Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Random Thoughts
Monday, August 6, 2007
I feel better of Mart and Jenica's Loveteam, kaya deadma na sa mga naririnig at nababasa. Ikanga ng isa sa mga Starstruck 4 Ultimate Winners, "Nagbago ka, nagbago ako. No comment. Happy?" Text yan sa akin ah, baka ano na naman ang interpretasyon ng iba. =)

Last August 2 (Thursday) may Mall Show ang Impostora sa SM Molino sa Cavite. Dapat ay mamumudmod kami ng pictures nina Mart at Jenica, kaya lang sinumpong na naman si thirstytrooper kaya ayun, ako lang ang nakapunta kasama ang kuya at ate ni mart. Kawawa naman ako. May kaliitan ang Mall (2-storey building lang) kaya medyo dumog ang tao. Sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Luis Alandy, Mart Escudero, Jenica Garcia at Charee Pineda ang mga nagpaunlak. Kumanta silang lahat except for Mart na sumayaw ng 'Itaktak Mo' na sinabayan ni Jenica at Charee (as back-up dancers). Todo sigaw ang mga tao sa bawat taktak ni Mart. Ang init ng pagtanggap at pagsalubong ng mga CaviteƱo!

August 4, Sabado -- pangalawang linggo ng Boys Nxt Door na magte-taping sa Commonwealth (ang bagong tahanan nina Buboy, Atom, Migs atbp). Kung ikukumpara ang dating location at yung ngayon, mas gusto ko yung ngayon. Una dahil mas malapit sa uuwian namin at pangalawa, mas ok ang lugar. Nadatnan namin ni Karl na naka-tengga lang ang cast dahil naghihintay ata ng gabi since "Ball" ang kukunang eksena at nagbibihis rin ang iba. Medyo maganda ang episode na nai-tape for this episode since naka-suit ang mga babae at todo long gown naman ang mga babae. Personal choice na maganda that night was Glaiza de Castro who was really gorgeous! Mahirap pumili sa mga lalake, (I'll try not to be biased) pero si MART ang pinakagwapo (ahahaha). Sunod si Mark Herras then Ahron Villena. Aljur was wearing jeans and suit, I think pinasuot sa kanya ito to fit his character, gwapo pa rin naman.

And since gumaganda ang ratings ng Boys Nxt Door for the past weeks, mukhang mapapahaba pa ang trabaho ng mga bata. If magiging OK ang lahat, a total of 19 episodes pa ang ite-tape ng BND. They taped their 9th episode (week) last August 4. Do the math and see how long the show will run! =) But what excites me most eh ang bagong character na papasok sa BND on the 14th week! Wanna guess? =)

Later tonight I'll do an entry regarding the SOP episode yesterday. Nilalagyan lang ni thirstytrooper ng tags ang mga pics.
posted by Tiborxia @ Monday, August 06, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA