Contact Us
Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Locations of visitors to this page
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

...simply JENICA
Thursday, July 19, 2007
SINGIT LANG SPECIAL by Thirstytrooper

Image Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us

Tamang ganda na binagayan ng mahabang buhok at kiming ngiti. Hindi kaputian pero makinis, may katangkaran para sa karaniwang babae at maganda ang hubog ng katawan. Hawig sa kanyang inang magaling na aktres na si JEAN GARCIA, mas maamo nga lang ang mukha ng anak. Iyan ang mga unang katangiang makikita kay JENICA. Attractive. Pero mas higit kang hihilahin ng atraksiyon pag nakilala mo siya. Very sweet, malambing at karinyosa. At higit sa lahat kwela! Modern young Filipina.

Image Hosted by ImageShack.us

Isa ako sa masuwerteng naka-bonding siya noong Sunday afternoon. Siyempre sino pa nga ba ang mangunguna at pasimuno sa lakarang ito? Ang reyna ng mga hathor(panindigan daw oh?), si TIBORXIA! I was so happy when Tivz forwarded me a text message from Jenica kung saan she mentioned my name at pinapasama ako para manood ng "Harry Potter". To think na one time lang kami nagkita at ito ay noong first taping pa niya sa IMPOSTORA.

Image Hosted by ImageShack.us

After SOP, sugod kami nina Tivz, KARLANDREW, TINE at DENMARK(nice to meet you!) sa gateway via MRT dahil nangungulit na ang Nicnic(nickname ni Jenica) at baka gabihin na kami. Mga 4pm na yata noon. We stayed in Starbucks at doon namin siya hinintay. Hindi naman nagtagal at dumating siya kasama ang yayang si JEMA(o di ba?). At para kaming nananaginip nang totoo ngang dumating si Jenica at seryoso sa pagsama sa amin na manood ng sine. Biro mo, may kasama kaming artista na manonood ng sine! Sikat!!! Hehehe!

Image Hosted by ImageShack.us

Ipinakilala ni Tivz ang mga bagong mukha na sina Karlandrew at Denmark. Parang magbarkada na si Tine at Nicnic since nakasama rin nila ito ni Tivz noong isang taping. Order ng maiinom at konting kwentuhan. Tulad ng... mabait daw ang kanyang ina na si Jean at para lang silang bestfriends kung magturingan. Ipinakita nya rin ang cellcam pic ng little brother niya na super cute! At siyempre naitanong din namin yung nalalapit na kissing scene nila ni Mart. Natuwa kami sa reaksiyon ni Jenica. Parang batang nagsusumamo na parang takot at hindi mapakali dahil parang ayaw niya yata at 'di niya alam ang gagawin. Natawa kami dahil namumroblema siya sa "Cinderella moment" niya na wishing na sana naman ay boyfriend n'ya ang unang makahalik sa kanya at hindi lang dahil sa utos ni direk at sa harap pa ng kamera. For sure, alam nyo na ang kwento tungkol sa halikang ito dahil nai-brought up ito sa presscon ng impostora bukod sa kwento pa ni Tivz. Sana matuloy na ito sa Friday taping nila.

with Tivz
Image Hosted by ImageShack.us

with Thirsty
Image Hosted by ImageShack.us

with Karl
Image Hosted by ImageShack.us

with Tine
Image Hosted by ImageShack.us

with Denmark
Image Hosted by ImageShack.us

Past 5 when we decided to buy tickets at hintayin ang 5:52 screening. Siyempre, nagharutan muna kami sa lobby ng cinema at hindi mawawala ang pictorial. Game na game naman si Jen (tawag ni MART kay Jenica) at kuntodo yakap pa sa amin sa pagpapa-picture. Napakadali namin siyang nakasundo. Ang maganda pa sa kanya, kahit panay ang bida namin sa JEMA, ay pinagtatanggol pa rin niya ang KRISMA. Ganyan po siya kabait. At kitang kita ang sinseridad ng pakikitungo nya sa amin. Malayung malayo sa isang artista na nakilala ko na noong tumalikod ay umirap (ay wag na, hindi ito portion ng bad encounter with a celebrity, hehehe).

Image Hosted by ImageShack.us

Nanglibre ng popcorn si Tivz sa sinehan. Naubos. Lumabas si Jenica with Jema na akala namin ay magre-restroom lang. Pagbalik ay may dalang ilang buckets pa uli ng popcorn. Sayang! sana iced tea na lang dahil uhaw na uhaw na kami ni Tivz (nag-iiba ang itsura pa naman namin pag uhaw na uhaw)! In fairness ang sarap ng popcorn kahit walang pangtulak.

Image Hosted by ImageShack.us

Masaya ang panonood, sumisigaw si Tivz at napaiyak naman si Jenica. Ako, wala lang, as usual, parang tuod! May nagtext kay Tivz saying "Al, ingatan mo baby ko". Nang mga panahong iyon ay nasa Megamall naman ang mag-amang JIMBO at Mart na nanonood ng "DIE HARD". At ka-text ni Tivz si Mot.'Di ko lang alam kung si Mot ang nag-text nang "ingatan mo baby ko" (-;

Image Hosted by ImageShack.us

Sa madaling salita, success ang movie watching namin with Jenica. Parang matagal na namin siyang nakasama. Nabanggit pa niya, ang tagal niya nang hindi nakapanood ng sine. Enjoy raw siya at "sana'y maulit muli". At bakit naman hindi? Siyet! Ang mahal ng sine sa gateway!

Image Hosted by ImageShack.us

Bye bye time, nag-kiss si Jen sa aming lahat. At bago sumakay ng kotse, lumingon siya sa amin, kumaway sabay ngumiti. Na parang sinasabi, na muli pa kaming magkikita.

Dahil may bago kaming friend, iiwanan ko kayo ng mga kasabihan:

Ang pagkakaibigan ay tulad ng babasaging plorera, dapat alagaan at ingatang huwag mabasag. Dahil kung mangyaring ito'y mabasag, mabuo mang muli ay hindi na tulad ng dati sapagkat may lamat na.

Huwag agad agad itapon ang mga bagay na sa tingin mo ay wala nang silbi... dahil baka bukas makalawa ay kailanganin mo itong muli pero hindi mo na makita.


'Til next SINGIT!

••• thirstytrooper
posted by thirstytrooper @ Thursday, July 19, 2007  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Videos
Previous Posts
Archives
Links
Blog Authors
© 2007 Simpleng Fans... .Template by TIBORXIA