|
Shake, Rattle & Roll 9 Presscon |
Tuesday, December 4, 2007 |
SINGIT LANG by Thirstytrooper
Sugod kami ni Al sa Imperial Palace after SOP taping para i-cover ang presscon ng SRR9 ng Regal Entertainment. Parang hindi kami na-late dahil eto, ang dami pa rin naming nakuhang pics. Late din siyempre si Mot, dahil galing rin siya ng SOP taping na hindi pa rin tapos ng mag-sialis kami. Pagdating namin, siyempre ay bumungad ang presidential table kung saan naghalo ang GMA at ABS CBN stars. Nakakatuwa naman!
Si Mot agad ang tinanong pag-upo nya sa presidential table. Ano daw ang role niya dito. Sagot ni Mot, isa raw siyang may pagkamaangas na band vocalist (wow! kumakanta pala dito si Mot! For sure lip synch! hehe! Love you Mot!!!) at ka-love triangle ni Melissa Ricks at Matt Evans. Pasaway daw siya dito pero aayos sa bandang huli ng istorya ng "Engkanto" episode. Abangan natin kung paano umarte ng pagka-rakista ang lolo mo!
Mart and Jewel, together in "Engkanto" episode
At itinanong din kung sinabi nya na kay Jennica na si Melissa ang partner niya dito sa SRR. patawang sinagot ni Mot na, "Oo naman po alam niya na... hindi po, siyempre, naikuwento ko sa kanya kung ano ang role ko dito sa pelikula". At hindi naman malayong maikuwento niya 'to since lagi silang magkasama sa taping ng kanilang shows sa GMA.
Pagkatapos ng Q&A, hinihintay namin na ipalabas ang trailer pero sa kakapusan siguro ng oras ay hindi na nila ipinakita. Siyempre sinulit na lang namin ang pagkakataon na makuhanan ang mga artista na ang ilan ay nagmamadali nang umalis (di ba wala nang curfew?).
Base sa tanungan at kwentuhan sa SRR9 presscon ay masasabing maganda ang pelikula at umaasa na ang Reyna ng Regal na si Mother Lily na makakuha ito ng 3rd Best Picture.
Mother Lily with Jewel. Mukhang masaya si Mother at nakakasiguro sa kikitain ng nalalapit na showing ng SRR9!
Hala, eto pa at silipin ang mga kaganapan.
Si Dennis ay hindi agad nakaalis ng presscon dahil dinumog ng press after ng Q&A. Siyempre pa, kontrobersiyal ang Papa Dennis dahil nga sa kinasangkutang intriga with Carlene at Kristine. Hindi halatang stressed si Dennis. Ampogi pa din!!!
Si Katrina Halili ay busy rin sa dami ng umi-interview kaya ala-paparazzi style ang shot ko sa kanya. Ang hirap sumingit sa totoo lang.
Madaling nag-alisan ang mga artista ng Dos kaya nagdudumali naming silang pinag-pose sa aming Dcam at kami naman ay pinaunlakan. Eto si John Pratts... Cute pala talaga in person.Haaaayyy!
Si Matt "Pedro Penduko" Evans na kahit sikat na ay hindi nagbabago. Malago pa rin ang kulot na buhok!
Ang magandang si Melissa Ricks na introducing sa pelikula like Matt
Ang crush ni Tivz na si Sam Concepcion
Ang crush ko na si Felix Roco
At dahil crush ko siya, dalawa ang pics nya dapat. Kasali pala siya sa "Kamandag". Ang pogi niya lalo dun in his cat costume!!! EEEEEEEE!!!(ay sorry po!)
Si Lovi Poe. Mukhang maraming projects si Lovi ah? Dami pang endorsements!
Ang veteran actress, Ms. Boots Anson Roa. Hindi raw siya nawawalan ng projects sa Regal. At lagi siyang kasali sa SRR series. Naikuwento nya sa presscon na nagparamdam ang kamamatay lang niyang asawa na si Pete Roa nung sinu-shoot nila ang "Christmas Tree" epi na dinirek ni Paul Daza (pakitingnan na lang yung pic nya sa entry ni Tivz sa baba hehe!). May nakita raw siyang yellow and black butterfly katulad ng butterfly na dumapo sa caskett ng asawa bago ito i-cremate. Nayku, kakakilabot!
My favorite ABS child star Nash Aguas! Markado umarte ang batang ito. Natural na natural at parang naglalaro lang. Paborito ko rin ang epi nya sa SRR8 dati, ang "Yaya" na si Topel Lee din ang Direktor.
Speaking of Direk Topel, siya ang direktor ng final episode ng SRR( ang "Engkanto" kung saan kasama si Mart! Ibang estilo daw ito dahil more on habulan ang "Engkanto".
Direk Mike Tuviera. Siya naman ang nag-direct ng LRT (or MRT?) epi nung SRR8. Ngayon naman ay ang "Bangungot" headed by Dennis, Pauleen Luna at Roxanne Guinoo. Magaling din siya in fairness!!!
Nang umalis si Mot ay umalis na rin kami (parang anino talaga ni Mot? hahaha!) dahil may kababalaghan pang gagawin that night na ibo-blog din namin sa darating na mga araw. Abangan!
Ang SRR9 ang nag-iisang horror movie na kasali sa Metro Manila Film Festival sa darating na Pasko. Pero bago ito, inaanyayahan namin kayong lahat (pwera lang si baklang unano dahil bawal ang malas sabi ni Mother) na manood ng premiere night sa Dec. 23, at Parade of Stars naman sa Dec. 24. See yahhhh!!!
Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!
Yun lang at baboooh!
'til next SINGIT! thirstytrooper |
posted by thirstytrooper @ Tuesday, December 04, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|