Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Walang Tulugan!
Friday, June 22, 2007
Josko! Nung nalaman ko kanina ang schedule ni Mart Escudero, halos gusto kong maiyak! Pareho na kami ng motto sa buhay ngaun... WALANG TULUGAAAAAAAANNNN!!!! Sa mga hindi pa po nakakaalam, I barely sleep. Cguro 2-3 hours a day lang. Minsan 2-3days naman walang tulog dahil na rin sa kagagahan ko. Hehehe. =)

Umpisahan natin ang schedule ni Mart noong Miyerkules. 8AM yung call time nila for SIS Live para sa promotion ng Boys Next Door na ipapalabas na ngayong June 24 after ng Move (super promotion talaga sa blog ko ano?), natapos ito around 1130AM. After nito, may taping na naman siya sa Impostora -- call time, 4PM. And guess anong oras na natapos... 5AM ng thursday!!! Kamusta naman si Mart nun? Kaya hindi na cya nakasipot sa Unang Hirit kahapon (Huwebes) dahil na rin sa late na cya umalis sa set ng Impostora. Kung inyong napansin, siya lang ang wala sa cast ng BND sa UH guesting nila. Sayang! Ang dami pa naman ang nag-abang sa kanya dun! =)

Thursday naman -- dapat nga ung Unang Hirit na 6AM ang call time (na hindi na naabutan ni Mart). Then next, call time 1PM for his Pictorial. Kasama sina Aljur and Prince rito. Featured sila sa isang magazine (di ko alam kung pwede ng sabihin ang pangalan ng Magazine, but kapantay nito ang FHM at Cosmo -- ung teen edition nga lang... got it?) sa September ang labas ng naturang issue. After ng Pictorial, lagare siya (and Aljur) at dumiretso ng Broadway (call time 6PM) para sa Master Showman taping nila (which will air this saturday, June 23). Around 830PM na sila naisalang (BND Promotion ulit) at around 9PM naman natapos yung part nila. Pagkatapos noon, kailangan na namang tumakbo ni Mart sa Marikina Sports Complex for his rehearsal sa prod nila para sa KapusOlympics this Saturday (June 23). As in literal na tumakbo from the dressing room to the car park. Di na nga nakapagpaalam ng maayos at sa text na lang nangulit.

Then ngaun, Friday -- 8AM ang call time nya for Impostora. Kaninang 1AM nasa rehearsal pa rin cya at di pa nakakauwi. Medyo excited lang si Mart sa taping ng Impostora nya mamya kasi doon na ang unang eksena nila ni Jenica Garcia!!! SPOILER: Sa isang restaurant sa Quezon Avenue kukunan ang eksena kung saan magse-celebrate si Trish (Charee) ng kanyang birthday at papasok naman si Karen (Jenica) at sasabihing buntis cya at si Yago (Mart) ang ama! (Ang taray ko ngaun, may spoiler na ang blog ko! Hahaha) Honestly I wanna go and see how it would run, pero I have thought na kailangan ng pahinga ng alaga namin, kaya't wag na muna. Kahapon nga pala nai-tape ang unang eksena nina Trish at Yago.

Bukas ay ang KapusOlympics Day!!! Happy 57th Anniversary, KAPUSO! Sabi ni Mart, dalawa raw ang production number niya rito. Una ay ang Grand Opening Number na kasama ang dalawa sa Dance Trio -- Mark Herras at Marky Cielo. Kasama rin ata ang Sexbomb sa Dance Number na ito. Yung pangalawang prod eh with the Batch 4 Final 6 (with Paulo Avelino). Si Paupau lang ang hindi kabilang sa Final 6 ang makakasama sa prod na ito. Astig si Pau! Naikwento rin ni Stef Prescott kanina na she will be playing one of the games sa KapusOlympics. So far, si Stef lang sa SS4 ang alam kong maglalaro. =) Ang alam ko rin ay kakanta sina Rich Asuncion at Aljur Abrenica (naikwento ni Rich noong linggo na pinagpipilian pa nila kung aling kanta ang kanilang kakantahin).

Dalawa rin ang prod ni Mart sa SOP sa linggo. Yung una eh kasama si Aljur at Kris. Ang pangalawa naman eh kasama nya sina Mark and Marky for Gab's B-day Celebration. Malamang sa telebisyon ko na lang ito panonoorin since gusto ko talagang mapanood ang pilot episode ng BOYS NEXT DOOR. Promise, hindi ako magpo-promote ng ganito katindi kung hindi ito maganda. BND's realllllllllllllyyyyyyyyyy nice!!!!

Wew! Super busy ni Mart ano? As of now, si Mart ang may pinakamaraming commitments sa batch nila. Nalalapit na rin ang Shaider nina Kris at Aljur (na lead role si Marky Cielo), so malamang susunod na sila ang magiging busy. I have not heard of Jewel lately. I swear!!!! Ang hirap hagilapin ni Jewel ngaun. By the way sa mga Paunatics, may Mall Show si Paulo Avelino this sunday sa Robinsons. Ico-confirm ko pa kung aling Robinson's Mall ito at kung sino-sino kasama nya.

Super daming impormasyon ang entry na ito! Hahaha. Bukas or mamya, baka may entry ako (or kahit si thirstytrooper na ang gagawa) tungkol sa natitirang kaganapan noong sunday sa SOP. May bagong pictures nga pala si Aljur, baka next week na namin ipopost kasi nga wala kami sa SOP this sunday. Pending pa kung pupunta kami sa KapusOlympics. Pero pupunta kami sa Mall Show ni Paulo. Sana makayanan naming lumipad from the house to the venue. Siya nga pala, natutuwa ako at nakayanan kong i-direk si Aljur kanina sa pictorial! As in inutusan at pinagsabihan ko, in a very nice way naman. (Pare-pareho na lang kasi yung posts and ngiti nya, so I ask him to smile differently) You'll love his pictures! Hahaha. =) Gusto ko ng i-kwento ang kaganapan tungkol kay Aljur pero sa susunod na posts na lang para babalik-balik si Perwisyong Langaw rito sa blog ko. Hehehe =)

Wag kalimutan, BOYS NEXT DOOR premieres June 24 after ng MOVE!
posted by Tiborxia @ Friday, June 22, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA