Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Powered by
Mart & Jennica taking the Next BIG Step to Stardom!
Friday, October 26, 2007
Regal Entertainment Press Release
Regal Entertainment, the home studio of phenomenal love teams, presents a new couple that's going to fascinate moviegoers. They are Mart Escudero and Jennica Garcia who are starring in the horror "Hide & Seek".With Mart and Jennica in this big and awesome production set in the scenic countryside are Eric Quizon, Jean Garcia, Alessandra de Rossi, Valeen Montenegro, Julijo Pisk, Angel Sy, Rubirubi, and Ryan Eigenmann. The new movie is directed by Rahyan Carlos and written by Gina Tagasa.
Mart and Jennica were first paired in GMA Network's top-rating drama "Impostora." The response to their team-up was impressive! They quickly became a favorite topic of discussion in internet forums and message boards. The two exuded instant chemistry the moment they shared the screen. Fans recognized this and hence the popularity of this beautiful pair. Imagine, after less than four months since "Impostora," Jennica and Mart now have two TV shows on GMA Network: "Pasan Ko Ang Daigdig" and "Boys Nxt Door," and their first Regal movie. Other love teams took a while to gain a fan base but not Mart and Jennica.
What's the reason for the Mart and Jennica magic? It's because Mart and Jennica genuinely care for each other. In "Hide & Seek," where Jennica plays Nica (whose stepfather was accused of a grave crime) and Mart plays Joseph, Nica's ardent admirer, they're each other's acting coach. "Lagi kaming nagpa-practice ng lines na magkasama," reveals Jennica. What's more, director Rahyan Carlos allow Mart and Jennica "direct" the scenes where they have to be sweet. "Hindi niya kami binibigyan ng instructions. He lets us do our thing kasi kumportable na kami ni Mart sa isa't-isa kaya mas sweet," Jennica discloses.
She says that she and Mart are looking forward to the opening day of their first major movie. "Excited na excited kaming makita ang sarili namin sa big screen! Hindi namin ma-explain ang feeling kung gaano kami kasaya!" Meanwhile, proud mother Jean Garcia admitted that she is confident that Jennica will do all her best to be the next premiere actress in town.
The wait won't take long. "Hide & Seek" opens in theaters nationwide soon. It's Regal's and Mart and Jennica's big treat to fans.
I have been too pre-occupied lately by so many things. Nakakaloka, hindi ko na alam kung ano at sino ang uunahin. Sabi nga sa text ng isa sa mga dati kong ka-opisina, "it hurts like hell to pretend that you're happy when deep inside you're dying. It takes a lot of effort to flash a smile when all you wanna do is break down and cry. The saddest part of it all is you wanna end the torment yet your heart just keeps on holding on... living in an illusion that there's still hope when all you've got were just ashes of a joke."
The past four weeks was like hell. Feeling ko wala akong kakampi, feeling ko kaaway ko lahat -- kahit hindi naman.
Una, naghiwalay si Mama at Papa. Yes, my biological mother and father. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ayoko ng malaman, wala rin namang patutunguhan. At some point in my stupid life I feel part-guilty. Deadma ako sa kanila, I don't even care what they're up to. Basta ako masaya dahil nagagawa ko ang gusto ko at kahit na tumutol sila, ako pa rin ang nasusunod -- tapos ang usapan.
I tried to understand them. I tried to talk to them yet I get nothing. Mabigat sa loob but you have to move on. Ako na ata ang pinaka-stereotype na anak. Would you believe na sinabi kong "mas mabuti pang magkahiwalay na lang kayo than pretend to be happy together, mga punyeta kayo para kayong mga bata sa highschool!" Dala lang ng galit at inis. But I swear I can tell them more than that. Pinipigilan ko ang damdamin ko.
Though deep inside gusto kong magkasama sila -- hindi para sa akin, pero para sa mga kapatid ko. Kung magkapareha lang kami ng pag-iisip ng mga kapatid ko, then everything will be ok. Last week na-confine si Mama, nag-bleeding at kailangang salinan ng 4000cc na dugo. Dagdag problema. Hindi ko alam kung san kumuha ng dugo, buti na lang at Ms. Congeniality ako noong college kaya't halos lahat ng kaklase ko nag-donate ng dugo pamalit sa kinuha sa blood bank. Thanks to everyone for their blood except sa ex-boyfriend kong walang kwenta! Nawa'y kulangin ka rin ng dugo balang araw! Digital ang karma ngayon. Everything's well.
At my lowest point last week, magkatext kami ni Mart. May iringan pa kami that time pero pinasantabi ko muna at bigla kong nabanggit sa kanya yung paghihiwalay ni mama't papa. Nasabi ko na kay Bernie ito dati since siya ang pinaka-close kong kaibigan outside the office at labas sa college barkada ko. I needed an opinion from people na hindi pa nakikilala si mama't papa so I can weigh things. Mart was trying to help out with what I feel. Though he did little, I am more than appreciative.
Pangalawa, abot-langit ang pagseselos ko kay Karl. Abot impyerno din ang galit ko sa kanya noong mga panahong hindi ko naiintidihan ang mga nangyayari. Though everything's ok now. Nagkausap na nga kaming tatlo nina Bernie. Laking pasasalamat ko lamang na hindi mainitin ang ulo ni Bernie at Karl kundi, wala ng Tiborxia Team ngayon. Maka-ilang beses na akong nag-walkout kay Karl. Hindi ko nga alam kung paano nya natitiis ang kamalditahan ko. I swear, sobrang maldita ko. Ask Bernie, witness yan sa lahat ng mga pinanggagawa ko.
Palautos ako to begin with. Mahilig akong magmando. Kung ano ang gusto ko, dapat nasusunod. Kung wala kang magandang rason to contradict my ideas, then my idea is the best. Si Bernie naman hate ang inuutusan siya, unless kung masaya naman siya sa ginagawa nya at alam nyang may patutunguhan, ginagawa nya. Si Karl, masunurin. Mabait. Sa walong buwan na magkasama kami, iisang beses pa lang yan umalma sa kagustuhan ko. I am more than grateful and thankful to have them both. Karl at Bernie, sorry sa mga inisip at sinabi ko. :)
Pangatlo, ang bagong sibol na balita tungkol kay Mart. Hindi na ako masyadong nakakapag-basa ng balita online or maging sa mga pahayagan. Naka-subscribe na lang ako sa Kapuso Yahoogroups at doon na lamang nagbabasa ng mga balita sa showbiz. This one caught my attention, let me just react to this.
MART DENIES KRIS' STATEMENT
IN a previous interview, Kris Bernal said Jennica Garcia is the reason why her StarStruck Ultimate Sweethearts co-winner, Mart Escudero, stopped courting her. At the presscon of Regal's Halloween horror offering, "Hide and Seek," Mart counters this by saying it's not true.
"I met Jen when we were paired in `Impostora' three months ago," he says. "But two weeks before the taping started, I've already stopped sa pagdiskarte kay Kris. Ayoko na lang sabihin kung ano ang reason. Ever since, kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Kris. Kay Jen, naging very special agad siya kasi napapasaya niya ako. I'm really happy when we are together sa taping namin mula pa sa 'Impostora' hanggang sa 'Pasan Ko ang Daigdig' and `Boys Nxt Door', at lalo na when we started shooting our launching movie na `Hide and Seek' in Pampanga."
What can he say about the advice of Jen's mom, Jean Garcia, not to be so serious when it comes to love? "I respect that at tama naman siya kasi mas mabuti talagang unahin ang trabaho, lalo na nga at Jen and I are both just starting our careers. Isa pa, I'm helping my own family and I want to buy them our own house, kaya hindi talaga dapat magseryoso muna sa love."
Hindi sa kinakampihan ko si Mart nor am I saying na mali si Kris. Once and for all, hindi si Jennica ang dahilan kung bakit tumigil sa panliligaw si Mart kay Kris. June 4, 2007 tumigil si Mart kay Kris. Kung titingnan nyo ang kalendaryo, hindi pa nagkikita si Mart at Jennica sa mga panahong iyan. Kung nagkita man sila, yun ay para sa Story Conference ng Impostora. Kahit noong nagsimula na ang taping ng Impostora, nauna si Mart at sa pang-apat na linggo ng taping na umeksena si Jennica. So paano magiging dahilan ang babaeng hindi pa nagsasabog ng kanyang kagandahan? Aber?
Ayoko pangunahan si Mart at Kris sa dahilan kung bakit naudlot ang ligawan. O kung bakit nagtampo si Kris kay Mart. O kung bakit tumigil si Mart kay Kris. Pareho silang hindi nagsalita, bakit ako magsasalita? Baka batukan pa ako ni Motmot eh. :) Eto na lang, kung ano ang dahilan ni Kris sa pag-ayaw kay Mart yun din ang dahilan ni Mart kung bakit siya umayaw kay Kris. Yun nga lang, nauna si Kris. :)
Dahil sa mga kaganapan sa buhay ko noong nakaraang linggo, naghanap ako ng libangan. Si Mart lang ang pumatol sa cheap kong laro. Ganito ang naging palitan ng text, salamat sa Unlitext!
Tivz: Pastries or Candies? Mart: Candy
Tivz: Shorts or Pants? Mart: Shorts
Tivz: Mestiza or Morena? Mart: Both
Tivz: Long straight or short curly hair? Mart: Long straight
Tivz: Starbucks or Coffee Bean? Mart: Starbucks
Tivz: Hot or Cold? Mart: Cold
Tivz: Puro tanong lang, pati sagot dapat tanong lang din. Mart: Utut, nakuha mo lang yan sa pelikula eh
Tivz: Slippers or Sneakers? Mart: Slippers
Tivz: Black or Blue? Mart: Black, txt u later may gagawin lang
Kulang pa rin ako sa pansin kaya't si Paulo na naman ang kinulit.
Tivz: Pst! Busy ka? Pau: Hindi. May inaayos ako sa pc. Tas naghahanap din ng mga gamit sa net.
Tivz: Huh? Anong gamit? Pau: Pang climb.
Tivz: Ah, di ko nabanggit may officemate pala akong mountaineer. Pau: More on climbing ako eh.
Tivz: Ano bng nkukuha mo dun? Pau: Wala msarap lng yung feeling kpag ntatapos mo yung route. Tsaka msarap kpag nalalaglag, Hehehe
Tivz: Ay, alam mo na bagong show mo sa QTV? Pau: Sweet Life?
Tivz: Hindi, iba ata. Di pa ako sure. Pau: Ah.. wala p naman sinabi sa akin.
Tivz: Oi! Si Kutz pala nagtatampo sa'yo, sinabi na nya pala sa'yo. Ehehe Pau: Bat ba nagtatampo?
Kahapon ng madaling araw (01:27:35am) nagtext ang tatay ni Mart, "Al. Ingat ka lagi. Miss you. Love mama at papa."
Wala akong nasabi, natulala na lamang ako.. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-text kaya't nag-blog na lamang kahit mukhang walang kwenta ang mga pinagsasabi ko. With all that has happening to me, few people makes a difference in my everyday decision. Few people can manage to affect what I think, very few of tham can change me. The rest, most of them I take for granted, most of them I think worthless, most of them I value less. But those who can manage to make a tear fall from my eyes through my solid-as-rock heart, those that I can not stand to not see or talk or text for at least a day, those that can shatter my brain and pebble my emotion... they are those that matter to me most.
For now, there are just three of them. The rest are in-denial.
Nung bata pa ako naririnig ko ang aking mga magulang na nagku-kwentuhan tungkol sa 'trailer' na napanood nila sa sinehan. Underaged that I was, hindi ko alam kung ano ang 'trailer' na pinag-uusapan nila. Sa isip ko, yung trailer ay isang malaking sasakyan, pero ano naman ang ginagawa ng isang malaking sasakyan sa loob ng sinehan? Not until I was seven that I learned what a 'trailer' is.
First time kong maka-attend ng Presscon for a Movie (hindi pa ako naka-attend ng Presscon for a TV show, unlike thirstytrooper at karlandrew na nasa presscon ng Pasan Ko Ang Daigdig). Kaloka sa eksena for the trailer... sigaw ni Mother Lily Monteverde.. "LIGHTS OOOOFFFF!!!!!!" Buti na lang hindi siya sumigaw ng "Eeeeeeeeeeee!!!!!" dahil sa takot.
Here is Regal Entertainment's movie offer for the Halloween Season -- HIDE & SEEK which stars Jennica Garcia and Mart Escudero. Catch the movie at the cinemas near you on October 31!
(Many thanks to Regal Entertainment for furnishing the Tiborxia Team with the DVD copy of the Full Trailer and Kutz Ocampo for the upload.)
Regal Entertainment has a treat for moviegoers on Halloween -- it's the new horror "Hide & Seek" which stars the hot, new loveteam of Mart Escudero and Jennica Garcia and three of today's most outstanding stars: Eric Quizon, Jean Garcia and Alessandra de Rossi.
Eric is an award-winning actor who is also a director and film/tv producer. "Hide & Seek" is his first movie in almost two years and his homecoming to Regal, the studio that gave him his first major acting recognition -- an Urian Award for "Pahiram ng Isang Umaga." After directing soap opera after another, Eric is glad to be an actor again and happy to be back at Regal. He plays Oliver, a university professor whose family life is turned upside-down when he is accused of a crime.
Jean is another talent who is always thrilled to be at Regal. The lady who received plenty of accolades for her memorable characters, portrays another comples role. In "Hide & Seek," she's Leah who must bridge the gap between her distressed husband and resentful daughter Nica (played by Jennica).
Rounding up the triumvirate of topnotch, top-caliber thespians is the incomparable Alessandra de Rossi. She was only a teenager when she received awards for playing a handicap in the critically-acclaimed "Hubog" (also produced by Regal). "Hide & Seek" is a welcome change from the many horror movies she's done. Why? Alessandra takes on one of the most exhausting, challenging and pivotal roles in this new scary film.
Of course, only Mother Lily and Regal Entertainment can assemble an admirable, talented cast for a horror movie. Also in the cast are Ryan Eigenmann, Valeen Montenegro, Rubirubi, Julijo Pisk and Angel Sy. Which of them will be the ghosts, which of them will be the victims in Regal's new shocker? Find out when "Hide & Seek" opens in theaters nationwide on October 31.
"Hide & Seek" is written by Gina Marissa Tagasa and directed by Rahyan Carlos.
Kagabi inaway ko na naman ang isa kong kaibigan dahil sa selos. I felt so alone, I felt I was left alone. A few days back, I was at my peak argument with him trying to make my point and him trying to clarify things. I thought of giving up the friendship but reconsidered the idea – I thought of giving it one last shot since he was making very good justification and was more than apologetic.
I tried so hard not to mind my emotions as this usually causes the trouble. Yet logic speaks out from somewhere behind my not-so-little brain.
Emotion. I’m really not good at what my senses tell me. More often than not, what I feel is wrong. Most of those who know how I think would advise me not to speak nor write anything when I’m excited, mad or disappointed. In short, I am a waste when I am at my extremes.
I had a high school flirt whom I have cared so much. Sobrang tanga ko kapag kasama ko siya noon. Libre dito, libre doon. Inom dito, inom doon. It came to a point that I have dropped or re-scheduled some of my college subjects so I can be with him in the same class on the following semester or a year after. Eh di naman ako pinapansin ng tarantado. Sobrang tanga ko di ba? Bakit? Emotion. I am a waste when I follow what I feel.
Noon nag-blog tungkol kay Mart, Dex at Paulo. When I made that entry, sumabog ang iilang tao na unang sumuporta kay Mart. Iilang mga fans din ni Paulo ang nagsabing gaga ako dahil sa mga pinagsasabi ko. Ang resulta, nagkaroon ng faction ang Martians at nagresulta sa mga maka-KRISMA at maka-JEMA. Again, dahil sinunod ko ang aking emosyon.
Logic. I scored 96.72% during my college aptitude test, 98.62% for logic examination. When I was just starting with the industry where I am now, most of my colleagues say that I have exemplary skill in analysis – logic playing a major part of it. I accomplish much of the things I like because of logic.
Nang napuno ako sa tarantadong high school flirt ko, inisip ko kung bakit para akong tanga na naghahanap ng kanyang pagkalinga. He enjoys being with most of our female kabarkada. Ang inisip ko naman, baka chick-boy lang… eh bakit parati nya ring kasama ang isa pa naming tarantadong lalakeng kabarkada? Anak ng tipaklong, kalahi pala! Yun na!
Nung nagkaroon ng faction ang mga Martians, lumabas ang kulay ng mga naisip kong dating mga tunay na kaibigan. Ang logic, plastic kung plastic. Tupperware kung Tupperware. Manalo ang mananalo, masira ang masisira. Kampi-kampihan na ito.
But what happens when my logic is at risk because of extreme emotion? Answer, disaster.
Minsan na akong sinabihan ni ‘kaibigan’ na masyado akong nag-iisip. Nagseselos ako sa mga bagay-bagay na hindi naman dapat pagselosan. But I am sure that you would agree with me when I say na "Action speaks louder than words..." iba yung nakikita ko sa sinasabi nya. Masyado ko lang ba sinusunod ang aking emosyon, masyado akong nag-iisip o di kaya'y nag-iisip ako ng mga bagay-bagay para masunod ang aking emosyon?
Sabi ng kapatid ni 'kaibigan' kagabi, baka nakukulitan na raw sa akin o dili kaya'y galit sa akin. Napaisip ako. Kung nakukulitan, possible. Kung magagalit naman, bakit? Siguro'y dapat ko ng sundin ang sinabi ni Norman Vincent Peale, change your thoughts and you change your world.
From Regal Entertainment, the makers of horror masterpieces like the "Shake, Rattle and Roll" series, "Sigaw," "Bahay ni Lola," and "Tiyanak", comes another spine-tinhling film that will excite and thrill the entire family.
The project is 'Hide & Seek' which stars talented actors Eric Quizon, Jean Garcia, Alessandra de Rossi, Ryan Eigenmann, and the sensational loveteam of Mart Escuderoand Jennica Garcia-- who are being launched in this big-budget and heart-pounding movie. This is the first movie of Mart and Jennica who gained national fame and legions of fans through the top-rating primetime drama "Impostora." The hot and new romantic pair now star in GMA Network's "Pasan Ko Ang Daigdig" and "Boys Nxt Door."
Also in the cast of 'Hide & Seek'are Valeen Montenegro, Rubirubi, Julijo Pisk and Angel Sy.
Eric plays Oliver, a university professor who is tried and then acquitted in a high-profile crime. He and wife Leah (Jean) with son Uno (Julijo) and Nica (Jennica) go to the province to calm down after a very stressful event in their lives. Nica actually resents her stepfather whom she believes is actually guilty. Trailing the family is the character played by Mart(as Joseph), a very persistent suitor of Nica.
Unknown to Oliver and family, the mansion where they take refuge is haunted. Ghosts from the corners of the home and ghosts from the corners of their hearts appear to taunt the family. They might be able to run away from the creepy creatures that seek them but can they escape from the monsters within them?
Executive producer Mother Lily Monteverde sums up the premise of 'Hide & Seek'this way: "The more you hide, the more ghost will seek you."
'Hide & Seek'is the second horror movie of Regal to be shown this year; it comes at the heels of "Tiyanaks" which did extremely well at the box-office when it was shown early 2007. "Horror is my forte," says the producer who has been making movies for more than 40 years. "The genre has become my specialty because I know what would scare the movie audience. I myself get scared easily."
Aside from her gut feel, instinct for what makes a great horror movie, Mother also has sixth sense. "Like noong pumunta ako sa shooting ng 'Hide & Seek' sa Pampanga, naramdaman ko na may mga multo doon. Tumayo ang mga balahibo ko sa braso!"
Mother Lily and 'Hide & Seek' director Rahyan Carlos promise a motion picture that will make your hair stand and make you grip your seat. 'Hide & Seek' is written by Gina Marissa Tagasa. It opens in theaters nationwide on October 31.
Nagkita kami ng kaibigan kong si Samantha Fox kanina para maglaro ng bingo sa Megamall.. kaloka ang bakla, nakalimang bingo stubs at hindi man lang nanalo! Bwahahaha... But infairness, may nakilala kaming matanda na 11 years ng naglalaro ng Bingo... Magkano na kaya ang nagastos ng hitad?!
After magbingo, dumaan sa 4th floor para maghanap ng mga techy stuff and decided na bisitahin ang sikat, mayaman at echosera naming kaibigan na si Em! Peste ang hitad, nakapag-taping na with Miriam Quiambao... pwe!
Pagdating sa bahay... ganito ang naging usapan:
Tivz: Peste ka!!!! Hitad ka!! Bakit ka nagtatago sa amin?? (sabay sampal)
Sam: Last na bisita na namin ito, dahil sa sobrang ka-busihan mo...Echosera ka!
Em: uyyyy.. Im sooo sorry, sobrang busy lang! (dahil sa dami ng training)
Tivz: Echos! Kaninong cake yan.. pakainin mo nga ako.. Ay teka, tingnan mo ang blog ko.. ang daming visitors!
Em: Ay oo nga! Kaloka! 24 thousand.. teka, i-blog mo ang training ko..may template na ako!
Tivz: Bigyan mo ako ng ganda mo, iba-blog ko ang training mo...
In fairness, dahil mahal namin ang balyenang bakla na iyon... iba-blog ko na ang training. Punta kayo! Magaling ang hitad na yan, na-feature na iyan sa Swak na Swak at Go Negosyo ng Dos isama na ang At Home Ka Dito ng parehong estasyon. Sa mga gustong magsimulang magnegosyo, matutong gumawa ng beads (at kumain ng beads.. bwahahaha) join na sa training. For details, check his website at http://www.craftpinoy.com
COMPREHENSIVE Beaded Accessory Design for Beginners October 13, 2007 (Saturday) 10 am to 5pm
DanzHub Studio, Libertad St., Mandaluyong (beside California Garden Square, 5 mins. away from MRT Shaw )
Testimonials:
"what i like about the workshop is the trainer let us think-out-of-the-box, he does not dwell much on patterns and step-by-step procedures; instead he teaches his students how to be creative....how to create interesting and saleable projects ...what i love most is he evaluates projects and come up with suggestions with what is hot and not! he's particular with details...- Kae
Em: Baklaaaa!!!! Bakit ganyan yan?? Asan na yung sa baba? Bakit mo binura... ilagay mo yun..
Tivz: Ay peste.. sabi mo burahin! Eh di ilagay...
Em: Hoy bakla binebenta ko na ito (referring to his Acer Laptop)
Tivz: Magkano bakla?
Em: Thirty Five Thousand, negotiable.
Tivz: Echosera ka.
Sam: Bakit, magkano mo ba yan binili?
Em: Sixty thousand. Bagong bago pa yan oh!
We can help you DESIGN CREATE HIGH-CLASS Jewelry for GIFT GIVING or SELLING this CHRISTMAS SEASON ENROLL WE'LL MAKE YOU A PRO!!!
Techniques of the Craft: The Professional Way Trends : Whats hot, What’s not Color Combination: Color Personality Jewelry Business: Your Competitive Edge Designing High Class Fashion Creative Designing: Thinking out-of-the-box Marketing Pricing: Learn Earn Sourcing
JAMPACKED BRING-HOME-PROJECTS
1. Elegant Earrings (Basic Techniques) 2. High-Class Art Earrings made of cable wire (Dangling) 3. Functional 3-in-1 Accessory converted as a. Extendable Neckpiece b. Charm Bracelet c. Bag Charms 4. Convertible I.D Necklace / Eyeglass Holder 5. Cellphone Accent 6. Beaded Brooch (Bonus Advanced Project) a. cocktail ring b. bangle c. hair accessory accent d. brooch e. home furnishing accent f. pendant
This 1-day seminar will be conducted by Em Mariano whose designs were displayed and sold at upscale stores like Urban Co (Shangrila, Glorieta), Tint (Greenbelt), Souk (Shangrila), Pandango F&S (Serandra, The Fort), Elaisa (ABS CBN) to name a few.
Media Exposures: ABS-CBN’s Kabuhayang Swak na Swak (Customized Art Jewelry) ABS CBN’s At Home Ka Dito (Tansan Art Accessories) QTV At Your Service (Training with Ms. Miriam Quiambao and their Guests) RPN9 BIG Time (Go Negosyo) aired on October 1 replays at Wed, Thurs, Fri this week (3.30pm) Moms Today (Styling Ms Ai-Ai de las Alas- Dec. Issue) And many more!
Training Fee: P2300 ONLY! (Fee includes Tools: 2 sets of craft pliers, assorted acrylic and majorica beads, bead caps, eye pins & head pins, locks, stoppers, cable wires, craft wires, craft chains, bring home projects, snacks, handouts and certificate)
Discounts: 5% off for EARLY ENROLLEES * 5% off for Group Applicants **
WE OFFER YOU THE CHEAPEST RATE AND THE BEST COMPREHENSIVE HANDS-ON TRAINING! EARN while you are having FUN! RESERVE A SLOT NOW!
Telephone: 718-2182 / 717-3014 Mobile: 0919-401-1308 Email: createworkshops@yahoo.com (please include name, landline or mobile numbers)
LIMITED SEATS ONLY. FIRST COME; FIRST SERVE BASIS.
May balak manood ng "Ang Lalake sa Parola" ang mga nagniningning na mga diwata ng Tiborxia Team noong Wednesday night, Oct. 3. (kahit napanood na namin ni Alliyah). Pero naantala ito dahil sa gabi ding iyon gaganapin ang presscon ng pinakahihintay at launching movie ng JEMA, ang HIDE & SEEK! Nagkita-kita si Pirena (Al), si Amihan(Me) at si Gurnah(Karl) near GMA. Kumain kami sandali sa 7/11 dahil hindi sigurado ang mga ganda namin kung may dadatnang malalafang doon. Aanhin mo naman kasi ang ganda kung mukha ka namang may ulcer? Am i right Inday?
Matapos kumain ay kumendeng kendeng kaming naglakad na tatlo sa harap ng GMA para maghanap ng taxi. Si Karla Lou na naka face powder ang pinakamagaling kumembot kaya siya ang nakapagpahinto ng taxi na sinakyan namin pasugod sa Imperial Palace Hotel kung saan gaganapin ang nasabing presscon.
Para hindi halata na mga gate crashers, taas noo kaming pumasok ng hotel at pumanhik sa second floor. Bumungad agad ang malaking tarpaulin ng HIDE & SEEK. Nawala ang poise namin at biglang naging palengkera sa tuwa at kinodakan agad ang tarp.
Nasa may bandang pintuan kami at nakita kami ni JENNICA. Pinuntahan agad kami ng maganda as usual na si Nicnic at humalik. Maya-maya lang ay dumating na rin si MART. Ang pogi!!! Parehong nakapangtaas na white ang JEMA. Yun ang color motiff ng damit ng buong cast(kaya pala naka-white face powder si Karla!). Konting shoot ng pics ng JEMA at pinapasok na nila kami para kumain kahit wala na kaming gana dahil kaka-lafang pa lang namin. Sabay naming kumain si Jen samantalang si Mot ay in-interview agad ng GMA reporter. Tumabi rin sa amin si Alessandra Da Rossi. At nagustuhan namin ang ka-kikay-an ni Alex. Baklang baklang nakipagbiruan sa amin!
Si Jen, natutuwa at natupad ang pangarap na magkapelikula. Unang pelikula niya ito at sila pa ni Mot ang bida
Mot & Nic with the "HIDE & SEEK" tarp as background
Ang sexy at very kalog na si Alessandra with Al and Karl.
Maya-maya lang ay nakiupo na rin sa table namin ang Motmot at kumain lang ng soup. Ang mga kamera ng GMA at ABS nakatutok sa table namin!!! Yuko lang kami. Dahil hindi namin dala ni Tivz ang mga maskra naming smileys!!! EEEEEEEEEE!!! Bukod sa JEMA at Alex ay nasa table din namin ang Direktor ng movie na si RAHYAN CARLOS at ang Award Winning na Writer na si GINA MARISSA TAGASA.
JEMA while being interviewed.
Direk Rahyan Carlos habang kinakapanayam
Si Karl naman ay nagpaka-busy magkukuha ng pics dahil may d-cam din siya na pinahiram ni Kuya Jim. Nandoon na rin ang gorgeous mother na parang kapatid lang ni Jen na si Ms. JEAN GARCIA. Namataan na rin namin ang mga artistang bumubuo ng pelikula. At siyempre, mawawala ba sa mga mata namin ang nag-iisang si MOTHER LILY?
Lumipat sa katabing table ang JEMA dahil in-interview sila ng grupo ng reporters. Naglipatan din sa kabilang table ang mga cameras. Haay buti naman. So tuloy ang mission ng mga hitad. picture, picture, picture. Dumating din si Kutz, Paulo Avelino fan na nakisaya sa amin. Thanks Kutz!!!
The very good actress and the beautuiful Ms. Jean Garcia
Mr. Eric Quizon. Hindi muna pala magdidirek si Eric sa Kapuso network after Asian Treasures upang bigyang daan ang pag-aartistang muli this time sa ABS.
Si Valeen Montenegro na taga ABS ay isa sa mga multo sa pelikula.
Ang dalawang bata sa pelikula na nakalimutan ko ang names. Ano nga ba Karl? Basta yung girl na isa rin sa mga multo eh kapamilya sa goin bulilit at yung boy ay commercial model. His latest commercial ay yung Globe.
Maya-maya lang ay nagsimula na ang presscon at naupo sa presidential table ang buong cast. Bago simulan ang tanungan ay pinatay ang ilaw para panoorin ang full trailer ng pelikula. Ang intro dito ni Mother Lily, hindi siya napagkatulog ng two nights dahil sa trailer na ito. Matatakutin pala talaga sa multo si Mother (sino bang hindi?).
Nangilabot kami sa trailer. Nice execution of sound at maganda rin ang editing na parang nanggugulat! Effective naman at nagugulat talaga kami. Pero maganda pa rin kami kahit mukhang gulat huh! Pagbukas ng ilaw, hingi agad ang Tivz ng press kit at dvd ng trailer at binigyan naman siya. Abangan na lang at ia-upload ni Tivz ang panggulat na trailer.
Napansin namin na kakaunti ang exposure ni Mot (as "Joseph") sa trailer (2 or 3 lang yata). It's more of Jennica (as "Nica") since ang pamilya niya ang nakatira sa Bahay na pinagmumultuhan at sila ang madalas makaenkwentro ng mga kababalaghan. At base sa trailer din, eh magaling umarte sa katatakutan ang Jennica. Alangan namang pahuli si Mot.
JEMA with Mother Lily
The cast of Hide & Seek
Sa question and answer, siyempre na-brought up ang condom issue na itinanggi naman ni Jean na sinabi niya at huwag daw maglagay ng mga salita sa kanyang bibig. At higit sa lahat, huwag i-corrupt ang isip ng mga bata. Medyo nagkaroon ng iringan between Ms. Jean at Alfie Lorenzo dahil ipinipilit ni Alfie na mas hahangaan niya si Jean kung aamin ito na totoo ngang nagpayo siya ng ganun. Jean pointed out na hindi talaga totoo at malaki ang tiwala niya sa kanyang anak. Nayku! Ang tensiyon!
Si Ms. Jean habang sumasagot sa condom issue na kanyang pinabulaanan. Once and for all, hindi po totoo ang condom issue na yan.
Siyempre ang halos lahat ng katanungan ay umikot sa pelikula at sa mga characters! Hindi ko na didetalyehin dahil hahaba ng hahaba ng hahaba! Haller! Tingnan nyo na lang sa pix! Yan na yun!
Ang famous writer ng pelikula, Ms. Gina Marissa Tagasa
Pagkatapos ng tanungan ay in-interview pa sila sa kani kanyang table ang JEMA at ang ilang members of the cast. It was our time na makapag-pa-picture sa reynang si Mother Lily. Akala namin ay inisnab kami. Dahil lumayo sa amin. Yun pala, humanap lang ng magandang pwesto, dun sa ang background ay ang food table. Sabay tingin sa amin at sabi na "Dito Ba?". Opo! opo! opo! Sagot ng mga nangangatog pang mga diwata! Suwerte siguro pag ang background ay pagkain! Kaloka! Si GEMMA ang kumuha ng pic namin with Mother! Ansaya naming mga hitad! Si Kutz naman ay pinagtatawanan kami. Bakit daw kami ganoon? Ang sagot namin, kaya nga mga "simpleng fans" eh. hehehe!
Tiborxia with Mother Lily
Mot, Jean & Nic!
Ms. Gina Marissa Tagasa kasama ang mga malalanding Tiborxia Team
Siyempre may pic din kami with Direk Rahyan Carlos. Good job direk!!!
Siyanga pala, dahil kay Tina ay nakilala ni Tivz si Manny Valera na manager ni Nic. At sigurado na ang mga premier night tickets natin. hehehe!
Hinihintay namin si Jean, na in demand sa mga interviewers, para makapgpa-pic with her ang team. Dumating ang time na yun. habang pumipwesto kami ay hinimas ni Ms. Jean ang likod ko at nagsabi na "Nagkita na naman tayo kapatid". Natatandaan niya pala ko ng minsang nagkita kami nila Jen sa Rustan's. At after ng pic taking, sinabi sa 'min ni Jean na kami na daw ang bahala. Basta go lang!
Si Jean habang ini-interview ng staff from GMA news
A dream came true para sa Tiborxia team ang makasama sa pic si Ms. Jean Garcia
Marami pang kodakan ang nangyari bago mag-uwian including a video of JEMA inviting you to watch "HIDE & SEEK". Si Mot, mukhang hyper at haping hapi at kung anu ano ang nasabing pagbibiro sa video. hehehe!
JEMA with the team
Paulo Avelino fan, Kutz with JEMA! Salamat Kutz!
Nauna nang nagbabay si Kutz. May pasok pa ng gabing iyon si Tivz at sumabay na ko sa taxi pa-Edsa. Ang Karir Karl ay nagpaiwan muna with JEMA, Ms. Jean & friends sa Starbucks sa ibaba ng hotel!
Mga suki! Tatapusin ko na lang ang entry kong ito ng pag-iimbita sa inyong lahat! Panoorin nyo ang Halloween Treat ng Regal Films sa ating lahat, ang Hide & Seek showing on Oct. 31! At narito ang video ng invitation ng JEMA. See yah guys sa premier night!
Haay! Parang kailan lang, nangangapa pa sa dilim ang Tiborxia team at naghihintay ng liwanag kung papatok ang JEMA. Pumatok naman sa TV. Ngayon, may pelikula na sila at sana ay tangkilikin din ng publiko.
Hindi ko alam kung san mag-uumpisa... Monday (September 24) pa lang ay sinabi ko na kina thirstytrooper na gusto kong pumunta ng taping ng Boys Nxt Door na kukunan sa KidzWorld sa Dasmariñas, Cavite. Ang problema, may scheduled team building din yung training class namin sa araw na yun sa Los Baños Laguna. I tried to make compromises, eto ang drama:
Unang araw, Monday: Nagda-drama akong masama ang pakiramdam.
Tivz: Guys, I guess I am not able to make it on Saturday.
Echosera 2: Dumating na ata ang nurse sa clinic, andun na rin ata ang resident doctor. Samahan kita. Tara!
Kaya ayun, drama to death ako hanggang Tuesday na masama ang pakiramdam. Walang epekto. Wednesday, ibang drama na naman.
Echosera 1: Nakapag-reserve na kami ng resort. Mura lang, 10K! Pero baka pwede yun sa 6K, kakilala naman yung may-ari.
Echosera 2: Perfect! So guys, all we have to worry now is the food. Dun na lang tayo mamalengke sa Laguna, mura ang mga bilihin dun. Al, ok ka na di ba? Sama ka na?
Tivz: Mahadera ka talaga. I still can't make it. May earlier commitment pala ako sa Cavite. I have to meet an old friend. Mukhang important eh. But I'll try to catch up with you guys in the evening, I guess that'll work.
Echosera 2: Hahabol ka? Hahada ka lang eh! Sumama ka na. Walang kasama si Popeye sa sasakyan nya, puro bag lang dun. Magmumukhang driver yun. Ahahaha!
Echosera 1: San ba sa Cavite? Si Princess Fiona din ata hahabol lang, sabay na rin kayo. May dala rin yung sasakyan. Daanan ka na lang.
Tivz: O cge na. Hindi ako pupunta. Period. No questions asked.
Echosera 2: Ayan. Ayan. Power-tripping ka na naman.
Tivz: Ang aarte nyo eh, sabi ng hahabol na lang. Dami pang satsat. Ehehe. But thanks sa mga sasakyang offer. I-cash nyo na lang kaya ang gasolina! Ahahaha.
Echosera 1: Tara, lamon na lang tayo. My treat. :)
Friday night, ayaw pa rin paawat ni Echosera 2...
Echosera 2: O ano, sama ka na bukas ng umaga ah.
Tivz: Mas makulit ka rin sa akin ano? Kita mo sarili ko lang ang dala ko ngaun? Buti ka nga naka-tsinelas na! Teka, impakta ka! Naka-tsinelas kaaaa???! Umuwi ka nga at magsapatos!
Echosera 2: Ehem. Ehem. Sino boss dito? At isang libo 'tong tsinelas ko noh. At babaeng walang tulog, Pajama party ngaun. Bakit naka-jeans ka? Hala, hubad!
Tivz: Echos. Bsta hindi ako sasama. Kaw na magsabi sa kanila. Tara, treat na lang kita ng kwek-kwek. Bilis!
6AM ng sabado nakauwi na ako ng bahay. 830AM pa naman ang usapan namin nina Bernie, Tala at Karl kaya't makakatulog pa ako. Buti na lang at nagising sa oras kaya't saktong 830AM nasa meeting place na. Ang problema si Bernie dumating ng 10AM, sabi nya umuulan daw. Hindi na namin nahintay si Tala kaya't sa KidzWorld na dumiretso ang bata.
Tiborxia sleeping in the bus headed for Dasmariñas, Cavite.
En-route sa location, sinubukan kong matulog ulit habang nagku-kwentuhan naman sina Karl at Bernie sabay kumakanta. Mga hitad sadyang tinataas ang tono ng kanta para hindi ako makahirit. Palibhasa mga gifted.
The Location. :)
Marky Cielo is Alexis, the Green Zaido. Watch him weeknights on GMA 7.
Kiko Junio is Decdec, Winona's current boyfriend in the afternoon youth-oriented show, Boys Nxt Door.
Mart Escudero, Atom in BND; Isko in Pasan Ko ang Daigdig; and Joseph in the movie Hide & Seek -- is one of the hottest Ultimate Winner of Starstruck 4. :)
the Tiborxia Team with Paulo Avelino and Mart Escudero.
Pagdating sa location. Naabutan naming naka-topless si Marky at nagpapa-pic kina Stef at Glaiza. Ng makalapit na, andun din sina Aljur, Kris, Mart, Jennica, Kiko, Jessie Rich at Paulo. Pagkakita ng pagkita ni Paulo sa akin ganito ang naging usapan:
Paulo: [nakangiti, excited] Oi Al! Nagpaputol ako ng buhok!!! (sabay hawak at turo sa buhok)
Tivz: Nice! Ampogi. Musta? (sabay halik)
Paulo: Ang haba na kasi ng buhok ko eh, pinagupit ko.
Tivz: Gwapo nga eh. Sana nilagyan mo ng wax. Asan na wax mo, aayusan kita.
Paulo: Wala nga eh, hindi ako nakabili.
Tivz: Teka, si Mot meron ata.
Paulo: Wala rin, tinanong ko na kanina. (Lumapit si Stef para bumati.)
Stef: How are you? 3 weeks akong wala rito.
Tivz: Ako 4 weeks hindi nakabisita!
Stef: Kelan yung last?
Tivz: For BND you mean or kay Mart?
Stef: BND. Ahahaha.
Tivz: Yung sa PLM ata.
Stef: Saang PLM?
Tivz: Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Yung school. Wala ka ba dun?
Stef: Ay, wala ata ako dun.
Tivz: Tinatawag ka... Punta ka muna dun. (Binalik ang attention kay Paulo)
Tivz: Hayaan mo na ng ganyan ang buhok mo. Wafu ka pa rin naman eh. (sabay kurot sa pisngi)
Paulo: Tumaba na rin ako. Yes! Yes! (sabay pakita ng muscles sa braso)
Tivz: Honga, pero marami ka pa ring tigyawat! Bwahahaha.
Paulo: Ano pa ba ang bago.
Tivz: Ayan o, ang laki ng tigyawat! Palagyan mo ng concealer mamya. Si Kutz pala dapat kasama ngaun kaso andun sa Pangasinan, may ginagawa ata. Pero baka next week makakadalaw na yun.
Paulo: Pangasinan? Sabihan mo dalhan ako ng tilapia.
Tivz: Huh? Tilapia? Marami ba dun?
Paulo: Oo, marami dun.
Tivz: Cge, sabihan ko si Kutz ah. Ahahaha
Paulo: Ehehe. Wag! Biro lang. Teka, tinatawag ako. Kakain na ata, balik ako mamya.(sabay kuha sa Dolce & Gabbana aviator shades nya at pinahawak sa akin)
the ever-missed, Paulo Avelino.
Paulo Avelino and Aljur Abrenica reading their scripts while waiting for the lunch break.
Jennica Garcia and Mart Escudero had good reviews in Manila Bulletin's sunday (September 30) Issue.
Good Friends. Marky at Mart pet each other's names as "Brad".
Bumalik na rin ang ibang cast ng BND malapit sa tent para kumain. Si Mart at Jennica nagpaiwan dun sa pool area at nakipagkwentuhan kina Karl at Bernie, kakarating lang ni Tala sa mga oras na ito. Ako naman naiwan kung san kami nakaupo ni Pau at binasa yung script nya. Siya pala si Peter, ang mayamang ex-bf ni Winona. Medyo may pagkaangas ang character ni Pau sa BND.
Really Comfortable Friends. Mart and Jennica was a subject of a blind item because of their closeness and sweetness.
Playful Glaiza and Jessie.
Nakaramdam ako ng gutom kaya niyaya ko sina Bernie, Karl at Tala na pumunta ng SM Dasmariñas na katabi lang ng KidzWorld. Gutom na rin ata ang mga hitad kaya't kumain kami sa Tokyo Tokyo. The best ang fried squid! :)
Pagkatapos kumain, tinanong namin kung san ang Starbucks sa SM. Wala pala, sabi ko baka meron sa Robinsons. Magkalapit lang ang SM at Robinsons kaya't pinuntahan na namin. Wala rin palang starbucks dun. Calling Starbucks, lagay na kayo sa Dasma. :)
Pagbalik ng loc, nagte-take na sina Summer at Migs sa may bar. Topless ang drama ni Migs at naka-swimwear naman si Summer. Sina Peter, Decdec, Milo at Winona naman nasa artificial pool na may wave. After ng eksena, iniinterview si Mart tungkol sa blind item nila ni Jennica. Si Kiko naman iniinterview dahil sa issue niyang clepto daw siya. May interview rin kina Kris, Aljur at Mart. Lahat ito mapapanood sa Showbiz Central.
Hindi pa nami-meet ni Tala si Paulo. Kaya't sinundo ko si Pau at dinala sa may poolside kung san kami naka-tambay. Pagdating dun, sakto namang tinatawag sila para mainterview ng mga dumalaw na Press. Promise, ang daming reporters that day! Nakakaloka! :) After an hour, sumenyas ako kay Pau, lapit naman agad. Pinakilala kay Tala at konting picture.
Nasabi ko na dati na nagbibiro si Pau na crush nya si Jennica. Naisip namin ni Pau na asarin si Mart kaya't pinag-pose ko ang dalawa ng sweet. Ang Jennica, mukhang loyal kay Mart. :) Hindi kami masyadong nakapag-usap nina Jennica at Mart that day, puro si Paulo ang inatupag ko. Wala pa namang bagong balita sa JEMA, kaya medyo ok lang. Kay Paulo muna concentratated ang entry na ito...
Tala ang Paulo Avelino. Tala traveled far cavite just to see Paulo. :)
Crazy friends, Paulo Avelino and Jennica Garcia.
4PM ng medyo relax ang lahat. By this time, dumating si Mike (kapatid ni Mart) kaya't nakipagharutan na naman. Andun din si Bem, si Myla na asawa nya at ang kanilang supling. Si Bem ay isa sa mga naunang Martians at ang dahilan kung bakit Martian ako ngaun. Pagkatapos ng munting Reunion, humiga ako sa isa sa mga beachbeds para matulog. Inaantok na ako. Nakatulog for 30mins, pagkagising nakita ko si Pau na nakahiga rin sa katabing beachbed.
Jennica with Bem and Myla.
Tivz: Hindi mo na ina-update blog mo. Nag-oonline ka pa ba?
Paulo: Naglalaro ako parati eh. Ehehe. Noong isang araw ka-chat ko si Rene.
Tivz: Hindi na tayo mapang-abot. Nasa MSN messenger ako parati.
Paulo: Dun din ako, pero parating for downloads.
Tivz: Teka, nasabi ko na bang Mod na si Dave sa iGMA?
Paulo: Talaga? Paano ba maging mod? Eh mod ka na rin?
Tivz: Ako, mod? Asa ka pa. Ahahaha. Dagdag trabaho lang yun. Hayaan ko na si Dave dun, epal naman yun eh. Wag kang maingay ah!
Paulo: Ahahaha. Ang sama mo.
Tivz: May bagong loveteam na pala si Jewel ngaun. Alam mo na ba?
Paulo: Sino?
Tivz: Si Richard Gutierrez.
Paulo: Ano tawag sa kanila?
Tivz: Chardwel. Nung isang araw binisita ko ang thread nila, sabay post na JUPAO pa rin ako. Tawa lang sina Ratz, sinabing pasaway ako.
Paulo: Musta si Juju?
Tivz: Ok lang naman ata. Hindi na rin kami masyadong nagkakausap ngaun. Sina therese, james at jheng parating may balita dun.
Paulo: Hoy teka. Tinatawagan kita noong isang araw, andun ako malapit sa building nyo. Bibili ako ng yellow cab para kay *******, unreachable naman fone mo. Lilibre sana kita. Tivz: Naka-divert ata. Di nga?
Paulo: Oo nga.
Tivz: Waaaaaahhhhhh! (sabay kurot) sayang! Next time magtext ka kung di mo ko matawagan.
Paulo: Parang ako. Ahaha. Sa sun nga sila tumatawag eh, kaso kokonti lang din nakakaalam ng sun number ko. Tivz: Sayang yung treat! Si juju nagtreat din nung isang araw eh. Oi teka, nasa zaido ka pala. Ahahaha. Ang sexy mo dun! Bakat na bakat rin! Panalo!
Paulo: Ahahaha. Napanood mo na?
Tivz: Hindi. Naikwento lang sa akin. Naka trunks ka rin daw dun ah. Bwahaha. Bukol king ka rin pala! Bwahahahaha.
Paulo: Loko! Naiilang nga ako eh.
Tivz: Wushu. Ilang episodes ka dun? Regular ka ba dun?
Paulo: Hinde. Apat ata... lima.. anim.. pito. Ewan, di ko alam. Pero tapos ng i-tape.
Tivz: Sayang, di ko mapapanood. Teka, si Harry ang sexy sa movie nya ah. Ahahaha. Sabihin mo Tiananmen tayo uli.
Paulo: Hindi ko nga alam kung nasan yun ngaun eh. Baka nasa Bicol or baka nasa Boracay.
Tivz: Anong ginagawa dun?
Paulo: Bakasyon ata.
Tivz: Mabalik tayo kay Dave. Ahahaha. Nagtetext pa ba yun sa'yo?
Paulo: Oo, nagtatanong ng updates.
Tivz: Si Kutz?
Paulo: Yup. Pero minsan after 3days ko na narereplyan. Nakakalimutan ko kasi eh.
Tivz: Ang sama mo talaga! Hindi ka lang pala sa akin ganyan. Ahahaha
Paulo: Ikaw kaya ang pinakamakulit na magtext. Tinext ko nga noong isang araw si Kutz tungkol sa play namin eh.
Tivz: Ay oo nga pala, anong nangyari dun? Yun yung sa Bulacan, di ba?
Paulo: Eh hindi naman kayo makakapanood dun eh. Exclusive yun para sa school. Mga elementary. Badtrip nga nung nagperform kami, nawalan ng kuryente, hindi tuloy nila marinig mga pinagsasabi namin ni Jan (Manual). Sigaw lang sila ng sigaw, picture tapos autograph. Sayang nga eh. Maganda pa naman yung moral ng story.
Tivz: Ay, badtrip nga. Pero ok na rin, at least natuwa ang mga bata. Yun naman ang importante dun eh.
Paulo: O, kape. Ang init eh, di ko mainom.
Tivz: Ayoko. Parang hinahanap ka ata. Paayos mo na yang make-up mo ulit. Hindi na pantay, magte-tape ka na after nyang eksena nina Jessie.
Paulo: Uuwi na ba kayo?
Tivz: Hindi pa, mamaya pa.
Paulo: Daanan mo ako pag uuwi ka na.
Tinawag na naman si Paulo para mag-take na sila nina Winona, Milo at Decdec. Nga pala, napikon ako sa biro ni Kiko kaya't dinededma ko buong araw. Bahala ka, Kiko! Kung si Mart nga at si Marky inaaway ko... ikaw pa kaya? Ehehehe. Karl, peace tayo ah. :)
Since medyo malayo-layo ang uuwian namin, maaga kami umalis sa loc. Bago umuwi, nagpaalam muna sa mga naroon at humayo na pabalik ng Manila. Eto ang iilang mga kuha namin with some of the most-loved cast of Boys Nxt Door. :)
Hanggang sa susunod na kwentong Pizza't KidzWorld. :)