Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Latest TBND Taping
Wednesday, September 26, 2007
SINGIT LANG by Thirstytrooper

Ang totoo, tinatamad talaga akong pumunta ng TBND taping noong Sabado. Ang lakas kaya ng ulan. Pero nakakahiya naman kay Karl. 4pm ang aming usapan na magkikita sa gateway, eh 2pm pa lang nandun na siya at naglalamyerda. At mas nakakahiya kay Tala. Ilang beses na siya nagpasabi na iti-treat nya kami (birthday nya kasi) at hindi kami nakakapunta. At gusto niyang sa TBND set na lang siyang manglibre. So go ako kahit umuulan.

Nagkita kaming tatlo ng past 5pm sa Ever Commonwealth. Nakabili na sila ng greenwich pizza at drinks na dadalhin namin sa set. Deretso na kami sa TBND location sa BF homes. Buti na lang at huminto na ang ulan.

Nakita namin si Kuya Jim kausap ang Parents ni Glaiza. Kaunting kumustahan at derecho na kami sa tent kung saan naroon si Marky at Glaiza na busy sa panonood ng Zaido, "the making", sa phone (ni Bok). Dito rin nalaman ni Karl kay Glaiza na bibisita rin sa set si Alchris Galura ng Coke's Ride To Fame. Tuwa kami siyempre. Lalo na si Karl na kumandi-kandirit pa. Hehe!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


We decided na pumunta na sa bahay kung san ang taping para ibigay ang isang box ng pizza sa JEMA. We waited sa garahe dahil hindi na yata na nagpapapasok. Wala pang 2 minutes ay lumabas si Jennica, kasunod si Mart. Sigaw si Jen as usual. Yakap at kumandong pa sa 'kin. For sure daw na miss na miss ko na siya. Siyempre ipinakilala namin si Tala kay Nicnic at sinabi namin na birthday nya at sa kanya galing ang pizza. Daldalan at picture-an na umaatikabo ang kasunod.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Hala! Hindi pa nabusog sa pizza ang JEMA at nagsalo pa sa instant pancit canton na pinaluto nila. Mukhang masarap! Pati si Karl napanganga! haha!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Favorite nga pala ni Nicnic ang pancit canton.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang tambok ng pisngi ni Nic. Pancit Canton ang laman nyan, hehe!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Tyempong ipinatawag si Mot. Naiwan kami kasama si Nic. At dumaan si Kris at humalik sa amin. Nagtanong si Nic about the script na hawak ni Kris. Syempre laging ready ang D-cam namin.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Hehe! Si Tala nakatutok na parang may linya rin sa script.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

At isa pang pose na magkasama si Jen at Kris with the birthday girl. May pagka-kamukha sila no? After this ay lumabas na si Kris para i-entertain ang mga fans n'ya na nasa labas.

Kinailangan na rin sa loob para magpalit ng damit si Nic. Timing naman na andiyan na si Alchris. Kaya picture agad hehe! mahirap na baka ma-low batt ang D-cam!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Hayy! Yung dimples ni Alchris! Pamatay!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
With Tala and Karl



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Alangan namang magpahuli ako.


Balik kami sa bahay. Nand'un na uli si Jennica kausap ang kaeksenang manghuhula na cashier dati sa last Saturday's episode.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Niyaya kami ni Jen na pumasok sa loob ng bahay. Siyempre, hindi na bawal dahil ang JEMA na ang nagpapasok sa 'min at doon itinuloy ang aming bonding.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tala & Jen


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Hehe! ito ang panalo! Walang magawa ang JEMA. Kaya si Nic, inayusan ng buhok si Mot! Si Mot na hindi makatutol kahit sumasakit ang anit sa pagkakatali ng goma sa buhok nya. Tawa kami ng tawa.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang finish product! hehehe! Si Jennica din ang nagpa-peace sign kay Mot.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Mot at ang hair stylist. hahaha!



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Naki-bonding din si Marky sa amin. Bait ni Marky. Kahit si Jennica ay bait na bait din sa kanya. Siya kasi ang umaalalay kay Jennica sa mga chroma scenes nila. Bakit hindi si Mot? Nahihiya kasi siya eh.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa sala ay nand'un naman ang magkapatid! Cute no? Iboto po natin si Al sa Coke Ride To Fame

Nag-take sila Mot ng kanilang eksena with the manghuhula sa labas so lumabas na rin kami. That was the time na kinausap ko si Kuya Jim habang nasa set si Karl at Tala at patuloy na nagkukuha ng pics.Hindi pa raw kasi nila nakukunan ang GLAIKY! eto po yun:


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

O di ba? Todo emote sa posing. Ang kulit! Hehehe!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Eto pa isa!

By this time ay 10pm na at gusto ko na talagang umuwi. Pumasok uli kami sa loob para magpaalam sa JEMA. At siyempre pictures pa uli.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tyempong nand'un ang Red Zaido at nagpakuha na ang malalandi!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Another pic of Tala with Bok!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

The team minus Tiborxia (dahil busy sa career) with JEMA. Nagbabay na kami after this.

Sa labas ay nand'un siyempre si Kuya Jim na na-interrupt ang panonood ng "Imbestigador" sa tv niya sa kotse dahil nag-abalang ihatid kami hanggang sa gate ng BF homes. Thanks Kuya!

Pag-uwi bago matulog, i scanned the pics in my cam at naisip ko na buti na lang at pumunta ako sa taping (-:

The next TBND taping will be in Cavite. Sana ay makapunta ang buong Tiborxia Team. 'Yun lang po, salamat and I hope you like the pics!

'til next SINGIT!
Thirstytrooper

Pahabol po: Nagsabi si Tivz sa akin, may ganid na leon na humihingi raw ng pics ng JEMA at iba pang pics na narito sa blog minus the tags. Sorry po. Kahit may tags man o wala ay hindi ko po kayo mapagbibigyan. Alam nyo naman siguro ang dahilan. Kanya kanya na tayo matagal na di ba? Why all of a sudden hihingi ka ng pics na dugo at pawis ang puhunan namin? Matapos mo kong siraan at magparinig ng kung anu-ano laban sa akin? And why not shoot your own pics? May panahon ka nga maglibot sa mga massage parlors sa buong kamaynilaan kasabay ng pagsisimba mo, why not take your time to visit the tapings at kumuha ng sarili mong litrato imbes na manghingi ka sa amin ng ilalagay mo sa ipinagmamalaki mong site na pag-aari mo(applause!!!)? Oh? Baka magsumbong ka na naman? Samahan pa kita gusto mo? Isama mo na rin ang baklang pari na tulad mong ipokrito. Hahaha!
posted by thirstytrooper @ Wednesday, September 26, 2007  
2 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA