|
Re-Union |
Friday, August 17, 2007 |
Many thanks to JHENG (isa sa napakaraming supporters ni Jewel Mische) for the pictures. Hindi nakarating si thirstytrooper noong sunday dahil puyat from the Boys Nxt Door taping. Umuwi ba naman ng alas-tres ng madaling araw? Many thanks ulit Jheng! ;p
Kung nabasa nyo ang post ko noong Monday (August 13) I was not happy nor satisfied at all with the outcome of Showbiz Central's episode of celebrating the 7th Anniversary of GMAAC in their show for reasons I have already stated. Kung meron mang isang bagay na ikinatuwa ko sa araw na iyon, yun ay makita ang mga talento ng GMAAC na galing sa Batch 4 ng Starstruck. Reunion, kumbaga.
Kuha ang pic na yan the sunday after ng Final Judgement. Yan yung unang pagkakataon na napagsama-sama ko ang mga paborito ko sa iisang pic, minus Mart who was having a last-minute rehearsal that time. After five months, ayan! Reunion ang apat (minus Dex kasi umuwi na...)
Pauwi na kami nyan at nasa lobby na ng Broadway nung na-realize ko na kaharap ko silang apat. Sobrang kulit pa rin ni Lui Perez (wearing green) at super lambing, walang pinagbago. Si Jan Manual (naka-yellow, second from left) super charming pa rin. Earlier that day, nagbiro ako sa kanya ng autograph nang sinabi nyang "Sus autograph ka pa dyan, halika ka na.. kiss na!" Yikes! Ahahaha. Palalagpasin ko pa ba yun? Sa cheeks lang naman. Si Paulo Avelino (naka-orange) was super-super ewan. Can't think of words for him. Love you, Pau! Then yung panghuli na naka pink, si Mart Escudero -- if you frequently visit this thread, you know he is a supernatural being. ;)
Makailang beses na rin kami nakapunta sa Broadway -- during Starstruck, taping ng Master Showman at sa Showbiz Central nga. But that sunday was loaded! Really loaded! It was really a bad idea of doing it at Broadway. Hayyy... Anyway, first time kong makita in person ang no-less than the EVP for Entertainment ng GMA na si Ms Wilma Galvante, as in abot-kaya. Not very striky though yet very respectable. ;)
Umalis kami ng GMA around 1:30 at dumiretso na ng Broadway kasama ang ilang Jewelerz. Pagdating namin sa parking area, sakto namang pababa rin si Aljur mula sa kotse nya at binati kami. Ang hitad na karl, palalagpasin ba ang pagkakataon? Kaya ayun, shoot! Then dumiretso na sa loob ng studio.
Super early ni Aljur, prompt. Pero meron na ring iilang artists ng GMAAC ang nandun -- di ko nga lang kilala ang karamihan. Ang di ko lang makalimutan eh nakaupo si Mike Tan at Rainier Castillo at nag-uusap nung dumating ako. Si Jheng ang pumasok sa isip ko kaya sinundo ko ito para makapag-usap naman sila kahit saglit ni Mike. Ang bait ni Mike, di ba Jheng?
Tatlo ang naging dressing room sa Broadway that sunday. Yung malapit sa backstage, at dalawa malapit sa audience entrance. Nakita ko si Dex Quindoza sa loob ng dressing room na malapit sa audience pero dinedma ko lang, mukha namang busy at may gagawin rin ako. Though nagkausap rin naman kami nung nasa studio area na. Yes, cold ako ngayon kay Dex -- mahabang story.
Minsan ko ng sinabi na sa Batch 4 ng Starstruck, si Paulo ang paborito kong kunan ng picture. Ang kulet kasi at kayang magbago-bago ng facial expression. Kwento ni Karl, si Paulo mismo ang nagyaya para sa iilang shots na nakunan. Hindi ko kilala ang kasama nya dito sa pic sa baba. Sorry, di ko talaga siya kilala.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit super mahal ko si Paulo eh dahil super friends sila ni Mart. Magkadikit na ata ang mga bituka nito eh! Super close din si Mart at si Jan Manual.
Ang hirap hagilapin for a pic si Mart that sunday, nakaupo kasi sa harap ng stage at katabi si Marky. Kaya ang labas, di rin namin nakunan si Marky. Nakakaloka ang dami ng artista... Buti na lang nagkaroon ng pagkakataon nung patapos na ang show. Nagkadikit sina Mart, Jewel at Paulo! Love triangle kaya? Ahahaha. Ayaw!!! Mabuhay ang Jewel-Paulo (JUPAO) at ang Jennica-Mart (JEMA)!
Backstage -- after the show, magkasama si Jennica at Glaiza. Nagkaasaran at sabi ni Glaiza, kunan ko sila ng pic na kita yung mga slits ng gowns nila. Teka, tama ba? slits? Hala... ;) Kaya ayan sa baba ang produkto! Tama nga naman, if you have it then flaunt it!
The saturday before last ko lang nalaman na magkapareho pala ng Manager si Glaiza at Jennica, si Manny Valera. Magaling pumili si Manny, for sure sisikat talaga ang dalawang ito! ;)
Noong starstruck days, ang daming pairs ang lumabas. Merong Mart-Kris, Mart-Stef, Mart-Jewel, Mart-Lizzy, Mart-Rich. Andyan din ang Aljur-Jewel at ang pinakasikat na Aljur-Kris. Magaling si Karl at nakunan ang mga kapartner ni Aljur: si Jewel at si Kris. ;)
I'm not sure kung late dumating si Jewel Mische at Kris Bernal nung sunday. Wala kasi sila sa pre-airing rehearsal. I kept on looking for Jewel that sunday kasi may iaabot. Nagulat ako nung nakita ko siya (finally, after decades) she was putting make-up on her breast and shoulders. Tan effect ata, gusto ng Lumeng-look. ;) But she looks better kapag light ang complexion nya than tan, agree ba kayo?
Nanood ba kayo ng Marimar (airs after Lupin and before Impostora)? Damn, ang galing sobra ni Marian. Di ko akalain na ganun siya ka-effective as Marimar. Literal na hindi ako tumayo sa kinauupuan ko kagabi dahil sobrang na-amaze ako sa kanya. Text ko nga agad si Mart (who happens to have the same Manager as Marian's) at sinabi kong I need to see her! Mukhang magkakatotoo ang sabi ng GMA na she'll be the 'Next Big Star'!
Bukod kay Karen at Yago, inaabangan ko rin si Vanessa at Sara (sa Impostora). Pero ang hindi ko mapigilang humanga eh sa ganda ng hubog ng katawan ni Alfred Vargas. Seryoso, dati pa siyang pa-sexy but I did not appreciate how he looked like. Pero ngayon, ang ganda ng katawan nya -- sakto lang. Kaya lang, ang panget ng shot ni Karl kay Alfred dito oh... ang laki ng butas ng ilong!
Isa pang bad pic -- si Isabelle Oli ba ito? Ang kapal ng labi nya sa pic na ito. Sorry po, hindi sinasadya. ;)
But Rhianne Ramos is soooo gorgeous! At ang galing nya rin sa pelikulang Ouija. Hindi pa nga pala ako nakapag-blog tungkol sa pelikulang iyon. It was scary -- a bit. The fact na mag-isa ko siyang pinanood eh scary na. Ahahaha. But over-all, Sukob is better.
Tuloy ba ang concert ni Billy Crowford? I have not heard of any news about that. Di ba kasali ang Movers sa concert na iyon? Kelan yun? Talking about concert: May concert ang Parokya ni Edgar sa August 31st, P600 ata ang pinakamahal na ticket at it will be at the Music Museum (sana tama ang info ko of the venue). I'm think of watching the concert with trooper and karl -- yun ay kung sasama sila.
Wala ako masyadong naririnig tungkol kay Bryan Termula ah. May album na ba siya? Haayyy naku karl, chikahin mo naman si Bryan sa sunday. Try to get some juicy news!
At sinadya kong ipost ang pic nina Dennis Trillo at Mark Herras sa hulihan. Ang gagwapo nila talaga... Ahahaha.. At super natutuwa na ako kay Herras, panay kulit kapag nagkakasalubong kami. ;)
Ayan, ang gulo ng entry ko ngayon. Ahaha. Pasencya na. Umuulan kasi at ang baha na! Sobrang sarap matulog at magkumot! Kanina lumabas ako ng bahay para kumain ng Goto, mamya champorado na naman! Eheheh.
Sarap din mag-reminisce. Kanina, tinitingnan ko ang laman ng photobucket ko at natatawa sa mga nakita ko. Ehehehe. One-time popost ko rito yung mga nasa baul ko. For now, yung mga wallpapers ni Mart muna. Eto yung nakukuha natin dati when we vote for him. Meron pang video at operator logos. Nakailan kayo nito? ;)
... |
posted by Tiborxia @ Friday, August 17, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|