabol lang, sabay na rin kayo. May dala rin yung sasakyan. Daanan ka na lang.
Tivz: O cge na. Hindi ako pupunta. Period. No questions asked.
Echosera 2: Ayan. Ayan. Power-tripping ka na naman.
Tivz: Ang aarte nyo eh, sabi ng hahabol na lang. Dami pang satsat. Ehehe. But thanks sa mga sasakyang offer. I-cash nyo na lang kaya ang gasolina! Ahahaha.
Echosera 1: Tara, lamon na lang tayo. My treat. :) Friday night, ayaw pa rin paawat ni Echosera 2...Echosera 2: O ano, sama ka na bukas ng umaga ah.
Tivz: Mas makulit ka rin sa akin ano? Kita mo sarili ko lang ang dala ko ngaun? Buti ka nga naka-tsinelas na! Teka, impakta ka! Naka-tsinelas kaaaa???! Umuwi ka nga at magsapatos!
Echosera 2: Ehem. Ehem. Sino boss dito? At isang libo 'tong tsinelas ko noh. At babaeng walang tulog, Pajama party ngaun. Bakit naka-jeans ka? Hala, hubad!
Tivz: Echos. Bsta hindi ako sasama. Kaw na magsabi sa kanila. Tara, treat na lang kita ng kwek-kwek. Bilis! 6AM ng sabado nakauwi na ako ng bahay. 830AM pa naman ang usapan namin nina Bernie, Tala at Karl kaya't makakatulog pa ako. Buti na lang at nagising sa oras kaya't saktong 830AM nasa meeting place na. Ang problema si Bernie dumating ng 10AM, sabi nya umuulan daw. Hindi na namin nahintay si Tala kaya't sa KidzWorld na dumiretso ang bata.
Tiborxia sleeping in the bus headed for Dasmariñas, Cavite.
En-route sa location, sinubukan kong matulog ulit habang nagku-kwentuhan naman sina Karl at Bernie sabay kumakanta. Mga hitad sadyang tinataas ang tono ng kanta para hindi ako makahirit. Palibhasa mga gifted.
The Location. :)
Marky Cielo is Alexis, the Green Zaido. Watch him weeknights on GMA 7.
Kiko Junio is Decdec, Winona's current boyfriend in the afternoon youth-oriented show, Boys Nxt Door.
Mart Escudero, Atom in BND; Isko in Pasan Ko ang Daigdig; and Joseph in the movie Hide & Seek -- is one of the hottest Ultimate Winner of Starstruck 4. :)
the Tiborxia Team with Paulo Avelino and Mart Escudero.
Pagdating sa location. Naabutan naming naka-topless si Marky at nagpapa-pic kina Stef at Glaiza. Ng makalapit na, andun din sina Aljur, Kris, Mart, Jennica, Kiko, Jessie Rich at Paulo. Pagkakita ng pagkita ni Paulo sa akin ganito ang naging usapan: Paulo: [nakangiti, excited] Oi Al! Nagpaputol ako ng buhok!!! (sabay hawak at turo sa buhok)
Tivz: Nice! Ampogi. Musta? (sabay halik)
Paulo: Ang haba na kasi ng buhok ko eh, pinagupit ko.
Tivz: Gwapo nga eh. Sana nilagyan mo ng wax. Asan na wax mo, aayusan kita.
Paulo: Wala nga eh, hindi ako nakabili.
Tivz: Teka, si Mot meron ata.
Paulo: Wala rin, tinanong ko na kanina. (Lumapit si Stef para bumati.)
Stef: How are you? 3 weeks akong wala rito.
Tivz: Ako 4 weeks hindi nakabisita!
Stef: Kelan yung last?
Tivz: For BND you mean or kay Mart?
Stef: BND. Ahahaha.
Tivz: Yung sa PLM ata.
Stef: Saang PLM?
Tivz: Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Yung school. Wala ka ba dun?
Stef: Ay, wala ata ako dun.
Tivz: Tinatawag ka... Punta ka muna dun. (Binalik ang attention kay Paulo)
Tivz: Hayaan mo na ng ganyan ang buhok mo. Wafu ka pa rin naman eh. (sabay kurot sa pisngi)
Paulo: Tumaba na rin ako. Yes! Yes! (sabay pakita ng muscles sa braso)
Tivz: Honga, pero marami ka pa ring tigyawat! Bwahahaha.
Paulo: Ano pa ba ang bago.
Tivz: Ayan o, ang laki ng tigyawat! Palagyan mo ng concealer mamya. Si Kutz pala dapat kasama ngaun kaso andun sa Pangasinan, may ginagawa ata. Pero baka next week makakadalaw na yun.
Paulo: Pangasinan? Sabihan mo dalhan ako ng tilapia.
Tivz: Huh? Tilapia? Marami ba dun?
Paulo: Oo, marami dun.
Tivz: Cge, sabihan ko si Kutz ah. Ahahaha
Paulo: Ehehe. Wag! Biro lang. Teka, tinatawag ako. Kakain na ata, balik ako mamya. (sabay kuha sa Dolce & Gabbana aviator shades nya at pinahawak sa akin)
the ever-missed, Paulo Avelino.
Paulo Avelino and Aljur Abrenica reading their scripts while waiting for the lunch break.
Jennica Garcia and Mart Escudero had good reviews in Manila Bulletin's sunday (September 30) Issue.
Good Friends. Marky at Mart pet each other's names as "Brad".
Bumalik na rin ang ibang cast ng BND malapit sa tent para kumain. Si Mart at Jennica nagpaiwan dun sa pool area at nakipagkwentuhan kina Karl at Bernie, kakarating lang ni Tala sa mga oras na ito. Ako naman naiwan kung san kami nakaupo ni Pau at binasa yung script nya. Siya pala si Peter, ang mayamang ex-bf ni Winona. Medyo may pagkaangas ang character ni Pau sa BND.
Really Comfortable Friends. Mart and Jennica was a subject of a blind item because of their closeness and sweetness.
Playful Glaiza and Jessie.
Nakaramdam ako ng gutom kaya niyaya ko sina Bernie, Karl at Tala na pumunta ng SM Dasmariñas na katabi lang ng KidzWorld. Gutom na rin ata ang mga hitad kaya't kumain kami sa Tokyo Tokyo. The best ang fried squid! :)
Habang nakapila, tinext ko si Pau.
Tivz: [sms] Nsa SM kami, want anyting?
Paulo: [sms] caramel machiato, non-fat, grnde. Pay kta d2. Tnx!
Tivz: [sms] okidoks.
Tiborxia and Paulo Avelino.
Pagkatapos kumain, tinanong namin kung san ang Starbucks sa SM. Wala pala, sabi ko baka meron sa Robinsons. Magkalapit lang ang SM at Robinsons kaya't pinuntahan na namin. Wala rin palang starbucks dun. Calling Starbucks, lagay na kayo sa Dasma. :)
Pagbalik ng loc, nagte-take na sina Summer at Migs sa may bar. Topless ang drama ni Migs at naka-swimwear naman si Summer. Sina Peter, Decdec, Milo at Winona naman nasa artificial pool na may wave. After ng eksena, iniinterview si Mart tungkol sa blind item nila ni Jennica. Si Kiko naman iniinterview dahil sa issue niyang clepto daw siya. May interview rin kina Kris, Aljur at Mart. Lahat ito mapapanood sa Showbiz Central.
Hindi pa nami-meet ni Tala si Paulo. Kaya't sinundo ko si Pau at dinala sa may poolside kung san kami naka-tambay. Pagdating dun, sakto namang tinatawag sila para mainterview ng mga dumalaw na Press. Promise, ang daming reporters that day! Nakakaloka! :) After an hour, sumenyas ako kay Pau, lapit naman agad. Pinakilala kay Tala at konting picture.
Nasabi ko na dati na nagbibiro si Pau na crush nya si Jennica. Naisip namin ni Pau na asarin si Mart kaya't pinag-pose ko ang dalawa ng sweet. Ang Jennica, mukhang loyal kay Mart. :) Hindi kami masyadong nakapag-usap nina Jennica at Mart that day, puro si Paulo ang inatupag ko. Wala pa namang bagong balita sa JEMA, kaya medyo ok lang. Kay Paulo muna concentratated ang entry na ito...
Tala ang Paulo Avelino. Tala traveled far cavite just to see Paulo. :)
Crazy friends, Paulo Avelino and Jennica Garcia.
4PM ng medyo relax ang lahat. By this time, dumating si Mike (kapatid ni Mart) kaya't nakipagharutan na naman. Andun din si Bem, si Myla na asawa nya at ang kanilang supling. Si Bem ay isa sa mga naunang Martians at ang dahilan kung bakit Martian ako ngaun. Pagkatapos ng munting Reunion, humiga ako sa isa sa mga beachbeds para matulog. Inaantok na ako. Nakatulog for 30mins, pagkagising nakita ko si Pau na nakahiga rin sa katabing beachbed.
Jennica with Bem and Myla.
Tivz: Hindi mo na ina-update blog mo. Nag-oonline ka pa ba?
Paulo: Naglalaro ako parati eh. Ehehe. Noong isang araw ka-chat ko si Rene.
Tivz: Hindi na tayo mapang-abot. Nasa MSN messenger ako parati.
Paulo: Dun din ako, pero parating for downloads.
Tivz: Teka, nasabi ko na bang Mod na si Dave sa iGMA?
Paulo: Talaga? Paano ba maging mod? Eh mod ka na rin?
Tivz: Ako, mod? Asa ka pa. Ahahaha. Dagdag trabaho lang yun. Hayaan ko na si Dave dun, epal naman yun eh. Wag kang maingay ah!
Paulo: Ahahaha. Ang sama mo.
Tivz: May bagong loveteam na pala si Jewel ngaun. Alam mo na ba?
Paulo: Sino?
Tivz: Si Richard Gutierrez.
Paulo: Ano tawag sa kanila?
Tivz: Chardwel. Nung isang araw binisita ko ang thread nila, sabay post na JUPAO pa rin ako. Tawa lang sina Ratz, sinabing pasaway ako.
Paulo: Musta si Juju?
Tivz: Ok lang naman ata. Hindi na rin kami masyadong nagkakausap ngaun. Sina therese, james at jheng parating may balita dun.
Paulo: Hoy teka. Tinatawagan kita noong isang araw, andun ako malapit sa building nyo. Bibili ako ng yellow cab para kay *******, unreachable naman fone mo. Lilibre sana kita. Tivz: Naka-divert ata. Di nga?
Paulo: Oo nga.
Tivz: Waaaaaahhhhhh! (sabay kurot) sayang! Next time magtext ka kung di mo ko matawagan.
Paulo: Parang ako. Ahaha. Sa sun nga sila tumatawag eh, kaso kokonti lang din nakakaalam ng sun number ko. Tivz: Sayang yung treat! Si juju nagtreat din nung isang araw eh. Oi teka, nasa zaido ka pala. Ahahaha. Ang sexy mo dun! Bakat na bakat rin! Panalo!
Paulo: Ahahaha. Napanood mo na?
Tivz: Hindi. Naikwento lang sa akin. Naka trunks ka rin daw dun ah. Bwahaha. Bukol king ka rin pala! Bwahahahaha.
Paulo: Loko! Naiilang nga ako eh.
Tivz: Wushu. Ilang episodes ka dun? Regular ka ba dun?
Paulo: Hinde. Apat ata... lima.. anim.. pito. Ewan, di ko alam. Pero tapos ng i-tape.
Tivz: Sayang, di ko mapapanood. Teka, si Harry ang sexy sa movie nya ah. Ahahaha. Sabihin mo Tiananmen tayo uli.
Paulo: Hindi ko nga alam kung nasan yun ngaun eh. Baka nasa Bicol or baka nasa Boracay.
Tivz: Anong ginagawa dun?
Paulo: Bakasyon ata.
Tivz: Mabalik tayo kay Dave. Ahahaha. Nagtetext pa ba yun sa'yo?
Paulo: Oo, nagtatanong ng updates.
Tivz: Si Kutz?
Paulo: Yup. Pero minsan after 3days ko na narereplyan. Nakakalimutan ko kasi eh.
Tivz: Ang sama mo talaga! Hindi ka lang pala sa akin ganyan. Ahahaha
Paulo: Ikaw kaya ang pinakamakulit na magtext. Tinext ko nga noong isang araw si Kutz tungkol sa play namin eh.
Tivz: Ay oo nga pala, anong nangyari dun? Yun yung sa Bulacan, di ba?
Paulo: Eh hindi naman kayo makakapanood dun eh. Exclusive yun para sa school. Mga elementary. Badtrip nga nung nagperform kami, nawalan ng kuryente, hindi tuloy nila marinig mga pinagsasabi namin ni Jan (Manual). Sigaw lang sila ng sigaw, picture tapos autograph. Sayang nga eh. Maganda pa naman yung moral ng story. Tivz: Ay, badtrip nga. Pero ok na rin, at least natuwa ang mga bata. Yun naman ang importante dun eh.
Paulo: O, kape. Ang init eh, di ko mainom.
Tivz: Ayoko. Parang hinahanap ka ata. Paayos mo na yang make-up mo ulit. Hindi na pantay, magte-tape ka na after nyang eksena nina Jessie.
Paulo: Uuwi na ba kayo?
Tivz: Hindi pa, mamaya pa.
Paulo: Daanan mo ako pag uuwi ka na.
|
posted by Tiborxia @ Monday, October 01, 2007 |
|
2 Comments: |
-
that's true al. talagang pumunta ako all the way to cavite para lang ma-meet si pau. at hindi para makita sina bok. haha.
teka, kuya bernie at al nasaan yung pic ko with kiko? alam ko may pic din ako kasama siya.
sayang, iisa lang ang pic ko with nicnic sa cavite. at wala pa naman sa camera yun. nasa fone ni mot. paano ko kaya makikita at makukuha yun?
-
Tala, try namin kunin yung pic nyo ni jennica sa phone ni motmot.. ehehehe... :)
|
|
<< Home |
|
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|
that's true al. talagang pumunta ako all the way to cavite para lang ma-meet si pau. at hindi para makita sina bok. haha.
teka, kuya bernie at al nasaan yung pic ko with kiko? alam ko may pic din ako kasama siya.
sayang, iisa lang ang pic ko with nicnic sa cavite. at wala pa naman sa camera yun. nasa fone ni mot. paano ko kaya makikita at makukuha yun?