|
Nawalan Kami ng POWERS... |
Wednesday, November 7, 2007 |
EKSENA ni KarlAndrew
Rumampa kami nung Saturday October 27, 2007 sa Zirkoh Timog para manood ng show ng BOYS.COM, the new boy group handled by no less than Manny Valera. Kinabibilangan ito nina Polo Ravales, Frank Garcia, Gab Drilon, Alwyn Uytingco and Joseph Bitangcol.
Nagkataong kasama ko si Nicnic nung Wednesday after her Live Chat for BND, kaya nakaharbat ako ng tickets for Tiborxia Team. At bakit may ticket si Nicnic? Una pareho sila ng manager, pangalawa kasama namin sa Church si Gab, kaya support support lang, pangatlo, secret... Anyway... thanks Nicnic... ΓΌ
Wednesday ng gabi hanggang Thursday ay pinagplanuhan namin ang pagpunta na namin pati na rin ang kembot sa Hide and Seek Premiere Night. Nagkasundo kami na kumain muna sa JT's na nasa Timog at tutuloy sa Zirkoh. Aba, biyernes palang ng umaga ang super gigil na si Verna Lou sa telepono, naginarte kasi ako dahil ayokong pumunta kunyari.
Fast forward tayo, Saturday ay kumain nga muna kami sa JT's, enjoy dahil pogi ang waiter na pinagtripan na naman ni Tiborxia. Imbes na dumiretso sa Zirkoh ay dumaan muna kami sa Big Brother House para pagsasampalin ang mga housemates na kinaiinisan namin, joke lang... dumaan lang kami dahil di pa ata ito nakikita ni Aliyah Lou.
Nilakad lang namin from ABS to Imperial Palace tsaka kami nag cab. Sana naglakad na lang kami ng tuloy-tuloy.
12:15am nagsimula ang show, in fairness humahataw naman sila. They opended the show with "Beautiful Girls" ni Sean Kingston. Kaya lang I recommend more hours with your voice coaches, pero generally ok naman. Special guest si Jennyln Mercado na impressive ang rendition ng "If I Beleive", effortless ang kagandahan niya nun parang kumukurap lang.
Ang repertoire nila ay mga favorite band songs and at kanila mga personal favorites. Each member ng group ay merong solo performances at mukha naman nilang napaghandaan ang show.
Frank and Polo narrates that Polo conceptualized the group, he always wanted to sing but because of his stage fright he wanted to sing in with a group. After series of auditions, they finally got members.
Sumaya ang show nung dumating si Giselle Sanchez quipping with her naughty humor. Pinapasok niya muli ang BOYS.COM at finally nagtanggal na sila ng top. Gawd, I was almost disappointed kung di nila ginawa yun.
After the show ay di namin alam ang gagawin, di nga namin malapitan ang mga Boys para magpapicture, para kaming tanga na sumisilip sa may entrance ng dressing room. Anong nangyari sa mga brilyante namin? Nakakainis! Una kaming nakalapit kay Alwyn ba? Verna Lou sino nga ba... si Verna Lou din ang unang nakapagpapicture.
Nahappy rin kami kay Joseph Bitangcol na go lang sa kembutan with the Tiborxia team. Siya ang pinakamaraming claps. Well deserved dahil magaling naman siya. Next ay si Gab, na kasama ang friends and family that night, special mention si JC de Vera. Si Alwyn ay kasama ang jowa kaya di pwedeng kembutin. Finally ay ginamit na namin ang natitirang powers namin at Nakunan namin si Frank, Joseph and Polo... fly na kasi si Gab and Alywn.
We took the chance to chat with Joseph Bitangcol and I should say that it was so gracious of him to make time to talk to us. Kung anong napagusapan... hmmm... di pa pwede ireveal baka mapreempt.
Grabe uncharttered territories... clueless talaga kami. For the first time lost kami sa isang event. At finally may pic na kami with Kapamilya artists. Si Joseph and Alywn.... EEEEEEEEEEEEEE at si Frank na rin na dating member ng Poweboys na loveteam ni Dessirie del Valle sa Bituin.
Speaking of JC de Vera ay nasa harap namin siyang table di ko alam bakit di namin siya malapitan eh dati naman keri lang. Ma'am ANO BA? kaya out desperation ay puro stolen shots na ang ginawa namin. Gawd that was so paparrazzi of us. Kunsabagay yun naman ang tawag ni Jewel Mische sa amin. Hmmm, come to think of it parang oo na hindi noh. Kaya pwede ba wag nakawin ang pictures na kinukuha namin dahil effort din pagkuha ng mga yon!
On the way home, ay pinaghatian na namin ni Al ang mga boy group na nakatokang mahuhumaling sa amin. Sa kanya ang Studs minus Coco Martin, akin ang ShowBoys plus Coco Martin at kay Verna Lou na ang Boys.Com after namin silang gamitin. Fair enough right?
To RUBIRUBI, thanks for reading our blog, in fairness sisikat ka...
To Joseph Bitangcol, thank you for accomodating us... it was very nice of you, to think its the first time we met. |
posted by Tiborxia @ Wednesday, November 07, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|