Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Maligayang Bati, Mahal na Sang'gre BERNIE
Wednesday, December 5, 2007
by: Tiborxia and KarlAndrew

I look back noong unang mabuo ang Tiborxia Team at unang beses naming magsama-sama sa taping ng BND sa Antipolo. Sinabi ni Sang'gre Pirena (Tiborxia) na maganda ang tingin sa pagdevelop ng taon and she feels na magkakasama-sama pa rin kami until Christmas. Well, mukha namang totoo...

Speaking of kababalaghan na sinasabi ni thirstytrooper, ito na yun. Some weeks back ay nagsimula kaming magtext tungkol sa Surprise Birthday ni Sang'gre Amihan (thirstytrooper). Kung kailan, sinong kasama at kung anong gimik. Siyempre, walang malay ang mahal na Sang'gre sa mga binabalak namin.

A few days back, siguro November 22 nagkakamustahan kami ni Jennica over text ng banggitin ko sa kanya na sa DECEMBER 06 ang Birthday ni Bernie. Ang lola nyo, nagbalak agad ng surpresa. 'Wag daw gawin on the day itself para hindi halata. And we started to brainstorm, unang naisip ni Jennica eh balloons, with cake and all -- parang children's party. Kinuha namin opinyon ni Mart pero tinawanan kami. Kaya erase ang idea. Hmpf! Nag-isip na lang muna kami ng date kung kelan gagawin ang surprise, we came to an agreement na December 2. Pero hindi pa sigurado si Mart at Jennica when we decided on the date. Una, BND taping nila the day before at puyatan iyon. Pangalawa, sunday eh SOP at may taping at hindi alam kung anong oras matatapos at pangatlo, may Presscon si Mart. Kamusta naman iyon? Pero possitive thinking pa rin...

November 30 ng umaga nag-text out of nowhere si Jen at sinabing pinayagan na siya ni Madam Jean at ng Ninang nya na lumabas the night of December 2. Alright, game na! Ang problema na lang eh si Mart. Ayokong itext kasi magkaaway kami. Hehehe. Walang katapusang away-bati. ;)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Jennica at Mart habang nilalasap ang paboritong
BBQ Pork Asado Noodles ng Next Door Restaurant (T-Bar)


Tinext ko na rin si Christine para makasama namin that night at para bonding na rin kaagad. Btw, si Christine ang isa pa sa matitibay na Martians. :) Kami ni Jennica ang gumawa ng skeleton plan, kami naman ni Christine ang foundation, at ako naman at si Karl ang finishing touches. Ang hirap magplano lalo na't mga schedules ng artista ang tinitingnan mo. :)

Si Nicnic at Tiborxia ang mga punong abala dito, ako keri lang ako, maganda. Fast forward tayo... December 02, 2007. Taping ng SOP, Press Conference ng SHAKE, RATTLE and ROLL at ang birthday. Medyo nagulo pa ang schedule namin dahil medyo na-extend ang taping ng SOP for the December 23 episode. Kung tutuusin pwede naman sanang hindi manood ng taping di ba. Kaya lang special episode ang kinukunan kaya dapat nandun kami. Una... si Ken Zhu... pangalawa... si Joseph Bitangcol... pangatlo at pinaka-importante ang debut ni Tiborxia... ay este, ni JENNICA GARCIA pala.

Nagyaya si Mart na pumunta kami ng SOP taping dahil kukunan nga ang prod ng debut ni Jennica. Unang balak namin eh 9AM pupunta ng GMA, kaso tinamad ako at ayokong tumunganga duon dahil taping naman. Kaya I suggested na around 2:30 to 3:00PM na kami pumunta, everyone agreed naman.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Mart at Jennica kasama sina Anne at Janice, pinsan ni Christine.


By this time, hindi ko alam kung may hinala na si thirstytrooper sa binabalak namin. I just said na may lakad kaming dalawa sunday night. Wish ko lang hindi nya nahalata na may pinaplano kami... Huhuhu..


Nung nagkita kami ni Mart sa GMA, unang bungad nya sa akin (pabulong) eh hindi siya makakasama sa lakad kasi nga may Presscon. Ah ganun pala ah, tingnan natin kung sino ang masusunod! Eheheh. Drama galore na ako, at hindi ko na kinibo buong magdamag... Let's see...


Around 7PM nagsimula ang taping ng prod ng debut ni Jennica... sa susunod na entry sa blog na ito ang detalye... :)

Bongga ang production number nito, especially the song and the 18 roses., ibang kwentuhan. Pagkatapos ng prod ni Nicnic ay nagdrama na kami ni Pirena para makapagdahilan silang lumayas. Diretsong presscon ang dalawa at kami naman ni Nicnic ay prepare na sa sorpresa.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

KarlAndrew kasama ang JEMA. Super effort ang mga hitad for Bernie! :)


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Mart at Jennica kasama ang Birthday Fan na si Thirstytrooper.


After ng prod ni Jennica, eto na.. panu ko kayang gagawin na madadala ko si Bernie sa Tiananmen's Bar (Next Door Restaurant) na hindi nyang mahahalata na dun din pupunta sina Karl at Jennica. Ang hirap! Waaaah!!! Ending, pinatakbo na namin si Mart sa Presscon, at sumunod na kami ni Bernie. Ang drama namin ni Karl, magkaaway kami kaya't hindi siya sumunod sa presscon. Though ang balak talaga eh bibili sila ng cake ni Jennica tapos didirecho na ng resto para ayusin ang place.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Papa Jimbo (dad ni Mart) yung naka-yellow, si Christine naka-white.
Nakabalandra ang japanesse-inspired table namin sa mga bata, walang lalapit! Hahaha!


Pagdating sa Presscon, tinext ako ni Papa Jimbo na nasa starbucks siya. Kaya't iniwan ko na muna si Bernie at nagdrama na naman. Josko, kabog ako sa drama ni Bernie sa gabing ito. Kuhang-kuha ang akting ng Superstar! Feeling ko alam na nya ang binabalak namin.

After ng presscon, dali-daling lumapit si Mart sa akin at bumulong kung saan ang place. Aalis na siya ng presscon agad at pupunta na sa pagdarausan ng birthday ni Bernie. Hmmm.. Kita? Sino nanalo? Ahahaha. Kaya't bigla na lang nawala si Mart sa presscon. Nagpaiwan muna kami ni Bernie to give time kay Mart na makarating at maayos naman nina Jennica ang lugar. Wew! Later that night, nalaman ko rin kay Bernie na nakita nya yung bulungan namin at lalo na ngang naghinala na may binabalak kami... :(

Bumili muna kami ng cake at pagkatapos ay humangos na ang aming kagandahan sa venue... T- BAR. Pumili na kami ng spot na sobrang maganda at nagpaganda na kami, di nagtagal dumating na si Christine with her cousins, di ko alam kung clueless pa rin ang Sang'gre hanggang sa dumating.

Pinatago na Nicnic ang cake kay Adam, yung waiter at si Art naman ay ininstruct ko rin. Mababait ang mga waiter ng T-Bar, go kayo diyan sometime.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tiborxia kasama sina Christine at Papa Jimbo.


Pagdating namin ni Bernie sa Tiananmens (T-Bar), wala pa ang Mart. Hahaha. San kaya dumaan yun? Anyway, hinila ako ni Jennica at sinabi na nga ang plano na inayos nila with the waiters... Hanggang mga waiters sa bar eh kinausap namin para maayos ang cake. Yehey! :)

Nagtinginan kaming tatlo pagdating at casualan ng pinagusapan ang kakainin. Dumating ang forever artistang si Mart with Tito Jimbo. In fairness, artista mode talaga ang lolomerz na ngayon ko lang nakasama sa lakad na naka-pants and shoes. So go... umorder na kami... habang hinintay ang order namin tinext ko ang JEMA, para sa isa pang surprise.

In fairness naman kay Mart, todo porma ang lolo mo kasi galing pa ng Presscon. Haller? Hindi pa nga siguro nakahinga yun eh! Ahahaha. Love you, Mot! :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Bernie (yung nakatakip ang mukha) habang binabasa ang mga nakasulat sa cake.


Artista mode din si Reyna Amihan, may phone patch din siya sa birthday niya ang difference, di alam ng audience kung anong pinaguusapan... sino ang mystery phone patch? Si PAULO AVELINO, gosh... you could just imagine what they were talking about to see the Queen smile that broadly.

Dapat may phone patch din si Bernie from Marky Cielo kaso lowbat na si Marky kaya't nung tinawagan namin ni Mart eh patay na ang telepono.. sayang, kumikinang sana ang ulo ni Ateng Bernie ngaun. Hahaha! :)

According kay Amihan, inamin na raw ni Paulo na iniibig siya nito.., eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!

Echos! Baka ma-issue yan ah! Biro lang yun ni Paulo.. ako talaga ang mahal nya! Ahahaha... Ambisyosa na naman! But in all fairness kay Pau, saturday night magkatext kami. Niyaya ko na rin siya sa balak, kaso may prior commitment ata siya kaya hindi makakarating. Kumpleto sana ang tropa! :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

HAPPY BIRTHDAY, THIRSTROOPER!!!!!


At sa wakas kumain kami, at uminom.... dumating ang cake at lalong natuwa si lola... binasa niya ang message sa cake, pumikit, nag-wish and nagblow ng candle.

Moment moment na kami nun....

...
posted by Tiborxia @ Wednesday, December 05, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA