Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Quality Time @ Tiananmen's
Saturday, July 21, 2007
Una kong napansin si Mart Escudero sa Kiss Flicks nya with Jewel Mische na pinamagatang "Room Mate". Paalis na ako ng bahay noon ng sumagi yung aking mga mata sa telebisyon at nakita si Jewel. During that time, si Jewel, Aljur, at Dex pa lamang ang kilala ko sa Starstruck 4. Dahil hawig si Jewel kay KC Concepcion eh gusto kong makita kung may 'talent' rin ba ito. So I decided to sit at panoorin ang episode na yun.

Laking pasalamat ko hanggang ngayon na pinanood ko ang episode na iyon. Himala talaga kapag nakakapanood ako ng telebisyon during weeknights, feeling ko tuloy itinadhana na talagang mapanood ko yun. If not for that episode, hindi ako fan ni Mart Escudero ngayon.

Nagsimula ako sa pagiging sobrang simpleng fan. Nag-oonline gabi-gabi, nagpopost sa PEX at sa blog ni Mart (starstruck.tv), nakikisali sa mga Yahoo! Groups at nakikigulo sa blog ni PinoyRickey. Ang matindi pa nito, nakikipag-away ako sa idolo ng iba (yung mga iba kinakaibigan) -- kung naalala nyo makailang ulit ko inaway at sinaraan (noon) si Paulo Avelino. Hehehe. Dahil dito, nakilala ko ang napakaraming adiks, kabilang na sina ireneo, happyjam at ratz. Hindi ko makalimutan ang tatlong pangalang ito na mula pa sa PEX. Sila ang humubog sa akin, bilang isang fan. Malamang magugulat sila kung mababasa nila ito -- hindi kasi nila alam.

Tulad ng karamihan sa mga fans, inasam kong makita kahit sa malayuan si Mart. Hanggang sa nagdesisyon na akong kailangan ko na talaga cyang makita, aba'y malapit na ang Final Judgment!

March 3 -- may Mall Show ang Final Eight sa SM Marilao (sa Bulacan). This is it! Kahit malayo, kailangan naming lakbayin upang masilayan silang walo! Sa mga panahong iyon, may 'contact' na kami with Mart's family, though hindi ko alam kung kilala na ba ako ni Mart kahit sa pangalan lang. Laking tuwa ko (tumiliti, actually) nung tumakbo ako sa area kung saan papasok ang Final 8 sa building ng SM. Sumigaw ako, "Mot, picture!" Huminto cya, ngumiti... Click! Paalis na sana siya ng inabot ko ang aking palad para kamayan siya saba'y sabi "Al." Pagkarinig nya nito, biglang naging mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko at mas lumaki pa ang ngiti. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

Kagabi, apat na buwan at labim-pitong araw na ng una kong makita si Mart. Hindi nya kami tinuring na mga fans kundi ka-tropa at ka-barkada na mapagkakatiwalaan. A few days bago yung lakad namin kagabi, I had doubts. But lastnight was more than an assurance.

Noong Martes, habang kumakain kami nina Papa Jimbo at Mart malapit sa Manila Yatch Club area, nagkayayaan si Mart at Jenica na lumabas upang mag-bonding. Mula kasing mag-umpisa ang taping ng Impostora, hindi pa lumalabas si Jenica at Mart. Uunahan ko lang kayo sa pagsabing hindi ito promotion para sa Impostora or sa Loveteam nila. Kinakabahan si Jenica kaya't tinext ako na sumama at yun din naman ang sabi sa akin ni Mart. Naisip kong magiging referee na naman ako nito dahil tiyak puro asaran lang naman ang gagawin nilang dalawa. Kamusta naman ako nun?

Wednesday around 530AM nagtext si Jenica na kakatapos lang ng taping nya sa Impostora at papauwi pa lang. After 15 minutes si Mart naman ang nagtext, "Al, di ko alam kung san tayo mamya ah. San ba maganda? Wag na sa ortigas." I took the message as something na ako ang pinapapili ni Mart ng place (ang haba ng hair ko, yes!). Yung primary concern kasi eh maghanap ng place na medyo cozzy, private at maganda ang food -- tipong pang chilax. Sabi ko kay Mart sa Tiananmen na lang sa may Makati Avenue (dito sana ginawa yung bday ko, kaso di natuloy). A few questions tungkol sa details ng place and we finally agreed. 8PM sa place na yun.

4PM nagising ako and texted thirstytrooper. Sabi kong sumama siya sa lakad for a very good reason, thanks nga pala trooper! You're the best. Hindi ko na naitext si KarlAndrew at niyaya sa lakad since it was something that should be private. Dapat talaga ako, Mart at Jenica lang andun... Makulit lang talaga ako. Unknowingly, nagtext pala si Jenica earlier that day at pinapasama si trooper, di ko alam kung bakit marked as read na yung message sa inbox ko -- malamang nagtetext na naman ako ng tulog. Scary! Umalis si trooper sa office nila around 6PM, usapan kasi namin magkikita ng 7PM sa Buendia. And guess what, late na naman ako. 8PM ang usapan sa Tiananmen, dumating ako at si trooper at around 815PM at wala pa si Mart. Dumaan kasi ang mokong sa dentista upang ipaayos ang natanggal na silver sa ngipin nya. 845PM nagtext na nasa baba na raw sila. Bumaba muna ako para i-guide kung saan naka-reserve ang parking para sa kotse nila (and another one para sa kotse ni Jenica). Dumating si Nicnic at around 930PM kaya patay na naman siya sa asaran. Though its understandable kasi sa Commonwealth naman siya nakatira.

Nga pala, while waiting for Mart at Jenica, nag-order na kami ni trooper ng Beef Hofan at Yang Chow Rice, try nyo! Ang sarap! Promise. Ipo-promote ko talaga ang Tiananmen dito sa entry since favorite ko ang place na ito! Hehehe. By the way, Tiananmen is more commonly called as T-bar.

Ako, si trooper, Jenica, Mart, Michael (kuya ni Mart), Papa Jimbo at si Lover (driver ni Jenica) ang andun. All the while, akala ko kumpleto na kami ng biglang may tinawagan si Mart. Hmmmm.. Sino kaya? After 20 minutes, dumating na si Paulo Avelino! Josko! Para akong binuhusan ng malamig na malamig na iced tea! Di ako nakapagsalita! Ang wafu ni Pau! Biniro ko kasi si Mart na sobrang miss ko na si Paupau at gusto ko siyang makita, di ko naman inakalang papupuntahin nya si Pau. Kaya ang labas triple date! Jenica-Mart, Tiborxia-Myk, Trooper-Paulo. Hehehe. Di ba nga super crush ko kuya ni mart at super crush naman ni trooper si Paulo? Hehehe.

Nabanggit ko nga pala kay Paulo na kinukumusta siya ng Paunatics. Sabi ni Pau, mag-uupdate siya ng blog nya once naayos na ang internet connection nya. It takes around 20 minutes bago mag-load ang page sa browser nya! Kamusta naman yun! He uses SmartBro. Hay naku! Lumipat ka na ng ISP Pau kung parating sira yan!!! Nasa Baguio siya on August 4 to judge a pageant (im not sure sa event, di ko masyado narinig) at may bagong studio pictures siya (c/o I-Models) na ipopost sa blog. Abangan natin iyon, Paunatics!

Puro asaran lang ginawa namin magdamag. Kwento ko na lang sa pamamagitan ng pictures.


Nawindang ang mundo ko nung malaman kong crush pala ni Paulo si Jenica! Kaya nung sinabi kong post siya with Jenica, dali-dali naman itong tumayo at tinabihan si Jen! Take note, japanese-inspired ang resto na yun kaya't pillows yung inuupuan namin. Imaginin nyo yung dali-daling pagtayo ni Paulo. Ahahaha. =)

Kung gaano ko ka-hate si Paulo dati during Starstruck days ay kabaliktaran naman ngayon. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin. I just know it started ng una kaming magkita sa Broadway (March 18) then sinundan noong March 24 during the Final Judgment Rehearsals, March 25 during Final Judgment, March 27 sa Unang Hirit guesting, April 1 sa SOP and hindi ko na matandaan ang sumunod pa. As of now, masasabi kong comfortable na si Pau sa friendship namin. Pau, sapakin mo na lang ako kung epal ako ngaun dito. Hehehe. It is really Paulo's prerogative who he wants to text, paumanhin po sa ibang Paunatics who feels offended by this.

Gustong-gusto ko ang mga moments ni Paulo kapag nangungulit. Of the SS4 batch, si Paulo ang gustong-gusto kong kunan ng picture. Sobrang panalo sa Kodak-moments! Hehehe.

Kung asaran lang naman ang labanan, wala nang tatalo pa kay Motmot. Ilang beses ko na kasi tinanong kay Jenica paano kung liligawan siya ni Mart, panay pambabara lang ang nakukuha kong sagot kay Nicnic. Around 1230AM habang kasagsagan ng kulitan, tumayo si Mart at Paulo tinanong ko kung san pupunta, bumulong si Mart na bibili lang ng roses for Jenica. Pagkabalik, si Paulo ang may hawak ng roses at tinatago ito para di makita ni Jen. How I wish nakita nyo ang moment na yun -- sobrang magkasangga si Mart at Paulo.

Ang tagal bago tanggapin ni Jenica ang roses. Hindi ko pinapakinggan ang usapan ng JEMA. Ayokong makaistorbo! I want them to have the chance -- mabubuhay na ng tuluyan ang JEMA!!!

Paminsan napapaisip ako, yung mga nangyayari kay Yago at Karen sa Impostora, nangyayari rin kina Mart at Jenica sa totoong buhay. Panay ang asaran. Naku! Baka maging totohanan din ang Love Story ng dalawa!!! 1AM ang paalam ni Jenica kay Jean. Kaya ako na mismo ang sumenyas kay Lover at kay Jenica na 1AM na. Ayokong masira ang papel ko at ni Mart kay Jean, baka hindi na kami makaulit pa!

Ang best JEMA experience namin ni trooper was nung kinuha namin yung print-outs ng pics nilang dalawa at hihingi sana ng autograph at dedication. Opo, sabi nga namin, mga simpleng fan lang kami na natutuwa kapag nakakakuha ng autograph. Nung inabot namin kay Jenica at Mart yung pictures at panulat saba'y kumunot ang noo ni Jenica at sinabing "Ano 'to? Kuya naman eh! Para kang sira... Pati ba naman kayo papapirma?! Hindi fans turing namin sa inyo eh!" tapos sabay kindat si Mart. Josko! Nagkatitigan kami ni trooper at hindi namin alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon namin...



Nung umuwi si Jenica (at 1AM) dapat ay uuwi na rin kami. Inihatid ni Paulo at Mart si Jen sa kotse niya at umakyat muli. Sabi ni Mart tambay raw muna since 12 midnight pa ang call time nya for Impostora kaya't mahaba pa ang panahon para makapagpahinga. Salamat! Mukhang sang-ayon sa amin ang panahon. Tinanong ko si Mart kung mahal na ba nya si Jenica... ang sagot.... bibitinin ko kayo. =-) Pero malamang mage-gets 'to nung taong nagbigay ng isang box ng chocolates kay Mart at singing greeting card. =-) I know I am mean, just as how mean she was at Mart. =-)
Hindi ko alam kung san paparoon ang pagkakaibigan namin ni Mart, hindi ko alam kung hanggang saan ko siya kukonsintihin, at lalung-lalo na hindi ko alam kung hanggang kelan ako nandirito para sa kanya. That night, may ipinagtapat si Mart sa akin -- hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko... yung sagot lang ni Mart sa napakarami kong tanong eh "Al, pinagkakatiwalaan kita, sa'yo ko pa lang sinabi ito. Please wag mo namang sirain ang tiwala ko sa'yo." Hindi ako nakapagsalita. Tahimik lang ako, tinitingnan si Mart sa kanyang mga mata.

In a way hinangad kong maging kaibigan si Mart, ngunit sobra-sobra ang pinto ng pagkakaibigan na binuksan ni Mart. I can't be thankful enough for that. Gayunpaman, mananatili pa rin akong isang simpleng fan, na humahanga... tumili...

TIANANMEN Bar
(Chinese Cuisine) is located at the 2nd Level, Next Door Restaurant, 7876 Makati Avenue, Makati City. For reservations you may call 897-1992, 899-1893. They are open for Lunch and Dinner, opens from 5PM to 6AM on Fridays-Saturday and 5PM to 4AM on Sunday to Thursday. All major credit cards accepted and they offer delivery. =-)
posted by Tiborxia @ Saturday, July 21, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA