Email any comment, suggestion, contribution of article, news or latest buzz to tiborxia@yahoo.com. The blog authors reserve the right whether to publish or not your articles.
Visits
Tracker
Powered by
A Love Story...
Thursday, August 30, 2007
Puro tanong lang, pati sagot tanong. Kung sino ang matatalo, gagawin ang gusto ng mananalo...
Bakit ngayon lang ako nag-blog? Bakit kailangan bang araw-araw may entry? Di ba mas maganda kapag parating mag update ang blog? Bakit, ano ba kasi ang nangyari at walang updates the past days? Kailangan ko ba talagang mag-explain? Pwede namang hindi, di ba? Naayos na ba ang nasirang hard disk ni thirstytrooper? Sa tingin mo magtatanong ako kung naayos na? Yun ba ang dahilan kung bakit wala pa rin ang mga videos ni Marky at Aljur? Di ba nasa digicam pa naman ang mga videos na iyon? So kailangan na lang natin maghintay, ganun? Ano sa tingin mo?
Eh bakit puro tanong ka? Di mo ba nabasa ang unang paragraph? Di ba ang hirap ng ganito? Di ba martyr ka naman?
Kamusta naman sina Jennica at Mart? Eh bakit ako ang tinatanong mo? Di ba may balita ka naman sa kanila? Di ka ba nagbabasa? Di ba sabi dun sa isang news na padala ni pao_sangre eh mukhang totohanan na ang panliligaw ni Mart kay Jennica? Di ka ba nasasaktan? Huh? Bakit naman ako masasaktan? Tanga ka ba? Eh di ba crush mo naman si Mart? At sino naman ang nagsabi sa iyo nyan? Ay, hindi ba totoo? Di ba sinabi ko na sa'yong close friends lang kami? Magkaibigan nga ba talaga kayo? Pwede mo naman itanong sa kanya di ba?
Napanood mo na ba yung A LOVE STORY nina Aga, Maricel at Angelica? Magiging A Love Story ba ang title ng entry na ito kung hindi? Ay, oo nga ano? Nakaka-relate ka ba? Bakit, di pa naman ako kasal at wala naman akong querida ah? Eh malay ko ba, salawahan ka di ba? Ako? Baka sina thirstytrooper at karlandrew ang tinutukoy mo? Bakit? May mga asawa na ba yun? Bakit ako ang tinatanong mo? Chismoso ba ako? Malay ko ba? Sa tingin mo maganda ang takbo ng story? Eh di ba magaling naman talaga sina Aga't Maria? Kung sabagay, pero aminin mo.. Magaling din si Angelica na tinatarayan mo, di ba? OO! Magaling si Angelica!
Kahapon inaayos ko ang template ng blog na ito so I can republish, for some odd reason, di ko maayos-ayos kaya I decided to use a new template. I am not contented with the current look, so expect a few changes in the coming days. Since naging offline ang blog na ito, we were not able to post the 'scheduled' entries. Kabilang na rito ang taping ng BND last August 18, yung SOP last August 19 (Oh, Marco Alcaraz was really HOT!) at ang mga videos ni Aljur at Marky.
Kahapon pa rin, nagtext si Thirstytrooper na nag-crash ang PC nya. Oh my! Di lang yung mga treasured 'private' photos yung possible na mawawala kundi hanggang yung mga office files na rin ni trooper! Inaykupo. Sana magawan pa ng paraan. Ipagdasal nyo po ang hard disk ni trooper! :(
Anyway, he was sending the images para sa blog when this happened. Unfortunately, 10 pa lang yung naipadala, kaya yung 7 na natira (for BND) and all SOP images eh hindi pa naipadala. TRAHEDYA!!!
Again, wala kaming kabalak-balak ni trooper na pumunta ng taping. Nasa Recto ako last saturday morning at naglalaba naman si trooper sa kanila ng magtext si Mart at pumunta raw kami. Minsanan lang yun kung maglambing, kaya go na agad ang mga hitad. Hehehe. Take note, umuulan 'nun! Wala kaming balak na tumagal sa set kaya napagkasunduan naming dumaan lang dun, mag-Hi kay Mart at Jennica then isasama na namin si Mike (kapatid ni Mart) papuntang Ortigas. Dinner! ;p
Umaambon nung dumating kami sa set (BF Homes). Kaya nakisilong kami. Nung maghapon na, nagkayayaan na bumili ng pork bar-b-que sa labas ng subdivision at naulanan! Ehehe. Sarap kumain ng bbq with Papa Jim, Kuya Randy at Dad ni Glaiza! :p Around 7PM ng magpaalam kami sa JEMA, pero ang Jennica ayaw pa kaming pauwiin. Kaya nagkwentuhan na muna at nakipagharutan kay Aljur, Marky, Rich at Kiko.
Eto napagtripan lang, sino mas pogi? Si Mart o yung kuya nya? In all fairness kay Mike, maganda ang hubog ng katawan nito, kaya sabi ko pwedeng mag-model for Mossimo. Calling Mossimo! Ehehe. ;p
Napagkatuwaan namin ang JEMA. Sabi namin malayo pa ang mararating nilang dalawa if they remain focused. Biglang niyakap ni Mart si trooper -- at kinunan ko sila. Sabi nga ni trooper, kung may JEMA... may BEMA! BEMA ang katapat ng JEMA. hehehe. ;)
Sabi ko kay Rich, hindi siya kagandahan and there are times na talagang nagmumukha siyang katulong o di kaya nanay. Humikbi lang at akmang nagtatampo. Hehehe. Anong magagawa ko? Eh talaga namang yun ang napupuna ko sa kanya. That was good criticism. At least, she will be careful. But I love Rich. She'll be better. Mark that! ;)
Si Marky, isa yan sa pinakamalalapit sa akin. Tulad ni Mart, di ko rin yan matiis. Ganyan lang yang batang yan pero sobrang bait nyan. Wala akong masabi kay Bok. Love you, Bok! :)
LOVETEAM naman tayo. Ehehe. Alam nyo na ba na SUMMER ang pangalan ni Jennica Garcia sa BND? Eto pa, ex-girlfriend siya ni Migs na kakambal ni Atom. Ang gulo! Waaah! Though ang sabi-sabi eh yung kalalabasan daw ng BND ay ALKRIS at JEMA. Sana naman hindi kami ginugud-time ng staff ng BND! :( Eto, tingnan nyo nga kung may chemistry ang Aljur-Jennica? Di ba wala??? Wag na kasing ipagpilitan ang idea! Ehehehe.
Though, kung talaga namang ALKRIS ang itutuloy.. aba'y! Two thumbs up ako dyan! :p
Nasa pangatlong thread na ang JEMA sa iGMA. Parang kailan lang. Ang dami na rin ang dumadaan dun at nagcocomment na talagang maganda sa paningin ang JEMA. Natural na natural ikanga nila. Totoo nga ba? Hmmmm... may napapansin ba kayo sa pic ng JEMA? :p
12:01 na, gutom na ako at di ko pa alam kung pupunta ako sa taping ng BND ngayon. Nasa PLM sa Intramuros ata ang taping nila. Nagtext na naman ang Motmot kaninang umaga kaya ewan. Wala si trooper mamya, di ko sure kung pupunta si KarlAndrew. Ang sarap itulog! :p
I'll leave you with Mart and Marky, dalawa sa pinaka-paborito ko. Asan na si ABEL? ;)
Last wednesday (August 22) pag-uwi ko sa bahay, I was about to blog about Alchris Galura but to my surprise, ka-boom! Sira ang blog template! I was filled with anger that night kaya kahit gusto kong ayusin ang template eh hindi gumagana ung utak ko (kung meron man, ehehe). I tried my best (until now) to recover the old template pero di ko magawa (Emman, I need your help!). Kaya eto, I'm using a new 'free' template from the web.
I can still remember the first time we met Al Galura. Third taping day yun ng Boys Nxt Door at nasa Filinvest ang location. Medyo gabi na noon nung nakita namin si Alchris sa tent ni Glaiza De Castro. Sa mga hindi pa nakakaalam, magkapatid si Alchris Galura at ang mabait na si Glaiza. That night, nagbiruan kami ni thirstytrooper na kailangan naming kilalanin yung 'guy'. He's really good looking at natamaan nga kami.. hehehe.. Ano kaya magiging reaction ni Al kapag nabasa nya ito? Naku, magkapangalan pa kaming dalawa! ;)
Four saturdays ago, still sa BND taping (pero ngayon sa BF Homes na ang location) naikwento sa akin ng ama ni Glaiza na nakasama si Alchirs sa Top 12 ng Coke's Ride to Fame. Napangiti ako. Nabalitaan ko rin from thirstytrooper na premyadong actor pala si Alchris. Honestly, I haven't seen him perform yet but I can see great talent and star quality in him. Kaya nga meron siyang entry sa blog na ito, right? ;)
Nakakahiya naman kay Glaiza (at sa dad & mom nila) kung panay ang kwento nila kay Alchris sa amin, at wala man lang kaming maisagot or mai-share kaya I did some browsing. The power of internet! Ehehe. Eto, galing sa igma.tv/ridetofame: "Alchris Galura was named Best Actor in the Cinemalaya 2006 movie Batad sa Sapang Palay. The final twelve’s funny guy bears a cheek-to-cheek smile. He loves the Beatles, the 1960’s music scene and kick-boxing. He’s an athlete, an actor and an aspiring total performer."
Cheek-to-cheek smile pala ah... Alchris, sampolan mo nga sila! Hehehe. Thanks to Glaiza for emailing the pictures. ;)
Browse pa ako ng konti at tingnan natin kung ano pa nga ba meron si Alchris. Kaloka! Nasa imdb.com din siya! ;) Among the his filmography are: [1] Maikling kwento (2007) (as Alchris Galura); [2] Endo (2007) (as Alchris Galura); [3] Seroks (2006)... aka Xerox (Philippines: English title); [4] Batad sa paang palay (2006); [5] Pusang gala (2005) as Jojo, aka Stray Cats (Philippines: English title); [6] Sarong Banggi (2005), Jade, aka One Night (Philippines: English title); [7] Babae sa Breakwater (2004), as Buboy, aka Woman of Breakwater (International: English title).
Share ko lang yung email ni Glaiza at reaction nya sa kalandian namin ni thirstytrooper, "heeellooo guys :) thanks for the posts :) oo naman, ma mi meet niyo din si Al. Pinakita ko na sa kanya yung ginawa niyo. At maraming maraming salamat daw po! :) Hindi rin siya na vote out. Thank God. At sa inyo din po. Keep on keepin' on! Cheerio!" ...
At last nai-upload ko din. Kuha ito nung first taping ni Jennica para sa TBND. At nagkaroon kami ng time para pagsamahin sila ni Mart at bumati sa mga fans na patuloy na sumusuporta at nag-aabang sa pagmamahalan ni Yago at Karen sa "Impostora". Kung mapapansin nyo, si Mart lang ang halos nagsalita at walang ginawa si Jen kundi bumungisngis. Haay! Ganyan talaga yan. Mahiyain kasi. Actually hindi pa nga artista ang tingin nya sa sarili nya. As in wala pa sa isip nya na artista na nga siya. Nagpapaturo pa nga kung ano isusulat pag may nagpapa-autograph sa kanya.
Malakas ang hangin sa Tagaytay kaya medyo mahina ang volume. Pero kahit ganun, yung ngiti pa lang ni Mot na damay pati mata eh sapat na sapat na. Nais lamang nilang iparating ang kanilang taos pusong pasasalamat sa mga tagahangang nariyan para sa JEMA! Tuwang tuwa ang JEMA kapag naikukuwento namin ang mga papuri ninyo sa kanila. Gulat nga din sila. At huwag daw sana po kayong magbabago. Tuloy lang ang kilig para sa JEMA!!!
Medyo marami-rami rin ang magagandang pangyayari kahapon. Nangunguna na ang super light traffic -- the beauty of holiday! At pangalawa, double pay! Hehehe ;) At ang iba... super speechless ako. ;)
Umalis ako ng bahay ng tanghali for a post bday lunch with Papa Jimbo at dalawa sa mga supporters ni Mart. Nag-umpisa yung lunch around 12:45PM at natapos around 6:20PM ngayon ko lang na-realize na medyo mahaba-haba rin pala ang ginugol na panahon for that. ;)
After the lunch umuwi na ako para umidlip. Kakapalit ko pa lang ng damit ng tumunog ang celfone, the inbox read: "From: >>Escudero,Mart". Akala ko reply nya sa naunang text ko but the message read, "Trinoma now na, bilis". A few questions kung anong meron then umalis na naman ako ng bahay na di man lang alam kung anong gagawin sa Trinoma. Pinadala ko rin kay trooper yung text ni Mart since kasali naman talaga siya sa message. Definitely it was not an Impostora taping kasi earlier yesterday na-cancel nga raw yung taping because of some technicalities, though itutuloy ang taping ngayon for the scenes na dapat kahapon kinunan.
Nagkita kami ni trooper sa entrance ng Trinoma from the MRT at di ko pa rin alam kung anong meron. Then nagtext si Jennica na nasa Starbucks daw sila. Huh? Bakit kasama rin si Jennica? Ang gulo! Nasagot lang yung katanungan namin nung andun na kami. Nyak! Wala lang... Kumbaga, Lakwatsa lang. Gusto kong iblog yung sumunod na pangyayari pero sabi si Jen 'wag daw, yun din naman sabi ni Mart. Kaya eto, tiklop yung mga daliri ko. ;(
Eto, yung mga pics na lang ang mangungusap. ;) Yung huling pic, hindi namin kakilala yan, nagpa-pic lang sa dalawa. Tatlo lang ang pwedeng ipost, yung iba di na pwede at baka makalbo ako ni Jen. Eheheh. ;)
Kahapon, nasa Dencio's Megamall ako with Mike (kapatid ni Mart) at thirstytrooper. Nagyayaan lang kasi walang magawa. Nasa taping ng BND si Mike that time kaya dinaanan namin ni thirstytrooper. Umulan, bumagyo game pa rin! By the way, may videos si Aljur at Marky para sa mga fans nila at si thirstytrooper ang nakatokang mag-upload sa tuesday, since holiday bukas.
Sinabi na pala si Mike sa amin ni trooper na birthday ni Papa ngaun, yun nga lang di ko narinig kasi tinuturuan ko si Rich sa set ng BND -- speech lessons; kaya nung sinabi ulit ni Mike sa megamall nabigla ako. Ilang taon na kaya si Papa?
12:25AM, piso na lang load ko -- enough para merong unlitext kaya telepono ni trooper ginamit namin pantawag kay Papa na noon ay nasa set pa ng BND. Tawa siya ng tawa kasi kinantahan namin then biglang nag-blend si trooper. A little way of saying 'Thank You' para sa lahat, rinig namin sa boses niya ang ngiti.
If I could have known this earlier, eh sana nakapagplano pa ng surprise. Kaso yun nga, umiral na naman ang katangahan ko. Kanina nung nasa SOP kami, I was trying to make last-minute arrangements kaso mukhang karamihan sa mga Martians may lakad kaya hindi rin natuloy ang binabalak. Mabuti na lang at holiday bukas kaya't mukhang sa set na lang ng Impostora or somewhere malapit sa location gagawin ang post-bday celebration. ;)
Anyway, all I wanted to say is -- HAPPY BIRTHDAY sa Papa, Kuya at Tito ng mga Martians, JIMBO. ;) ...
Many thanks to JHENG (isa sa napakaraming supporters ni Jewel Mische) for the pictures. Hindi nakarating si thirstytrooper noong sunday dahil puyat from the Boys Nxt Door taping. Umuwi ba naman ng alas-tres ng madaling araw? Many thanks ulit Jheng! ;p
Kung nabasa nyo ang post ko noong Monday (August 13) I was not happy nor satisfied at all with the outcome of Showbiz Central's episode of celebrating the 7th Anniversary of GMAAC in their show for reasons I have already stated. Kung meron mang isang bagay na ikinatuwa ko sa araw na iyon, yun ay makita ang mga talento ng GMAAC na galing sa Batch 4 ng Starstruck. Reunion, kumbaga.
Kuha ang pic na yan the sunday after ng Final Judgement. Yan yung unang pagkakataon na napagsama-sama ko ang mga paborito ko sa iisang pic, minus Mart who was having a last-minute rehearsal that time. After five months, ayan! Reunion ang apat (minus Dex kasi umuwi na...)
Pauwi na kami nyan at nasa lobby na ng Broadway nung na-realize ko na kaharap ko silang apat. Sobrang kulit pa rin ni Lui Perez (wearing green) at super lambing, walang pinagbago. Si Jan Manual (naka-yellow, second from left) super charming pa rin. Earlier that day, nagbiro ako sa kanya ng autograph nang sinabi nyang "Sus autograph ka pa dyan, halika ka na.. kiss na!" Yikes! Ahahaha. Palalagpasin ko pa ba yun? Sa cheeks lang naman. Si Paulo Avelino (naka-orange) was super-super ewan. Can't think of words for him. Love you, Pau! Then yung panghuli na naka pink, si Mart Escudero -- if you frequently visit this thread, you know he is a supernatural being. ;)
Makailang beses na rin kami nakapunta sa Broadway -- during Starstruck, taping ng Master Showman at sa Showbiz Central nga. But that sunday was loaded! Really loaded! It was really a bad idea of doing it at Broadway. Hayyy... Anyway, first time kong makita in person ang no-less than the EVP for Entertainment ng GMA na si Ms Wilma Galvante, as in abot-kaya. Not very striky though yet very respectable. ;)
Umalis kami ng GMA around 1:30 at dumiretso na ng Broadway kasama ang ilang Jewelerz. Pagdating namin sa parking area, sakto namang pababa rin si Aljur mula sa kotse nya at binati kami. Ang hitad na karl, palalagpasin ba ang pagkakataon? Kaya ayun, shoot! Then dumiretso na sa loob ng studio.
Super early ni Aljur, prompt. Pero meron na ring iilang artists ng GMAAC ang nandun -- di ko nga lang kilala ang karamihan. Ang di ko lang makalimutan eh nakaupo si Mike Tan at Rainier Castillo at nag-uusap nung dumating ako. Si Jheng ang pumasok sa isip ko kaya sinundo ko ito para makapag-usap naman sila kahit saglit ni Mike. Ang bait ni Mike, di ba Jheng?
Tatlo ang naging dressing room sa Broadway that sunday. Yung malapit sa backstage, at dalawa malapit sa audience entrance. Nakita ko si Dex Quindoza sa loob ng dressing room na malapit sa audience pero dinedma ko lang, mukha namang busy at may gagawin rin ako. Though nagkausap rin naman kami nung nasa studio area na. Yes, cold ako ngayon kay Dex -- mahabang story.
Minsan ko ng sinabi na sa Batch 4 ng Starstruck, si Paulo ang paborito kong kunan ng picture. Ang kulet kasi at kayang magbago-bago ng facial expression. Kwento ni Karl, si Paulo mismo ang nagyaya para sa iilang shots na nakunan. Hindi ko kilala ang kasama nya dito sa pic sa baba. Sorry, di ko talaga siya kilala.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit super mahal ko si Paulo eh dahil super friends sila ni Mart. Magkadikit na ata ang mga bituka nito eh! Super close din si Mart at si Jan Manual.
Ang hirap hagilapin for a pic si Mart that sunday, nakaupo kasi sa harap ng stage at katabi si Marky. Kaya ang labas, di rin namin nakunan si Marky. Nakakaloka ang dami ng artista... Buti na lang nagkaroon ng pagkakataon nung patapos na ang show. Nagkadikit sina Mart, Jewel at Paulo! Love triangle kaya? Ahahaha. Ayaw!!! Mabuhay ang Jewel-Paulo (JUPAO) at ang Jennica-Mart (JEMA)!
Backstage -- after the show, magkasama si Jennica at Glaiza. Nagkaasaran at sabi ni Glaiza, kunan ko sila ng pic na kita yung mga slits ng gowns nila. Teka, tama ba? slits? Hala... ;) Kaya ayan sa baba ang produkto! Tama nga naman, if you have it then flaunt it!
The saturday before last ko lang nalaman na magkapareho pala ng Manager si Glaiza at Jennica, si Manny Valera. Magaling pumili si Manny, for sure sisikat talaga ang dalawang ito! ;)
Noong starstruck days, ang daming pairs ang lumabas. Merong Mart-Kris, Mart-Stef, Mart-Jewel, Mart-Lizzy, Mart-Rich. Andyan din ang Aljur-Jewel at ang pinakasikat na Aljur-Kris. Magaling si Karl at nakunan ang mga kapartner ni Aljur: si Jewel at si Kris. ;)
I'm not sure kung late dumating si Jewel Mische at Kris Bernal nung sunday. Wala kasi sila sa pre-airing rehearsal. I kept on looking for Jewel that sunday kasi may iaabot. Nagulat ako nung nakita ko siya (finally, after decades) she was putting make-up on her breast and shoulders. Tan effect ata, gusto ng Lumeng-look. ;) But she looks better kapag light ang complexion nya than tan, agree ba kayo?
Nanood ba kayo ng Marimar (airs after Lupin and before Impostora)? Damn, ang galing sobra ni Marian. Di ko akalain na ganun siya ka-effective as Marimar. Literal na hindi ako tumayo sa kinauupuan ko kagabi dahil sobrang na-amaze ako sa kanya. Text ko nga agad si Mart (who happens to have the same Manager as Marian's) at sinabi kong I need to see her! Mukhang magkakatotoo ang sabi ng GMA na she'll be the 'Next Big Star'!
Bukod kay Karen at Yago, inaabangan ko rin si Vanessa at Sara (sa Impostora). Pero ang hindi ko mapigilang humanga eh sa ganda ng hubog ng katawan ni Alfred Vargas. Seryoso, dati pa siyang pa-sexy but I did not appreciate how he looked like. Pero ngayon, ang ganda ng katawan nya -- sakto lang. Kaya lang, ang panget ng shot ni Karl kay Alfred dito oh... ang laki ng butas ng ilong!
Isa pang bad pic -- si Isabelle Oli ba ito? Ang kapal ng labi nya sa pic na ito. Sorry po, hindi sinasadya. ;)
But Rhianne Ramos is soooo gorgeous! At ang galing nya rin sa pelikulang Ouija. Hindi pa nga pala ako nakapag-blog tungkol sa pelikulang iyon. It was scary -- a bit. The fact na mag-isa ko siyang pinanood eh scary na. Ahahaha. But over-all, Sukob is better.
Tuloy ba ang concert ni Billy Crowford? I have not heard of any news about that. Di ba kasali ang Movers sa concert na iyon? Kelan yun? Talking about concert: May concert ang Parokya ni Edgar sa August 31st, P600 ata ang pinakamahal na ticket at it will be at the Music Museum (sana tama ang info ko of the venue). I'm think of watching the concert with trooper and karl -- yun ay kung sasama sila.
Wala ako masyadong naririnig tungkol kay Bryan Termula ah. May album na ba siya? Haayyy naku karl, chikahin mo naman si Bryan sa sunday. Try to get some juicy news!
At sinadya kong ipost ang pic nina Dennis Trillo at Mark Herras sa hulihan. Ang gagwapo nila talaga... Ahahaha.. At super natutuwa na ako kay Herras, panay kulit kapag nagkakasalubong kami. ;)
Ayan, ang gulo ng entry ko ngayon. Ahaha. Pasencya na. Umuulan kasi at ang baha na! Sobrang sarap matulog at magkumot! Kanina lumabas ako ng bahay para kumain ng Goto, mamya champorado na naman! Eheheh.
Sarap din mag-reminisce. Kanina, tinitingnan ko ang laman ng photobucket ko at natatawa sa mga nakita ko. Ehehehe. One-time popost ko rito yung mga nasa baul ko. For now, yung mga wallpapers ni Mart muna. Eto yung nakukuha natin dati when we vote for him. Meron pang video at operator logos. Nakailan kayo nito? ;)
I do not know where to start and if i should even share this. This is actually an entry i should post in my personal blog which i am most likely. If you have read the previous post, you should know that the last taping was in Casablanca, Tagaytay. If not, perhaps you're reading this one first or this may have came first. And as Tiborxia puts it, its so EXCURSION, and indeed it was.
Around late evening during the taping, I was with Jennica and Rich by the poolside at Casablanca watching the rest of the taping. There was also a television set where the finals of Move and Popstar Kids was being aired, including the scenes in BND that was just taped that day. Then we heard some raptured noises, nah just kidding it was some of the staff looking for someone to pose as bartender in one scene. I was approached and asked who could do it and I pointed at Tiborxia who was beside Tito Jimbo, the staff looked back at me (after both Tivz and Tito Jimbo refused the offer) and said "Ikaw na lang..." I was like "WHAT!" I mean what was I being put up for? Anyway I didn't refuse, not that I want to or I didn't -- it was just abrupt that I couldn't react. So I went and was given instructions, then I heard someone yelled "Yun o!" and so I glanced and there was Boknoi teasing, I just scowled and made a face.
The scene was in the bar of the resthouse where I just gave Migs and Atom their cocktails, clean the table and I'm done. So I got dressed and stepped in the apple box. We rehearsed and then we finished the scene in two takes and that was it.
I wasn't aware that Tiborxia was taking photos of it and again I didn't react. Let's just say I was tired, lost and was not really myself. I looked at the pictures and just smiled and I thought to myself, this the first time I did it and it was it no less the the Starstruck 4 Ultimate Male winners, not bad for a first time. The scene is short, I doubt if anyone would even notice.
After that I just went back to where I was seated and continued chatting, I was looking forward to watch the next scene that was about to be taped. Watch BND and you'll know why.
Tagaytay was cold and I enjoyed. I missed that kind of weather, something that I used to have when I still live in Baguio.
Since I'm already given space here, I would like to personally thank Jewel Mische for reading this blog. It was really sweet of you to even let us know. Hope you enjoy our entries. And... just so you know... We read your blog too...
Jennica's First Taping for "The Boys Next Door"...
Tuesday, August 14, 2007
SINGIT LANG SPECIAL by Thirstytrooper
Tatlong dahilan kung bakit sumugod ang Tiborxia Team sa TBND taping last Saturday, August 11. First, this was the first taping day of Jennica matapos ang napabalitang kasama na nga siya sa TBND. Second, Tagaytay ang setting kaya pwede ba namang wala kami? At pangatlo, gusto naming i-video ang JEMA to greet the fans (na successful naman kami at naisakatuparan) na mapapanood nyo in the next entries.
Magwa-1pm na kami nakarating sa Tagaytay. Ang bilis yatang magmaneho ng tricycle driver at lumagpas kami sa aming destinasyon- sa Viewsite Restaurant. Dito yata kinunan ang ilang naunang mga eksena bago lumipat sa napakagandang resthouse na Casa Blanca.
Nakita namin siyempre ang dakilang ama ni Mot, si Kuya Jim. Konting kwentuhan kung bakit nagkaligaw-ligaw kami at niyaya ko nang kumain sila Tivz dahil ginutom talaga kami sa haba ng biyahe. Siyempre sa Viewsite na rin kami nagpasyang kumain at dun kami sa elevated na bahay-kubo pumwesto kung saan kitang kita ang kagandahan ng Taal Volcano. Kadarating pa lang ng inorder naming bulalo nang ibalita sa amin ni Kuya Jim na paparating na si Jennica.
Syempre, hangos si Tivz at Karl upang salubungin ang prinsesa, dala dala ang cam at nakunan ang ilang nakasalubong na artista ng TBND.
Sa aming lugar na rin nag-decide na kumain si Jennica na nag-enjoy sa bulalo. Kitang kita naman sa pic sa taas. In fairness, masarap nga ang Bulalo ng Tagaytay.
Hindi pa nauubos ni Jen ang kanyang pagkain ng sunduin na siya ng staff upang magpalit ng kanyang damit at para maghanda na sa kanyang eksena. Nagkasalisi yata sila ni Mot na biglang dumating sa aming kubo kung kailan wala na siya... palalagpasin ba ng cam namin ang pagkakataon na putaktihin si Mot ng shoot ng pics! Mayamaya pa at sinundo na rin siya ni Kuya Jim sa utos ng staff. Tuloy ang kainan at kodakan namin. sayang ang setting kaya nilubos-lubos na namin kahit kami-kami na lang ang naiwan.
After that, punta na kami kay Kuya Jim na nagyaya na rin na lumipat na kami sa Casa blanca. Si Tivz? sa kotse lang naman ni Marky sumakay. San ka pa? Nung naroon na kami, tumambay kami sandali sa tindahan ng mga pasalubong na malapit sa Casablanca with Kuya Jim. Dumating si Jennica, at nakita siya ng mga tindera at nagsigawan ng "Ay! Si Karen!". Ang mga hitad, handang handa at may sariling cam, naki-shoot na rin ako. At siyempre, alangan namang hindi nila kilala si Yago? Masayang masaya ang mga tindera at dumalaw sa kanilang abang tindahan ang dalawang young bida ng top rating na "Impostora"!
Ilang harutan with the tinderas, after that ay go na kami sa Casa Blanca. Grabe, napakaganda! At ito ang ilan sa aming mga magaganda at nagugwapuhang inabutan.
Si Stef. Ang bait ng nanay ni Stef. Nakakwentuhan ko ng matagal. Sumakit ang ulo ko kinahapunan at Mommy ni Stef ang nagbigay sa akin ng gamot. Thanks po! No wonder mabait din si Stef.
Si Justin. Kuya! Germs!!! Yun lang po masasabi ko. Nga pala, that morning andun sa set si Justin ngunit nawala rin kinahapunan. I wonder kung anu ang nangyari kay Justin...
Si Aljur. Effective ang Aljur sa mga candid shots katulad nito.
Jennica while studying her script with Rich. Friends na sila. Obvious ba?
Haaaayyyy Marky! Pogi pa rin kahit nakatulog sa puyat! masipag na bata!
Hindi namin natapos kunan ang lahat dahil nagsimula na ang taping at ang mga ito ang aming nasaksihan:
Nagtatago yata si Mot sa likod ni Benjie Paras dahil sa sikat ng araw. hehehe!
May eksenang magkakasama ang ALKRIS at JEMA! Kamusta naman kaya ang tension dito?
Mukang maganda ang episode na ito ng BND. Ramdam ang tensiyon.
Mukhang pwedeng maging leading lady rin ni aljur si Jennica? What Can you say? Ay! Wag na, magagalit ang reyna ng mga hathor! At baka magpawala ng apoy!
Siyempre, mas bagay ang JEMA! O di ba?
Eksena sa sala. Marunong nang mag-zoom si Karl! Congrats! gumagabi na by this time.
Break! It's time para sa marami pang kodakan!!!
Jennica with guest, Aileen Luna (not sure sa spelling, sorry!)
I never imagined that i will be this close to Jen. Thanks friend!
With Glaiza. Mabait at magaling na bata. We promised her that we will provide a space for her brother Alchris Galura here in our blog. Kasali po kasi ang bro nya sa Coke's Ride To Fame.
With poging Jessi! Ayos ba 'Tol?
Jessi's partner on-screen, Kiko. Mukhang heaven na heaven ang Karl ah?
Ang Lagay si Karl lang. Ako rin, with Marky. Bait talaga ni Marky!
Papatalo ba si Tivz? With Marky and Kiko! Ang landi ng hitad na ito! Pinagsabay ba naman si Kiko at Marky?! Hmpf!
Group picture!!!
Charming with Tivz. Ano na kaya ang kahihinatnan ng career ng batang ito sa GMA? Manager din kasi niya si Becky. Sayang at magaling na bata pa naman.
Ilan pang mga eksena:
Last scene ni Kiko!
Again, Jen & Rich! Hoy!!! Mahipan kayo ng hangin!
At siympre! Alangan namang walang pic ang JEMA! Abangan ang pag-iibigan ni Summer (Jennica) at Atom (Mart) sa TBND!!! Ang role nga pala ni Jennica ay isang very free spirited girl na balikbayan at ex-girlfriend ni Migs. Ang episode na ito rin ang magwawakas, tutuldok, at tatapos sa love angle between Atom at Coffee. Oh? Hindi kami ang umisip ng istorya niyan ha?!
Natapos ang taping nang pasado alas dose. At doon lang nagkasarilinan si Jennica at Mart. Sabay silang kumain at hinintay ni Mot na matapos ang pagliligpit ng mga gamit at maisakay sa GMA OB Vans. Naipit kasi ang kotse ni Jennica at hindi makakaalis hanggang hindi lumalakad ang mga OB Vans. How sweet of Mot! Siyempre, pati kami maghihintay dahil hinihintay namin sila.
Derecho takbo ang SUV ni Kuya Jim sakay ang team at si Mot pauwi ng Manila. Tulog kaming lahat sa pagod. Ibinaba kami ni Kuya sa Boni at dun na kami naghiwa-hiwalay. Ang saya ko nang bago ako bumaba ay binanggit ni Mot ang name ko habang aandap-andap dahil nagising siya nu'ng pababa na kami. 'Yun ang way nya ng pag-papaalam. Ang sabi ko naman, Mot! sabay tapik sa balikat.
Nakauwi ako ng magti-3AM. Bago ko matulog, nagtext pala si Jen saying thank you at ingat.