Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

SOP's Agosto ko 'to!
Monday, August 6, 2007
07-Aug, 01:38PM -- Edited version na ito. Nagmamadali akong ipost ito kahapon since ang dami ko pang dapat na tapusin. Super gahol sa oras. Hehehe. Kokonti lang naman ang mga idinagdag ko.

Honestly, minsan ayaw naming pumunta ng SOP kasi tinatamad, walang bago or di kaya'y wala roon ang aming gustong makita. But this sunday was different! May prod na magkakasama sina Jenica-Mart at Jewel-Paulo. This is something the we should look forward to. Masaya 'to!

The usual sunday SOP routine, meet-up at either the audience entrance or at 711. The only new (at least for me) on this day eh 9:30AM pa lang nasa area na ako. Nabwisit lang ako sa bahay kaya't umalis ng maaga, buti na lang dahil nagkaroon ng time na makipagbonding with Jenica, Mart, Mark and Paulo during rehearsals.

Over-all, this sunday was a blast! Dagdag mo pa ang birthday celebration ni Dingdong Dantes. Umaapaw ang pagkain! Ang daming sponsors: Shakey's, Fruitas, Waffle Time, Tamayo's at meron pang dalawa na hindi ko matandaan ang pangalan. But they were all great! Oi, libreng ad 'to para sa kanila dito sa blog ko ah! =p

Uunahin ko lang ang picture ni Mark Herras kasi sobrang natutuwa ako sa kanya lately. Sino ba naman ang hindi matutuwa kay Mark Herras, di ba thirstytrooper?

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Nung kausap ko ang dad ni Mart sa labas ng studio, nakita namin si Pepe Smith na dumaan. Naloka kami kasi ang suot nyang damit eh magkaparehas sa favorite na shirt ni Mart. Kaya ayun, di namin pinalagpas at kinunan ang dalawa! Ahahaha. Rakistas!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

After the blocking rehearsal ng mga 'bagets' sa loob ng studio eh tumuloy muna sila sa rehearsal room na nasa 3rd floor for some final instructions. Pagkatapos eh pumunta na sa kani-kanilang mga dressing room -- ang mga babae on the same floor, ang mga lalake naman sa tent sa baba malapit sa canteen. Kaya ayun, inistorbo muna namin ng konti yung mga boys!

Si Mark Herras (na sa tingin ko ay mapaparami na ang exposure dito sa blog ko) ay game na game magpa-picture. May asaran na kaming dalawa ngayon, yes!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Ito ang isa sa mga fans ni Paulo, kilala na rin ito ni Paulo over chat conferences but first time lang nilang magkita in person. Sobrang welcoming talaga ni Paulo. Walang kakupas-kupas!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Habang nagkukwentuhan, napunta ang usapan during Starstruck days. Ayun tuloy, binuking ni Paulo sa akin na nagbabasa talaga siya ng PEX at sinabi pa na sinisiraan ko siya dati dun (which is true naman). Pero buti na lang at alam na nya kung gaano ko siya kamahal ngayon, so ok na. Alam din nyang ginawan ko sila ng Loveteam ni Mart dati sa PEX, anyone remember that? Ahahaha. Nakakatuwang balikan ang mga panahong iyon.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

While killing time, at hinihintay ang prod nina JEMA at JUPAO (and the rest) eh tumambay muna kami sa canteen. Ayun, naka-tengga. ;) Kaya pinagtripan ang camera ni trooper at shoot lang ng shoot ng kahit na ano. Etong pic sa baba kasama ko si Mike, kapatid ni Mart na abot langit sa kabaitan.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Ibubuking ko lang si Mike rito. May malaking crush ito kay Rich. Kaya kung nakikita man sweet si Mart at Rich, ay naku.. hindi si Mart ang may gusto kundi ang kuya nyang torpe! Ahahaha

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Wait... Wait.. Wait... A very long wait. Nakakatamad na. Kaya ayun, rumampa muna sina thirstytrooper at karlandrew to get some images. Ang ganda rin pala ni Pauline Luna. Nakakatuwa ang kwento nina trooper at karl tungkol kay Pauline at Ryza, hmmmmm.. dapat bang gayahin din ni Jenica yung pose nila? Wag na! Ayaw ko! =p

Free Photo hosting by PhotoLava.com

At marunong din naman pala magbago ng post si Jenica.. hehehe

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Eto katuwaan lang, sino mas maganda: si Jewel Mische or si Kris Bernal? Bakit mukhang nakasimangot ata dito si Kris? Oi! Hindi ako ang kumuha ng picture na iyan ah! Yung gusto ko talagang kunan eh ang JEMA at JUPAO na magkasama. Yun nga lang walang opportunity. Sayang nga eh! :(

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Eto.. sweet moments ni Jenica at Mart. Tinawag ni Jenica si Mart para magpaturo ng sayaw. Sobrang kinakabahan na kasi ang lola nyo at ayaw mapahiya sa kapareha kaya't todo rehearse ang dalawa. First time kong nakita si Mart na sobrang tutok sa kapareha nya, or I maybe exagerating things. May video ito, pero si trooper na lang ang mag-a-upload sa separate na entry.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Ayan.. eto ang TUNAY na magaganda. Jewel Mische at si Jenica Garcia. Sa opinyon ko lang naman, sana walang magalit. Hehehe. Isama na rin si Rich Asuncion sa magagandang babae sa aking mga paningin. Yung unang kuha kina Jewel at Jenica eh walang make-up si Jenica at sabi ni Jewel (after taking the shot) "That's not fair, i have make-up on". Ambait ni Juju! Ambait din ni Jenica. Pareho sila ng comment sa isa't-isa.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Natutuwa ako sa kuha kay Marky at JC. Kapag ako ang kumukuha ng pic kay JC ayaw man lang ngumiti, pero dito todo bigay. Bakit kaya? Mas type nya si Karl? Ahahaha. Anyway, nood kayo ng Mga Pintig ni Yas at JC sa dramarama sa hapon.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Si Mark Herras, matagal ko ng crush yan pero tinatago lang. Parang si Wally. Kaya ayan, nung makakita ng pagkakataon, landi na kung landi. Bahala na! So ngaun, si Herras, Escudero at Avelino na ang mga pinakamamahal ko. Deadma sa mga sasabihin ng iba. =p

Free Photo hosting by PhotoLava.com

At siyempre, pwede bang mawawala ang all-time favorite ko sa dancefloor? Gusto ko ng showdown from this three. Yung magkakaiba sila ng mga kantang sasayawin at talagang showdown ang drama.. yung pagalingan.. parang contest na pinaglalaban!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Kung ako crush na crush ko si Mark Herras, si trooper naman eh crush na crush nya si Rainier Castillo, kaya't eto. Tiyak, habang nabubuhay si trooper, may picture ni Rainier kayong makikita sa blog na ito.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Eto, wala lang.. trip lang.. picture with the Starstruck 4 boys. Wala dito si Aljur kasi umakyat na sa dressing room. Si Ultimate Hunk na lang ang kulang at kumpleto na sana ang boys ng Final 8!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Nag-feeling photographer na naman si trooper (though talagang photographer naman talaga siya kasi may photography units naman siya from college) kaya kumuha na naman ng mga candid shots. Nakapwesto yung mga lalakeng ito sa likod ng stage while waiting for their queue.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Noong sabado lang kami mag-umpisang magkulitan ni Mark Herras sa set ng Boys Nxt Door pero feeling ko (feeling lang naman) eh super tagal na kaming magkakilala. Ang kulet sobra! Simula rehearsals hanggang sasayaw na lang sila...

Free Photo hosting by PhotoLava.com

At siyempre, papatalo ba naman si Gurna? este, si KarlAndrew pala? Ayan, nakilandi na rin kay Mark.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

At ayan Ann, super request ka talaga ng pictures ng movers kaya't halos bangungot ang inabot namin para makunan lang sila ng picture. Hehehe. Biro lang po. Was it trooper who took this shot? Kwento ni trooper yung isa or dalawa lang ata yung sinabihan nyang kunan ng pic pero kinalabit nila yung kasamahan nila, kaya ayan, may group pic din sila! Nice attitude Movers! Keep it up!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Biro sa amin ni Paulo eh may crush daw siya kay Jenica. Naku Pau, baka maniwala na ako nyan! Simula pa nung sinamahan mo si Mart sa date nila ni Jenica sinasabi mo na yan.. Hmmmm... Mabantayan nga! ahahaha

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Abot langit na ata ang kabaitan nitong si Jenica. After ng prod nila, dumaan ng canteen kasi may mga gustong magpa-pic sa kanya. At talaga namang ang dami nga! Nakakataba ng puso. Etong pic ni Mike at Jenica eh si Jen mismo nag-request. ahahaha.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Guest ang JUPAO sa SOP, pwede ba namang walang picture ang dalawang ito? When was the last time na kinunan ko ang dalawang ito? Antagal na! In fairness kay Paulo, talagang nag-effort pa. Sinundo ko siya sa dressing room nya at dinala kay Jewel para sa shot na ito. Hehehe. Thanks Pau, Thanks Ju. Mwah!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Ayan, malapit ng matapos ang blog entry na ito.. Obvious bang nagmamadali ako? Hehehe 6PM na kasi, dami ko pang gagawin. Anyway, nagpasama si Prince sa akin sa 711, may binili lang. Pagbalik namin sa loob, presto! Si Dennis Trillo! Ang wafu talaga!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

At siyempre, pwede ba namang mawala si Marimar? Ang ganda promise ni Marian Rivera! Nood tayo ng Marimar, next week na!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

At eto ang hindi ko kinaya... may pic na si trooper with Asia's Song Bird!!!! Ako gusto kong magpapic with the Big Bird! Ahahaha. Sana walang magalit, biro lang naman.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Ayan, I might have missed out some little important details, isisingit ko na lang mamayang gabi. Thanks for visiting the blog. Be well, everyone!

...
posted by Tiborxia @ Monday, August 06, 2007  
2 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA