Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Site Advisory
Monday, July 30, 2007
Foremost, I apologize for not being able to update the blog for the past few days. In as much as we wanted to update this blog everyday (or at least, every other day) our current schedules can hardly accommodate this need. Thirstytrooper is currently working on a major project and he takes the lead on that. KarlAndrew is busy as well (though he still has ample time for visits). I, on the otherhand would need to attend to a more personal matter. As well, this blog will go through a major change. I will have to talk with Thirstytrooper and KarlAndrew on how we are going to execute this change and not pre-empting what has already been planned or published.

We will try our best efforts to update the blog at least once or twice a week, but please don't holler at us if we fail to do so. Mga simpleng fan lang din kami na may mga simpleng buhay.

A friend (his name is Sam) texted me this earlier: You might take pleasure in pain inflicted by people who can't seem to ge a life. They live to criticize every inch of you, when in fact every little flaw they see hits them with pangs of jealousy. For the reason that even if you're a little stained, they hopelessly asked themselves... "How in the world does he make it look just perfect?"

Be well, everyone!

...
posted by Tiborxia @ Monday, July 30, 2007   0 comments
...the most tiring SOP ever! (epi 07/15)
Wednesday, July 25, 2007
EKSENA ni KarlAndrew

This would be one of the best sundays we had ever. Every sunday I know there's something new to look forward to. Mga ilang araw bago mag SOP ay nagemail si Tivs sa akin para itext is Therese, kasama daw niya si Jheng, James and Charles. Little did I know na ito pala ang mga kaibigan naming Jewelerz... so super text ako kay Therese na enthusiastically ay nag respond ito. Tinanong ko si Thirstytrooper kung may battery pa ang digicam at meron pa naman daw.
Tivz: Karl, best ka dyan! eto ang pinaka-tiring na SOP sunday ko ano! Ahaha. Biro lang jheng, therese, charles and james. Anyway, uunahin ko na munang ipost ang pictures ni Sam Concepcion since I already posted the feature about him yesterday. Rock on, Sam!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

May pic rin kami ni thirstytrooper na kasama si Sam (pwede ba namang wala) but since super daming pics ang ilalagay ngaun sa entry, yung pic with Karl na lang ilalagay ko.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Sam during Off-cam: This was the part kung san ipo-promote na nina Sam ang High School Musical. Wasn't it? Hindi ako sure, di ko masyado narinig, but they were asked a few questions by Richard.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Sa SOP ay on the dot ako sa call time, 9am nandun na talaga ako at I am just so impressed with our Jeweler friends na nauna sa akin ng 10 to 20minutes, nakakatuwa ang promptness nila. Habang ang Thirstytrooper at Christine ay naglobby pa sa oras ng dating, unaware naman ako na nasa area na pala ang nagbabalik na si Denmark... welcome back kapatid na Martian.
Tivz: Anong ibig sabihin ng "naglobby?" at bakit hindi kasama pangalan ko sa super late? Ahahaha. Understandable na ba? Yehey!

Wally: Wala akong masingitang portion sa entry na ito na pwede si Wally, kaya dito na lang. Hehehe. He's really a good dancer. Hay.. sana magkaroon ng Fans Club si Wally! Ahahaha. =-)

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Jay-R and Karl: Perfect combination? Ahehehe. I wonder kung ganu na kayong magkaibigan ni Jay-R, Karl. Never mo pang naikukwento sa amin. Share mo nga minsan!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

The whole morning ay katext ko si Therese, Christine, Thirsty, at Tito Jimbo, si Denmark ay nagconfirm naman nung saturday, si Tivs ay medyo magtatanghali ko na katext. Sa 7eleven ko na pinadiretso ang mga Martians, dahil nanduon na ang mga Jewelerz. Ang funny nga kasi ka-text ko si Therese na never ko pa na-meet and she said that she's at 7eleven waiting for the rest. May nakita akong gurl na nakasalamin and making pindot her phone at nasabi kong, "Ay! ito na yun". Dumaan ako sa harap niya at dinedma niya ako! Naloka ako at dumaan ako ulit at nagsmile ito bigla and quipped... "Karl?" Smile din ako sincerely and said "Hi!"

Polo Ravales: Hmmm.. Tumaas kilay ko nung nakita ni Karl si Polo at biglang kumerengkeng! Ahahaha. I rili dont like his muscles for his height. Medyo hindi in-proportion. But I have nothing against him. He is ok.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

John Louie: Di ba sumali rin siya sa Starstruck 4 but was eliminated? Hanggang anong Level siya nakarating? Buti at nakapasok siya sa PPS. I think he's really soft, yun yung naging problema sa kanya. Otherwise, he is ok.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Aba ang happy rin naman kasama ang mga Jewelerz parang matagal mo ng mga friends kapag na meet mo, as a matter of fact ang apat na ito ang nung sunday lang din nagkita-kita in person. Nagreveal si Therese sa akin ng kanyang secret crush and tell you what, di pa natutuyo ang laway niya ay biglang nag appear ang secret crush nito sa harapan namin... Yun lang. Dumating si Tito Jimbo with Denmark na around the corner lang din, kasunod dumating sina Christine at Thirstytrooper at nagtsikahan muna kami bago kami finally sinignal na pumasok.

Aljur Abrenica: I'm happy with Aljur's achievements so far. Naifeature pala siya sa Starstudio Mag. That's a breakthrough. Siya ba ang unang SS graduate that was able to make it to the said mag?

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Mart Escudero and Marky Cielo: the two are really good buddies, i can't be happier that this two really share good friendship!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Mart and Aljur: Ultimate Male Winners ng Starstruck 4. Their bonding during Boys Nxt Door taping are really OK. Ang kulet nga nilang dalawa eh. Paminsan they kiss each other, kaya tumitili ako at tinatanong kung sino ang bading sa kanilang dalawa. Wish ko lang ako na lang ang hinalikan nila ano! Hehehe

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Enter SOP studio -- luckily we got a spot, pero umalis din kami kasama ni Tivs para magcanteen at kumain tutal di pa prod ng mga hinahangaan namin. Hindi ko kinaya ang opening number with Manny Paquiao and Billy Crawford, nabusy talaga ako sa kaganapan na yun. Meanwhile ay nag pictorial na kami Thirsty for the sake of bayees at siyempre so we can share na rin sa inyo. Panay backstage ang pictures namin ngayon dahil bawal na pong kumuha ng photo sa loob ng studio. Sayang talaga... Habang nag-iikot kami ay nakita namin si ang super mahal namin sa kabaitan at kagandahn na si Rich Asuncion na always ready to smile, kasama niya ang kagandahan at nice rin na si Stef. Palalampasin ba namin ang HighSchool Musical cast, no we definitely won't. Nandun din si Kris Bernal kaya as Tivs would say point and shoot. Saksi rin ako sa pagkikita ni Amihan at ni Azulan... mga Encantadia fans na Martians dapat magets niyo yan.

Rich: Others may not like her, but I love Rich Asuncion. Yun lang. =-)

Free Photo hosting by PhotoLava.com

PJ and Kris: Hindi ako sure kung ito na ba yung PJ ng Walang Tulugan, hindi pa kasi ako nakakapanood ng programa ni Kuya Germs except for the Taping that I watched nung nag-guest sina Mart for the BND Promotion.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Izza Calzado and Rhianne Ramos: So beautiful! Nood kayo ng Quija (did I spell it right?) Di ko pa cya napapanood but hopefully next week pwede na. Ang ganda nila ano?

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Karl and Billy: Kelan kaya ang finals ang MOVE? Or natapos na ba? Di ko kasi alam eh. And di ba may concert si Billy sa Araneta? I really think over-exposed si Billy ngaun, and I'm not too confident na mapupuno nya ang Araneta. Opinyon ko lang iyon.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Malapit na ang birthday prod number ng Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische kaya go na ulit sa studio ang mga Jewelerz with Denmark. At bumalik sila after her prod para hintayin si Jewel para magbonding. Iniwan na namin sila with Jewel of course dahil moments nila yun. Si Denmark ay nawawala, kaya habang kumukuha kami ng picture ay hinanap namin siya. Pero dahil sa makapangyarihang brilyante ng hangin ni Amihan, nahanap ni Gurna (ako yun!) si Denmark.

Mart: Giving her greetings to Jewel along with the rest of the Starstruck 4!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

De Rossi sisters: Kasabay ng birthday celebration ni Jewel ang kay Alessandra. Ano yung mga shows ni Alex ngayon? Hindi ko masyadong nasubaybayan. But I really like Alex being straight-forward.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

So concentrate na sa pagpipicture, at biglang na lowbat ang digicam, buti na lang binuhay ng brilyante ng Apoy ni Pirena (tiborxia) ang digicam at tuloy tuloy na ang lahat. Nagpromote ng Ouija ng Young Superstar na si Judy Ann Santos along with the si Izza Calzado, Rhian Ramos at Jolina Magdangal. Di ko naman alam kung bakit nandoon si Dingdong Avanzado and Jessa Zarragosa, pero dahil maganda naman siya ay go kinihaan ko na. At mawawala ba naman ang aming favorite na si Brian Termulo, na tuwing makikita namin ay alam na kailangan na niyang magpose? Magsorry nga ito nung sunday dahil nabura na niya ang make-up niya. At grabe I really trembled upon seeing Dennis Trillo but that wasn't the time to be chicken, so there I go I took a shot. Maraming guest nun and I lost count kung ilan ang nakuhang pictures and ang pagkasunod sunod.

Judy Ann: Ilang beses ko na rin nakikita si Juday sa SOP and ang sexy na nga nya! Dati inis ako sa kanya kasi naging jowa nya ang super crush kong si Ryan Agoncillo ("Are you in heat?") Abangan po natin ang pelikulang "KULAM" kung san kasama ni Juday si Papa Dennis at si MART! =-)

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Jessa Zaragoza: Si Dulce at Desa ang mga tinitingala kong singers ng Pilipinas. Ngunit kabilang si Jessa (Zsa Zsa, Bituin Escalante at Carol Banawa) sa mga gusto ko rin.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Bryan Termula: Super bitter rin ako sa fate ni Bryan sa PPS... naiblog ko na ba iyon? I still think that he should have won. =-)

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Dennis Trillo: Nood po kayo ng Kung Mahawi Man ang Ulap! Wafu talaga ni Papa Dennis!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Richard and Raymond: Parang kelan lang. Ang wafu talaga ni Richard at ni Raymond!

Free Photo hosting by PhotoLava.com

If you noticed nandun ang cast ng BND nung sunday, they were there not just to greet Jewel, nagtape din sila ng dance number na hopefully next week (July 22) ay mapapanood natin. After that kodakan ulit, at nanood kami ng BND sa GMA canteen with the cast, nandun na rin ang mga Jewelerz na bakas bakas ang tuwa. Alam niyo hanga kami sa support niyo kay Jewel and I can see that she was really touched by your efforts.
Tivz: Pinalabas ba yung segment ng BND Prod? Nasa bahay nga ako ng mga oras na iyon, nagbabasa naman ng libro. hehehe. =)

Jesi: Constructive criticism, I don't think Jesi is being effective in her part. I know you can do better, Jess. Tulad ng parati kong sinasabi sa'yo, may potential ka. Try to give more. =-)

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Yummy boys ng BND: Except for Prince na wala sa Boys Nxt Door. The BND team has been giving so much hardwork para tumaas ang rating nila, sana patuloy itong tumaas.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Kiko Junio: Paminsan natatawa ako kay Kiko sa BND, ang laki ng katawan but there are times na pumipiyok cya. Hehehe. Oi ayusin mo Kiko, GMAAC has given you a good break. Patunayan at ingatan mo ang opportunity na iyan.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Habang nanunood ng BND ay nangungulit din ang mga cast. Biniro ko si Stef na kamukha niya si Isabel which is the role she plays di ba. At ang sagot ba naman ay "oo nga kamukha ko, ang ganda niya no?", pati si Kiko ay nakigaya sa hirit ni Stef at si Jessi naman ay concentrated dahil first time niyang panoorin ang BND. Niyaya na akong umalis ni Tivs dahil go na kami sa Gateway... goodbyes na sa mga kasama at diretsong Gateway Mall ang Tiborxia Team with Tine and Denmark...

Stef and Glaiza: They're doing great as girls ni Buboy sa Boys Nxt Door. I am glad na tumaas na ang rating nila.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

Mart and Jheng: Isa sa mga JUMOT supporters! Since andun na sina Jheng sa SOP, hindi ako papayag na hindi nila makita ng malapitan si Mart. Kaya eto na ang opportunity.

Free Photo hosting by PhotoLava.com

carpe diem... ü
posted by Tiborxia @ Wednesday, July 25, 2007   0 comments
Sam Concepcion in High School Musical
Tuesday, July 24, 2007
I'm still not done crying over Harry Potter and the Deathly Hallows! I simply loooovvveeeeeee Severus Snape!

Anyway, before I get too carried away with Harry, the Dementors, the Death Eaters, those house-elves, the Weasleys, Tonks, Lupin, the Hogwarts students, the curses, the jinx, the spells... blog muna tayo! Hehehe. I'm not done with the book yet, but I am almost there! =-)

This entry should have been made early last week since this is part of the 07/22 SOP Episode. But since everyone is too full of Jewel, I wouldn't want to spoil it. Sam deserves a space in this blog. I have always believed in his talent.

We were in GMA's canteen taking our lunch when the opening number started. Sam along with the cast of High School Musical was part of it. They were so amazing! Young as they are, they know what amazing performance is! I wouldn't want to miss the chance, I have to see him! And so we rushed to the dressing room after their prod and we found him standing just outside. I wonder if he has been waiting for me? Hehehe. =-)

HIGH SCHOOL MUSICAL featured SAM Concepcion, CHESKA Ortega, Alex Godinez, PJ Valerio, Seve Ching, Kakki Teodoro, Sheila Francisco and Jeff Arcilla. The play's directed by Audie Gemora, Musical Direction IJ Garcia, Choreography Chinnie Nepomunceno, Set Design Mio Infante, Costume Design Johann Dela Fuente, Lights Design Martin Esteva.

The play was held at the Meralco Theater. I'm hoping they can make a repeat of this. It is really excellent! =-)
posted by Tiborxia @ Tuesday, July 24, 2007   4 comments
...can they be in-love?
Monday, July 23, 2007
Avada Kedavra!
And then he broke: He was nothing, nothing but pain and terror, and he must hide himself, not here in the rubble of the ruined house, where the child was trapped and sceaming, but far away…far away…
“No,” he moaned.
The snake rustled on the filthy cluttered floor, and he had killed the boy, and yet he was the boy….


Mudbloods! Ahahaha. Sorry, got carried away with Harry Potter and the Deathly Hallows! Thanks Karl for lending me the book! You are heaven-sent! =-)

I woke up around 1030AM yesterday -- dalawang gabi na akong walang tulog kasi pilit kong tinatapos ang binabasang libro. I have to return it to Karl! Pagkagising, balik ako sa pagbabasa ng libro not realising na marami na pala akong unread SMS messages. Una kong binasa ang text ni thirstytrooper (yes, I have a tendency to choose which message I will read first). Nagpanic ako sa message nya! May naisulat daw si Nitz Mirales tungkol sa dinner ni Mart at Jenica sa Next Door Restaurant! Buti naman at maganda yung naisulat. Wew!

Noong saturday, tinamad ako sa pagpunta sa set ng Boys Next Door for so many reasons! Una na ay dahil sa BF Homes sa Commonwealth na ang bagong bahay nina Atom, pangalawa ay matatapos ng 7PM ang take ni Atom -- usually dumadating ako ng set around 5-6PM, so sinabi ko na lang kay thirstytrooper na next week na lang. But I think Karl was able to visit the set. Ang tibay! =-)

Sunday walang SOP, wala rin akong saturday night out pero puyat parin dahil sa kababasa ng libro. Napag-usapan na namin nina thirsty at karl na pumunta sa SM Bacoor para sa Mall Show ng Impostora. I almost said "no" kasi tinamad na naman ako, but later on realized na nakapangako pala kami kay Jenica na pupunta. Original usapan naming magkikita eh at 2PM, dahil sa tinatamad ako nag-request ako kung pwedeng 3PM na lang... at late pa rin akO! Hehehe... Reyna talaga ako ng pagiging late sa mga lakaran, walang kupas! =-)

Di naman pala kalayuan ang SM Bacoor mula sa Taft Avenue. Pagdating namin ng Mall, naloka kami sa dami ng tao! Kaloka! Tingnan nyo ang pictures! I do not want to compare ngunit talagang mas marami ang taong nag-aabang sa Impostora Mall Show than sa Boys Nxt Door. 4:30 kami dumating kaya't naghanap muna ng photo studio para magpagawa ng kopya ng pictures na ipapamigay maya-maya.

Around 5:05PM dumating sina Mart at Jenica -- magkasama. Nauna ng dumating si Alfred Vargas (a few minutes after naming dumating). Around 30 minutes lang yung pagkakagawa ng kopya ng pictures, after nun dumirecho na kami sa backstage. Thanks, guard at nakilala mo ang aming mga brilyante! Ahehehe.

Pagpasok ng backstage, nakita agad kami ni Mart at Jenica kaya pumunta sa area na kami-kami lang. May binulong agad si Mart, tuwang-tuwa kasi magkasabay at magkatabi raw sila ni Jenica papunta dun sa Mall. Naloka ako sa not-so-usual na sigla ni Mot that day, gayun din si Jenica. Aba... Hmmmm... May napag-usapan kaya ang dalawa na di ko nalalaman? Anyway, after a while kumain muna si Jenica kasi nagugutom na raw. Walang arte, umupo sa hagdanan at nilamon ang manok na mula sa Kenny Rogers!

Habang kumakain si Jen, binigyan namin ng copy ng pictures ng JEMA ang staff ng Impostora! Para silang mga fans din na nag-aagawan at humihingi pa ng marami! Trooper, nakakatuwa sila, di ba?! More! More! Moreeeeeeeeeeee!!!

Nung mapagod na kami, umupo ang dalawa sa may hagdan.. ang sweet! Di pa man nag-uumpisa ang show basa na ang likod ni Mart ng pawis. Humingi ako ng bimpo sa Yaya ni Jenica at nang iabot ito sa akin, naloka ako kay Jenica... cya na daw ang magpupunas ng pawis ni Mart. Tuwang-tuwa naman ang Mokong nung nadinig! Hoy Mart, wag lumaki ang ulo!!!

Si Jenica ang unang isinalang. Dapat ay sasayaw sila ni Mart. But since walang back-up dancers na kasama sa show. Kumanta na lang ang dalawa -- separately! At first akala ko may ghost singer ang dalawa. Yun pala Live! Josko kinabahan ako.. Live yun! Liveeeee.. Liveeeeee...

That was the first time na maririnig kong kumanta si Jenica. Kinabahan ako nung sinabing Live kasi the night before pinagtatawanan namin kung ano ang gagawin ni Nicnic. Sarap batukan nung narinig ko ang boses! Meron naman palang ibubuga eh! And in all fairness... Marunong gumalaw sa stage... Marunong maki-connect sa audience.

Turn na ni Mart. Ayan. Parang gusto ko na lang himatayin bigla. Hinawakan ang mikropono at tumugtog ang kanta! Weeeeewwwww!!! Buti na lang at alternative rock ang kakantahin. Forte nya ang rock, at medyo ok cya sa pagkanta sa alternative rock kaya medyo carry na.

Nakakatuwa ang audience kasi nung pagtawag sa pangalan ni Mart biglang hiyawan ang mga tao! Ngumiti ako... At least ngayon alam kong siya talaga (at hindi ang kasama nya sa mall show) ang tinitilian. Solo act nya yun. Nung nag-perform na si mart, lumapit siya sa mga audience upang kamayan -- lalong naghiyawan! This was the time na pinamimigay din namin yung pictures ng loveteam nina Jenica at Mart.

Eto yung video ng performance ni Mart during the Mall Show:

Kung mapapansin nyo, hinila ni Mart si Jenica mula sa tabi ng stage. Magkasama kami ni Jenica nun at pinapanood si Mart. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ni Mart at hinila nya sa taas ng stage yung babae but that was really a good move! After ng kanta ni Mart sigawan ang mga tao ng KISS! KISS! Kisssss!!!! (Palalagpasin ba ito ni Mart? Xmpre hinde!)

Tsup!
Ayun! Technically, sa Mall Show sa SM Bacoor ang first kiss nina Jenica at Mart. Anu kaya feeling nun? Matanong nga si Jenica!

After ng number ng dalawa, sumunod naman si Alfred Vargas. Nagcomment kami backstage na talagang sanay na sanay na si Alfred sa mga mall shows. Effective yung pagko-connect nya with the audience. Naloka lang ako kay Karl kasi nung pagbigay ni Alfred ng pictures nya (from Hammerhead) eh naki-agaw din ito! Ang lande!

Sumunod si Sunshine Dizon na kumanta... in fairness, may boses si Bakekang! It was obvious though na hindi marunong kumanta si Mark Anthony Fernandez kaya pumasok siya sa 2nd half ng kanta ni Sunshine, which was in a way effective. Remember Nicholas-Vanessa. Yun nga lang, talagang hindi lumabas ang boses ni Mark Anthony. Ok na rin yun, gwapo naman! =-)

Unlike sa Mall Show ng BND na tumatagal pa ng at least 30 minutes sa backstage ang cast, yung Impostora eh tumagal lang ng 5 minutes at sibat na agad. Pero teka, papayag ba naman si thirstytooper na wala pic with Mark Anthony? Hinde no! Ang bait ni Mark! I Love Mart! (ble! kala nyo sasabihin kong I love Mark noh?) hehehe.

Naloka naman ako kay Karl kasi sa sandaling panahon sa backstage bago lumarga eh nakapag-moment pa with Alfred Vargas... Talk about kalandian. Akala ko ba ako ang pinakamalandi sa ating tatlo? Hehehe.

So that was it! Sa susunod na naman. Tatapusin ko lang ang last few chapters ng Harry Potter and the Deathly Hallows.
...
posted by Tiborxia @ Monday, July 23, 2007   1 comments
Quality Time @ Tiananmen's
Saturday, July 21, 2007
Una kong napansin si Mart Escudero sa Kiss Flicks nya with Jewel Mische na pinamagatang "Room Mate". Paalis na ako ng bahay noon ng sumagi yung aking mga mata sa telebisyon at nakita si Jewel. During that time, si Jewel, Aljur, at Dex pa lamang ang kilala ko sa Starstruck 4. Dahil hawig si Jewel kay KC Concepcion eh gusto kong makita kung may 'talent' rin ba ito. So I decided to sit at panoorin ang episode na yun.

Laking pasalamat ko hanggang ngayon na pinanood ko ang episode na iyon. Himala talaga kapag nakakapanood ako ng telebisyon during weeknights, feeling ko tuloy itinadhana na talagang mapanood ko yun. If not for that episode, hindi ako fan ni Mart Escudero ngayon.

Nagsimula ako sa pagiging sobrang simpleng fan. Nag-oonline gabi-gabi, nagpopost sa PEX at sa blog ni Mart (starstruck.tv), nakikisali sa mga Yahoo! Groups at nakikigulo sa blog ni PinoyRickey. Ang matindi pa nito, nakikipag-away ako sa idolo ng iba (yung mga iba kinakaibigan) -- kung naalala nyo makailang ulit ko inaway at sinaraan (noon) si Paulo Avelino. Hehehe. Dahil dito, nakilala ko ang napakaraming adiks, kabilang na sina ireneo, happyjam at ratz. Hindi ko makalimutan ang tatlong pangalang ito na mula pa sa PEX. Sila ang humubog sa akin, bilang isang fan. Malamang magugulat sila kung mababasa nila ito -- hindi kasi nila alam.

Tulad ng karamihan sa mga fans, inasam kong makita kahit sa malayuan si Mart. Hanggang sa nagdesisyon na akong kailangan ko na talaga cyang makita, aba'y malapit na ang Final Judgment!

March 3 -- may Mall Show ang Final Eight sa SM Marilao (sa Bulacan). This is it! Kahit malayo, kailangan naming lakbayin upang masilayan silang walo! Sa mga panahong iyon, may 'contact' na kami with Mart's family, though hindi ko alam kung kilala na ba ako ni Mart kahit sa pangalan lang. Laking tuwa ko (tumiliti, actually) nung tumakbo ako sa area kung saan papasok ang Final 8 sa building ng SM. Sumigaw ako, "Mot, picture!" Huminto cya, ngumiti... Click! Paalis na sana siya ng inabot ko ang aking palad para kamayan siya saba'y sabi "Al." Pagkarinig nya nito, biglang naging mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko at mas lumaki pa ang ngiti. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

Kagabi, apat na buwan at labim-pitong araw na ng una kong makita si Mart. Hindi nya kami tinuring na mga fans kundi ka-tropa at ka-barkada na mapagkakatiwalaan. A few days bago yung lakad namin kagabi, I had doubts. But lastnight was more than an assurance.

Noong Martes, habang kumakain kami nina Papa Jimbo at Mart malapit sa Manila Yatch Club area, nagkayayaan si Mart at Jenica na lumabas upang mag-bonding. Mula kasing mag-umpisa ang taping ng Impostora, hindi pa lumalabas si Jenica at Mart. Uunahan ko lang kayo sa pagsabing hindi ito promotion para sa Impostora or sa Loveteam nila. Kinakabahan si Jenica kaya't tinext ako na sumama at yun din naman ang sabi sa akin ni Mart. Naisip kong magiging referee na naman ako nito dahil tiyak puro asaran lang naman ang gagawin nilang dalawa. Kamusta naman ako nun?

Wednesday around 530AM nagtext si Jenica na kakatapos lang ng taping nya sa Impostora at papauwi pa lang. After 15 minutes si Mart naman ang nagtext, "Al, di ko alam kung san tayo mamya ah. San ba maganda? Wag na sa ortigas." I took the message as something na ako ang pinapapili ni Mart ng place (ang haba ng hair ko, yes!). Yung primary concern kasi eh maghanap ng place na medyo cozzy, private at maganda ang food -- tipong pang chilax. Sabi ko kay Mart sa Tiananmen na lang sa may Makati Avenue (dito sana ginawa yung bday ko, kaso di natuloy). A few questions tungkol sa details ng place and we finally agreed. 8PM sa place na yun.

4PM nagising ako and texted thirstytrooper. Sabi kong sumama siya sa lakad for a very good reason, thanks nga pala trooper! You're the best. Hindi ko na naitext si KarlAndrew at niyaya sa lakad since it was something that should be private. Dapat talaga ako, Mart at Jenica lang andun... Makulit lang talaga ako. Unknowingly, nagtext pala si Jenica earlier that day at pinapasama si trooper, di ko alam kung bakit marked as read na yung message sa inbox ko -- malamang nagtetext na naman ako ng tulog. Scary! Umalis si trooper sa office nila around 6PM, usapan kasi namin magkikita ng 7PM sa Buendia. And guess what, late na naman ako. 8PM ang usapan sa Tiananmen, dumating ako at si trooper at around 815PM at wala pa si Mart. Dumaan kasi ang mokong sa dentista upang ipaayos ang natanggal na silver sa ngipin nya. 845PM nagtext na nasa baba na raw sila. Bumaba muna ako para i-guide kung saan naka-reserve ang parking para sa kotse nila (and another one para sa kotse ni Jenica). Dumating si Nicnic at around 930PM kaya patay na naman siya sa asaran. Though its understandable kasi sa Commonwealth naman siya nakatira.

Nga pala, while waiting for Mart at Jenica, nag-order na kami ni trooper ng Beef Hofan at Yang Chow Rice, try nyo! Ang sarap! Promise. Ipo-promote ko talaga ang Tiananmen dito sa entry since favorite ko ang place na ito! Hehehe. By the way, Tiananmen is more commonly called as T-bar.

Ako, si trooper, Jenica, Mart, Michael (kuya ni Mart), Papa Jimbo at si Lover (driver ni Jenica) ang andun. All the while, akala ko kumpleto na kami ng biglang may tinawagan si Mart. Hmmmm.. Sino kaya? After 20 minutes, dumating na si Paulo Avelino! Josko! Para akong binuhusan ng malamig na malamig na iced tea! Di ako nakapagsalita! Ang wafu ni Pau! Biniro ko kasi si Mart na sobrang miss ko na si Paupau at gusto ko siyang makita, di ko naman inakalang papupuntahin nya si Pau. Kaya ang labas triple date! Jenica-Mart, Tiborxia-Myk, Trooper-Paulo. Hehehe. Di ba nga super crush ko kuya ni mart at super crush naman ni trooper si Paulo? Hehehe.

Nabanggit ko nga pala kay Paulo na kinukumusta siya ng Paunatics. Sabi ni Pau, mag-uupdate siya ng blog nya once naayos na ang internet connection nya. It takes around 20 minutes bago mag-load ang page sa browser nya! Kamusta naman yun! He uses SmartBro. Hay naku! Lumipat ka na ng ISP Pau kung parating sira yan!!! Nasa Baguio siya on August 4 to judge a pageant (im not sure sa event, di ko masyado narinig) at may bagong studio pictures siya (c/o I-Models) na ipopost sa blog. Abangan natin iyon, Paunatics!

Puro asaran lang ginawa namin magdamag. Kwento ko na lang sa pamamagitan ng pictures.


Nawindang ang mundo ko nung malaman kong crush pala ni Paulo si Jenica! Kaya nung sinabi kong post siya with Jenica, dali-dali naman itong tumayo at tinabihan si Jen! Take note, japanese-inspired ang resto na yun kaya't pillows yung inuupuan namin. Imaginin nyo yung dali-daling pagtayo ni Paulo. Ahahaha. =)

Kung gaano ko ka-hate si Paulo dati during Starstruck days ay kabaliktaran naman ngayon. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin. I just know it started ng una kaming magkita sa Broadway (March 18) then sinundan noong March 24 during the Final Judgment Rehearsals, March 25 during Final Judgment, March 27 sa Unang Hirit guesting, April 1 sa SOP and hindi ko na matandaan ang sumunod pa. As of now, masasabi kong comfortable na si Pau sa friendship namin. Pau, sapakin mo na lang ako kung epal ako ngaun dito. Hehehe. It is really Paulo's prerogative who he wants to text, paumanhin po sa ibang Paunatics who feels offended by this.

Gustong-gusto ko ang mga moments ni Paulo kapag nangungulit. Of the SS4 batch, si Paulo ang gustong-gusto kong kunan ng picture. Sobrang panalo sa Kodak-moments! Hehehe.

Kung asaran lang naman ang labanan, wala nang tatalo pa kay Motmot. Ilang beses ko na kasi tinanong kay Jenica paano kung liligawan siya ni Mart, panay pambabara lang ang nakukuha kong sagot kay Nicnic. Around 1230AM habang kasagsagan ng kulitan, tumayo si Mart at Paulo tinanong ko kung san pupunta, bumulong si Mart na bibili lang ng roses for Jenica. Pagkabalik, si Paulo ang may hawak ng roses at tinatago ito para di makita ni Jen. How I wish nakita nyo ang moment na yun -- sobrang magkasangga si Mart at Paulo.

Ang tagal bago tanggapin ni Jenica ang roses. Hindi ko pinapakinggan ang usapan ng JEMA. Ayokong makaistorbo! I want them to have the chance -- mabubuhay na ng tuluyan ang JEMA!!!

Paminsan napapaisip ako, yung mga nangyayari kay Yago at Karen sa Impostora, nangyayari rin kina Mart at Jenica sa totoong buhay. Panay ang asaran. Naku! Baka maging totohanan din ang Love Story ng dalawa!!! 1AM ang paalam ni Jenica kay Jean. Kaya ako na mismo ang sumenyas kay Lover at kay Jenica na 1AM na. Ayokong masira ang papel ko at ni Mart kay Jean, baka hindi na kami makaulit pa!

Ang best JEMA experience namin ni trooper was nung kinuha namin yung print-outs ng pics nilang dalawa at hihingi sana ng autograph at dedication. Opo, sabi nga namin, mga simpleng fan lang kami na natutuwa kapag nakakakuha ng autograph. Nung inabot namin kay Jenica at Mart yung pictures at panulat saba'y kumunot ang noo ni Jenica at sinabing "Ano 'to? Kuya naman eh! Para kang sira... Pati ba naman kayo papapirma?! Hindi fans turing namin sa inyo eh!" tapos sabay kindat si Mart. Josko! Nagkatitigan kami ni trooper at hindi namin alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon namin...



Nung umuwi si Jenica (at 1AM) dapat ay uuwi na rin kami. Inihatid ni Paulo at Mart si Jen sa kotse niya at umakyat muli. Sabi ni Mart tambay raw muna since 12 midnight pa ang call time nya for Impostora kaya't mahaba pa ang panahon para makapagpahinga. Salamat! Mukhang sang-ayon sa amin ang panahon. Tinanong ko si Mart kung mahal na ba nya si Jenica... ang sagot.... bibitinin ko kayo. =-) Pero malamang mage-gets 'to nung taong nagbigay ng isang box ng chocolates kay Mart at singing greeting card. =-) I know I am mean, just as how mean she was at Mart. =-)
Hindi ko alam kung san paparoon ang pagkakaibigan namin ni Mart, hindi ko alam kung hanggang saan ko siya kukonsintihin, at lalung-lalo na hindi ko alam kung hanggang kelan ako nandirito para sa kanya. That night, may ipinagtapat si Mart sa akin -- hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko... yung sagot lang ni Mart sa napakarami kong tanong eh "Al, pinagkakatiwalaan kita, sa'yo ko pa lang sinabi ito. Please wag mo namang sirain ang tiwala ko sa'yo." Hindi ako nakapagsalita. Tahimik lang ako, tinitingnan si Mart sa kanyang mga mata.

In a way hinangad kong maging kaibigan si Mart, ngunit sobra-sobra ang pinto ng pagkakaibigan na binuksan ni Mart. I can't be thankful enough for that. Gayunpaman, mananatili pa rin akong isang simpleng fan, na humahanga... tumili...

TIANANMEN Bar
(Chinese Cuisine) is located at the 2nd Level, Next Door Restaurant, 7876 Makati Avenue, Makati City. For reservations you may call 897-1992, 899-1893. They are open for Lunch and Dinner, opens from 5PM to 6AM on Fridays-Saturday and 5PM to 4AM on Sunday to Thursday. All major credit cards accepted and they offer delivery. =-)
posted by Tiborxia @ Saturday, July 21, 2007   0 comments
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA