|
BND Mall Show -- SM San Lazaro |
Tuesday, July 10, 2007 |
EKSENA by KarlAndrew
I am once again assigned to write for BND, this time around the mall show in SM San Lazaro. From SOP, ay dumiretso na kami ni Tiborxia, Thirstytrooper, Nina at Tito Jimbo sa venue.
Nagpaikot-ikot kami at natraffic dahil malasawa kong pangnanavigate kaya nagtakeover na si Tiborxia at salamat sa Diyos nakarating kami. Sa sasakyan ay di pa rin nawala ang kulitan namin. Tiborxia, Thirstytrooper and me having different personalities and humor ay talagang nagpa-riot sa buong trip to SM San Lazaro, isama mo pa ang isa pang mapagbiro na si Tito Jimbo na kahit walang tulog ay abot langit ang energy. Sobrang funny ang panglalaglag nila ni Tiborxia kay Thirstytrooper na ginawa rin sa akin on the way home. Funny si Thirstytrooper kasi nung nasa may Quezon Ave ba yun ay nag-swear na mala threat na line na ito "isang araw Al ilalaglag din kita na hindi mo malulusotan!". Tiborxia: Ikaw naman ang pinakaasar sa amin, Karl. Ahahaha. Ibuhos ba sa kausap sa telepono. Hehehe =)
Pagkarating sa SM San Lazaro, nakakatuwa ang dami ng tao na dumating para sumuporta sa BND. We were quickly spotted by Aljur's dad with all smiles. A little Hi's and Hello's at inihatid na kami ni tiborxia sa backstage to cover the event. Si Tito Jimbo, Nina, Al and yung dad ni Aljur ay nagkwentuhan naman sa may crowd. Nung pumasok kami sa activity area ay di pa nagsisimula kaya nagkwentuhan na rin kami and ofcourse picture taking. Salamat muli sa GMA and SM staff for the backstage access kaya nakapwesto kami sa may dressing room. Lumabas si Jessi para kumuha ng pins at binigyan kami. Lumipat kami sa kabilang side ng stage kung saan naman pumasok si Kiko -- siyempre photo op yun kaya grab na agad. Tiborxia: Crush mo talaga si Kiko, Karl ano? Hehehe. Btw, kasama ko rin ang dad ni Glaiza na nagkukwentuhan (with Papa Jimbo at dad ni Aljur). =) Pinakabit namin yung tarp, at salamat sa staff ng SM San Lazaro sa pagpapahiram ng guntacker. Sobrang dami na ng tao at malapit na magsimula ang show ng biglang mag lowbat ang digicam ni Thirstytrooper. Nawindang ako dahil that morning before SOP ay kapapalit ko pa lang kaya bumili ako agad ng bago. Sa madaling sabi, aapaw na naman ang pictures na we're going to share to you all. Tiborxia: Nung makita ni Aljur at Kiko yung tarp ni Mart na nakapaskil na -- biniro na naman ito. Hehehe. Xmpre, pogi points para sa idol natin. =)
Finally nagsimula ang show hosted by a Barangay LS DJ, nagpa trivia games muna siya at nag-opening number na Skapecrew na backup dancer din ng mga BND cast for that day. After that ay kinanta ng bagong gupit na Aljur ang theme song ng BND at nagpa Give Me game. Kasunod naman sumayaw ang Top 10 Movers from the reality dance show ni Billy Crawford na Move which airs before BND. Tunay namang magagaling ang mga Movers na ito. Nagpromote ang mga Movers at pagkatapos noon ay dance number naman ng female cast ng BND. Sumayaw ng Mosquito dance ang mga girls at nag-Mucisal Chairs game. Parang Trip to Jerusalem ito only mag partner ang naglalaro, kaloka ang isang audience na sumali na if my memory serves me right ay Chali ang name (partner ni Rich) at nang tinanong kung san siya galing ay walang kagatol-gatol niyang sinabing from New Jersey, as in he was referring to the state. Tiborxia: I'm not sure kung friday or saturday nagpagupit si Aljur. Pero nag-asaran pa kami backstage about his hair. Napasobra daw ang gupit kaya ang ikli. Hence, nagsuot ito ng cap during the show. Pogi pa rin naman, kaya oks lang! =)
Nag-enjoy akong panoorin ang game: unang natanggal si Kris Bernal, and according to her siya rin ang unang natanggal sa unang mall show nila (SM Fairview). Next si Glaiza na 2nd ding natanggal and yung mga kasunod ay sina Jesi, Charming and Rich... meaning winner si Stef!
The game was followed by the male cast that danced Chicken Noodle Soup. Hataw na wara-wara ang sayaw -- nakakatuwa silang lahat. Third game ay siyempre sa boys naman, at ito ang Newspaper Dance. I swear gustong gusto ko sumali, at niyaya ko pa si Thirsty who looked at me with disgust. Suggestion lang naman. Habang kumukuha ng audience na sasali tinawag kami ni Motmot para ituro ang picture sa dyaryo, pilyong Motmot 'to! Nagkulitan naman si Kiko and Motmot througout the game. Nung game, talaga namang nagpa-OC effect si Mot na sobrang ininspect pa ang pagkakatupi ng papel ng mga kasama niya. Unang natanggal si Bok and Kiko so laban ito ni Mot and Aljur, 25 seconds na sasayad ang paa outside the dyaryo. Nanalo si Aljur sa game. Tiborxia: Kung tama ako, inasar nina Marky at Mart si Aljur sa game na ito? Right? Hehehe. Tawa lang kami ng tawa na nanonood from afar.
Pumasok na ang entire cast, nagpromote at sumayaw ng Taktak. Nasobrahan ata si Bok at Mot sa pagtaktak at natanggal ang buckle ng belt ni Mot at lumuwag at bumukas ang belt ni Bok. Kahit mega dance si Mot ay nakikitaan na rin siya ng pagod. Sobrang dami na kasi niyang ginagawa. Tiborxia: Bulong sa akin ng dad ni Aljur na gusto nyang nagtataktak si Jesi. Astig daw kasi. =) Bigayan na ng pins at autograph signing followed. Sobrang natuwa ang mga pumunta dun at kami na rin. Nung mag-uuwian na ay nagpaalam na ang ibang cast sa amin: si Rich di talaga nakakalimot bumati yun. Nagwave na si Kris, Stef, Glaiza and Jesi. Yumakap si Kiko, smile kay Bok at shake hands ang kay Aljur. Diretso GMA kami para sunduin Motmot na hinatid doon ng van ng GMA along with the cast. Tiborxia: Asar pa rin ako dun sa Mamang MMDA na humuli sa atin! Pakers! Kotongan ba naman tayo! (Teka, MMDA ba yun or some other traffic authority?)
Hinatid na rin na rin namin si Mot sa condo dahil na empty bat na itong bata. Kami naman ay kumain sa Shakey's sa Robinson's Pioneer. Tiborxia: Dapat sasama si Mart sa Shakey's kasi gustong mag-relax. Kaso di na talaga kaya ng katawan kaya when Papa asked me kung isasama pa si mart, I said na iuwi na lang at patulugin. 1PM pa kasi ang call time nya come Monday.
Abangan ang mga feature ni Thirstytrooper sa SOP 07/08 at Yael Yuzon of SpongeCola.
carpe diem...
XS: Tiborxia's Part. First-time kong makakwentuhan ang dad ni Aljur when we were at the Mall Show. In fairness, ok naman. Nagpapagawa pala siya ng bagong building ngayon sa Batangas for their long-established business. Kwento ni Tito Jojo, may bagong batas raw sa Batangas (or sa Pinas?) na dapat sa iisang structure lang ang businesses that's own by the same person. More power sa business!
Super down-to-earth naman ang dad ni Glaiza. Nung nagvisit kami sa set ng BND sa Filinvest, yung brother naman ni Glaiza ang nakita namin. In fairness, crush yun ni thirstytrooper! =)
Lastly, bilib na ako kay thirstytrooper at Karl. Kaya na nilang lumipad! I am so blessed to have responsible friends such as them. Marunong dumiskarte! Hindi ako nagkamali sa pagpili sa inyo. Thanks! =) |
posted by Tiborxia @ Tuesday, July 10, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|