Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

CROSSOVER (Jewelerz meet the Martians)
Tuesday, July 17, 2007
by: Jheng
Seeing Jewel Mische in person, is one things we’ve been planning before the exact date of her birthday…which was last June 29. Pero, wala nga siya sa SOP at alam namin na umpisa na rin ng klase nya, kaya ang hirap na mahuli ng Ultimate Sweetheart. We are her online friends kaya sa pagkikita pa lang naming JEWELerz ang hirap ng i-plano. Kung saan-saan kayang lupalop kami manggagaling. Sa Jewelerz conference, thread at blog lang talaga ang bonding namin. Pero, sabi ko, walang imposible…kami na nandidito, very eager na i-meet sya.

I ask Surf…kung sino sa bumibisita sa blog ang madalas magpunta sa SOP. We heard kasi an info na andun na sya sa July 15. Post birthday celebration nya pa. Kung doon namin sya makikita eh di puntahan namin doon. Ang tanong HOW? Kaya I also asked James and Therese kung sino ang pwedeng magsama sa loob sa amin. We know kasi na may regular audience ang SOP. At sinabi nila sa akin ang solution. Noong una, medyo nagsesecond thought ako na tumuloy, kasi nahihiya ako sa mga taong tinutukoy nina Therese na tutulong sa amin. Pero mas umiral ang pagka-adik ako ko kay Jewel. Pag di ako sumama…sayang naman, baka pagsisihan ko pa at magkasakit pa ko sa inggit sa kanila, hahaha! Kaya hayun, bahala na si Batman! Gustung-gusto naming ipakita ang suporta kay Jewel sa pagbalik nya na yun sa SOP.

Kaya naman Saturday pa lang medyo nag-iisip-isip na ko kung ano ang mainam na gawin. Medyo kinakabahan ako na nae-excite…ah ewan. Kinalimutan ko muna ang pangalan ko…basta fan ako sa araw na yun. Hahaha!

We, (Therese, Happyjam, Charles and I) agreed to meet at 9:00 am, as we were instructed by some Martians. Wala akong ka-ide-idea kung sino ang haharap sa akin. Even the names which I mentioned above maliban kay Therese ay di ko pa rin nakikita. Exciting di ba? Sablay ng konti sa oras… pero slight lang naman.
Tiborxia: Ako, super sablay sa oras! Bwahahaha. =)

When I arrived, ang una kong natanaw ay isang not-so-familiar face pero, I’m sure na nakita ko na sya. Isang wink pa ng mata…at hayun naisip ko na…si Karlandrew yun sa site ni Tiborxia. Hahaha! I saw Therese busy with her phone just sitting beside him. When Therese saw me, bumaba na rin ako and I was introduced to Karl. Madali akong na-at ease sa kanya. Masaya siya kasama. Comfortable na agad ako….ganun din si James at Charles ng ma-meet sya.

Ilang saglit pa, we found ourselves inside the GMA compound na. As with my experienced before, ( that was not so long ago huh!…hahaha!) ganun pa rin, maliban lang sa ilang sistema sa pagpasok. Since, we had set our minds to be patient ‘coz we want to accomplish something from that event…..walang-wala sa amin ang pagka-irita o pagka-inip. In fact…di bumababa ang level ng excitement ko. Hehehe!

We went directly sa studio kahit di pa nag-i-start ang show…maya-maya pa’y may dumadating…smiling to us while talking to the Martians. That familiar voice didn’t escape from my senses…Si Tivs ito…..hahaha! Hayun…halakhak na ang narinig ko kay Therese…See……without so much words to say…Ngiti pa lang ni Tivs…goodbye na ang feeling discomfort namin! Sa totoo lang, kami kasi mismong Jewelerz…first time naming makita ang isa’t-isa as a group. Kaya naman kami ni Therese, ( na what you hear, what you see and what you read is what you get!!!) ay di tumitigil sa pagpapatawa…para naman itong dalawa pang boys na kasama namin na suplado…este…shy pala sa personal ay maging alive. Masyadong serious eh!
Tiborxia: Naku... nagba-blush ako! Bwahahaha. =)

Before we’ve seen any Kapuso Stars, we were introduced to Mr. Butler, Mart Escudero’s super cool Dad. (In fairness…cute siya! Hahaha! Therese….okay lang ba ako maki-admire?) Sa mga oras na yon, usap-usap lang kami ng mga Martians…we were introduced sa iba pa. I was really happy the way these people treated us. Thank you guys sa lahat ng ipinakita nyo sa amin. Sorry guys, di nakarating ang most requested espasol. Next time na lang, promise yan!

After that acquaintance with the Martians, we proceed inside the studio to watch the show. I was really excited seeing Jewel in person for the first time, at nagpe- perform pa. Her production number started….excited ako, pero quiet lang ako….gazing at Juju. I was just happy seeing her sa SOP once again. Tapos na ang suspension…tapos na rin ang quiet protest ko…hahaha! Manonood na uli ako ng SOP!!! Yeheyyy!! Ang totoo….quiet ako kasi panay ang usal ko ng dasal. Ninenerbiyos kasi ako…itsura ng ako ang mag-sasayaw. Nakakatakot naman kasi ang slippery floor ng SOP! Muntik na talaga…muntik na siyang madulas…buti na lang natapos na!

The best part of the day ay nang itodo na ni Tivs ang assistance nya sa amin. Talagang di maharangan ng sibat ang “manager” namin.…Kahit saan sya pumunta, itsura ng isa syang celebrity. Bilib na ko sa iyo Tivs. hahaha! He told Jewel na andun kami…ang mga adik nyang online friends. Kaya noong bago mag-blow ng candle si Jewel at nakita ang group namin, she smiled at us with all that sweetness mixed with amazement. Di nya akalain na tototohanin namin yung usapan namin. And it made us happier when she mentioned her Online Friends among the people na gusto nyang pasalamatan. Sabay ngiti sa aming apat!

Di talaga kami pinabayaan ni Tivs hanggang di namin nakakaharap si Jewel. And finally…..eto na ang hinihintay namin! We gave her our birthday gifts. As I have said sa blogsite ng JEWELerz, very warm ang pagtanggap nya sa amin. I was not really expecting na ganung Jewel Mische ang haharap sa amin. Maganda siya, pero sobra pala sa ganda ang puso nya. I wonder why other people misjudge her. Napakatotoo nyang tao. She really deserves her title.
Tiborxia: I was happy I was able to arrange that private moment you had guys with Jewel. Sana super sulit yun! =)

MISSION ACCOMPLISHED! Yan ang sabi ko kina Therese, James and Charles. Pero pwde ba naman naming palampasin ang chance, now na nasa balwarte na kami ng mga Kapuso Stars. Go na kami sa pagpapa-picture sa iba pang fave namin. I had one with Mart Escudero of course, na saksakan pala ng sweet at accommodating din. Also with Stef Prescott, na suplada lang tingnan, pero very warm at game din pala. With Glaiza de Castro, mas cute sa personal. Yung iba, candid shots na!
When Karl, Thirstytrooper, Tiborxia and the rest of the Martians, waved goodbye na, kami naman ay nagkasundo na mag-bonding muna. Iba pa rin kasi ang asaran, biruan at halakhakan ng personal. Kami-kami na mismo ang Emoticons..hahaha! Emote-emotepikon! How I wish na kasama namin sina Surf, Nica, Selah, Obet, Rene, Ice, Cindy, Marj, Ratz, JC, Choco, Feirri at ang lahat ng worldwide friends….ang saya nun!

To James, Therese and Charles…I really enjoyed you’re company....yung next time…i-plano na natin! Hahaha!

And to TIBORXIA and to the rest of the MARTians, (You know who you are guys.) Thank you very much for your kindness. Di nga namin alam kung papaano makakabawi eh! Wala akong masabi sa husay nyo makisama. Tivs, walang pressure ito. I really want to share the experience with other Jewel addicts. Thank you din sa space, (sumobra ata ako) you provided me. In behalf of the JEWELerz, WE LOVE MARTIANS! Sana di kayo magsawa. I love you guys…
Tiborxia: Wala pong problema... Just let us know kung kelan so we can do the arrangement for the meet-up. =)

XS: Tiborxia's Part.It's nice to know that the Jewelerz were finally able to meet Jewel Mische. Though aapat lang sila for now, its a good start. When the martians first met Mart, dadalawa lang kami -- but see where we are at now (magulo na! ahahaha joke lang).

There's was something special about Jewel that day. Let me share a part of my story. I was, in a way pressured to have Jewel meet the Jewelerz that day. Nakakahiya naman sa mga Jewelerz who did their effor to be at SOP then hindi nila makikita si Jewel. So I texted some friends and was able to confirm Jewel was in fact, already in the dressing room. I rushed myself and luckily, nasa labas lang cya kausap ang kanyang Tita. I hugged her (I soooo miss Jewel), kissed and said Hi's and Hello's then informed her na may mga Jewelerz nga noon sa SOP who would want to meet her. I made a few arrangements then, game na!

Iniwan ko si Jewel with the Jewelerz to have their private moment. Siyempre ayaw ko namang umepal ano, kahit na super miss ko na si Jewel. Let the Jewelerz have their time, I can always have mine. Nung matapos na sila at paalis na si Jewel ng GMA (papuntang Bulacan for a magazine interview) nagkasalubong kami sa canteen area. She kissed and said goodbye, a few meters away lumingon cya, tinawag ang name ko and said "Thank You". Ngumiti lang ako. That was sooooo sweet of Jewel. Truly, the Ultimate Sweetheart!

Earlier today, kasama ko naman si Mart (and his dad) at the Cultural Center of the Philippines. May workshop kasi ang Final 6 (Kris and Aljur weren't there kasi may ginagawa sila for Zaido -- yes, its ZAIDO not Pulis Pangkalawakan, not Shaido). At around 5:15PM lumabas sila ng CCP to take a break (ang kulet ni Mart by the way, who rushed kung san ako nakaupo), Jewel saw me from afar and smiled. Far-sighted that I am, di ko nakita na ngumiti cya until Mart informed me. So lumapit ako and gave her a very tight hug (habang binabati ako ni Prince and Rich). She was really warm that day. By the way, mabuhay ko lang ang JUMOT -- ang sweet ni Jewel at Mart kanina.. ahahah... bigla ko ngang naisegway ang pangalan ni Jenica to remind Mart eh. Ahahaha. =)

posted by Tiborxia @ Tuesday, July 17, 2007  
1 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA