Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

ang Undas at ang Pasasalamat
Thursday, November 8, 2007
Sobrang successful ang Premiere Night ng Hide & Seek na ginawa noong October 28 sa Cinema 6 ng SM Megamall. Let me take this chance para pasalamatan ang lahat ng pumunta upang manood. Subukan kong banggitin yung mga pangalan nyo ngunit paumanhin po kung makakaligtaan ko ang iba. Hehehe. Kay james, jheng, therese, kuya daboy, sa isa pang ksama nila na nakalimutan ko ang name, kay jewel, kutz, tala, ethel, britney, nakalimutan ko name nung kasama nina britney, karl, bernie, mike, glenn, kennard, lynn, rachel, christine, jp ba yun?, carla, ed, joseph, fatima, j-lo, sa anim na ksma ni j-lo di ko matandaan ang name, ky nina at sa 6 nyang kaklase, sa 2 tita ni mart, kay dave, sa asawa ni dave at mga anak nya, may isa pang pamilya na di ko alam ang pangalan, sa mga broadway gays na sa mukha ko lang kakilala, sa nagtitinda ng sigarilyo sa labas ng gma, sa mga nangharbat ng ticket, sa mga pesteng humingi ng ticket at binenta ng P150 makarma sana kayo, sa mga nasigawan ko, sa mga di nabigyan ng tiket, sa mga mamang guard na super bait sa akin, sa nagtitinda ng sabon sa tapat ng sinehan... Maraming Salamat!

Wednesday, October 31, first day na showing ang Premiere Night sa mga sinehan. Umaga pa lamang ay maganda na ang feedback na nakukuha namin. Kinahapunan, nasa Robinsons Galeria kami ni Bernie upang kumain, dinaanan na rin ang sinehan duon at maganda naman ang numero na nakukuha namin. Nagtext si karl that night na maganda rin daw ang numbers sa SM Manila at Robinsons Ermita. Wew!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

10PM nasa office ako ng i-forward ni Mart ang text sa kanya ng taga-Regal na sinasabi nga yung kabuuang kita ng pelikula for the day. P4M gross lang naman, napatayo ako sa kinauupuan ko at napatawag kay Mart na noon ay nasa Puerta Azul sa Cavite para sa shooting ng Shake Rattle & Roll 9 na ipapalabas sa December 25 as an entry to the Metro Manila Film Festival. Kasama ni Mart sa Engkanto episode ang kapwa Starstruck 4 graduate na si Jewel Mische, andun din sina Katrina Halili, Matt Evans, Melissa Ricks, Felix Roco at Sam Concepcion.

Anyway, after ng halakhakan sa telepono at biruan bumalik na ako sa trabaho at magte-take na naman ata si Mart. Nagtext si Jennica sa akin, Bernie at Karl at sinabing pumunta sa bahay nila kinabukasan dahil magluluto raw yung mom at lola nya tapos gagawan nya raw kami ng fruit salad. Since bakasyon naman the following day dahil Undas, umoo na ako at si Bernie. Si karl kay bernie nakipag-usap for the details kung san sila magkikita since di siya nagrereply sa text ko.

10AM kaming dapat na magkita-kita sa condo ni Mart upang sabay-sabay ng pumunta sa bahay nina Jennica. 9AM ako nasa condo at nadatnan kong naghaharutan ang magkakapatid, ang harot ni Nina! Around 10:30AM dumating si Bernie at Karl, 11AM naman si Christine. Hindi alam ni Mama na darating kami kaya't nagluto muna ng pancit canton na sobrang favorite namin. Ang sarap ng bonding ng mga Martians! Sobrang tagal na namin hindi nagagawa ito. Yung huli ata eh yung nag-swimming yung mga Martians sa Cavite after ng Final Judgment. Tanghali na kami nakarating kina Jennica.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa pintuan pa lang ay sinalubong na kami ni Jean Garcia na sobrang laki ng smile sabay sabing "Pasok kayo.. Pasok kayo.. ang galing! naka-4 million tayo sa unang araw!" then pinakilala kami uli ni jennica isa-isa though makailang beses na kami nagkikita nina Madam Jean. Nung huling pagkikita namin sa megamall nakipag-apir pa ito habang pababa ng escalator. Ang nakakaloka ay akala namin isang party ang pupuntahan namin since yung naunang text ni Jennica ay sa Club house ng subdivision kami dapat, pero hindi natuloy kasi Undas nga at walang tao. Ang inakala naming party ay isang salo-salo pala para lang sa amin. Nakakaloka talaga!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pinagluto kami ni Madam at ni Lola ng sarsiadong manok, pasta na white & red sauce, bar-b-que at anu pa nga ba yung isa? Di ko maalala. Si jennica naman naghanda ng pinagmamalaki nyang Fruit Salad. Busog ang mga hitad! Ahahahaha. :) Thanks Madam & Nic! :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang tiborxia team kasama ang JEMA at Christine habang kumakain.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kulitan moments ng JEMA. Ang dami pang pictures, pero yung iba for our eyes only.
Mahirap na, baka anong tsismis na naman ang lumabas! Ahahaha


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Michael, kuya ni Mart na kasama din namin sa araw na iyon.



Salamat din kay Gema at sa Ninang ni Nicnic na nag-asikaso sa amin. :)

After kumain, nanood kami ng DVD.. yung Korean film na Wind--- di ko matandaan ang tamang pamagat pero super ganda ng film! Promise.. Ehehehe. Love story. Umiyak nga kaming lahat maliban kay Bernie at Mart. Palibhasa mga bato! Or talagang mababaw lang kami... :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Umuwi kami around 6:00PM dahil kailangan ko pang ihatid ang magkapatid sa condo at uuwi pa ng Cavite para dalawin rin ang ibang kamag-anak. Bago umuwi ng condo, dumaan kami ng Mcdo na nasa katabing building lang. Nagkagulo ang mga crew nung makita si Mart. Natuwa ako dahil nagkagulo sila, ngunit nainis din dahil hindi inatupag ang order ko! Gutom na kaya ako! Ehehehe. :)

The following day, si Mart na naman ang bumawi. Siya na naman ang nagluto. Well, hindi talaga siya ang nagluto but yung mother nya. Its his way to show his gesture. Ang niluto -- carbonara! :)


Ang swerte talaga namin kina Jennica at Mart. Sobrang mababait at marunong magpasalamat. Sana Undas na lang araw-araw ng parating may oras ang dalawa! :) Mabuhay ang Undas!

...
posted by Tiborxia @ Thursday, November 08, 2007  
1 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA