|
Perya |
Friday, November 9, 2007 |
Edited Version...
Matagal-tagal na ring hindi nakapunta ng BND taping ang team tiborxia. I mean, yung buo kaming tatlo na andun sa set. Usually kasi, its karl-bernie, karl-al, bernie-al, al-kutz and tambalan kapag pumupunta sa set. But last saturday, andun na sina Amihan, Pirena at si Celebes.
Friday night, hindi pa kami decided kung tutuloy nga kami sa set. Remember, thursday lamang ay magkakasama kami sa condo nina mart at sa bahay nina jennica then friday kasama ko naman si mart tapos sabado magkikita na naman? Ehehehe. Mukhang hindi naman kami sabik sa kanila ano? To think na talagang abot-kamay lang naman sila. Around 12:30AM ata tumawag si Jennica kay Bernie at pinapapunta nga sa taping, nagkataon namang magkasama pa kami ni Bernie that time kaya nagpasya ng pupunta. 2PM ang usapan namin sa MRT Taft.
Saturday morning, 8AM ako nagising. Maaga ito to think na 4AM na ako umuwi ng bahay. Sakto namang nagtext si "critic" na isa sa mga talents ng BND. Sabi nya, ang ganda ni Jennica. Di ko pa agad nakuha ang ibig nyang sabihin, yun pala nasa set na siya ng BND. Tinanong ko kung san ang location since hindi pa nagtetext si Mart sa location. Sabi ni Critic, sa Global Carnival. 2hours later, si Mart naman ang nagtext -- sa Global Fun City Carnival sa tabi ng MOA (Mall of Asia).
9AM ako umalis ng bahay at may dinaanan lang sa Quiapo. 1:30PM nag-reset ng schedule si Bernie at sinabing 3PM na kami magkikita sa meeting place. Anyway, wala naman akong magagawa kung 3PM pa makakarating si Bernie sa location kaya't umoo na rin ako. Hindi ko pa alam that time kung tutuloy si Karl sa taping since para naman siyang kabute na sumusulpot na lang. Ehehehe. Peace Karl, di ka kasi nagtetext. On the way sa Mcdo na nasa Taft, nagtext si James, Jheng at Nina ng iisang subject. Naloka ako sa text nila -- kung ano yun? Wag na, aaaawww! Ahahaha.
4PM kami nakarating sa location. Naalala ko si Jheng nung makapasok kami sa Carnival. Sabi kasi ni Jheng, wala raw akong kinikilalang pintuan. Ahahaha. In all fairness to us, pinapasok lang kami ng mamang guard -- walang tanong. Pagdating sa loob, nadatnan namin ang JEMA na paalis ng tent nila at papunta sa harap ng Mortuary kung saan kukunan ang sunod nilang eksena. Since kukunan sila, si Papa Jimbo muna ang kakwentuhan namin. Since magkasama na kami ng dalawang sunod-sunod na araw, puro kulitan na lang ginawa namin at nagkayayaan na pumunta ng Mall of Asia para kumain ng Shawarma. Palabas ng carnival, naloka kami na may sumigaw ng pangalan ko ng pagkalakas-lakas! Si Gema, yung yaya ni Jennica ayaw papasukin ng Mamang Guard kasi wala raw ang pangalan nya sa listahan na bigay sa kanila ng GMA. Ahahaha. Natawa kami kasi namumula na si Gema sa galit at natutunaw na rin ang biniling pagkain. Pagkatapos naming i-explain sa guard kung bakit wala ang pangalan nya sa listahan, pinapasok naman siya. :)
Nung nasa Mall of Asia, pinag-usapan namin kung kumikita ba ang Hide & Seek kaya pumunta kami sa Cinema area to check kung marami nga ba ang nanood. Naloka kami sa dami ng nanood for that day, for the 5:10PM screening alone, 240 tickets na ang nabenta. That was high for a day na walang tao sa metro dahil sa undas at iisang screening time pa lang. Ngunit ang nagpasaya sa amin ng todo eh nasa "Premiere Cinema" nakasalang ang Hide & Seek at hindi sa ordinaryong sinehan ng MOA. Well, that's something we can be proud of as a JEMANIAN. :)
Pagkatapos nuon dumiretso na kami sa HyperMarket para kumain ng Shawarma. Ako at si Papa lang ang kumain, si bernie at karl sharksfin ang kinain. Solve! Takipsilim na kami bumalik sa Carnival. Malas ko lang at hindi ako nakabili ng sigarilyo sa mall. Pinagbabawalan ako ni Papa Jimbo magyosi. Kamusta naman ang baga ko sa mga panahong iyon! =p
pagkabalik sa Carnival, saktong inaayos ang set sa harap ng Mortuary kaya't naka-tengga ang cast ng BND na andun sa araw na iyon. Kaya't nagkaroon ng panahon upang magkulitan. Picture-taking time! Ang iba, sadya naming hindi na ipopost dito sa blog -- its either we would want to keep it private or we would like to keep the moment special. Naks! :)
Mart Escudero at Jennica Garcia sa isa sa mga eksenang kinunan sa BND.
Isabelle Oli, guest sa episode ng BND na papalabas ngayong Linggo.
Team Tiborxia with Mura na guest din ngayong Linggo.
Jennica at Mart habang naglalaro. Yung naka-yellow sa tabi nila ay Assistant Director ng BND.
Summer, Milo at Winona. Kulitan time at nagpapagalingan kung sino ang magaling mag-shoot.
Mart at ang napanalunang stuff toy ni Jennica.
Pagkatapos ng kulitan time. Nagkaroon ng time ang JEMA at ang Tiborxia Team para sumakay ng mga rides sa Carnival. Around dinner time yun. Kaya't unang sinugod ang Mortuary. Sabi ni Mart, mas maganda raw ang Gabi ng Lagim na nasa Starcity kung ikukumpara sa Mortuary ng Global Carnival. Anyway, ang kicker dito eh nasa entrance pa lang kami iyak ng iyak na si Jennica kasi nga super matatakutin ito. Ahahaha. Just imagine kung ano ang itsura namin sa loob ng Mortuary habang nagtitilian! :)
Next stop, ang Ferry's Wheel (tama ba spelling? Ahahaha). Manlilibre sana si Mart sa ride na ito, ngunit nung magbabayad na ng ticket, sa dun sa booth libre daw kami kaya hala.. talon! Yehey! Go lang ng go! Pila na ng makasakay! Buti na lang at supportive si Joey na PA ni Mart at magtetext na lang daw kung magte-take na ang dalawa kaya tuloy ang saya. Kung sino ang magkakasama sa wheel... uuuhhhmmmm.. let's keep that private too! Ahahaha. Pero mukhang may idea na rin kayo. Ehehehe. :)
Pagkababa sa Ferry's Wheel, dumiretso na ang JEMA sa harap ng Pirates dahil kukunan na ata ang dalawa. Wew! Habang kinunan ang dalawa, kumembot naman ang tiborxia team at si Muros naman ang nakita namin. Di ko alam screen name ni Muros kaya't tatawagin ko pa rin siyang Muros! Ehehehe. Mukhang si Karl at Bernie lang ang nakapag-kembot kay Muros dahil kasama ko naman si Yaya Gema that time na nagba-bonding. :)
Nagkaroon rin ako ng panahon na makwentuhan si Rich. Sobrang tagal na naming hindi nakakapagkwentuhan. Tinanong ko kung nililigawan siya ni Aljur. Ehem. Ehem. Kung ano status nilang dalawa. Kung saan si Kris sa buhay ni Aljur. FYI, Rich and Aljur are really good and close friends. Napag-usapan din namin ang mga chaka at good performances nya sa SOP at kung anu-ano pa. Nung patapos na ang usapan namin, sumabat naman itong si Jessi kaya't pinag-pose ko ang dalawa ng sweet picture. Hmmmm.... ang tagal ko ng hindi dinidirek ang mga batang ito sa harap ng aming kamera!
Kamusta naman kaya ang isa pang Loveteam ng BND? Ang ALKRIS... Ok naman sila. Eto't nakipagharutan rin kami sa pics. Oh, ha?! Anyway, naloka lang ako kay Kris. Inaayusan ko si Mart at Jennica para makunan namin sa aming kamera ng bigla itong lumapit at humalik sa akin. Beso lang naman. Bumati kumbaga. Dati pa naman kaming nagbebeso ni Kris, kaya't bakit pa ako magtataka, di ba? Ang nakakaasar lang naman ay gusto kong bumeso kay Aljur pero hindi ako makaporma dahil andun si Motmot. Ahahaha. Ayaw kong mabatukan at masabihan ng malandi ulit. Ehehe. :)
Ang pang-huling landi namin ay kay Jolo Revilla na kasama ang pamilya nung nagpasyal sa Carnival. Hindi guest si Jolo sa BND that time, nagkataon lang dun din sila namasyal. In fairness, kahit bansot si Jolo eh super hot din nya pala! Hmmmmm...
Around 10PM umuwi si Bernie dahil sobrang pagod na ata. Nagpaiwan ako dahil may pag-uusapan pa kami ni Motmot. Hinatid ni Karl si Bernie hanggang gate ata at bumalik rin. 3AM na nagpack-up ang taping. Kamusta naman yun?!
Around 11PM, matutulog sana sina Jennica at Mart sa tent. Sobrang inaantok rin ako ngunit ayokong matulog. May kausap si Joey kaya't di ko rin makausap, si Gema naman di ko makita. Si Karl kasama si Jennica sa tent, eh ayoko namang tumambay sa loob ng tent kaya tinawag ko na lang si Mart. May pinag-uusapan kami sa tabi ng tent ng biglang may umungol at sumigaw ng malakas. Yung mamang guard, pinalo sa ulo yung aso na naligaw sa loob ng carnival. Nakakaawa ang aso, nangingisay habang pinapalo ng pinapalo sa ulo ng guard, pinapatay ata. Pareho kaming natigilan ni Mart. Then nagalit sa mamang guard. Ahahaha. Naalala ko dog-lover nga pala si Motmot, may alaga itong pitbull. Ako naman, ayaw ko lang yung pamamaraan ng guard sa pagpatay sa aso. Sobrang mali kasi. Nung ayaw pa ring tantanan ng mamang guard ung aso, tumayo na ako at pinagalitan ang guard. Nakakaloka. Tumaas ang boses ko, buti na lang at tumigil ang guard at tinali na lang ng alambre yung aso. Nakakaawa talaga, kamukha pa naman ni fulgoso ang aso. :(
Panoorin ang BND ngayong linggo ang BND. Guest sina Sheree ng Viva Hotbabes, si Muros ng Encatadia, si Isabelle Oli at si Mura. Promise, based sa nakita kong taping noong sabado, mukhang maganda ang episode na ito hindi pang-Perya ang grado! :)
... |
posted by Tiborxia @ Friday, November 09, 2007 |
|
1 Comments: |
-
ang saya ng kwento niyo! mukhang nagenjoy talaga kayo!hehe! tama ako, wala nga si marky! hehe! kasama kasi namin! lol! so, wala talaga si aljur sa taping ng zaido. andun kasi siya kasama niyo. waah! nakita niyo si jolo! isa din siya sa mga crush kong artista. fyi, arthur solinap ang real name ni muros. and if im not mistaken pinsan siya ni dingdong dantes. sayang di ako pumunta. mukhang enjoy ang rampa niyo. haha!
|
|
<< Home |
|
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|
ang saya ng kwento niyo! mukhang nagenjoy talaga kayo!hehe! tama ako, wala nga si marky! hehe! kasama kasi namin! lol! so, wala talaga si aljur sa taping ng zaido. andun kasi siya kasama niyo. waah! nakita niyo si jolo! isa din siya sa mga crush kong artista. fyi, arthur solinap ang real name ni muros. and if im not mistaken pinsan siya ni dingdong dantes. sayang di ako pumunta. mukhang enjoy ang rampa niyo. haha!