|
Billy Crawford: It's Time |
Friday, September 28, 2007 |
eksena by karlandrew
The much awaited concert of Pinoy international superstar Billy Crawford entitled It’s Time is scheduled on October 6, 2007, Saturday at the Araneta Coliseum. Billy will be joined by Karylle, Kris Lawrence, Jay-R and the Movers who were recently chosen from the reality TV competition Move. The concert will be directed by Gabriel Hoareau, who promised Billy’s fans his first concert in Manila will be packed with high energy numbers. Show starts at 8:00 pm - onwards. Ticket Details:
Patron VIP (Reserved Seating) 3675 Patron (Reserved Seating) 3150 Lower Box (Reserved Seating) 2625 Upper Box A (Reserved Seating) 1575 Upper Box B (Reserved Seating) 840 Gen. Admission (Free Seating) 315
|
posted by Drew @ Friday, September 28, 2007 |
|
|
Latest TBND Taping |
Wednesday, September 26, 2007 |
SINGIT LANG by Thirstytrooper
Ang totoo, tinatamad talaga akong pumunta ng TBND taping noong Sabado. Ang lakas kaya ng ulan. Pero nakakahiya naman kay Karl. 4pm ang aming usapan na magkikita sa gateway, eh 2pm pa lang nandun na siya at naglalamyerda. At mas nakakahiya kay Tala. Ilang beses na siya nagpasabi na iti-treat nya kami (birthday nya kasi) at hindi kami nakakapunta. At gusto niyang sa TBND set na lang siyang manglibre. So go ako kahit umuulan.
Nagkita kaming tatlo ng past 5pm sa Ever Commonwealth. Nakabili na sila ng greenwich pizza at drinks na dadalhin namin sa set. Deretso na kami sa TBND location sa BF homes. Buti na lang at huminto na ang ulan.
Nakita namin si Kuya Jim kausap ang Parents ni Glaiza. Kaunting kumustahan at derecho na kami sa tent kung saan naroon si Marky at Glaiza na busy sa panonood ng Zaido, "the making", sa phone (ni Bok). Dito rin nalaman ni Karl kay Glaiza na bibisita rin sa set si Alchris Galura ng Coke's Ride To Fame. Tuwa kami siyempre. Lalo na si Karl na kumandi-kandirit pa. Hehe!
We decided na pumunta na sa bahay kung san ang taping para ibigay ang isang box ng pizza sa JEMA. We waited sa garahe dahil hindi na yata na nagpapapasok. Wala pang 2 minutes ay lumabas si Jennica, kasunod si Mart. Sigaw si Jen as usual. Yakap at kumandong pa sa 'kin. For sure daw na miss na miss ko na siya. Siyempre ipinakilala namin si Tala kay Nicnic at sinabi namin na birthday nya at sa kanya galing ang pizza. Daldalan at picture-an na umaatikabo ang kasunod.
Hala! Hindi pa nabusog sa pizza ang JEMA at nagsalo pa sa instant pancit canton na pinaluto nila. Mukhang masarap! Pati si Karl napanganga! haha!
Favorite nga pala ni Nicnic ang pancit canton.
Ang tambok ng pisngi ni Nic. Pancit Canton ang laman nyan, hehe!
Tyempong ipinatawag si Mot. Naiwan kami kasama si Nic. At dumaan si Kris at humalik sa amin. Nagtanong si Nic about the script na hawak ni Kris. Syempre laging ready ang D-cam namin.
Hehe! Si Tala nakatutok na parang may linya rin sa script.
At isa pang pose na magkasama si Jen at Kris with the birthday girl. May pagka-kamukha sila no? After this ay lumabas na si Kris para i-entertain ang mga fans n'ya na nasa labas.
Kinailangan na rin sa loob para magpalit ng damit si Nic. Timing naman na andiyan na si Alchris. Kaya picture agad hehe! mahirap na baka ma-low batt ang D-cam!
Hayy! Yung dimples ni Alchris! Pamatay!
With Tala and Karl
Alangan namang magpahuli ako.
Balik kami sa bahay. Nand'un na uli si Jennica kausap ang kaeksenang manghuhula na cashier dati sa last Saturday's episode.
Niyaya kami ni Jen na pumasok sa loob ng bahay. Siyempre, hindi na bawal dahil ang JEMA na ang nagpapasok sa 'min at doon itinuloy ang aming bonding.
Tala & Jen
Hehe! ito ang panalo! Walang magawa ang JEMA. Kaya si Nic, inayusan ng buhok si Mot! Si Mot na hindi makatutol kahit sumasakit ang anit sa pagkakatali ng goma sa buhok nya. Tawa kami ng tawa.
Ang finish product! hehehe! Si Jennica din ang nagpa-peace sign kay Mot.
Si Mot at ang hair stylist. hahaha!
Naki-bonding din si Marky sa amin. Bait ni Marky. Kahit si Jennica ay bait na bait din sa kanya. Siya kasi ang umaalalay kay Jennica sa mga chroma scenes nila. Bakit hindi si Mot? Nahihiya kasi siya eh.
Sa sala ay nand'un naman ang magkapatid! Cute no? Iboto po natin si Al sa Coke Ride To Fame
Nag-take sila Mot ng kanilang eksena with the manghuhula sa labas so lumabas na rin kami. That was the time na kinausap ko si Kuya Jim habang nasa set si Karl at Tala at patuloy na nagkukuha ng pics.Hindi pa raw kasi nila nakukunan ang GLAIKY! eto po yun:
O di ba? Todo emote sa posing. Ang kulit! Hehehe!
Eto pa isa!
By this time ay 10pm na at gusto ko na talagang umuwi. Pumasok uli kami sa loob para magpaalam sa JEMA. At siyempre pictures pa uli.
Tyempong nand'un ang Red Zaido at nagpakuha na ang malalandi!
Another pic of Tala with Bok!
The team minus Tiborxia (dahil busy sa career) with JEMA. Nagbabay na kami after this.
Sa labas ay nand'un siyempre si Kuya Jim na na-interrupt ang panonood ng "Imbestigador" sa tv niya sa kotse dahil nag-abalang ihatid kami hanggang sa gate ng BF homes. Thanks Kuya!
Pag-uwi bago matulog, i scanned the pics in my cam at naisip ko na buti na lang at pumunta ako sa taping (-:
The next TBND taping will be in Cavite. Sana ay makapunta ang buong Tiborxia Team. 'Yun lang po, salamat and I hope you like the pics!
'til next SINGIT! Thirstytrooper
Pahabol po: Nagsabi si Tivz sa akin, may ganid na leon na humihingi raw ng pics ng JEMA at iba pang pics na narito sa blog minus the tags. Sorry po. Kahit may tags man o wala ay hindi ko po kayo mapagbibigyan. Alam nyo naman siguro ang dahilan. Kanya kanya na tayo matagal na di ba? Why all of a sudden hihingi ka ng pics na dugo at pawis ang puhunan namin? Matapos mo kong siraan at magparinig ng kung anu-ano laban sa akin? And why not shoot your own pics? May panahon ka nga maglibot sa mga massage parlors sa buong kamaynilaan kasabay ng pagsisimba mo, why not take your time to visit the tapings at kumuha ng sarili mong litrato imbes na manghingi ka sa amin ng ilalagay mo sa ipinagmamalaki mong site na pag-aari mo(applause!!!)? Oh? Baka magsumbong ka na naman? Samahan pa kita gusto mo? Isama mo na rin ang baklang pari na tulad mong ipokrito. Hahaha! |
posted by thirstytrooper @ Wednesday, September 26, 2007 |
|
|
Pagiging Maka-BAYAN |
Sunday, September 23, 2007 |
Noong Martes (September 18) may balita sa Chikka Minute ng 24-Oras tungkol sa maling pagkanta ni Christian Bautista sa Pambansang Awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang. Hindi ko napanood ang buong detalye ng balitang iyon, kaya't pumunta ako sa PEP.ph at dun nagbasa. Ayon sa PEP, "Nerves got in the way of singer Christian Bautista as he was singing the Philippine National Anthem in a boxing exhibition match between Gerry Penalosa and Concepcion Bernabe last Sunday, September 16, in Alabang."
San nga ba nagkamali si Christian? "The young singer started on the right foot but faltered in the end when he forgot to deliver two lines (Buhay ay langit sa piling mo / Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi); thus making his rendition an abbreviated one. "
Martes ng gabi rin, nagtext ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan sa trabaho. Ganito ang naging pag-uusap namin:
Yeye: Hoy baks! Ang christian bautista mo, national anthem na nga lang, hindi pa makanta ng maayos. Peste!
Tivz: Mas peste ka! Wag mo ngang ma-peste si christian! Bakit ikaw, memorize mo ba ang pambansang awit ng pilipinas?
Yeye: OO!!! Bakit? I'm nationalistic! Patriotic in true sense!
Tivz: Echosera! Eh bakit ba ang init ng ulo mo ha? Hayaan mo na nga si Christian. Wala namang ginagawa sa iyo ang tao ah!
Yeye: Eh peste eh, mga banyagang kanta memorized nya tapos ang sariling atin, nagkakamali pa! National Anthem pa man din!
Tivz: Eh keber! Christian Bautista is still Christian Bautista.
Yeye: Alam mo bakla, biased ka!
Tivz: Hoy balyena, nanggaling ka na ng New Zealand and all asan na ang pasalubong ko!
Yeye: Kapal mo ha, binigyan na kita ng chocolates!
Tivz: Ay oo nga pala. Miss you, kita na naman tayo minsan. Sabihan mo ang iba. Si Em miss ko na ang bruhang iyon. Milyonarya na ata yun sa beads nya!
Yeye: Pinapalitan mo ang topic eh! Pero oo, nasa QTV ang bruha nung isang araw kasama si Miriam Quiambao.
Tivz: O cya. Madami pa akong trabaho. Magtrabaho ka na rin!
In fairness naman kay Christian, nag-apologize at nag-explain naman siya sa kanyang pagkakamali. Aniya, (sa PEP pa rin) "I apologize to the Filipino people for the lapse of memory that occurred yesterday during my rendition of the National Anthem. I was recovering from a cold and the adrenalin and excitement of the moment got me through it. Unfortunately, it was at the cost of a momentary lapse on my part. I promise that my next rendition of our National Anthem will be faultless."
Bakit ako nagpasyang mag-blog nito? Kagabi, may episode ang Jessica Soho tungkol na rin sa mali-maling pagkanta ng ating Pambansang Awit. Natawa ako. Totoo nga. Pagkatapos naming magtext ng kaibigan kong si Yeye, tinanong ko ang iilang katrabaho ko kung alam nila ang titik ng Lupang Hinirang. Natawa kami sa kinalabasan. Kung buhay pa si Julian Felipe, tiyak na itaktakwil rin kami 'nun.
Eto ang tamang titik ng Lupang Hinirang, Official version since 1956:
Bayang magiliw Perlas ng Silanganan, Alab ng puso, Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya, na pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa iyo.
Bago natin gamitin ang kasalukuyang titik ng Lupang Hinirang, nagkaroon pa ito ng English at Spanish version. For obvious reasons, we were under the Spanish and American regime, hence it would be their decision as to which language the anthem be.
The Philippine Hymn (by Camilo Osias and A.L. Lane)
Land of the morning, Child of the sun returning, With fervor burning, Thee do our souls adore. Land dear and holy, Cradle of noble heroes, Ne'er shall invaders Trample thy sacred shore. Ever within thy skies and through thy clouds And o'er thy hills and sea, Do we behold the radiance, feel and throb, Of glorious liberty. Thy banner, dear to all our hearts, Its sun and stars alight, O never shall its shining field Be dimmed by tyrant's might! Beautiful land of love, O land of light, In thine embrace 'tis rapture to lie, But it is glory ever, when thou art wronged, For us, thy sons to suffer and die.
Filipinas (for Jose Palmas)
Tierra adorada Hija del sol de Oriente Su fuego ardiente en ti latiendo esta. Patria de amores! Del heroismo cuna, Los invasores No te hallaran jamas.
En tu azul cielo, en tus auras, En tus montes y en tu mar Esplende y late el poema De tu amada libertad. Tu pabellon, que en las lides La victoria ilumino No vera nunca apagados Sus estrellas y su sol.
Tierra de dichas, del sol y amores, En tu regazo dulce es vivir. Es una gloria para tus hijos, Cuando de ofenden, por ti morir.
Aminin nyo, kahit kayo hindi na rin nasasaulo ang Pambansang Awit natin. Napapaisip tuloy ako kung saan tayo nagkulang bilang mamayan, bilang Filipino. Nagkulang ba tayo sa Pagiging maka-Bayan? ;) |
posted by Tiborxia @ Sunday, September 23, 2007 |
|
|
Missing Everyone, Excursion tipong Hide & Seek |
Monday, September 17, 2007 |
Kahapon, saktong 22days mula ng huli kaming nagkita ni Mart Escudero (sa Boys Nxt Door taping sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila). Nung huli kaming nagkita at magkausap, pareho kaming pagod sa kanya-kanyang trabaho kaya't "Hi! Hello! Ok, mag-memorize ka na ng script mo" ang drama namin. He did his thing, at ako naman nakamasid at nakikipag-kwentuhan sa ibang staff ng show. Paminsan, ka-bonding ang tatay ni Glaiza, tito ni Marky, mom ni Aileen at mga PA nina Kris, Aljur at iba pa. Nakaka-miss pala ang dalampu't dalawang araw na hindi mo makikita si Mart.
Mart Escudero and Jennica Garcia, Lead Stars of upcoming horror-flickHIDE and SEEK to be shown in cinemas starting October 31, 2007.
Noong biyernes, nagkasundo kami ni thirstytrooper na dadalawin na si Mart at Jennica sa taping ng BND. Medyo maluwag ang pagbabasa ko ng Manuals since kakatapos lang ng first worksheet kaya may konting oras na maigugugol para maging isang fanatic. Yes! Sa wakas. Puyat ako noong sabado ng umaga, pero sige lang. Sa isip ko, minsanan lang na naman ito. Pagpuyatan ko na talaga. Ngunit nagtext si trooper at sinabing pack-up daw ang BND at nasa Startalk sina Mart. Tinext ko si Mart kung bakit, sabi nya nag-revise ng script ang BND. Since gusto ko ngang makita ang mokong, nagkasundo kami ulit ni Bernz na sa Startalk na tumuloy. 1:30PM ang call time naming dalawa. 11:00AM umidlip ako at nagising ng 3PM. Ang labas, di nakatuloy sa Startalk. Naghintay ng matagal si Bernz sa meeting place namin, asar sa akin pag-uwi kaya't mukhang hindi na matutuloy ang pagbisita sa SOP. My bad.
Jewel Mische, Starstruck 4's Ultimate Sweetheart will be seen in GMA 7's soap Kamandag and the movie Dagao (November)together with Richard Gutierrez.
Jewel with one of her most avid supporter, Therese taken during last sunday's SOP.
Saturday night, tinetext ko si Bernz -- walang reply. Nakapatay ang telepono. Bored kaya't tinext ko ang mga kaibigang matagal ko ng hindi tinetext. I ended up exchanging opinions with Christine, isa pang Martian. Noong una nagkasundo kaming pumunta ng SOP since matagal na rin nya di nakikita si Mot. She came up with something that night, at na-cancel na naman ang napag-usapang pagdalaw sa SOP. Mukhang minamalas talaga ako.
Jewel with Tiborxia (in stripes) and Thirstytrooper (in blue).
Sunday morning, patay pa rin ang telepono ni Bernz. 9AM na kaya't mukhang hindi na matutuloy ang lakad. 10AM ako umupo sa harap ng PC at inayos na lang ang template ng blog. Around 12:10PM nagtext ang Bernz, punta na raw kami ng SOP tapos tutuloy na sa Birthday Party ni Tala (charming_tala sa igma at adopted martian). Hindi ko nabasa agad ang nauna nyang text kaya't ang pangalawang text nya ay litanya tungkol sa pagtulog ko. Anyway, nagkasundo uli at nagkita na nga kami sa 711 malapit sa GMA at around 1:30PM.
Pagpasok namin ng GMA, dumiretso muna ng canteen para kumain. Nagkita kami ng ibang Jewelerz at nagkwento naman sila tungkol sa encounter nila with Mart. Thanks James, Jheng, Therese, Charles and Nora! After kumain, pumunta kami ng dressing room hoping to see Jennica and Mart. By the way, hindi nila alam na pupunta kami, tipong sorpresa. After ng paghahanap, mukhang wala kaming makita. Wala si Mart, wala si Jennica, wala si Marky, wala si Mark Herras, wala si Rainier, wala si Aljur, wala si Rich, wala.. wala.. Asan na kaya sila? So nagtext na si Bernz kay Jennica, ang sagot -- nasa Pampanga si Jen at wala sa GMA. How sad. Di nagtagal nagtext na rin ang kapatid ni Mart na si Nina at sinabing nakaalis na ng GMA si Mart at papunta na ring Pampanga. Kapag minamalas ka nga naman!
Jheng is one of those lucky supporters that Jewel Mische trusts. Lucky girl!Well honestly, with the support she shows -- she deserves the tap! ;)
Carlos, one of SOP's Showboys.
Nakakalungkot. Pabalik kami ng canteen ng biglang may nagsalita, "Hi Al..." paglingon ko, si Kris Bernal. Nagulat at nagtaka lang ako kasi after ng 'break-up' ng Loveteam nila ni Mart, hindi ko na kinakausap si Kris kahit Hi's or Hello's. Na-appreciate ko naman ang gesture nya, so I smiled back at eto ang munting usapan:
Tivz: Uy, Hi Kris. Musta? Bakit ka andyan? Kris: Hehe. Wala Kakain lang. Tivz: Ah talaga. Cge, dito muna kami. Kris: Cge, bye.
Pagbalik ng canteen. Nag-usap kami ng konti ni Bernz at sabi ko balikan namin si Kris, kunan ng video para ma-invite nya yung mga natahanga nyang manood ng Zaido. Ipopost na lang namin ang video with the story behind it on a separate blog. For now, let's watch ZAIDO, sa September 24 na. Andun si Papa Dennis Trillo! :)
One of the many guests SOP had last sunday were 'little' individuals.I wonder what they did in the show. This one's something extra-ordinary. :)
After nun, ngaragan pa rin kami ni Bernz at hindi pa rin alam kung anong gagawin. Disappointed ako kasi hindi ko nakita si Mart, di ko nakita si Mark Herras. Nakakalungkot. Ang ending -- ayun, kay AJ na isa sa mga Movers ko binuhos ang pagkainis. Ehehe. Konting Hi's, picture at exchange of number. Cute pala ni AJ!
AJ, one of the seven Movers. At first I thought he was Bugs Daigo. Hahaha. Well his cute in person!
Wala talaga yung mga paborito ko sa SOP. Kailangan kong makita si Mart!
Luck was still on our side. Nalaman naming may show si Jewel sa Guagua, Pampanga with Aljur that afternoon. It was for Smart. Nasa Magalang, Pampanga naman sina Mart at Jennica. Wild suggestions at ayun sumugod ng Pampanga. Buti na lang at magkasundo ang iilang Jewelerz at Martians. By the way, pinuntahan pa ni Jewel yung mga Jewelerz sa canteen area. A sweet gesture! Hinintay muna namin ng sandali si Karl para sabay-sabay ng pumunta ng Pampanga.
And the excursion begins...
Mart Escudero, on his way to the second floor of the old house used for the shoot.
Magkaiba ang way naming mga Jewelerz, nagkahiwalay kami sa San Fernando. Didirecho sila ng Guagua, kami naman dumaan muna sa SM San Fernando para bumili ng Yellow Cab Pizza. Medyo naligaw pa kami ng konti kung san ang terminal ng jeep papuntang Magalang. Buti na lang at medyo mabait ang mga drivers at tinuturo naman sa amin kung san kami dapat pumaroon. Magkatapat lang pala ang SM at Robinsons dun. Buti na yung customer traffic dun? Marami pa rin kaya ang bumibili? Nwei, ang layo pa pala ng Magalang from San Fernando! Gabi na ng makarating kami sa location. Kakatakot sa location, madilim at maraming puno! Yikes!
Ang pagkikita...
Jennica Garcia with Thirstytrooper, KarlAndrew and Tiborxia.One group of crazy people! Ahahaha. :)
Pagdating namin, naglalaro ng PSP si Papa Jimbo. Lumapit naman si Randy (yung driver ni Jennica) at konting kamustahan. That time, nasa loob ng kotse nya si Nicnic at nagbibihis naman si Mot sa tent. Bumaba si Jen ng kotse at parang bata na nagtatalon-talon sabay yakap ng pagka-higpit higpit nung makita kami. Ang sweet ni Jennica! Di pa ako nagsasalita nun nung dumaan si Mart, sabi ko kay Jen "Ang gwapo talaga ni Mart ano?" sabay batok ba naman at sabing "Ano naman yung magsabi ka muna ng na-miss mo ako ano? Ako itong kaharap mo eh!" Ahahahaha.. Tama nga naman si Jen. Sorry nic! :)
When we said "Walang Iwanan...", we mean it. JEMA Loveteam with us.
Father & Son (Jimbo-Mart), again with the team. Can't stop being kids again! :)
Lumapit si Mart sabay halik. Wow! First time yun! Ahahaha. First time na yung bati nya ay halik sa pisngi. Mukhang sulit ang dalampu't dalawang araw na di pagkikita. Konting asaran tapos tinawag na sila ng director para mag-take. Si karl, pumasok ata sa loob para manood, kami naman ni Bernz lumabas ng compound para kumain ng bar-b-que. Pagbalik, dinner time na. Kaya't yung pizza naman ang kinain namin kasama ang JEMA.
Idle time...
Inseparable. Best word to describe Mart & Jennica.
(Daddy) Jimbo with Jen's personal driver, Randy. Feeling highschoolers with PSP.
Pagkatapos naming kumain, niyaya ko si Karl at Bernz na umakyat ng bahay para makunan namin ang loob. Nasa balkonahe kami nung makita kami ni Mart (nasa baba siya) kaya't umakyat rin at hinila kami. Hanap daw kami ng pwesto. (Pwesto para sa ano?) Ang motmot, gustong magkukuha ng mga pics at baka raw may lumabas na multo. Hahaha. Bata nga naman. Kaya ayun, sinabayan namin sa trip nya at pumunta sa bintana sa may kusina at nagkukuha na ng mga images. Wala naman kaming nakitang multo! Pero naging masaya ang experience na yun. Sobra.
This is how you'll look like when you expect to see ghosts and find nothing. :)
Mart spending quality time with the Tiborxia Team. We miss this kid! :)
After ng dinner, nag-shoot uli ng isang sequence ang JEMA. Yung eksena, mukhang natatakot na sila kasi may multo na silang nararamdaman sa bahay. Magaling si Ate Ruby (nakalimutan ko ang name nya sa pelikula). Kinunan ng video ni Bernz ang eksenang iyon na ipopost niya in a few days. For now, eto kung still images ng naturang eksena...
Around 930PM na nun, nagyayaya na si Karl umuwi kasi malayo nga ang Pampanga at may pasok pa siya ng 10AM, si Bernz 930AM ang pasok. Humirit pa ako sa dalawa ng konting time at ayun, nakapag-kwentuhan pa kami kay Mart. Si Jennica may sinat kaya't nagpapahinga sa loob ng kotse. 1130PM na masarap pa rin ang usapan, ngunit iritable na si Karl sa akin kaya't pumayag na rin akong umuwi. Ehehehe. Sorry, Karl. Hinatid kami ni Papa sa sakayan at balik na kami ng Manila.
XS: Kokonting behind-the-scene moments sa shooting ng HIDE and SEEK.
Mart and Jennica with "Uno". Uno is Jennica's brother in the movie whose playmate is a ghost.
Direk Rahyan Carlos. Hope the movie will turn out best, direk! :)
Mart and Direk. We've learned that Mart is Direk's student wayback PETA days.
Jennica and Direk.
Karl and Tiborxia looking around the place. Looks being haunted! Hahaha.
Hide and Seek Crew! Sweat it out, boys! :)
|
posted by Tiborxia @ Monday, September 17, 2007 |
|
|
|
Videos |
|
Previous Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
Blog Authors |
|
|