I was looking at some of the Mart-Jenica images that we have at bigla kong naisip ang linya ni Angel Locsin kay Lorna Tolentino sa pelikulang "Mano po 5: Gua Ai Di". Ang pagmamahal daw ay dapat may spark, sabi naman ni Lorna "Anong spark? Parang Meralco?" Natawa ako sobra dun kaya naman hindi ko makalimutan hanggang ngaun.
Ngunit ano nga ba ang spark? Scientifically, sabi ni webster, a spark is a hot glowing particle struck from a larger mass. Naku! Nakakapaso pala. Recently, napanood ko ang pelikulang Transformers, at may tinutukoy din silang spark. Panu nangyari yun? Eh wala namang love story amongst the autobots. Ngunit sabi ni Bumblebee, a spark is best described as the "soul" of a Transformer - while they have programmable computer minds that house their personality, the Spark is that indefinable, indescribable energy that makes them truly alive, more than mere machines. Aba, astig! Gusto ko ring magkaroon ng spark na tulad ng mga Transformers!
Bago pa mang tanghalin na Ultimate Loveteam si Mart Escudero at Kris Bernal, ay may initial casting na para sa noon ay ipapalabas pa lamang na Impostora. Naikwento ni Jenica noong sabado na excited siyang makapareha si Mart Escudero kasi gwapo ito ngunit naging alangin siya nung nanalo si Mart bilang kahati ng Loveteam. Sabi nga ni Jenica, "Ayaw kong umepal sa Loveteam nila, pero hindi ko naman desisyon iyon."
Ngunit tila tadhana na rin ang gumuhit ng pagtatagpo ni Yago at Karen. Unang impression ni Jenica kay Yago ay suplado ito. Panu ba naman, puro text ang inaatupag ni Mart. Di naglaon, lumabas rin ang pagkalambing ni Mart at pagka-maton ni Jenica kaya't nagkaroon ng 'spark'. Tingnan nyo na lang ang pic sa baba, isa yan sa mga kulitan moments nila... Di ba't perfect combination?
Ngayon-ngayon lang, tinext ko si Mart at Jenica ng parehong message. Sabi ko "Pst! How did it go?" nagreply agad ang Motmot, "may papadala ako sau, sa tingin ko para sa kanya talaga ito eh..." Natawa ako sa nabasa ko, yung lyrics ng kanta na ni-rehearse ni Atom at Migs para sa Boys Nxt Door. By the way, eto rin yung kinanta ni Mart at Aljur sa akin habang tinutulungan ko silang i-kabisado ang mga tiktik ng kanta. Ninamnam ko ang bawat titik, napaisip ako kung bakit eto yung sagot ni Mart sa tanong ko. Tulungan nyo nga akong mag-isip, eto yung titik ng kanta na "Masyado" ang pamagat:
Masyado na kitang mahal, lalo na't tumatagal
Pag kasama ka, ayaw ng mahiwalay
Kapag kausap ka, damdamin ko'y masaya
Tinig galing sa'yong bibig, inip ko'y naaalis
Chorus:
Masyado na kitang mahal, Sana'y iyong pagbigyan
Hindi ka pagpapalit, kahit isang saglit
Kapag nakita ka, damdamin ko'y sumisigla
Ngiti sa'ung labi, puso ko'y kinikiliti
Kapag kausap ka, ayaw ng matapos pa
Dampi ng iyong labi, ayaw tapusin kahit sandali
Repeat Chorus
Repeat Verse 2
Repeat Chorus 2x
Ano sa tingin nyo? Tinamaan ng lintek na ba? Naman!
What's even more surprising was the article posted at PEP.ph regarding Jenica's first kiss. Tuesday afternoon nung pinamigay ang pictures ni Mart at Jenica na akmang hahalikan nito -- then tuesday night, boom! Na-publish na agad. Bilang isang fan ng Jenica-Mart Loveteam ay sobrang natuwa ako, tumatalon, naiiyak, natatawa, sumisigaw, tumitili. Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!
Ngunit, subalit, dadapwa't, gayunpaman... isang season lang ang itatagal ng Impostora. Ibig sabihin, matatapos na ito early September. Matatapos na rin ang maliligayang araw ng mga tagasunod ng JEMA at tatalon naman sa tuwa ang Ultimate Loveteam, paano ba naman kasi... 5 years ang contract ng UL! Peste! Eh wala namang spark!!! (oooopppppssss...) Wish ko lang puro horror films ang mapunta sa Ultimate Loveteam para walang kilig moments. Hehehe.
GMA (Wilma Galvante & Annette Gozon); GMAAC (Yda Henares & Lovelee Tan); NMI (Connie Tungol and Co.) at Popoy Caritativo: Minsan lang ako nananawagan sa blog ko. And this will be the only time that I will be sooooo firm about Mart's pair. Please, i-sustain ang napalaking spark ng Jenica-Mart Loveteam. Isang malaking pagkakamali ang tambalan ni Mart with Kris, sana wag na kayong magkamali pa. =-)